Chapter Two

1541 Words
ANGELO ALAM kong masama ang loob ni Dad nang tapusin niya ang pag-uusap namin sa telepono. He was inviting me to join him in his business meeting but I declined. Ngayong gabi ang Homecoming event ng St. Mary’s University at hindi ako pwedeng hindi pumunta doon. Napahilig ako sa swivel chair habang iniisip na anim na taon napala ang lumipas mula noong may nangyaring trahedya sa pamilya namin. Mula noon, hindi na kami gaanong nag-uusap ni Dad kaya hindi ko dapat sinasayang ang pagkakataong ito. Pero maliban sa isa itong business meeting, alam kong balak din akong ipakilala ni Dad sa anak ng kanyang kasosyo sa negosyo. He has been wanting me to choose a wife among the daughters of his business partner. Dati akong hindi mailap sa mga babae. Sa katunayan, kaya kong makipagsabayan sa mga kaibigan ko sa pangongolekta ng girlfriends. Being a member of the Adonis Band and a famous player of our university’s football team, malapitin din ako ng mga babae. Pero dahil may nakababatang kapatid akong babae, I tried my best not to play around. Ito ang dahilan kung bakit matindi ang hinagpis ko nang mamatay ang kapatid ko. Ang masaklap pa, pagkakamali ko ang dahilan kung bakit siya namatay. It was after winning our first game in the UAAP that the team decided to celebrate. Hindi ako pinayagan ni Dad na sumama sa pagdiriwang dahil wala siya sa bansa at ako lang daw ang lalaking matitira sa bahay kasama si mommy, si Angela at ilang mga katulong. Naïve as I was, tumakas ako sa pag-aakalang wala namang mangyayaring masama sa ina’t kapatid ko dahil may security guards naman ang subdivision namin. ‘Yun ang unang beses na sumuway ako sa mga magulang ko pero napakasaklap ang kabayaran nito. Alas dos ng madaling araw akong umuwi at nadatnan ko ang bahay na pinalibutan ng mga pulis. "Bata, bawal pumasok," harang sa akin ng isang pulis. "Dito po ako nakatira," paliwanag ko, "ano po ang nangyari? Nasaan ang mommy ko? Ang kapatid ko?" Agad akong pinapasok ng mga pulis at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si Angela, 13 years old, hubo’t hubad na nakahandusay sa sahig at walang buhay na naliligo sa sariling dugo. Hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkagulat kaya ipinaliwanag sa akin ng pulis ang nangyari. “Nahuli namin ang apat sa pitong lalaking humalay sa kanya,” paliwanag ng pulis, “pawang high sa drugs sila nang madatnan namin.” "S-si mommy?" tanong ko. “Sa tingin ko hindi mo kakayaning makita ang sinapit ng ina mo,” saad ng pulis. “Nasaan si mommy! Gusto ko siyang makita,” pamimilit ko. Nanlumo ako sa nakita kong kalagayan ng aking ina. Hindi ko na siya nakikilala dahil sunog ang buong katawan niya. Sinunog siya kasama ng mga kasambahay namin. Magkahalong galit at hinagpis ang nararamdaman ko. Kung sana hindi ako umalis, naipagtanggol ko sana ang ina’t kapatid ko sa mga walang kaluluwang adik. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Kinabukasan dumating si Dad. Inaasahan kong itakwil niya ako o kaya pagbuhatan ng kamay, ngunit kabaliktaran ang nangyari. Mahigpit niya akong niyakap. Akala ko mas okay ‘yun. Akala ko mas madali na hindi niya ako sinisisi. Pero mali ako. Mas masakit makita ang paghihirap ng aking ama dahil sa kagagawan ko. Mas mahirap na sa kabila ng lahat ay pagmamahal pa rin ang isinusukli niya sa akin. "Sir?" napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang sambit ni Sky, "ikokompirma ko lang po kung matutuloy ba ang pagbisita mo sa acquaintance party ng university." "Ikansela mo na lang muna ang pagpunta ko sa acquaintance party," sagot ko, "and then call my Dad. Sabihin mo sa kanya na sasama ako sa business meeting niya.” "Sayang naman po," malungkot na saad ni Sky, "siniguro ko kasing walang date si Cerise." “I can’t refuse my Dad,” saad ko, "minsan lang siya humingi ng pabor sa akin." "Bilisan niyo na lang po ang dinner niyo," suhestiyon ni Sky, "matagal pang matapos ang party kaya baka makahabol kayo." Napangiti ako sa saad ni Sky. Ito ang dahilan kung bakit sa lahat ng naging PA ko ay siya lang ang nagtagal. Shipper kasi siya ng lovestory namin ni Cerise. Siya rin kasi ang inaasahan ko sa lahat na tungkol kay Cerise. "Sige," sang-ayon ko, "ihanda mo lahat ng papeles para maging madali ang pag-uusap namin mamaya." "Aye, aye, sir!" saad niya habang nag-salute sa akin saka pumihit para lumabas ng opisina. "Sky," tawag ko bago siya makalabas kaya agad siyang lumingon sa akin, "ano nga pala ang balita tungkol sa dummy account na pinapagawa ko sa’yo?" "Naku sir, naunahan po tayo," sagot niya, "may nakapasok na pong bagong operator. Pero ‘di bale, sa tingin ko, mahihirapan ka rin sa character na ‘yun. Malayo kasi sa personality mo ang character na hinahanapan nila ng operator." "Mapag-aaralan naman ‘yun," sagot ko. "Naku magaling po ang nakuha nilang operator. Napakamalandi at bagay na bagay sa kanya ang character ni Tristan," paliwanag ni Sky. "Kilalanin mo kung sino ‘yan," kunot noo kong saad, "baka sa sobrang kalandian niyan ay lalandiin niya mismo ang author." “Oy, nagseselos siya," tumawa siya pero agad siyang tumahimik nang makita niyang seryoso ko siyang tinignan, "S-sorry po," yumuko siya at nagpaalam na lumabas ng opisina. Natatawa talaga ako sa mga tao kapag ganun ang reaksyon nila sa tingin ko. Ang totoo, hindi lang si Sky ang natatakot dahil lahat ng tao sa kompanya ay takot sa akin. Tanging si Sky lang ata ang nakakitang ngumiti ako pero kahit siya, natatakot sa akin. CERISE TAHIMIK akong nakaupo habang pinapanood ang mga kaibigan ko na nag-aayos sa kani-kanilang mga sarili. Ayoko sanang sumama kaso pinilit nila ako. Hindi talaga ako mahilig sa mga ganitong okasyon. Mas gusto kong magkulong sa kwarto kaysa makisalamuha sa mga tao. “Cerise, okay ka lang ba?” tanong ni Aislin. Si Aislin ang una kong naging close sa publication club. Mabait at matalino, pero manhid. Matagal na niyang crush ang lead singer ng Adonis Band na si King Legaspi pero hindi niya napapansin na mahal siya ng bestfriend niyang si Mace Zulueta. "Oo nga, Cerise. Para kang hindi excited sa event ngayon," sabat ni Yumi. Si Yumi ang graphic artist ng publication club. Sa aming tatlo, siya ang lapitin ng mga lalaki. Maliban kasi sa sporty siya, mahilig din siyang maglaro ng Clash of Kings. "Girls!" excited na saad ni Tamara nang dumating siya, “narinig niyo na ba ang balita? Darating daw ang original members ng Adonis band ngayong gabi! Sila daw ang tutugtog sa huling set." Si Tamara ang naka-assign sa feature segment ng school publication. Baguhan siya sa club kaya hindi namin siya masyadong close. Fashion, boys and beauty tips ang kinahiligan niya at kaya hindi siya masyadong close sa amin dahil nahahati ang oras niya sa school publication at sa pagsali sa cheerleading squad ng university. _______________________________________________ Balisa akong nakatayo sa gilid ng hall habang nagsisimula na ang kasiyahan. Dumating na ang mga original members ng Adonis band at kasalukuyang nagtatanghal sa entablado. Hindi ako anti-social, ayoko lang talaga sa mga ganito dahil pinapaalala ng nagsasayawang mga ilaw sa kabuohan ng madilim na paligid ang aking nakaraang pilit kong kinakalimutan. "Well, well," narinig kong may nagsalita mula sa likod ko, "pwede ka rin palang magmukhang tao." "Savannah," mahina kong sambit. Si Savannah ang socialite image model na galit sa akin dahil nalaman kong hindi totoong matangos ang ilong niya, na pinapagawa lang niya ito. "Teka," lumapit siya sa akin, "may dumi ka yata," saad niya habang kunwari ay may tatanggaling dumi sa mukha ko pero ang totoo, sinadya niyang ikalat ang pagkalagay ng lipstick ko kaya umabot ito sa pisngi ko. Ayoko ng gulo kaya umatras ako pero nabangga ko ang isa niyang kaibigan na humarang sa likuran ko. Pilyong pinahid ni Savannah ang smudge ng lipstick na naiwan sa kamay niya sa puti kong damit. "‘Yan," natatawa niyang saad, "‘yan ang bagay sa’yo." Alam kong pakay nilang ipahiya ako kaya nagpasya akong umiwas ngunit sa pagmamadali, nabanngga ko ang isang waiter na may dalang mga inumin. Sa akin tumapon lahat ng mga inuming dala niya at hindi ko inasahan ang pangyayari, agad din akong natumba. Lumapit si Savannah para kunwari ay tulungan akong tumayo. Inilahad niya ang kanyang kamay pero ‘nung tinanggap ko na, sinadya niyang bitawan para muli akong matumba. Dahil paatras akong natumba, umangat ang aking damit at bumungad sa lahat ang underwear ko. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang pero nagulat ako nang biglang tumahimik ang paligid at naramdaman ko ang paglapat ng isang suit sa balikat ko habang may tumulong sa akin sa pagtayo. Tumingala ako para tingnan kung sino ang nagmagandang loob na tulongan ako pero napaawang ang bibig ko nang makita ko siya – si Angelo Cruz, ang gwapong pianist ng original Adonis band, ang isa sa sikat na eligible bachelor ng bansa, ang ultimate crush ko – ang siyang nasa harap ko. Wala siyang imik na yumuko upang kargahin ako habang sa amin nakatuon ang mga mata ng lahat sa hall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD