Charlie's P. O. V. Hindi ko talaga malaman ang timpla nang babaeng iyon. Minsan pakiramdam ko may gusto din siya sa akin pero kadalasan parang hindi ako nag-eexist. Bakit sa iba isang kindat ko lang bumibigay na. May iba kaya siyang gusto? Napukaw ang diwa ko nang may narinig na katok. "Come in". Sabi ko. Tumukhim ako nang iniluwa siya nang pintuan. Ang ganda niya sa suot na dress. Tinanggal ko ang salamin sa mata ko. "Good morning Sir, I'm Emerald Bautista"... "Cut the formalities, hindi bagay sa iyo".. Sabi ko. She smirked. "We are in working premises Sir. Kailangan po natin ilugar ang sarili natin".. Sabi niya. Bakit ba tuwing may sasabihin ako may isasagot talaga siya. "As we all know Sir I'm here for my internship. Ano po ba ang magiging role ko here in your hu

