"Anya!" Tumakbo palapit sa akin si Glaiza. Hindi ko akalain na nandito siya kasi nasa kabilang bahay siya di'ba? Yong sa mismong bahay ni Oliver. "Anong ginagawa mo dito, Glaiza?" "Pinapauwi ka na kasi ni Sir don daw kasi siya mamaya uuwi." Wala naman akong gamit na nandito sa mansion bukod sa cellphone ko. "Ah, ngayon na ba?" marahan naman itong tumango. Umalis na kasi kanina si Oliver pagkatapos kong kumain. Hindi ko din alam kong saan pumunta basta sabi nya importante. Mabuti nga 'di na nagsabi na hintayin ko siya. Kasi kong nagsabi siya hindi ko na talaga siya hihintayin. "Hintayin mo ako magpapaalam lang ako." wika ko kay Glaiza. Nakakahiya naman kasi kong 'di ako mag paalam sa parents ni Oliver. Pag pasok ko sa loob ng mansion parang ayoko na lang mag paalam. Paano naman kas

