"Ay! Grabe naman ang parrot na alaga mo, Manong. Napagkakamalan akong magnanakaw sa ganda kong ito!" pagsusumbong ko sa lalaking kaharap ko at pinalungkot ko rin ang aking mukha. "Naku! Pasensiya ka na hija. Ganyang talaga 'yan. Kahit nga ako'y sinasabihan din na pangit! Iwan ko ba riyan kung saan niya natutunan ang mga ganyang salita!" palatak ng matanda. Gusto ko sanang tumawa nang malakas subalit baka magalit sa akin ang matanda. Hanggang sa nagpaalam na ako rito. Mabuti na lang talaga at hindi kami nakita ng matandang ito kagabi nang pumasok kami sa kulungan ng manok niya. Baka kung saan kami pulutin ni Bombie. Tatalikod na sana ako upang umalis nang bigla akong tawagin ng lalaki. "Hija! Gusto mo ba ng itlog?" tanong sa akin ng lalaki. "Ay! Sige po! Lalo at wala kaming ulam nga

