CHAPTER 5 - FIRST KISS

1272 Words
Pinagmasdan ko si Jeremie, sa likod pala ng gwapo nitong mukha na akala ko suplado eh may tinatago din pa lang malungkot na kwento. At namalayan na naman namin na alanganin na naman ang oras kaya dito ko na pinatulog si Jeremie sa bahay. Hanggang sa ang pagtambay at pagtulog na iyon ay nasundan pa ng maraming beses. Naging mabuti kaming magkaibigan, naging komportable ako sa presence nito. Lalo akong humahanga sa araw-araw na mas nakikilala ko pa ito. Pero para sa sakin, isa parin akong pusong lalaki na nasa katawan ng isang babae at para lang sa babae, kaya lahat ng nararamdaman ko para kay Jeremie para sa sakin ay isang platonic love. Kulang na lang ay dito na ito sa sakin tumira, dahil madalas ito na ang naglilinis ng bahay namin at namamalengke para sa sakin. Kulang na lang ay ipaglaba siya ito. Natutuwa naman siya dahil hindi na siya naboboring sa malaking bahay niya. Madalas din doon tumambay si Alex, doon sila gumagawa ng lahat ng activities nila sa school. Kapag pupunta si Jeremie ay pinapapunta din niya si Alex, para lang walang masabi ang mga katulong, akalain na may ginagawa silang milagro. “Alex ikaw naman ang magluto pwede?” sabi ni Liza. May tinatapos lang akong story kailangan ko na kasi itong ipasa, nag-aupdate na kasi ang mga readers sakin. “Sige, papatikim ko sayo ang special recipe ko” ani Alex Maya-maya lumabas sa banyo si Jeremie, nakatapis lang ito ng tuwalya at kitang-kita ang mamasel nitong katawan. “Ayyyyyyy!” sabay kaming napatili ni Alex sabay takip ko ng mata samantalang si Alex ay halos lumapit pa. “Pwede ba? Kapag lalabas ka ng banyo galing sa paliligo magtapis ka naman!” galit kong sabi. “Masyado ka na yatang komportable dito sa bahay, napupuno na ng damit mo yung guest room!, Dito ka na lang kaya tumira!” paismid kong sabi. “Ay, bet! Ako din dito na titira!” malanding sabi ni Alex “Tumigil ka, bakla ka!” pinandilatan ko ng mata si Alex “Bakit ba patakip-takip ka pa ng mata? Akala ko ba macho ka rin?” pang-aasar sakin ni Jeremie habang nagbibihis sa harapan mismo namin. “Kung wala lang ako sa katawan ng isang babae, nakatikim ka na sakin ng suntok!” Inis kong sabi sabay walk-out. “Ay, hala lagot ka ininis mo siya, demon power arise.. grrrrrr… “ asar ni Alex kay Jeremie “Lesbian ba talaga yang friend mo?” tanong ni Alex “As far as I know, mula ng makilala ko siya, Oo.” Sagot ni Alex “May mga naging girlfriends na siya, yung iba iniyakan niya pa” dagdag pa ni Alex “Ah ok, sayang naman ang ganda niya” sagot ni Alex ng pabulong “Ano?! Anong sabi mo?” tanong ni Alex “Ah wala! Wala! Kako ang ganda mo! Magluto ka na nga!” sagot ni Jeremie Habang nagluluto si Alex ay pinuntahan ako ni Jeremie sa lawn, nakatambay ako sa ilalim ng puno na may nakakabit na duyan. Umismid agad ako sa kanya. Natawa siya sa asta ko na akala mo batang natalo sa pakikipaglaro. “Umuwi ka na kung aasarin mo lang ako” inis kong sabi “Sorry na, di na mauulit ok?” palambing na sagot ni Jeremie. Napangiti ako sa itsura nito na akala mo batang humihingi ng sorry. Ewan ko ba bakit hindi ko magawang magalit sa kanya. Siguro ganoon na kalaki ang investment ng friendship namin sa isa’t-isa. “Tara pasok na tayo” aya ko sa kanya. Every weekends dito sa bahay natutulog sila Alex at Jeremie kaya iniba ko ang schedule ng pagpunta ng mga katulong sa bahay para wala silang isipin na hindi maganda at baka maireport pa nila ako sa mga magulang ko. Tulad na lang ng araw na iyon. Pagkatapos kumain ng dinner ay naisipan naming magkwetuhan ng katatakutan habang nasa sala. Si Alex ang nagkukwento, sa totoo lang matatakutin ako pero magkasalungat kami ng pinsan kong si Alex.Kada pupunta siya sa bahay horror movies ang pinapanood niya or nagbabasa naman siya ng mga horror pocketbooks. No choice ako kundi sabayan ang mga trip niya. Habang nagkukuwento siya at nagsimula na naman gumana ang imagination ko sa bawat linyang sinasabi niya. Hanggang sa nagtatayuan na naman ang balahibo ko habang si Jeremie ay seryosong nakikinig sa kanya. “Taman na nga iyan! Baka di na naman ako makatulog niyan eh!” sabi ko “Manood na lang tayo ng movies at pwede ba pahinga muna sa horror” dagdag ko pa Akmang tatayo na ako ng biglang namatay ang ilaw, blackout pa yata! Takot talaga ako sa dilim nanginginig ako sa mga ganitong sitwasyon. Nyctophobia daw ang tawag sa case ko. At alam iyon ni Alex. “Liza are you ok?” tanong nito na kinakapa kung nasaan ang pwesto ko. Mabilis nitong kinuha ang cellhone para sa flashlight at tinutok sa akin. Para akong naghihina at napaupo na lang na napayakap sa sarili, ramdam ko ang panginiginig ko. “Hug her please!” sabi ni Alex kay Jeremie. “Hahanapin ko lang ang breaker sa likod bahay at papaandarin ko lang yung generator” sabi pa nito. Pinaliwanag nito kay Jeremie ang klase ng phobia na meron ako. “Andito lang ako, hang on ok?” pilit akong pinapakalma ni Jeremie habang nakayakap sa akin Nanginginig ang laman ko sa takot pero may bagong sensasyon akong naramdaman na bago ulit sa pakiramdam ko. Kahit madilim ay alam kong magkalapit ang mga mukha namin dahil nararamdaman ko ang malalalim niyang buntong-hininga. Ang init ng katawan niya. Alam kong pigil na pigil si Jeremie para halikan ako. Panay ang hinga niya ng malalim para mawala ang kanyang nararamdaman. Pero nagulat siya ng dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi niya at kinapa ang labi niya sa dilim, at kahit madilim alam kong nakaharap ito sa akin. Unti-unting naglapat ang mga labi namin. Isang mahaba at matamis na halik ang naramdaman nila parehas. Matagal nilang pinagsaluhan ang halik na yun na para bang uhaw ang isa’t-isa. Samantalang ako naman ay ramdam na para bang may libo-libong boltahe ng kuryente ang gumapang sa katawan ko. Naglakas ako ng loob na halikan ito dahil pakiramdam ko iyon ang hinihingi ng katawan ko. Hanggang sa biglang bumukas ang ilaw, may kuryente na. Bigla kaming patulak na naghiwalay at sabay na nagsabi ng…. “I’m sorry!” sabay naming sabi. At iyong tagpong iyon ang naabutan ni Alex. “Oh! Anong nangyari sa inyong dalawa bakit kayo nagsosorry sa isat-isa?” nagtatakang tanong ni Alex. “May tumalon na pusa sa breaker kaya bumaba iyon at nawalan ng kuryente” paliwanag ni Alex. “Para kayong nakakita ng multo ah!” nanunukat ang mga tingin ni Alex sakin. “Ah wala, ano kasi, naapakan ko siya kanina habang madilim kaya nagsosorry ako” ako na lang ang humanap ng palusot dahil nakatulala si Jeremie at mukhang mabibisto pa yata sila. “Sige na, aakyat na ako sa kwarto ko para matulog, tara na Lex tulog na tayo” Aya ko sa pinsan ko. Magkatabi kami ni Alex natutulog at sa guest room naman si Jeremie natulog. Mabilis kong hinatak si Alex papunta sa kwarto. Samantalang si Jeremie naman ay nakatulala parin habang unti-unting hinawakan ang labi niya. Kinurot niya ang sarili. Panaginip ba ito? Lesbian si Liza pero ano itong naramdaman niya? Bakit si Liza ang unang humalik sa kanya samantalang siya ay nagpipigil na mangyari iyon? Ano bang gustong patunayan ni Liza sa sarili? At buong gabi siyang hindi nakatulog dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD