Nagising akong nasa tabi ko pa ang cellphone ko. Natulugan ko pala itong bukas at may mga na type pa sa keyboard na mga letters. Mabuti na lang talaga ay 'di nag send kay Oliver. Nakakapagtaka lang kong bakit naging parang clingy 'tong isang to ng mapatingin ako sa mga text nya kagabi. Inayos ko ang kama ko at ginawa ang morning routine bago ako lumabas. Hindi ko rin alam kong saan nya nakuha number ko. Wala naman akong na isip na may pinag bigyan ako ng number ko. Nag libot ako sa buong kabahayan nila. Hindi ko na nga alam kong saan na ako nagsusuot, eh. Sa laki ba naman nitong bahay na 'to. Tapos kukunti lang naman ang nakatira, sabagay madami naman silang tauhan. Napahinto ako ng makarinig ako ng may nag-uusap sa 'di kalayuan. "Did you get it, the information?" Hindi ko na ito pin

