ANGELO GUSTO ko sanang samahan si Cerise palabas ng unibersidad ngunit nakita kong nakabulagta sa sahig si King. Kapatid siya ng matalik kong kaibigan at para ko na rin siyang bunso kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan. "Angelo," tumabi sa akin si Akie, "kami na bahala sa kaibigan mo. Lumabas ka na, delikado ka dito!" "Bakit?" kunot noo kong tanong, "ano ba ang meron bakit biglang may ganito?" "Mga miyembro ng Yamano-Kai ang sumalakay sa unibersidad," paliwanag ng isang SWAT member, "isa sila sa mga notorious gang na sinasabing naghahasik ng terorismo sa bansa." "Sa dinami-dami ng universities sa bansa, bakit dito nila naisipang manggulo?” tanong ko. “Hindi pa malinaw ang dahilan pero sa tingin namin, may ideya sila na ikaw ang may-ari ng islang pinagtataguan nina Sarhento Valderama a

