bc

Dirty Secrets

book_age0+
4.9K
FOLLOW
38.6K
READ
fated
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Handsome, Rich and Gentleman – ’yan ang

tatlong katangiang makikita kay ANGELO CRUZ

ngunit sa likod ng kanyang kagilagilalas na

katangian ay ang isang taong naghahangad ng

pag-uunawa at pagmamahal.

Man hater – pinili ni CERISE

ROMIJN BERNARD na umiwas sa mga lalaki dahil

inisip niyang hindi madaling tanggapin and madilim

niyang nakaraan.

Two people met and the story begun.

Kaya ba nilang tanggapin ang bawat isa

pagkatapos mabunyag ang kani-kanilang

sekreto?

This is another story of the Adonis

series, and in this story, let us unfold

the untold DIRTY SECRETS of

Angelo Cruz and Cerise Romijn Bernard.

chap-preview
Free preview
Prologue
ANGELO NAIINIS akong nagmaneho patungo sa kung saan man ako dadalhin ng wisyo ko. Magulong-magulo na ang utak ko dahil mas gusto kong sumbatan ako ni Dad dahil sa pagkamatay ni Angela at Mommy, kaysa tratuhin niya akong parang bula. Narating ko ang isang lumang tulay kung saan naririnig ko ang malakas na agos ng ilog sa kalagitnaan ng kadiliman. Para itong isang musikang hinihikayat akong tumalon sa tulay. Ito na siguro ang sagot sa lahat. I can’t live another day knowing that I should be the one who died in that tragic night. Ayoko nang mabuhay na walang silbi, na walang paroroonan, na nababalot sa mapait at malagim na nakaraan. Inakyat ko ang railings ng tulay at dinaramdam ang malamig na simoy ng hangin. Subalit natigilan ako nang may marinig akong isang boses ng babaeng umiiyak. Agad akong napalingon sa babaeng naking tagiliran. Nasa railings na rin siya gaya ko at mukhang magpapakamatay din. "Miss," tawag ko sa kanya. "Lumayo ka sa akin!" umiiyak niyang sambit. Agad akong kinabahan nang marinig ko ang tinig niya. Pamilyar ang boses niya kaya sinubukan kong lumapit. "Miss, kung anuman ang pinagdaanan mo, pag-usapan natin,"saad ko. "Huwag kang lumapit!" bulyaw niya sa akin, "pabayaan mo ako." "Miss, kausapin mo muna ako," saad ko habang patuloy na lumalapit. Akmang tumama ang ilaw mula sa buwan sa kanyang mukha nang lumingon siya sa akin. Siya nga! Hinding-hindi ako maaaring magkamali. Mga dalawang buwan ko rin siyang hinahanap at hindi ko inakalang sa ganitong sitwasyon kami magkikita. "Walang kwenta ang buhay ko!" iyak niya, "mas mabuti pang mamatay!" Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil ang alam ko, tinulongan ko siya noon pero bigla na lang siyang nawala. "Miss," sa pagkakataong ito, malapit ko na siyang mahawakan, "pag-usapan natin, 'to." "Ang dumi-dumi ko," nanglumo siya, "gusto ko nang mamatay." Hindi na ako nag-aksaya ng oras nang mahawakan ko siya. Agad ko siyang hinila upang sabay kaming bumagsak sa lupa. "Bitawan mo ako!" nagpupumiglas siya pero ayoko siyang bitawan dahil baka maisipan niyang umakyat ulit sa railings at tuloyang magpakamatay. Batid kong kasing edad niya si Angela, ayokong masayang ang buhay niya tulad ng pagkasayang ng buhay ng kapatid ko. "Aaagh!" pumilipit siya habang hinawakan ang kanyang tiyan kaya agad akong nataranta. "Bakit? A-anong nangyari?" tanong ko pero hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil agad kong napansin ang dugo sa hita niya. "s**t! Bakit ka dinudugo?!" "Aaah! Ang sakiiiiit!" sigaw niya kaya agad ko siyang kinarga upang dalhin sa ospital. _________________________________________ "Angelo? Sino siya?" tanong ni Mark, ang doktor na nakakatandang kapatid ni Marco. “Nagtangka siyang tumalon sa tulay kaya pinigilan ko siya ngunit nang bumagsak kami sa lupa, bigla na lang siyang dinugo,” paliwanag ko. "Sige, ako na ang bahala sa kanya," tapik niya sa balikat ko. Ayoko siyang iwan dahil marami akong gustong itanong sa kanya. Anong nangyari sa kanya at bakit siya nagkakaganito? "Siya po ang nagdala ng pasyente dito," narinig ko ang nurse na ipinakilala ako sa isang medyo matandang ginang. "Salamat sa tulong mo, hijo," saad ng ginang saka ko napansin ang unipormeng suot niya na may nakalagay na ‘social worker.’ "S-sino siya?" tukoy ko sa babaeng dinala ko sa ospital, "bakit niya gustong magpakamatay?" "Isa siya sa mga tinutulongan ng center," sagot ng ginang. "Bakit? Anong nangyari sa kanya?" tanong ko. “Biktima siya ng human trafficking at batay sa kwento niya, ibinenta siya ng mismong tiyahen niya,” paliwanag ng ginang, “napag-alaman naming sa isang pangkat ng mga kalalakihan siya naibenta kung kaya gang-rape ang nangyari sa kanya. Naawa nga ako sa batang ‘yan dahil wala na nga siyang kapamilya, nagbunga pa ang panghahalay sa kanya.” Hindi ako nakapagsalita sa nalaman ko dahil ang buong akala ko ay nagawa kong pigilan ang pangyayari noon. Magtatanong pa sana ako pero biglang dumating ang doktor. “Doc, kumusta na si Cerise?” agad na tanong ng ginang. ‘Cerise pala ang pangalan niya,’ sa isip ko. “Ligtas na siya,” sagot ni Dr. Mark, “but we lost the baby.” “Diyos ko!” napatakip ng bibig ang ginang, “kawawa naman si Cerise, doble trauma ito sa kanya.” I suddenly felt a sense of purpose. Gusto ko siyang tulongan. Gusto kong ibigay sa kanya ang atensyon, pagmamahal at kalingang hindi natamo ng aking kapatid. From now on, she will have everything that Angela should have. "Anong pwedi kong gawin upang masuportahan ko ang pagpapagaling niya pati na rin ang maganda niyang kinabukasan?” tanong ko sa ginang. "Anong ibig mong sabihin?" gulat niyang tanong. "Sasagutin ko ang bahay, pagkain, pag-aaral pati na rin ang mga kailangan niya sa pang-araw-araw," malimit kong sagot. "Bata ka pa para mang-ampun," saad niya. "What if I’ll hire you to adopt her?" mabilis kong tanong, "bibigyan kita ng sweldo buwan-buwan. Ikaw ang tatayong ina niya at sasabihin mo sa akin ang lahat na pangangailangan niya." "Gwapo ka at bata ka pa para maging sugar daddy," sagot niya. "Fifty thousand pesos ang magiging sweldo mo buwan-buwan, libre ang bahay, pagkain at kuryente. Ang trabaho mo lang ay siguraduhing maayos ang buhay niya at mabibigay sa kanya ang lahat ng kinakailangan niya," agad kong alok. "Katorse anyos lang si Cerise, anong kapalit ng tulong mo?" saad niya. "Then you have 4 years to make sure she is ready to be legally married to me," walang pakundangan kong saad. "Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo?" gulat niyang tanong. "I've never been so sure in my whole life," pinako ko ang tingin ko sa pinto ng operating room. "Hindi biro ang pagpapakasal. Dapat mahal niyo ang isa't isa," mahinahon niyang sambit. "Then I will make her love me," tumingin ako sa kanya, "dadaan ako sa panliligaw at gagawin ko ‘yun kapag nasa tamang edad na siya. Just don’t tell her who I am. Ayokong mapilitan siyang gustohin ako dahil lang sa mga binibigay ko sa kanya. I want her to love me as I am." "Paano kung may mamahalin siyang iba?" tanong niya. "Then make sure it will not happen," saad ko habang namulsa, "payag ka na ba?" Huminga siya ng malalim saka sumagot, "kailan ako magsisimula?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Favorite Subject

read
217.9K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.8K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

His Property

read
946.6K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook