Charlie's P. O. V.
"Ayaw ko na doon sa ospital, magpapalinis lang naman nang sugat. Kung tutuusin kaya ko nga linisin 'to eh. Kay Doc Nathan nalang tayo may pag-uusapan din naman kasi kami, para isang lakad na lang." Nagsalita rin si Ehra sa wakas. This awkward situation is killing me.
Pinagsisihan kaya niya ang nangyari kanina? F*ck!
Hinampas ko ang manibela out of frustration.
Napalingon siya sa akin.
"You can drop me here, kung ayaw mo ako ihatid. Magtataxi na lang ako." Diretso siyang nakatingin sa akin.
"No, no. Hindi ganoon iyon. Marami lang kasi akong iniisip." Paliwanag ko.
Umayos lang siya nang upo.
"About earlier, ahhmm".. F*ck hindi ko mabuo ang sasabihin ko.
She sighed.
"What about earlier?" Poker face pa rin siya. Nagagalit ba siya?
"I'm sorry." Sh*t bakit ako nagsosorry?
"Sorry para saan?" She smirked.
"Iyong nangyari kanina." Hindi ako ganito sa iba. I kissed countless of women before, pero hindi ko na iniisip ang nararamdaman nila after that.
"Think a million times first before doing something. Being sorry about it means you're disappointed with your actions. Huwag kang mag alala I enjoyed the kiss.. Anyway you are my first. Maybe next time I should try kissing other guys, to determine with whom I enjoyed the most." Parang wala sa sarili na sinabi niya.
Tumaas ang dugo ko bigla.
"This is the best way of ruining my day Emerald! Dare kiss other guys and you are not able to see the outside world, you will only stay inside my room for the rest of your life!" I can't imagine her kissing another guy. She smirked again.
Paano ko malalaman ang saloobin niya kung ang alam niya lang gawin ay tumahimik? Bakit kapag sila ni Riley at mga kaibigan niya madaldal siya?
Tumunog ang phone niya, pagkakita kung sino nag caller ngumiti siya. Bakit sa akin hindi niya maibigay ang ngiting ganyan?
"Magandang umaga sa pinakapogi at pinaka the best na boss sa buong mundo!" Hindi nakaloud speaker ang phone at hindi nawawala ang ngiti niya.
Pinakapogi at pinaka the best? Tsss.!
"Okay lang Kuya. I'm on my way to Doc Nathan." Inangat ang kamay niya at sinipat.
"Pupunta ako mamaya. May isa pa akong kamay Kuya, ano tingin mo sa akin inutil?" At least marami ang concern sa kanya. And I am glad.
"See you later then. Ingat!"
Pagdating namin sa clinic ni Ibañez, nakilala agad siya nang guwardiya kaya pinatuloy kaagad kami.
"Hi Ehra! Saglit lang ha may inaasikaso lang si Doc." Bati sa kanya nang babae.
"Sino iyang kasama mo? Uuuyy! May fafa kana?"
Umupo siya na parang balewala lang. Hindi pinansin ang sinabi nang nurse. Mukhang sanay na sanay na siya dito.
"Fafa lang ba? Marami tayo niyan!"
"Owwws? Marami kang fafa lahat naman hindi pumasa sa mga Kuya mo."
"Tatawa na ba ako Ate? Ha, ha, ha," sabay tawa nang malakas.
"Loka-loka! Sino nga iyang kasama mo?"
"Kapatid iyan ni Kuya Riley." Sabi niya sa nurse. Saka tinapunan lang ako nang tingin.
"Talaga ba? Bakit hindi sila magkamukha? Parang mas may similarity pa kayo ni Riley kaysa sa kanya." Sabi nang nurse habang nag-aayos ng mga tambak na papel sa harapan.
Nginitian lang niya ito, tumayo na parang naiinip.
"Ate Jess ikaw na lang maglinis nang kamay ko pwede?" Pakiusap niya sa nurse.
"Naku pasensiya na Ehra loaded ako ngayon. Si Doc nalang, saka kabilin bilinan niya na huwag kang paalisin."
"Matagal pa siguro iyon?" Sabi niya at umupo ulit, nagbukas nang phone, pamatay oras.
Di rin nagtagal dumating si Nathan, tumango siya sa akin, ganun din ang ginawa ko sa kanya. Saka kinamayan ako pagkalapit niya.
"Tinawagan ako ni Riley na pupunta kayo."
Nilapitan niya si Ehra. Ngumiti ito pero seryoso ang mukha ni Nathan.
"Don't deceive me with that sweet smile of yours young woman! I wasn't born yesterday." Saka niya inalalayan si Ehra paupo sa mahabang sofa.
Ako dapat ang gumagawa niyan sa kanya. Tutol nang isip ko.
Umalis saglit si Nathan pagbalik niya may dala na siyang gamit na kakailanganin saka sinimulan niya nang linisin ang sugat ni Ehra, both of them are quiet. Naghihintay. Kung sino ang unang magsasalita. Hanggang natapos sila.
"You know that I hate seeing you like this. And not only me, all of us who cared for you?!" Si Nathan ang bumasag sa katahimkan nila. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Ehra na nanginginig.
"Let it out okay? Don't keep it inside". Saka siya yumakap kay Nathan. At pumalahaw nang iyak.
Hinahagod nang Doctor ang buhok niya habang panay halik sa ulo niya. Iyan din ang palaging ginagawa ni Riley sa kanya.
Napalingon din nag nurse at halata ang pag-alala
"Bakit sa akin ito nangyayari? Akala ko tuluyan ko nang nakalimutan ang lahat. Limang taon na ang nakalipas Doc. Pero nang makita ko siya bumalik ang lahat na parang kahapon lang nangyari." Sabi niya sa pagitan nang paghikbi.
Inangat ni Nathan ang mukha niya. Pinunasan ang luha.
"Ehra, look at me. Matapang ka, kung dati nalampasan mo, mas lalo na ngayon, nandito lang kami"..
"N-nasaktan ko siyaaa".
"Normal lang iyong ginawa mo. Baka kung ako pa nandoon nakapatay na ako ngayon.".
Nagwawala ang kalooban ko. Bakit ba kasi nahuli akong dumating sa buhay mo? Gusto kong gawin ang ginagawa nila sa iyo. Gusto kong ako ang tutuyo nang luha mo. Gusto ko ako ang gagamot nang mga sugat mo. At gusto ko ako ang magpapangiti saiyo.
"Anong meron dito? My dear brother?" Sabi agad nang kapatid ni Nathan pagkapasok.
Kumaway siya sa akin. Saka lumapit sa dalawa. Kumalas si Ehra kay Nathan pero yumakap naman doon kay Norman. May mga binubulong siya dito habang hinahalikan ang ulo ni Ehra.
Ito na ba ang sinasabi nilang selos to the highest level? Mayroon pa bang darating? Dumating na kayong lahat para minsanan nalang.
At hindi nagtagal dumating ang kapatid ko, pinsan ko at asawa niya.
Pinahid ni Ehra ang luha gamit ang likod nang palad niya pero napalitan rin nang bago, parang baha na hindi mapigilan ang luha niya. Lumapit siya kay Leia, lumuhod para magpantay sila, ang pinsan ko na ang nagpunas nang mga bagong agos na luha habang siya rin ay tumulo ang sariling luha. Si Greg naman pumuwesto sa gitna nang dalawa at sabay na hinahagod ang likod nang mga ito.
Samantalang si Riley nandoon nagmamasid sa ginagawa nang nurse. Paminsan minsan lumilingon siya sa kinaroroonan nina Leia at Ehra. Hanggang lumapit doon si Nathan at Norman. At tinulungan na rin nila ang nurse.
"We're done here, Bro pakisend sa Email ko ang soft copy." Utos ni Rile kay Nathan.
Nag-usap pa sila saglit habang nasa rest room si Ehra.
"You'll go home with me Angel" sabi ni Riley.
"Sabay nalang ako kay Kuya Norman Kuya, papasok din ako sa Mixnetic mamaya."
"No" sabay sabay na sabi ni Riley at Norman.
"May klase ka pa bukas" Sabi ni Riley.
"Okay, okay!" Nakataas kamay si Ehra na parang sumusuko.
"Bye Ate Jessica!" Tumango ang nurse.
Pagkatapos magpaalaman nagsikanya kanya na kaming pumunta sa mga sasakyan namin.
"Sa bahay kana mag lunch Kuya". Alok ni Riley.
"Okay susunod ako. May pupuntahan lang ako."
Balak kong puntahan si Jonas.
Alam kong babaero siya pero hindi ko akalain na mangmomolestiya siya nang minor de edad.
Pinuntahan ko ang ospital na pinagdalhan sa kanya. Pagdating ko doon nakaposas siya sa hospital bed. Nangingitim ang mukha dulot nang bugbog ni Rile sa kanya.
"Jonas, kamusta kana?". Naawa ako sitwasyon niya. But to think that he touched Ehra makes my blood boil.
"Hindi maayos bro. Pakisabi sa kapatid mo pinagsisisihan ko na ang ginawa ko. Tulongan mo ako Charlie, maiiskandalo ang pamily ko pati ang asawa ko" umiiyak siya.
"Bakit mo nagawa iyon?" Matigas ang anyo ko.
"Bulag ka ba? Maganda siya! Pansin mo ang hubog nang katawan niya? Perfect pare noon pa lalo na ngayon. Hindi ko akalain na magkikita kami ulit!" At ngumisi siya.
Nagdilim ang paningin ko. Hinawakan ko ang damit niya sa bandang leeg. Halos umangat ang buo niyang katawan.
Pinindot niya ang emergency button. Biglang may pumasok at inawat ako.
"Kakasuhan ko kayo nang kapatid mo!" Banta niya.
"Harapin mo muna ang kaso mo bago mo kami balikan. I'm not sure kung makakaligtas ka pa. Attempted r**e for the minor victim? Hah see you in hell!" Tumalikod na ako.
"F*ck you Charlie! Bakit? Ha? Gusto mo siya? Pinagsawaan ko na iyon!" Pahabol niyang sigaw. Gusto ko siyang balikan pero hawak ako nang gwardiya palabas nang ospital.
Pagdating ko sa condo ni Riley nasa kusina sila. Pinagmamasdan ko lang ang kapatid ko na hindi magkandaugaga sa ginagawa, habang si Ehra nakatunghay sa kanya.
"Kuya tulungan na kita. Wala talaga akong tiwala sa iyo."
"Chillax ka lang diyan, sisiw lang to ako pa!"
"Siguraduhin mo lang ha?"
Tumukhim ako para maagaw ang pansin nila.
"O Kuya halika, malapit na ito. Pag natikman mo 'to magiging proud ka sa akin." Kumindat pa si Riley.
"Bihis lang ako Kuya ha?" Umalis si Ehra nilampasan niya lang ako.
"Bro galing akong ospital. Nakausap ko si Jonas" Natigilan siya.
"Anong napag-usapan niyo?"
"Nakiusap siya kasi maiiskandalo daw ang pamilya niya."
"Ngayon niya naisip na maiiskandalo sila? Kuya, kung nakita mo lang ang kalagayan ni Ehra noon, tumatakbo na walang sapin sa paa, may hiwa ang braso dahil pinunit ni Jonas ang damit niya gamit ang cutter. Pagkatapos nang ilang linggo ang magulang naman niya ang nawala sa kanya. Nagtangka siyang magpakamatay. May malaking peklat sa kaliwang pulso niya gawa nang paglaslas."
"Ang mga peklat na iyan Kuya ang nagpapaalala sa kanya sa mga nangyari." He sighed.
"Pagkagising niya noon sa ospital, nagmamakaawa siya kay Nathan na turukan siya nang pampatulog. Dahil ayaw na daw niyang magising."
"Then how did you know that it was Jonas?" Tanong ko.
"Kwento niya model ang amo niyang babae. One time may event ako niyaya ko siya, para magamit niya ang camera na binigay mo. Sabi ko sumama ka sa akin tingnan ko kung gaano ka kagaling kumuha nang picture. Pumayag siya. Nandoon din si Celine, nang makita niya ito, pumunta siya nang restroom. Nang mawala siya sa paningin ko tinawagan ko siya pero ibang babae ang sumagot, inaatake na pala siya. Buti nalang tinulungan siya nang babae na nakakita sa kanya. Doon niya sinabi na nandoon ang amo niyang babae sa event." Banaag sa mukha nang kapatid ko ang lungkot.
"Sa tulong nang mga kaibigan ko at nila Ate Leia, unti-unti siyang gumaling. Halos ginagawa nalang niyang kendi ang mga gamot na pampakalma".
"But we tried our best para matulungan siya. Pinadama namin sa kanya na hindi lahat mapagsamantala."
Naputol ang usapan namin nang bumalik si Ehra sa kusina.
Naghain siya. Para sa aming tatlo. Nakasuot siya nang sleeveless at wala rin takip ang pulso niya. Kita ang keloid scar sa braso niya.
Lumapit siya kay Riley. Pinatikim sa kanya ang niluluto nito. At ngumiti lang siya na naka thumbs up.
"Ngayon umupo kayo ni Kuya doon at hayaan nyo ako pagsilbihan ang mga importanteng tao sa buhay ko. I will be your humble servant for now." Yumukod pa siya sa amin.
Tumawa si Ehra habang hinihila ang isang upuan. Tinulungan ko siya at aksidenteng naipatong ko ang palad ko sa kamay niya. Parang hindi naman siya apektado dahil parang wala lang na kinuha niya ang kaniyang kamay.
Namamangha talaga ako sa tuwing tumatawa siya. Ang ganda niya walang kapantay. Labas ang dimple, pantay pantay din ang mapuputi niyang ngipin. Ang kilay na akala mo ginuhit sa kapal.
Siguro dahil hindi ko siya palaging nakikita na tumawa kaya ako humahanga. I can't explain this feeling inside me. The feeling that grows deeper every second of the day.
"Hindi bagay, napakagwapo namang tagasasilbi!" Sabi ni Ehra.
"Talaga ba? O Kuya narinig mo? Gwapo daw ako!" Pagmayabang nang kapatid ko.
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan". Natatawa ako na naiiling.
Pagkahain ni Riley magsisimula na sana ako. Pinigilan niya ako.
"Kuya magdasal muna tayo". I was surprised, sa ginagawa nang kapatid ko. Ganito kami lagi kapag pinapakain ni Mama noong mga bata pa kami.
"Sorry". Sabi ko nalang.
Pagkatapos niya magdasal, siya mismo naglagay nang kanin sa plato ko.
"Para sa paboritong kong Kuya".
Sinunod niya ang plato ni Ehra. Habang naghihintay ito na nakapangalumbaba na parang bata. She reminded me of Riley before. Hinimay pa ni Riley ang ulam niya.
"At ito, para paborito kung bunsong kapatid."
"Salamat Kuya! You're the best!"
Para akong mabulunan, ang lahat nang eksenang ito nagpapaalala sa akin nang kabataan namin ni Riley.
"Kuya punta tayo kay Mama mamaya ha?” napalingon ako kay Ehra, akala ko wala na siyang magulang?
"Akala ko ba wala ka nang magulang?" Tanong ko sa kanya.
"Mama niyo ni Kuya iyon, naki Mama na lang din ako." She said without giving me a glance. She's busy with her food.
"Ikaw na lang muna busy ako". Sagot ni Rile.
Tinaas niya ang kanang kamay.
"Hindi ko pa kayang magdrive Kuya. Saka andami mo nang utang kay Mama ako nalang lagi bumibisita sa kanya."
"Si Kuya nalang. Kuya nakabisita ka na ba kay Mama? Pakisamahan muna si Emerald mamaya." Baling ni Rile sa akin.
"No problem sakto hindi pa naman ako nakapunta dun." Sagot ko.
Kahit matagal na panahon nang wala si Mama pero masakit parin ang pagkawala niya. Pakiramdam ko noon lahat nang obligasyon niya kay Riley sa akin nalipat.
Pero iniwan ko ang kapatid ko. Naging duwag akong harapin ang anumang nakaatang na obligasyon para sa akin. I'm a failure. Nahihiya ako sa sarili ko.
"Kuya napansin ko lang lagi kang abala ah. May girlfriend kana ul.. "
"Wala"
Hindi pa tapos magtanong ni Ehra nakasagot na agad si Riley.
"Ay alam mo ba Kuya, may bumibisita doon kay Mama. Saka ang kuripot!" She's pouting her lips after saying the last word. Tumikhim ako. F*ck! She's turning me on.
Tumawa si Riley.
"Angel don't do that in front of Kuya you're in big trouble". Tumawa ulit siya.
Nakita kong namula si Ehra.
"Bakit mo nasabi na kuripot?"
"Kasi hihintayin niya lang makabisita ako saka siya pupunta, tapos doon siya kukuha nang isang piraso sa bulaklak na dala ko."
"Anong kulay?"
Sabay pa kami ni Riley nagtanong.
"Puti".
"Di ba Kuya weird?" Tumango-tango lang si Riley.
Alam ko kung sino ang iniisip niya. Si Daddy.