Nakapangalumbaba siyang nakatunghay sa ginagawa ng mga pamangkin niya. Umalis kaninang umaga si Red at may emergency meeting daw ito ngayon. Nasa lamesa sina Elsian, si Kuya niya at asawa nito. Ang Mama at Papa naman niya ay nasa sala at nag aagawan ng remote. Kanina pa siya panakaw nakaw ng sulyap sa kanyang kakambal, gusto niyang itanong dito kung sino ang kanyang ex. Kasi kapamilya niya ito, imposible naman na di nito kilala ang kanyang ex. Nang pumasok ito sa silid ng mga ito ay nandiyan ang urge na sundan ito at tanungin ito ngunit, hinintay nalang niya na lumabas na itong muli. Sana lang ay makuha niya ang sagot na gusto niyang marinig. Nababaghan kasi siya kung sino ang dati niyang katipan para kasing iwas ang asawa na pag usapan. Nang muli itong lumabas ay doon na niya isinatin

