bc

tears won't help

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
drama
scary
ancient
addiction
like
intro-logo
Blurb

inabandona si liezel ng kaniyang ina, inabuso at sinaktan siya ng mga kamag anak niya kaya walang magawa si liezel kundi puntahan ang tiyuhin niya na mag liligtas ng buhay niya. Ngunit sa lugar na iyon ay makikilala niya ang lalaking gagawin ang lahat upang angkinin siya at gawing asawa.

chap-preview
Free preview
chapter 1: simula
Mainit ang araw na iyon habang abala sa pag bubungkal ng lupa ang isang matandang lalake na ang pangalan ay rio, sumulpot ang batang babae sa likuran niya. "Kayo po ba si ginoong rio alvero?" Mahinhin na tanong nito kay rio, tinignan ni rio ang batang babae at nakitang gutay gutay ang bistidang suot nito "Oo, ako" sagot ng matanda. Tumayo ng maayos ang matanda at ibinaba ang asarol na daladala nito "sino ka?" Tanong nito sa batang babae. Napalunok ang babae at sumagot "Magandang araw po, ako po si liezel zarina. Sa ze..zenica po ako nag mula." Tumango si rio at inulit ang pinagmulan ni liezel"Hmm zenica" sagot nito sa kaniya Kaunting ngumiti ang batang babae sa kaniya "o..opo" "Mama moba si hazel?" Tanong ni rio sa batang babae. Tumango ang batang babae, nakita ni rio ang takot sa mata nito ng narinig ni liezel ang pangalan ng sarili niyang ina. Iniba nito ang usapan at tinanong ang batang babae kung saan siya sumakay upang makapunta sa mansyon ng ramo "Ah nakisakay lang po ako sa mga pumapadaan na kalesa" sagot nito, yumuko ang babae habang nakahawak lang ito sa maliit na supot ng tela. "Ang ibig mong sabihin ikaw lamang ang pumunta rito mag isa?" Paglilinaw ni rio sa batang babae. Tumango ito sa kaniya at kita sa mukha ng batang babae ang pag kailang nito, naawa si rio kaya dinala niya ito sa bahay niya upang pakainin. "Ilapag mo muna riyan ang gamit mo, kumain ka muna" Pinanood ni rio kumain ang batang babae at kita rito ang pagka gutom, halos buto't balat nalang ito sa subrang payat. Halos hindi makapaniwala si rio sa nakikita niya. Si hazel ay ang kaniyang nakakabatang kapatid, mahinhin rin ito katulad ni liezel, mahiyain at mabait kaya hindi niya maintindihan kung bakit nag ka ganito ang bata. "Asan ang ina mo?" Seryosong tanong nito kay liezel, tumigil si liezel at halos mabulunan sa kinakain niya ng marinig niya ulit ang pangalan ng kaniyang ina. "Wa...wala po" panginginig na sagot ng batang babae "kaya...kaya sana po" humina ang boses ni liezel at napayuko ito "sa..sana po patuluyin nyo po ako rito" tuluyan itong umiyak sa harap ni rio. "Wala napo ako matutuluyan" dagdag niya pa, halos dumugo ang labi ni liezel sa kakapigil nito umiyak ngunit hindi niya na ito napigilan. Pinunasan ni liezel ang luha nito, tumayo siya at kinuha ang isang tela, may laman itong isang damit at sobre. Inabot niya ito kay rio. Binasa ni rio ang nakasulat sa papel, hindi ito makapaniwala sa sulat ng sarili nitong kapatid. Inabandona nito si liezel at sumama sa bago nitong asawa, noon pa iyon walang gustong tumanggap kay liezel, kung meroon man ay inaabuso ito at sinasaktan kaya walang magawa si liezel at tumira na lamang sa ilalim ng tulay ngunit kahit roon man ay pinapaalis parin siya tanging si rio na lamang ang paraan upang mabuhay si liezel. Dati niya pa dapat ito ginawa ngunit, nahihiya ito at natatakot na baka paalisin rin siya. "Hayop na mga taong ito!" Napasigaw sa galit si rio dahil sa pagiging pabaya kay liezel. Natakot si liezel at akala niya ay nagalit si rio dahil sa kaniya. "Kaya...kaya ko pong gawin ang lahat, patuluyin nyo lang po ako rito" pag mamakaawa ng batang babae, lumuhod ito sa harapan ni rio at umiyak "kaya kopo mag linis at mag laba" Tinulungan ni rio tumayo si liezel, ibinaba ni rio ang tuhod niya upang pantayan si liezel "hindi mo kasalanan, bata kapa kaya hindi mo pa alam ang nangyayari kaya kailangan mong maging matatag" paliwanag ni rio sa batang babae. Kinagat na naman ni liezel ang labi nito at sumagot kay rio "hi, hindi napo ako bata ginoong rio" pagmamalaki ni liezel kay rio Natawa si rio sa sinabi niya "osya, hindi kana bata" sagot nito sabay tayo. "Hindi napo talaga ako bata, mag tre-trese napo ako sa susunod na buwan" ani pa ng batang babae. "Hmm" tumango na lamang si rio sa kaniya "bumalik kana rito at kumain" dagdag pa nito at pumuntang kusina na tila may kinukuha. "Opo" sagot ni liezel at bumalik sa pagkain. Lumabas si rio sa kusina dala dala ang isang malaking mamon na tanging mayayaman lamang ang nakakain nito, napakurap si liezel sa mamon na tila ba ay napaka sarap nito ngunit pinigilan nito ang sarili. "O ito." Abot ni rio sa kaniya. "Ah, maraming salamat po pero busog napo ako mabilis lang po kasi ako mabusog" pagsisinungaling ng batang babae. Kumunot ang noo ni rio sa sinabi ni liezel "Busog ka? Kaunti palang ang iyong nakakain." Sagot ni rio at napahawak nalang ito sa bewang niya "alam mo ba, ang mga batang mapapayat ay mabilis liparin ng aswang." Pananakot ni rio kay liezel upang kumain ito Natakot si liezel sa sinabi ni rio kaya kumain nalang ito "Salamat po sa pagkain" ani nito sabay kuha sa mamon. Napangiti si rio ng nakitang nasasarapan ang batang babae sa mamon na niluto niya, ngunit nag iisip parin ito kung kukupkupin niya ba ang bata. Nasilayan nito ang ngiti ng bata habang kinakain ang mamon, maliit at kumikinang ang mukha nito, manang mana sa ina niya. nagniningning ang kayumangging buhok nito at asul na mga mata, nagmumukha sa kanya na isang obra maestra ng kalikasan, kumikinang, tulad ng isang sariwang bulaklak sa sikat ng araw sa umaga. Ang kanyang malarosas na pisngi at mapupulang labi ay nagdaragdag sa kanyang hindi mapaglabanan na kagandahan. Tumakbo ang babae sa mga katulong at ipinagkalat ang biglaang pag dating ng batang babae kay rio "Alam nyo ba na may batang pumunta kay rio, titira nadaw yun sa kaniya" Si rio ay kilala bilang mayordomo ng anak ng amo nila, siya ay matulungin at mabait sa ibang nag tratrabaho roon, kahit na mataas ang antas niya bilang isang katulong ay naging patas parin ito, ngunit dahil sa tanda na ni rio ay binitiwan niya ang pagiging mayordomo at naging hardenero na lamang. "Ano titira daw ang batang babae kay rio?" Tanong naman ng isang katulong habang nag pupunas sa bintan. "Hulaan ko, hindi yan. Ayaw ni rio ng bata, kay hula ko hindi." Sagot naman ng isang katulong habang nag wawalis sa labas ng bintana. "Huhulaan ko, dito nayan tira, tingnan mo sila." Sabat din naman ng isang babae, tinuro nito ang direksyon kung saan naroroon sina rio at liezel habang nag bubungkal ng lupa. Napa titig ang lahat kay liezel habang masaya itong tumutulong kay rio sa pag bubungkal ng lupa, kahit sa simplemg suot nito ay makikita parin ang nag niningning na kagandahan ng bata. "Napaka gandang bata" sabay na puri ng mga katulong. ♡♡♡ Pumunta ang isang katulong sa bahay ni rio upang bisitahin si liezel, nag dala ito ng mga prutas at pagkain para sa batang babae "Rio, dito naba iyan titira?" Ngumiti ang babae ng itinanong niya ito. "Hindi kopa alam." Malamig na sagot ni rio sa babae. Lumipas ang ilang araw ay naparami ang mga katulong na pumupunta sa bahay ni rio, nag dadala ito ng mga pagkain o damit para kay liezel. Dahil sa kaguluhang naganap ay halos lahat ng naroroon sa monarkiya ay alam na ang tungkol sa batang babae. "Tiyu!" Malakas na salubong ni liezel kay rio. "Asan kana naman pumunta?" Tanong ni rio kay liezel. "Sa malaking puno po." Sagot ni liezel habang nakangiti. Malawak ang mansyon at napakaganda ng mga tanawin maraming puno at iba't ibang hayop, namangha si liezel rito at naging libangan na ang paglilibot. Minsan niyang nakita ang isang malaking puno, malawak ito at ang sanga ay mababa na kaya akyatin, ngunit may kalayuan sa bahay ni rio. Dahil sa trabaho ni rio ay hindi niya nalaman na natutunan na ni liezel ang umakyat sa puno. Lagi umaalis si liezel sa tuwing nag tratrabaho si rio at pumupunta sa puno na iyon ay, nagawa ng libangan ni liezel, kapag umaakyat siya roon ay nakikita niya ang mas pinaka magandang tanawin, sariwang hangin at maraming mga hayop katulad ng ibon, pinaka natutuwa siya ay ang mga paro paro na dumadapo sa puno na iyon, minsan nga e lumalapit at dumadapo sa kaniya habang natutulog siya. ◇◇◇ "Zel, mag bihis ka ng maayos dahil dadating ang anak ng amo ko mamayang hapon" habilin ni rio kay liezel. "Opo, tiyu" sagot naman ni liezel. Umalis si rio at pumunta sa baryo upang mamili ng mga buto para sa mga halaman na kaniyang itatanim, habang si liezel ay nagbihis na at nag ayos ngunit hindi parin nito napigilan pumunta sa pabirito niyang puno at nagbasa muna habang hinihintay ang pagbalik ni rio. Matagal na naroroon si liezel sa puno, umidlip muna ito nangmakita na may araw pa, hindi siya nasisikatan ng araw dahil nakatabun ang mga sanga at dahon ng malaking puno. Nagising si liezel nang marinig ang boses ni rio, dali dali ito bumaba upang hindi siya makita nito na nasa taas ng puno. " liezel, nandito kalang pala. Kumain kana ba?" Pag aalala na tanong ni rio kay liezel, nakayuko lamang ang batang babae habang nakasabit ang kamay ni rio sa likod nito. "Bilisan na natin at parating na ang anak ng amo ko" ani pa nito. Maayos na luminya ang lahat sa labas ng mansyon, isang mamahalin na sasakyan ang huminto sa harap nila, lumabas ang lalake at binuksan ang pinto ng kotse. Lumabas ang napaka gwapo at matangkad na lalake sa harap ng lahat, halos hindi nila maipikit ang mga mata nila ng makita ang napakagwapong lalake. Napaka tingin si liezel sa lalake ngunit wala itong reaksyon at yumuko ulit upang magpakita ng pag respeto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
42.6K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook