Chapter One

1851 Words
CERISE PINAGPAPAWISAN akong bumangon. Muli ko na namang napanaginipin ang pangyayari noon. Hindi ko man maalala ang kanilang mga mukha, ramdam ko pa rin ang takot sa gabing ‘yun. ---flashback--- Nagsisayawan ang pula, berde, dilaw at azul na mga ilaw sa kalagitnaan ng dilim habang sinasabayan ito ng paggiling ng mga nakahubad na babae sa entablado. Dito ako dinala ng aking tiyahin, ang kapatid ng yumao kong ina. "‘Yan na ba ang sinasabi mo, Melba?" tanong ng baklang sumalubong sa amin. "Oo, siya nga," sagot ni Tiya Melba. "Paupoin mo na siya doon," utos ng bakla, "tamang tama, may mga anak-mayamang customers. Tiyak malaki ibabayad nila sa virgin." "Makukuha ko ba agad ang bayad?" tanong ni Tiya Melba. "Depende ‘yan kung siya ang mapipili," saad ng bakla, "lagyan mo nga siya ng konting make-up para magmukhang tao." "Halika nga dito," hinila ako ni Tiya Melba. Nilagyan niya ng lipstick ang mga labi ko saka marahas na pinakalat ang konting lipstick sa pisngi ko upang magsilbing blush-on. "Tiya, ayokong magtrabaho dito," saad ko. "Cerise, makinig ka," mariing saad ni Tiya Melba, "isang beses lang 'to, kailangan lang natin ng pantubos sa tiyo mong nakakulong." "Pero natatakot po ako," naiiyak kong saad. "Isipin mo na lang ang kinabukasan natin. Kapag magtatagal ang tiyohin mo sa kulongan, pare-pareho tayong mamamatay sa gutom," paliwanag niya, "ituring mo na lang itong pambayad sa ilang taong pagpapakain namin sa’yo." "Tiya, maawa po kayo," pagsusumamo ko. "Huwag kang mag-aalala," saad niya, "may gamot silang ipapainum sa’yo. Bukas paggising mo, wala kang maalala." ---end of flashback--- Tulad ng sinabi ni Tiya Melba, wala akong maalala noong gabing ‘yun pero sapat ang mga pasang natamo ko upang masabi kong binaboy at pinagsawaan ako ng mga kalalakihang nakabili sa akin. Ni hindi ko maalala ang mukha ng lalaking lagi kong napapanaginipan. Siya ang unang humalay sa akin habang tuwang-tuwa ang mga kasama niyang pinapanood kami. Gustohin ko man, hindi ko na mababago ang aking nakaraan. Inagaw sa akin ang mga pangarap kong hanggang sa mga kwento ko na lang matutupad. Oo, isa na akong writer. Sa mga kwento ng mga bida ko tinutupad ang mga pangarap kong alam kong kahit kailan ay hindi ko na makakamtan. Binuksan ko ang laptop at agad napansin ang dami ng mga notifications. Karamihan ay mga mensaheng nagsasabing nagagandahan sila sa mga kwento ko. Dito ko nararamdaman ang pagmamahal at paghangang hindi ko natamo sa tunay na buhay. Sa mga papuri nila ako humuhugot ng insipirasyong tapusin ang mga obra ko. "Cerise," tawag ni Nay Ella, "gising ka na ba?" "Opo, Nay," tumayo ako para pagbuksan siya ng pinto. Sa center ng DSWD kami unang nagkakilala ni Nay Ella. Isa siya sa mga taong tumulong sa akin upang makabangon ako sa pagkalugmok. Dahil wala silang anak ni Tay Borj, inampun nila ako. Noong una ay nagtaka ako kung bakit marangya ang buhay namin samantalang alam kong simpleng volunteer workers lang sila ng gobyerno. Dahil sa pagtatanong ko, napilitang aminin ni Nay Ella sa akin na may ibang taong tumutulong sa akin. Ang taong ito ang nagbabayad sa lahat na gastusin namin at siya ring nagpapasweldo sa kanila ni Tay Borj. Pinipilit ko silang ipakilala ako sa taong ‘yun pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila magawa. Dahil diyan, ‘sponsor’ ang tawag ko sa taong nag-aabot ng tulong sa amin. "Tumawag kasi ‘yung sponsor mo," saad niya, "pinapatanong kung may kailangan ka sa school. Idadaan kasi ng assistant niya ang mga pasalubong niya sa’yo galing Singapore." Umiling ako bilang sagot. "Nay, sino po ba talaga ang sponsor ko?" sumunod ako sa kanya papuntang kusina, "Bakit ba siya nagtatago? Matanda na ba siya? Pangit ba? Bakit ayaw niyang magpakilala sa akin?" sunod-sunod kong tanong. "Darating ang panahon, Cerise," bumontong hininga siya, "makikilala mo rin siya sa takdang panahon." "Sabi mo pagkadebut ko makikilala ko siya pero hindi naman siya dumating sa kaarawan ko," reklamo ko, "siya nga dapat ang escort ko di ba? Kaso, di siya dumating." "Nagkaroon kasi ng problema ‘yung isang kaibigan niya kaya sinamahan niya munang pumunta sa Europe," paliwanag ni Nay Ella. "Nay," sumandal ako sa mesa, "bakit kaya niya ito ginagawa? Ano kaya ang kapalit ng lahat na tulong niya sa atin?" Napahinto si Nay sa paghiwa ng sebuyas saka huminga ng malalim bago nagsalita, "mas mainam na kayo ang mag-usap, Cerise." "Diretsohin mo nga ako, Nay," saad ko, "balak ba niya akong asawahin bilang kapalit ng mga tulong niya?" "Ano ba yang iniisip mo, Cerise," saad ni Nay Ella habang nagpapatuloy sa pagluluto, "naglalaro na naman ‘yang imahinasyon mo. Doon mo na lang ‘yan ilaan sa mga sinusulat mong kwento. Mabait ang sponsor mo kaya huwag mo siyang pag-isipan ng masama." Hindi na ako umimik dahil tumunog ang doorbell. "Ako na po ang sasalubong kay Ate Sky," excited kong tinungo ang pinto. Si Ate Sky ang sekretarya ng sponsor ko. Mula noong magsimula siyang magtrabaho sa kompanya ng sponsor ko, siya na ang taga-hatid ng mga regalong para sa akin. "Ate Sky," tawag ko sa kanya nang buksan ko ang pinto. "Cerise," nakangiti niyang saad habang bitbit ang ilan sa mga pinadalang pasalubong. "Ang laki na ng pinagbago mo ngayon ah," puna ko sa kanya. "Hay, alam mo naman ‘yung boss ko," paliwanag niya, "maraming hinaharap na mga ka-business partner kaya hindi pwedeng hindi ako mag-ayos." Napangiti ako sa sinabi niya. Iisang fashion consultant lang ang nag-aayos sa amin pero ang totoo, balewala sa akin ang mga payo ng consultant. Mas komportable kasi akong magsuot ng simpleng t-shirt at jeans kapag pumapasok ako sa university. Ayoko kasing makilala sa school bilang si Roux Bonnet. Gusto ko, simpleng si Cerise Romijn Bernard lang ang pagkakilala nila sa akin. Iniiwasan ko ring suotin ang mga damit na sinusuot ko bilang Roux Bonnet dahil kahit sinisiguro kong natatakpan ng emoji ang mga mukha ko sa pictures ng account ko, ayoko pa ring magkaroon ng bakas ng ugnayan ang pagiging Roux ko sa pagiging Cerise ko. Gusto ko kasing mas may interes ang mga mambabasa sa mga kwento ko kaysa alamin nila ang tungkol sa buhay ko. "Cerise," pukaw ni ate Sky sa wisyo ko, "hindi na ako magtatagal dahil naghihintay sa labas si bossing." "Nandiyan siya?" hindi ko maiwasang ma-excited sa narinig ko. Tatakbo na sana ako palabas ng pinto pero pinigilan ako ni ate Sky, "hindi pa ngayon ang tamang panahon." Kunot noo akong lumingon kay ate Sky, "bakit ba siya nagtatago?" "Sa takdang panahon," saad ni ate, "maiintindihan mo rin ang lahat." ANGELO NAKAMASID lang ako sa pintuan ng bahay habang hinihintay ang pagbalik ng personal assistant ko. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon sa opisina ni Marco. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang nasa litrato. Kilalang kilala ko kasi ang damit na suot niya. Isang designer dress ‘yun at walang kapareho kaya nakilala ko siya agad. Nagtataka lang ako kung bakit Roux Bonnet ang ginamit niyang pangalan. "Kumusta siya," agad kong tanong kay Sky nang makabalik siya sa sasakyan. "Nagtatanong na naman po tungkol sa’yo, Sir," pormal na sagot niya, "pero sinabi ko sa kanya na sa takdang panahon ay malalaman niya ang lahat." I sighed at her answer. Dapat noong isang taon pa ako nagpakilala sa kanya pero naduwag ako. Lalo kasi siyang gumanda at pakiramdam ko matameme ako kapag magkaharap na kami. "Sir," tawag ni Sky, "kailan po ba kayo magpapakilala? Baka kasi maunahan ka." "Malapit na," saad ko saka tuwid na tumingin sa daan habang nagsimula nang magmaneho ang driver, "may gusto lang akong alamin mo bago ako magpakilala sa kanya." "Ano po ‘yun?" tanong niya. "Alamin mo kung siya ba ang sikat na w*****d writer na si Roux Bonnet at gusto kong alamin mo kung bakit ‘yan ang ginagamit niyang pangalan," saad ko, "gusto ko ring alamin mo ang mga pinaggagawa niya sa school at kung sinu-sino ang mga kaibigan niya. I want to prepare myself before getting in her world." "Magandang tactic ‘yan sir ah," sagot niya, "so liligawan mo muna ang mga kaibigan niya para mas maging malapit ka sa kanya?" Hindi ko napigilan ang mapangiti kaya lumingon ako sa labas. "Hoy Sir, kinikilig ka ano?" kantiyaw ni Sky, "Ayee! Ako rin kinikilig na. Matagal ka na kayang hinihintay ng prinsesa mo kaya galaw galaw ka na." "Do your assignment first," pilit kong magtunog seryoso, "I need to know all the details para maging pabor sa akin ang lahat." "Kayo sir ha," natatawang saad ni Sky, "Ang tagal mo na kayang binabakuran si Cerise pero tandaan mo, hangga't hindi ka magpapakilala, wala pa ring mangyayari. Alam mo bang matanda na may kulubot na mukha ang iniisip niyang katangian mo?" Napalingon ako sa kanya, "sinabi ba niya ‘yun?" "Sumbong sa akin ni Ella," malimit niyang sagot. Napahilig ako sa sandalan ng upuan saka pilyong napangiti, "hayaan mo siyang isipin niyang matanda na ang sponsor niya." Gulat na lumingon sa akin si Sky, "bakit naman po?" "Para hindi siya maiilang sa akin,"sagot ko, "gusto kong sagutin niya ako bilang ako at hindi dahil nalaman niyang ako ang kanyang sponsor." "Wow pamapag-ibig ka na talaga," tumatawa siyang tinapik ang balikat ko. Pero dahil napalingon ako sa kanya, mabilis siyang tumikhim saka sinabing, "sorry." "Gawin mo muna ang trabaho mo bago ka kiligin," seryoso kung saad. "‘Yung tungkol sa una mong tanong," saad niya, "tama po ang hinala niyo na siya po si Roux Bonnet. Marami po siyang followers at ‘yung pagtatago po ng tunay niyang pangalan pati ‘yung pagtatakip niya sa kanyang mukha tuwing nagpopost siya ng litrato ang naging signature niya bilang writer." "Lahat ng tao ay gustong sumikat. Sa kasikatan niyang ‘yan, bakit kailangan pa niyang magtago? Alamin mo ang bawat detalye at gusto ko ring manmanan mo ang bawat kilos niya bilang isang writer," utos ko. "Madali lang ‘yan," sagot ni Sky, "follower niya po ako at gumamit din ako ng dummy account para hindi niya makilala." 'Dummy account,' naalala kong nabanggit ito ni Mago kahapon. May pakinabang din pala ang kalokohan ng gagong ‘yun. "Gawan mo rin ako ng dummy account," saad ko. "Tamang tama po," excited na sagot ni Sky, "naalala ko po na naghahanap sila ng lalaking FC operator." Napakunot ang noo kong nilingon si Sky,"FC operator?" "Fictional Character operator," sagot niya, "bale sila po ‘yung humahawak ng account ng isang fictional character at sila po ‘yung gaganap ng role ng isang fictional character sa Facebook." Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Mukhang matutulad ako sa kaibigan kong baliw sa w*****d pero bahala na, kung para lang naman sa kanya, gagawin ko na. "Alamin mo kung sinong character ang hinahanapan nila ng operator. Aralin mo ang mga dapat kong gawin at ireport mo sa akin ngayong hapon. Gusto kong handa na ang dummy account ko bukas ng umaga, at siguraduhin mong makakapasok ako bilang isa sa mga FC operators," ma-awtoridad kong saad. 'Malapit na Cerise. Malapit mo na akong makilala,' bulong ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD