Emerald's P. O. V.
Gusto kong tapikin ang aking balikat. I want to give credit to myself for doing a great job. Pretending to be fine in front of Charlie de Guzman needs a lot of effort.
Mula noong halikan niya ako hindi ko kaya tingnan siya sa mata. Matang mapang akit na para akong hinihigop palapit sa kanya.
Ayaw kong ipagkanulo ang sarili, kaya kapag nakikipag usap siya sa akin tango at iling lang nag sagot ko. Minsan mas pinipili ko nalang manahimik dahil baka pag nagsalita pa ako ipapahamak ko lang ang sarili ko.
I breakdown in front of Doc Nathan and Kuya Norman. Hindi lang iyon dahil sa pagkikita namin muli ni Sir Jonas kundi dahil sa halik niya.
I don't know how I feel. I was angry and I am happy at the same time. Tapos ngayon kasama ko pa siya para bisitahin ang puntod nang Mama nila.
"Fasten your seatbelt, ayaw kong maabala pa ang oras ko kapag pinara tayo nang mga traffic officer mamaya." Maotoridad niyang utos.
Hindi ko siya pinansin. Unang una ayaw ko sa tono nang nanalita niya. Pangalawa palabas na kami nang siyudad wala namang enforcer na papara sa amin.
Naglagay ako nang ear buds, mayamaya gumilid siya at huminto. Tinanggal ang seatbelt niya at dumukwang papalapit sa akin. My heartbeat stopped. Nalito ako di malaman ang gagawin.
Kinapa niya ang dulo nang seatbelt ko, he was caging me, or I might say he was hugging me. His breath fanning my face. I stiffened. He smirked.
"Don't worry I'm not going to kiss you again, unless you want me to." Kumindat pa siya. Langhap ko ang amoy nang pabango niya na lalaking lalaki.
Parang may mainit na kung ano na gumagapang sa mukha ko. Sigurado namumula ang mukha ko ngayon.
Ngumiti ako para pagtakpan ang nararamdaman.
"Not because I told you that I enjoyed the kiss it doesn't mean I love it. Enjoying is different from loving". At napangiti ako nang bonggang bongga dahil sa reaction niya. Siya naman ngayon ang namumula.
Pinatakbo niya ulit ang sasakyan.
"Don't push me to the limit baby! Dahil baka hindi lang halik ang gagawin ko saiyo." Sabi niya na hindi tinatanggal ang mata sa akin.
"Keep your eyes on the road. Ayaw ko pang mamatay".
Pinagtawanan niya lang ang sinabi ko.
"Why? Are you afraid to die? But you attempted to kill yourself before". Tinamaan ako sa sinabi niya.
"That was from the past. And I'm not afraid to die. But I made a promise to Kuya Riley that I cannot die before him."
Parang may bumabara sa lalamunan ko. May namumuong luha na nagbabadyang lumandas sa pisngi ko. Bakit ba napakaiyakin ko ngayon?
Pinahid ko na bago pa tumulo baka isipin nitong katabi ko napaka OA ko. Pinatong niya ang kanang palad sa kaliwang kamay ko.
"I'm sorry, I didn't mean to bring back the past".. Sabi niya.
Hindi na ako umimik. Hanggang nakarating kami sa puntod nang Mama nila.
Tinuro ko sa kanya ang lugar kung saan malimit iniiwan ni Kuya ang kotse niya. Malilim doon dahil sa malaking puno. Maganda kasi ang view doon lalo na mamaya palubog ang araw.
"Ikaw muna ang pumunta doon, pagkatapos mo ako naman." Utos ko sa kanya.
Umalis siya na hindi umiimik. Dala ang basket nang bulaklak.
Umakyat ako sa bubong nang sasakyan. Buti land cruiser ang dala niya malapad ang space sa taas makakakuha ako nang picture nang maayos.
Lagi ko ginagawa ito dati pero lately ako nalang mag-isa, kaya motor na lang dinadala ko maliban lang kung maulan.
Ang tagal naman bumalik ni Charlie, naiinip na ako. Nilapag ko muna ang camera ko. Saka humiga nang patihaya ginawa kong unan ang kaliwang braso ko.
Masarap sa pakiramdam ang ihip nang hangin para akong inaantok. Maya-maya naramdaman ko na parang may nakatitig sa akin. Parang may ibang tao. Napabalikwas ako nang bangon at bumalik din sa pagkakahiga nang tumama ang noo ko sa noo ni Charlie!
"Aahhh" sabay naming daing sapo ang noo namin.
"Bakit ka kasi nandito?" Sumbat ko.
"Hindi mo kasi ako naririnig gigisingin sana kita". Sagot niya habang minamasahe pa rin ang noo niya.
"Ang tagal mo kasi."sabay dampot nang camera.
"Camera ko iyan ah!" Sabi niya.
"Sayo 'to?"
"Oo, akin iyan."
"O di iyo na!" Nilapag ko ang camera sa kandungan niya. Saka bumaba na. Napansin kong pinakikialaman niya ang mga kuha kong litrato.
Kinuha ko ang bulaklak sa kotse at nagmartsa papunta sa musoliyo nang pamilya nila.
"Huwag kang magbura diyan kahit isang picture!" Pasigaw kong bilin.
Pagbalik ko nakaupo na siya sa driver's seat.
"Pahiram muna nang camera may kukunan lang ako." Inabot naman agad niya. Marami na kasing ibon sa puno dahil padilim na, siguro dito sila umuuwi.
Habang namamangha sa mga nakuha kong litrato hindi ko namalayan nakalapit na pala siya sa akin.
"Ang ganda!" Wala sa loob na banggit ko habang iniiisa-isa ang mga kuha ko.
"Uuhhmm ang ganda". Napaatras pa ako nang marinig kong sobrang lapit nang boses niya pero sa kasamaang palad tumama ang likod ko sa dibdib niya.
Inabot nang dalawang kamay niya ang camera, at tinutok sa amin ang lens saka kumuha nang picture, nagmistula kaming lovebirds, nakaback hug pa siya sa akin. Nakayuko siya na nakangiti nakapatong sa leeg ko ang baba niya at ako naman natigilan sa ginagawa niya habang hawak naming dalawa ang camera.
"Baby please can't you fake a smile for me?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
Napangiti ako hindi dahil pinagbigyan ko siya kundi dahil sa iniisip ko. Sunod-sunod ang kuha niya nang litrato.
"Desperado". Akala ko iniisip ko lang nasabi ko pala.
Tinanggal ko ang kamay niya para makalawala ako. Dahil ang puso ko nagwawala na rin.. Hinayaan ko ang camera sa kanya.
"Kusa kong binibigay ang ngiti ko sa taong deserving unlimited pa". Saka umakyat sa sasakyan.
Dahil ayokong makipag-usap sa kasama ko, pinikit ko nalang ang mata ko. Narinig kong binuksan niya ang stereo nang sasakyan.. Sa narinig ko namimili siya nang gustong iplay.
Nag intro ang kanta. Sumabay siya.
"I look at her and have to smile,
As we go driving for a while
Her hair is blowing in the open window of my car.".
Tumaas ang kilay ko. Maganda rin ang boses niya. Mas maganda siguro yan kong para sa akin ang kanta.. Shut up girl! Kastigo ko sa sarili ko.
Kinabukasan maaga akong pumunta nang office ni Kuya Riley.
"Good morning Tita Dors!". Parang baklang bati ko sa assistant ni Kuya. Umikot ikot pa ako sa harap niya.
"Ehra! Ang ganda ganda mo! Bakit ka nandito? Wala ngayon Kuya mo." Niyakap niya ako.
Naka three inches akong black stiletto, at naka business casual long sleeved dress na kulay puti ang itaas at kulay beige ang ibaba. Tinupi ko sa dulo ang manggas. Tinali ko rin ang buhok ko para mukhang malinis tingnan.
"Mag-aapply po ako dito. Sabi ni Kuya, dalhin ko lang CV ko dito."
"Ganun ba? Wala siyang binilin sa akin ah. Iwan mo muna dito iyan baka may pupuntahan ka pang iba.".. Sabi niya sa akin.
"Wala naman po. Mamaya pa kasi ang pasok ko. Hihintayin ko po si Kuya saglit."
"Siya sige mag ikot ikot ka muna diyan para masanay ka dito." Nginitian ko siya.
Balak kong doon sa canteen tumambay para magkape. Habang naglalakad may lumapit sa akin na lalaki pormal ang kasuotan, matangkad nasa trenta pataas ang edad.
"Emerald Bautista?". Tiningnan ko lang siya. Kilala niya ako.
"Huwag kang matakot sa akin. Inutusan lang kasi ako nang amo ko, na lapitan ka. Gusto ka daw niya makausap." Sabi nito sabay turo sa isang taong nakatalikod sa amin sa di kalayuan.
Lumingon siya nang bahagya kaya nakilala ko siya. He is the older version of Charlie de Guzman. He is Carlos de Guzman.
"Nilapitan ko siya. Magandang araw po, gusto niyo raw po akong makausap Sir?" Pormal na mukha lang ang pinakita ko.
"Yes hija pero huwag dito. Let's go out and have coffee somewhere else." Nagulat ako. Ibang iba ang character niya ngayon kaysa una ko siyang nakita noon sa office ni Kuya Riley.
"Pasensiya na po kayo Sir. Pero may iba po akong sadya dito na hindi ko pupwede ipagpaliban. Saka may pasok pa po ako."
"It won't take long. Don't worry. This is very important. Tungkol ito kay Riley".
"Saglit lang po magpapaalam lang ako sa assistant ni Kuya". Hindi na ako nagdalawang isip na sumama sa kanya nang marinig ko na tungkol kay Kuya ang pag-uusapan namin.
Pinasundan niya ako sa kasama niya. To make sure na sasama ako.
"Tita Dors labas lang po ako saglit ha? Balik din po ako kaagad." Iniwan ko ang mga papel na bitbit ko kanina. Pati shoulder bag ko iniwan ko na rin. Wala akong dala maliban sa camera. Hindi naman daw kami magtatagal.
Pagdating sa piniling lugar ng Daddy nila Kuya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Kung hindi po tungkol kay Kuya hindi po ako sasama dito".
"I know."
"Kilala nyo na po siguro ako. Sa tagal naming magkasama ni Kuya imposible na hindi nyo ako pinaimbistigahan."
Bumuntong hininga muna siya nakatingin sa leeg ko bago nagsalita.
"Binigay pala nang anak ko sa iyo yan?" Ang kwentas sa leeg ko ang tinutukoy niya.
"Kayo po ba ang bumili nito? Ibabalik ko po sa inyo." Akma kong tatanggalin nang pigilan niya ang kamay ko.
"No, he has his reason why he gave that to you". Malungkot ang mga mata niya.
"Ano po ba ang tungkol sa Kuya ko, bakit po gusto niyo ako makausap?"
"Siguro ang sama sama nang pagkakakilala mo sa akin. Ayon sa kwento ni Riley sa iyo."
"Minsan ka lang po namin napag-usapan, saka hindi intention ni Kuya na siraan ka, naglabas lang po siya nang sama nang loob. Pagkatapos po noon hindi ka na niya binanggit pa sa akin. Pero nakita ko po kayo one time kung papaano nyo siya ipahiya at pagalitan."
"Sa tuwing titingnan ko si Riley nakikita ko sa kanya ang mukha nang Mama niya. Kaisa isang babae na minahal ko. Sobrang sakit para sa akin nang mawalan sila nang ina. Araw araw ko siyang nakikita na umiiyak. Kaya para lumaki siyang matapang at matatag iyon ang paraan na naisip ko, ang higpitan siya. At napatunayan ko na mali ang pamamaraan na ginamit ko".
"Tinulak nyo po siya palayo, paano po kung namatay siya sa ilang beses niyang pagtangkang magpakamatay?"
"Then I have to live longer para pagdusahan at namnamin ang sakit na dulot nang maling desisyon ko sa buhay."
"Kaya po hindi siya namatay gusto po kayo bigyan nang Panginoon nang pagkakataon para itama ang pagkakamali."
"Nagpaalam ang anak ko. Aalis siya." Sabi nito.
"I know. Kailangan nang gumaling ang mga sugat na sa halip na pagaling na ibinabalik nyo sa pagiging sariwa. Pero huwag po kayong mag-alala. Napakabait po ni Kuya, just reach out for him. Nangungulila po siya sa pagmamahal ninyo."
"Kaya kayo magkasundo dahil halos parehas kayo nang personality. Mapagmahal. Ah oo nga pala pakibigay nito sa kanya."
May inabot siya sa akin na papel, may nakasulat na Address.
"Pakiusap huwag mong sabihin sa akin nanggaling iyan. Huwag mo na rin banggitin sa kanila na nagkita tayo. " Tumango lang ako.
"Hija pwede pa ba tayo magkita ulit?" Nag aalangan niyang tanong.
"Pwede po, pero kailangan niyo po mag set nang appointment". Ngumiti ako sa kanya.
Tumawa siya.
"Paano po mauuna na po ako." Tumayo ako, I offered my hand for a hand shake but he hugged me.
"Thank you, for being always there for my son. For making him smile." Sabi nito.
"Ako po dapat magpasalamat sa inyo. For bringing Kuya into this world. He was my backbone ever since. He has a beautiful soul and a selfless person." Tinapik tapik niya ang likod ko. Saka kumalas sa kagkakayakap sa akin.
"Ipahatid na kita sa maneho ko."
………………………………………
"Dito na lang po ako Kuyang ano, baka may makakita pa at nakakilala sa sasakyan nang amo niyo baka mo may masabi pang hindi maganda tungkol sa akin."
"Pero malayo-layo pa tayo Maam.
Ako nga pala si Ed". Pakilala niya.
"Ayos lang Kuya Ed keribels ko na 'to." Pamimilit ko.
"Kayo bahala Maam, gusto mo eh". Napakamot na lang siya sa batok at alam niyang hindi siya mananalo sa akin.
Bumaba na ako at naglakad. Kanino kaya itong address na ito, sinipat sipat ko pa ang papel.
Masyadong malalim ang iniisip ko. Hindi ko namalayan umaambon na pala at unti-unting lumalakas.
Wala manlang akong dalang payong. Unti unti na akong nababasa. Kapag may dumadaang de pasaheng dyip may sumisugaw na "miss sumilong ka sayang."
Meron ding sumisipol. Hinayaan ko lang sila. Basa na talaga ako. Dumudikit ang damit ko sa katawan ko. Kapag daw minamalas ka, when the malas rains the malas pours. Napangiti ako sa naiisip.
"Lord kung sinuman ang makapagbigay sa akin nang payong papakasalan ko". Nakatingala ako sa langit habang sinasalubong ang patak nang ulan.
Kinukuhanan ko nang litrato ang sarili ko para makita ko mamaya ang nakakatawa kong itsura.
Sa wakas malapit na ako sa opisina nila Kuya.
"Baby where have you been?" Kahit hindi ko tingnan alam ko kung sino siya.
Baby? Malaki na kaya ako. Kaya ko na nga gumawa nang baby. Kausap ko ang sarili Ko.
Paglingon ko. May dala siyang payong!
"Lord binabawi ko na po. Sakit po sa bangs kapag ito pinakasalan ko. Maraming kakompitensiya."
Paglapit niya niyakap niya ako.
"I am worried to death when Doris told me somebody came here to pick you up." Talaga ba? Sagot ko pero siyempre sa isip ko lang.
So bilang ako na parating may kalokohan na nakareserba.
"Kapag kailangan ba kita kahit gaano ka kabusy darating ka?" Tanong ko.
"Uhm" umungol lang siya.
"Kahit ano ba gagawin mo para sa akin?" Tanong ko ulit.
"Uhm". Umungol ulit siya.
"Para makabawi ako sa iyo". Sabi niya.
Dahan dahan kong kinuha ang payong at tinumba. At binulungan niya.
"Napaka unfair naman kung ako lang ang mababasa". Saka kumalas sa kanya. At dumiritso sa loob. Bitbit ang payong.
Pagdating sa loob, madilim ang mukha nang loko. Natatawa ako pero pinipigalan ko lang.
Nakasalubong ko si Kuya, marami siyang kasama, mga kameeting siguro. Iba na talaga ang mga tao ngayon. Mga makasalanan! Sa dibdib ko agad dumapo ang mga mata nila. Hinubad ni Kuya ang coat at tinakip sa akin.
"Magbihis ka agad bago kapa magkasakit. Sa bahay nalang tayo mag-usap mamaya." Natakot ako doon ah.
Seryoso ang mukha ni Riley de Guzman! Ngayon na ang katapusan mo Emerald!
Pumasok ako sa office ni Kuya may maliit na kwarto doon na halos puno nang damit pambabae at panlalaki. Kompleto iyon. No wonder dahil clothing company ito.
Pumili ako nang katulad sa sinusuot ko araw araw. Tight jeans and loose black shirt na binuhol ko ang laylayan to look more fashionable. Kumuha ako nang sapin sa paa.
"Tita Dors! Ano po sabi ni Kuya?"
"Sa CEO's Office ka daw dumiretso Ehra."
"Po?" Patay ganito ang suot ko?
"Iyon ang bilin niya kanina bago siya umalis"
"Papalitan ko lang po ang suot ko!". Dali dali akong bumalik sa office ni Kuya at nagnagpalit nang peach colored dress at at pinarisan nang kakulay na rin na sapatos. Mas mababa ang takong this time.
Bakit kaya doon ako pinapunta. Ang lakas nang kabog nang dibdib ko. Nag sign of the criss cross muna ako bago lumakad papunta sa empyerno este papunta sa kalbaryo.