“Nag-email sakin ang prof natin na kailangan daw may mga pictures tayo doing the projects together as well as the activities to prove na talagang nakikipagcooperate ang isa’t-isa” mahaba kong litanya.
“So, anong plano mo?” tanong ni Jeremie.
“Sabihin mo lang sakin kung saan, kailan at paano, akala ko kasi ayaw mo na makita ang pagmumukha ko eh kaya I’m doing the projects alone, backup ko kung sakaling hindi mo ako sinama sa credits” paliwanag niya.
Sa totoo lang nagulat ako dahil all this time iniimagine ko lang siya having a good time habang ako hirap na hirap sa pag-iisip ng pwede naming gawin sa project. And honestly blangko utak ko sap ag-iisip hindi ko alam kung bakit.
“Sige, ganito.. I’ll drop my ideas, you drop yours, kung alin mapagkasunduan na gagamitin yun ang gagawin natin” sabi ko.
“Ok fine” sabi niya. At inisa-isa na nga namin ang bawat ideas having a bottle of beers. At hindi namin namalayan na nakarami na pala kami. At hindi ko na rin namalayan na alas dos na pala ng madaling araw. First time ko abutin ng ganoong oras sa labasan kasama ang isang completely stranger.
“Sandali magpapaalam lang ako sa boss ko para makauwi na tayo.” Sabi ni Jeremie
Tipsy na ako dahil hindi naman talaga ako umiinom ng hard drinks.
Maya-maya lumapit sakin si Pam.
“Kaano-ano mo si Jeremie?” tanong niya, tanong na may halong inis ramdam ko.
Maganda si Pam hindi maikakaila. Nginitian ko siya sabay hawak sa kamay niya.
“We’re classmates, hinahanap ko siya dahil sa may mga kailangan kaming gawin para sa project namin sa school. Hindi kami talo” paliwanag ko. Sabay kindat.
Nailang sa akin si Pam siguro naramdaman niyang hindi lalaki ang gusto ko. Kahit hindi ako person goer ay marami na rin akong nagiging girlfriends. Yung iba hindi ko naman talaga gusto pero minahal ko ng totoo.
“Tara na” biglang lapit ni Jeremie. “Huwag mong takutin si Liza, Pam” sabay ngiti ni Jeremie.
“Ingat kayo, ipahatid mo na lang siya sa taxi kung saan man yan nakatira, mukhang hindi na niya kayang magdrive pa” sabi ni Pam
Inakay niya ako palabas ng bar. Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at dire-diretso ako sa sasakyan ko na nakaparada. Umupo agada ko sa driver’s seat at yumuko.
“Ano kaya mo ba magdrive?” may pag-aalala sa boses ni Jeremie.
“Ako na magdadrive, ihahatid na kita” sabi pa ni Jeremie.
Hindi ako umiimik parang wala na rin akong lakas para tumanggi pa sa kanya. Binuhat niya ako at inilagay sa front seat at siya naman ay pumuwesto na sa driver’s seat. Kinaya niya akong buhatin kahit sa totoo lang ay may kabigatan ang mga muscle ko dahil mabibigat ang mga trainings ko dahil minsan sumasali ako sa mga Olympic game sa school dagdag points sa grade.
Namalayan ko na lang na kinakapa na niya ang bulsa ko.
“Ano ba! Anong ginagawa mo?” sigaw ko akma ko siyang susuntukin.
“Relax ka nga lang, andito na tayo sa bahay niyo at hinahanap ko yung susi ng bahay niyo” paliwanag niya.
Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit ng ulo ko, masama tama ng beer sakin. Siguro dahil nakalimutan ko ng lagyan ang sikmura ko kanina ng pagkain dahil sa kakahanap sa address niya.
“Sorry” sabi ko sabay bigay ng susi sa bahay namin.
Inakay niya ako papasok sa loob ng bahay namin at hiniga sa sopa. Pumunta siya sa kusina para magtimpla ng kape, gising ang diwa ko kahit lasing ako kaya alam ko lahat ng ginagawa niya.
Maingat na nilapag ni Jeremie ang isang baso ng kape sa lamesita.
“Liza? Liza? Inumin mo muna itong kape para mahimasmasan ka” wika ni Jeremie
Dahan-dahan akong tumayo at ininom ang kape. Nakapikit itong sumandal sa sopa.
Napatitig si Jeremie kay Liza. Mahaba ang itim nitong buhok, mahaba ang pilik-mata at katamtaman ang tangos ng ilong.
“Ang ganda mong babae, hindi halatang lesbian ka” isip-isip niya. Naririnig niya lang naman ang usap-usapan sa mga schoolmate nila na lesbian si Liza,at may isa siyang kaibigan na nagpatunay noon. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa babae, ang labi nito ay mapula na para bang laging nag-aanyaya ng halik. Dahan-dahan niya itong hinalikan. Maiksi pero madiing halik.
Napailing siya, ano ba itong ginagawa ko. Kumuha siya ng kumot sa kwarto at ikinumot yun kay Liza. Iniisip niya kung aalis ba siya o iiwan sa ganoong kalagayan. Walang maglalock ng pintuan at gate kung lalabas siya. Saka alanganing oras na rin wala na siyang masasakyan pa, unless hiramin niya ang kotse ni Liza kaso baka bukas kasuhan na siya nito ng carnapping.
Pinili niyang magstay, at sa lapag na lang siya natulog.
Kinabukasan pagkagising ko, masakit na masakit ang ulo ko, naaalala kong hinatid ako ni Jeremie pauwi gamit ang kotse niya pagkatapos noon wala na akong maalala pa. Maya-maya pumasok si Aling Mameng, schedule nga pala nya ng paglilinis ngayon.
“Umalis na yung lalaking kasama mo dito kagabi, ginabi daw kayo sa paggawa ng school project kaya dito na siya nakatulog. Bago siya umalis nagluto siya ng sinigang para daw paggising mo may makain ka agad” mahabang paliwanag ni Aling Mameng.
Nakita ko ngang may luto ng ulam at kanin sa kusina, mainit-init pa ito at halatang kakaluto lang. Nakita ko din na may nakadikit na sticky notes sa ref, may nakalagay na cellphone number doon pero number daw iyon ng kahera nila dahil wala naman siyang sariling cellphone.
Pagkatapos ng isa pang araw, reporting days na naman namin at muli na namang pinaalala ng prof ang school project na kailangan naming gawin para sa paghahanda sa face to face classes. Late na naman sa klase si Jeremie. Nung uwian na ay inaya ko itong muli sa bahay para pagusapan ang gagawin naming activity. Dumaan kami sa grocery para bumili ng makakakain habang dinidiscuss ang project. Kailangan na naming madaliin ang lahat dahil gahol na kami sa oras.
Pagdating sa bahay, nagluto muna ako ng merienda habang si Jeremie naman ay hinanda na ang presentation sa laptop ko. Napagkasunduan namin na ang gagawin naming activity ay gumawa ng charity sa Bahay na Walang Hagdan Foundation at sa mga bata sa ilang ampunan which is idea lahat ni Jeremie.. Kanya kanya kami ng lista sa kung anong pwedeng gawin at mga bagay na dapat bilhin. Komportable kaming nagbibiruan at nagtatawanan paminsan-minsan habang gumagawa.
Natapos namin ang first presentation ng alasiyete ng gabi. Muling akong nagluto ng hapunan habang nagliligpit naman ng gamit si Jeremie. Napagpasiyahan namin na magkwentuhan pagkatpos kumain, nagdala kami ng beer sa beranda ng bahay at doon tumambay.
“Hindi ka ba natatakot dito? Ang laki ng bahay mo tapos mag-isa ka lang dito” tanong sakin ni Jeremie.
“Sanay na ako na laging mag-isa. Ang mga magulang ko laging nasa business trips abroad, may dalawa akong kapatid parehas nasa amerika nakatira may kanya-kanya ng pamilya” sagot ko
“Ang swerte mo naman wala kang intidihin kung di pag-aaral mo lang. Nakukuha mo pa lahat ng bagay na gusto mo” sagot naman ni Jeremie.
“Ikaw? Kasama mo ba ang mga magulang mo sa tinutuluyan mong apartment?” tanong ko sa kanya.
“ Wala na akong mga magulang, namatay sila sa isang car accident. May kaya lahat ng kapatid ko pero mas pinili kong maging independent sa kanila para wala silang maisumbat sa akin.” Malungkot na sagot ni Jeremie.