chapter 2: Pag babalik ni kyrios

1759 Words
Tinignan ng lalake ang paligid at kaunting namangha sa laki ng pinagbago nito, marami at namumulaklak ang mga mababangong bulaklak, sabay ng sariwang hangin na nagpapasayaw sa mga dahon ng puno. Ang lahat ng tao ay nakalinya ng tuwid habang hawak hawak ang mga kamay nito at nakayuko upang mag bigay ng pagrespeto sa lalake Humakbang siya papunta sa malaking pinto at naroroon ang kaniyang ama at ina, malaki ang ngiti nito sa kaniya, dahil sa pag kagalak na makita siyang muli. Ibinukad ng babae ang dalawa nitong kamay. "Maligayang pag babalik mahal kong anak" Bumati ang magandang babae na si christel adie ramo ang ina ng lalake, pinantayan ng lalake ang ina nito upang yakapin at hinalikan ang makintab at malambot na buhok ng lalake. Lumapit ang ama ng lalake sa kanila at kaunting ngumiti sa kaniya "Salamat at ligtas kang nakarating rito, kyrios" ani ng ama nito, ngumiti ito sa kaniya at tinapik ang likod nito " halina't lalamig na ang pagkain na inihanda namin para sa iyong pagbabalik" nag salita pa ito at sinimulang mag lakad. Ang ama niya na si kiro ramo ang may ari ng mansyon, at siya si kyrios ang susunod na mag tataguyod at mag papalago rito. Ipinunta siya sa dubai para doon mag aral at bumalik upang mag bakasyon lamang ng dalawang buwan. "Kamusta ang iyong pag aaral?" Tanong ng ama niya sa kaniya, hawak hawak ang bote ng wine upang lagyan ang baso nito. "Ayos, lang ama. Actually it's great and easy, hindi man lang ako nahirapan" sagot ni kyrios sa ama niya. "Mabuti naman at hindi mahirap" pangiting sabat ng ina nito, ngumiti lamang si kyrios at uminom ng wine, pag katapos ay tumayo ito at nag paalam. "Mauna na muna ako ama at ina, salamat sa masarap na pagkain na inyong inihanda para sa akin" pag papaalam ni kyrios upang pumunta sa kwarto nito at mag pahinga. "Napagod ka siguro sa byahe, mag pahinga kana muna" sagot ng ina ni kyrios. Nang umakyat si kyrios sa hagdan ay nabaling ang tingin niya sa malaking lobi ng mansyon, ngumiti ito sa laki din ng pinagbago nito, mas malawak at maaliwalas. Onse palang ito ng umalis siya sa mansyon upang pumuntang dubai at doon ipinagpatuloy ang pagaaral, kaya halos hindi siya makapaniwala sa pinagbago ng mansyon. Muli siyang humakbang sa hagdan at ipinagpatuloy ang paglalakad, binuksan nito ang malaking pinto ng kwarto niya at bumungad ang luma nitong mga gamit na naroroon pa, natuwa si kyrios at naalala ang nakaraan noong siya ay bata pa. Napalingon ito sa terrace niya, pumunta siya rito upang tignan ang tanawin sa labas, ito ay napaka ganda at punong puno ng bulaklak at mga puno. Nabaling ang tingin nito sa luma niyang baril. Kinuha niya ito at naisipang bukas ng hapon ay mamaril siya ng mga ligaw na hayop sa gubat. "What a lucky day" pangiti nito sabi sa sarili niya habang tinitignan ang baril na hawak hawak niya. ○○○ "Tiyu, pwede poba akong mag trabaho sa mansyon?" Tanong ni liezel kay rio. Ipinatong ni liezel ang kamay nito sa lamesa, nasa harap nito si rio at nag babalat ng mangga. Ngunit hindi sumagot si rio at ipinagpatuloy lamang nito ang pagbabalat sa mangga, alam niya na kukulitin siya ni liezel kung sasagot pa siya. "Tiyu?" Tawag ni liezel kay rio, napabuntong ng hininga si rio sa kaniya, tumalikod ito at pumunta sa kusina agad naman ito sinundan ni liezel. "Tiyu rio, malaki napo ako. Sige napo tiyu" pangungulit ni liezel kay rio Mahina na ibinagsak ni rio ang dala dala nitong lalagyan ng mangga, napaharap ito kay liezel at nag pakita ng hindi pag sang ayon sa gusto ng bata "liezel, hindi pa sapat ang iyong edad para sa gawain ng matatanda. Kaya sana intindihin mo, zel." Sumagot si rio sa kaniya, kita ni rio ang pananabik ng bata makapag trabaho ngunit ayaw ni rio na mag trabaho si liezel dahil masyado pa itong bata. "Ngunit-" pamimilit ni liezel "Shh" pag pigil naman ni rio sa kaniya, tumalikod si rio at nag balat ulit ito ng mangga. Napa sandal na lamang si liezel sa dingding at walang magawa. Kumain silang dalawa ng tahimik at hindi nag uusap dahil sa pagkailang parin ng pag aaway nila tungkol sa pamimilit mag trabaho ni liezel. Hindi katulad ng dati ay hindi nauubusan mag salita si liezel tungkol sa nangyari sa araw niya. Kinabukasan ay mas tumahimik si liezel at lalo pa dumami ang oras niya sa pagtambay sa paborito nitong puno. ●●● " kyrios, are you sure na hindi kana pagod? Biglaan naman ata ang pagkasabik mo mamaril ng mga hayup sa gubat." Pag aalala ng ina ni kyrios sa kaniya, ngunit wala lang ito sa kaniya, nag suot na siya ng gloves sa paghahanda pumunta sa gubat. "Dalhin mo si carding, upang may kasama ka sa gubat." Dagdag pa ng ina niya. "Ma, hindi na kailangan. 17 na ako, at hindi na ako bata, mauna na ako" sagot ni kyrios sa ina nito at umalis na. Dumating si kyrios sa gubat, at nakita na marami ang mga ligaw na mga hayup ngunit kadalasan ay ibon lang ang naroroon. Nag simula itong mamiril at marami siyang napatay na mga ibon at ang isa ay ligaw na baboy damo. Napadpad ito sa pumalibot na malalaking puno at sa gitna nito ay maraming ligaw na bulaklak at mga paro paro, hindi nito alam na hindi lang siya ang tao roon dahil naroon rin si liezel na nakaakyat sa puno at walang kamalay malay na natutulog. Nag pahinga si kyrios at naupo sa mga bulaklak, inilapag nito ang maliit na tela na may laman na pagkain. " hindi ko alam na may ganitong tanawin sa loob ng gubat." Salita nito. May narinig siyang kumaluskos sa likuran niya at nakita ang isa pang baboy damo, hinablot nito ang baril niya at ipinutok sa baboy damo. Dahil sa lakas ng pag putok ay nabigla at nagulat si liezel, napatayo ito sa kaba at nakalimutan niyang nasa puno siya. Nawalan siya ng balanse na ikinahulog niya sa lupa. "A..aray" Napa-aray si liezel sa sakit habang hinahawakan ang puwet niya na unang bumagsak, dahil sa pag bagsak ay nadumihan ang damit ni liezel at nag karoon ng unting gasgas sa mga braso nito. "Pft! Masakit ba?" Pang aasar na tanong ni kyrios at natawa ng malakas. Paika ikang tumayo si liezel at hindi namukhaan si kyrios. "Sye..syempre, ikaw kaya mahulog" sagot nito sa kaniya, nainis si liezel sa tawa ni kyrios. Umakyat muli si liezel upang kunin ang naiwang gamit niya sa sanga ng puno, kaunting namangha at nagulat si kyrios sa kilos na ginawa niya, ngayon lamang siya nakakita ng babaeng umaakyat ng puno dahil kadalasan sa mga babae na kilala niya ay maarte. Napakingiti itong muli at nakikita si liezel bilang unggoy. Nang makababa si liezel ay hindi na ito humarap kay kyrios at humakbang ito paalis sa kaniya. "Interesting" bulong ni kyrios sa sarili niya, muli nitong tinaas ang baril niya at itinutok kay liezel, hindi ito nag dalawang isip at ipinutok. Nailagan ito ni liezel at napaupo na lamang dahil sa takot, nanginginig ito at tinakpan ang mga tenga niya. Tumayo si kyrios at nilagpasan siya. Nakita ni liezel na may pinulot ito sa damo, nang humarap ito kay liezel ay nakita niya ang isang maliit na ibon na wala ng buhay dahil sa tama ng baril. "Why? Ibon ang binaril ko at hindi ikaw, you look scared" ani ni kyrios kay liezel, ngumiti ito sa kaniya at nilagpasan uli siya. Dali dali tumayo si liezel at nilakasan ang loob upang umalis sa lugar naiyon, naabutan niya si rio na nasa labas at nakaupo habang nag babasa ng diyaryo. Nang nakita siya ni rio ay napatayo na lamang si rio sa gulat ng nakita na madumi at magulo na ang suot ni liezel, ang mas malala pa ay nanginginig ito sa takot. Nilapitan niya ito at tinanong kung ano ang nangyari, napaupo na lamang si liezel sa takot at gulat sa akala ma mamamatay na siya. Lumamig ang simoy ng hangin habang kwenekwento ni liezel ang nangyari sa kaniya, nagalit si rio ngunit alam niya na ganon ang ugali ni kyrios simula bata pa iyon, sinisisi nito ang sarili niya dahil hindi nabalaan na mag ingat kay kyrios, tyaka nadin naalala ni liezel na si kyrios pala ang nakaharap niya sa gubat. Sa gabi naiyon ay nakaupo lamang si rio sa harap ni liezel upang makatulog siya ng maayos, nag aalala siya kung makita ulit ni liezel si kyrios, kaya hindi rin siya makatulog ng gabi naiyon at nag iisip ng paraan upang maging ligtas si liezel. ♡♡♡ "Zel, pinapayagan na kita mag trabaho." Pag kagising ni liezel ay sinabihan agad siya ni rio na pwede na siyang mag trabaho sa halip na magandang araw, dahil alam nito na hindi parin mawawala ang takot ni liezel sa mga nangyari. "Talaga po!?" Masaya na sagot ni liezel kay rio, tumango at ngumiti si rio. Pinayagan lamang ni rio si liezel mag trabaho upang makita niya na ligtas si liezel, Tanging maliliit lamang na trabaho ang ibibigay niya rito upang hindi siya mapagod. Pumunta si rio at liezel sa harden, namitas ang dalawa ng mga bulaklak at halatang masaya si liezel sa ginagawa niya, napapakanta panga ito sa tuwa. "Ngayon ko lamang narinig na kumanta ka, napaka ganda rin pala ng iyong boses" pag puri ni rio kay liezel. "Tiyu naman, hindi naman po" pangiting sagot ni liezel kay rio. "Zel! Aba ay pinayagan kana ba ng tiyu mo mag trabaho?" Pangiting tanong ng matandang babae kay liezel. "Opo, tiya marie." Sumagot naman din si liezel at ngumiti. "Pupunta sana ako sainyo, e na rito ka pala. Zel" ani pa ng matandang babae. "Bakit po tiya?" Pagtatakang tanong ni liezel sa matandang babae habang hawak hawak ang mga bulaklak na pinitas nito. Inabutan si liezel ng maraming mga tsokolate at masasarap na mamon "ayan, hindi kasi ako mahilig sa matamis e" sabi ng matandang babae na ikinatuwa ni liezel. "Maraming salamat po, pero masyado napo ito marami nakakahiya po" sagot ni liezel at ngumiti ulit sa matandang babae. "Hindi naman iyan napapanis, pwede mong kainin ng ilang araw" Nagtawanan ang tatlo dahil sa pagkakailangan ni liezel at ng matandang babae, halos mapula na ang pisngi ni liezel dahil sa tuwa kahit sa malayuan man ay hindi parin kumukupas ang ganda nito. Kitang kita sila ng mga katulong sa bintana at pinupuri nila ang ganda ng batang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD