Tila nananantiya pa ang tingin nito bago pilyong ngumisi. Alam kung kaduda duda ang sasabihin nito sa kanya. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa anumang sasabihin nito ngayon sa kanya. Para kung sakaling nakakashock e di naman siya atakihin sa puso. "Ano bang gusto mong unahin kung i kwento ko sayo? Yung spg ba agad?" Tanong nito sa kanya. "Kung paano mo ako nakilala. Yung kwento kung paano tayo nagkakilala at nag ibigan " Tanong ko dito. Umayos ako ng higa upang makita ko kung seryuso ang sinasabi nito. "Nakilala kita sa school." Tanong nito na tila wala ng balak na dagdagan pa ang kwento. "Ayusin mo naman ang kwento mo. Tuloy tuloy mo naman nakakabitin kaya." Nakasimangot kung sabi dito. Curious siya kung paano niya ito napaibig. Sa gandang lalaki kasi nito tiyak na maraming babae

