CERISE HINDI ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang tinitignan ang pagtaas ng numero na nakikita ko sa indicator ng elevator. Excited ako dahil ikakasal na ako pero natatakot ako dahil ngayon ko balak sabihin kay Angelo ang tungkol sa ama ko. Naniniwala akong maiintindihan niya ako. Alam kong magugulohan siya sa simula at possibleng dadaan kami sa mahirap na proseso pero handa akong tiisin ang ilang buwan o taon na pwede niya akong kamuhian. Ang importante ay makasal muna kami at pagkatapos ‘nun, saka ko sasabihin sa kanya. Alam kong napaka-selfish ng balak ko pero mahal ko si Angelo at buo na ang desisyon ko. Balak kong ikulong siya sa kasunduan ng kasal para kahit malaman niya ang katotohanan, mapipilitan siyang tanggapin ako bilang asawa. Inaasahan ko na sa pagdaan ng panahon ay ma

