"I-nom p-a tayo!" sigaw ko habang tinataas ng basong hawak ko. Pero ang mga mata ko'y halos pumikit na. Pero gusto ko pang magpakalasing. Pagkatapos ay agad kong inilapit sa aking labi ang baso na may lamang alak. Subalit biglang nawala sa aking kamay ang hawak kong baso. Hanggang sa marinig ko ang tila may nabasag. Kaya naman maliksi akong bumaling sa taong may kagagawan noon. Kahit medyo nanlalabo ang paningin ko'y naaninag ko pa naman ang mukha nito. Anak ng tinapa! Ano'ng ginagawa kaya ni kabute rito? Sinong nagsabi rito na nandito ako? Kaya naman para makaiwas sa lalaki ay nagtangka akong tumayo. Para umalis na at umuwi sa bahay ni Bombie. Subalit parang imiikot yata ang buong paligid. Kaya naman pinilig ko ang aking ulo para kahit papaano ay mawala ang kalasingan ko. Hanggang sa

