Emerald's P. O. V
Magdadalawang buwan na ang lumipas nang nangyaring trahedya sa buhay ko. Gabi-gabi akong hindi makatulog kung hindi sa tulong nang gamot na bigay ni Doc Nathan sa akin. Siya lang ang nakakaalam nang condition ko. Nakiusap ako sa kanya na huwag ipaalam kahit kanino. Lalo na kay Kuya Riley. Malaking abala na ang ginawa ko sa kanya.
Kahit alam ko sobrang abala siya sa trabaho talagang tinutupad niya ang pangako na kahit anong oras kailangan ko siya, darating siya. Pasalamat parin ako sa Panginoon nawalan man ako nang magulang may tao naman siyang ipinalit.
Tanda ko pa noong araw pagkagaling ko nang ospital. Ang dami nang plano ni Kuya Riley pabor lahat sa akin.
"Magpalakas ka muna kapag kaya na nang katawan mo I'll train you. I'll teach you some self defense techniques para magamit mo just in case the same thing happen again. Huwag ka mag-alala ako mismo magtuturo sa iyo. I just don't know why is that only me you are not afraid of. Siguro dahil sa angkin kong kaguwapuhan?" Nakangiti niyang niyang sabi. Napangiti na rin ako.
"Ang tungkol diyan sa condition mo sabi ni Nathan kailangan ng therapy. Hindi maganda sa kalusugan na lagi kang bigyan nang pampakalma. Kailangan mo maexpose sa lugar na may maraming tao lalo na mga lalaki. Every weekend isasama kita maybe buying some groceries for me. Dadalhin kita doon sa condo ko para makita mo. Every Sunday sisimba tayo sasama tayo sa kanila Ate, ganun lagi ang magiging routine mo. Kapag may trabaho ako sa bahay ka lang, mahirap na."
"Next semester mag-aaral kaya dapat mag isip ka kung anong kurso ang gusto. Maghanap ka muna ng mga online courses saka kana pumasok sa school kung kaya mo na mag-isa.."
"Huwag na Kuya sobra sobra na ang tulong mo sa akin. Baka malunod na ako sobrang dami nang utang na loob ko sa iyo."
"Huwag kana umangal ganoon naman dapat ang magkapatid diba nagtutulungan. Since wala ka nang magulang kami na ngayon ang magiging pamilya mo."
"Ganito na lang Kuya, maghahanap ako nang mga institution na nagbibigay nang full scholarship tapos kapag nakapasa ako next opening papasok ako nang school. Ang allowance and projects ko naman. Magtatrabaho ako kahit tagalinis ng condo mo saka sa gym sisiw lang yan sa akin.. Saka kasama na rin sa therapy ko iyan. Deal? Pumalatak lang siya.
"Ok, pero hindi ka pa pwede doon sa gym puro lalaki trabahador ko doon. Saka may janitor na doon, balak mo pa yata tanggalan nang trabaho iyong tao di kana naawa." Napatawa ako sa sinabi niya.
"Suggestion palang iyon Kuya. Kung walang bakante doon maghahanap nalang ako sa labas".
"No, hindi mo pa kaya ngayon. I'll ask Nathan about this. Kasi dati kahit si Nathan hindi makalapit saiyo but now your ok with him." Tutol niya.
"Sa taong may tiwala ako na walang gawing masama sa akin Kuya, sila iyong kaya kung lapitan, makausap at mahawakan hindi ako nagkakaroon ng panic attack."
"Considering your past experience, naiintindihan kita. Slowly angel slowly gagaling ka." Lumambot ang anyo ni Kuya.
"Ano ba ang nagawa ko Kuya at binigay ka, kayo sa akin nang Panginoon. Hindi ako mabuting anak. Sinuway ko ang magulang ko para sa pansariling ambisyon ko." Pilit kong pinipigilan ang mga butil nang luha na gustong kumawala sa mata ko.
"O O O iiyak ka na naman niyan mamaya. You know what ganyan din ang naisip ko napakalaki ng kasalanan ko kung tutuusin, dalawang beses ako nagtangkang magpakamatay. Iyong pangatlo, balak ko ihulog ang sasakyan kasama ako sa dagat habang sinisisi ko ang Panginoon at si Mama na maaga akong iniwan, saka nakita kita. Doon ko napagtanto, binigyan ako nang Panginoon ng pagkakataon mag sisi sa mga nagawa kong kasalanan. Kaya hindi baduy ang tawagin kang 'angel' dahil para sa akin kaya kita nakita noong oras na iyon kasi magiging parte ka nang buhay ko, namin. Kung anuman ang role ko sa sa buhay mo at role mo sa buhay ko kapalaran ang nakakaalam. Pero ang role ko talaga sa buhay mo, magiging isang mahigpit na Kuya sa iyo. Do you understand? Seryoso niyang sabi. Tinutok pa niya ang dalawang daliri sa mata niya saka tinutok sa akin.
"Ang haba Kuya wala akong may naintindihan. Pwedeng pakiulit?" Natatawa kong sabi..
"Ang hirap pala magkaroon ng bobong kapatid!" Ginulo niya ang buhok ko.
"Ay Kuya nakakasakit ka na ha bobo agad? Hindi pa pwedeng pagod lang utak ko, saka huwag naman iyong buhok ko ito na nga lang ang yaman ko guguluhin mo pa". Mas totoo ang ngiti ko ngayon hindi katulad nang mga nakaraan pilit lang ako ngumingiti para hindi sila mag-alala sa akin. Baka nga tama si Kuya ang Panginoon ang may gawa nang lahat ng ito. The bond between me and Kuya is incomparable.
"By the way, aalis ako papuntang U. S next week doon ako magpapasko. Pagkatapos nang show ko bibisitahin ko si Kuya".
"Gaano katagal?
"Depende, saka may iba pang offer din sa akin alam mo naman Kuya mo malakas ang s*x appeal, kaya hanggang may offer at kaya ko naman hindi ko dinidecline.."
"Kapit ka Kuya baka matangay ka lumalakas hangin dito nanganagmoy yabang!".. Dinampot niya ang throw pillow akmang ibabato sa akin tumakbo ako papuntang kusina.
"Nanay Rosing tulong!"
"Bakit anong nangyari sa iyo? Halika dito" may pag alalang tanong nang matanda.
"Si Kuya po" sabay tago sa likod niya. Saktong papasok si Kuya.
"Manang nakakapikon na iyang nasa likod mo ha?. Sinabi ko lang iyong totoo mayabang na daw ako. Di ba Manang totoo naman gwapo talaga ako?" Sabay kindat niya kay Nanay Rosing.
"Oo naman ang gwapo mo ay maihalintulad kay Keannu Reeves"
"See"
"Pero anak bakit sa guwapo mong iyan wala kang nobya?" Napatawa ako sa narinig.
"Don't laugh at me woman, may araw ka rin makaganti din ako sa iyo." Banta niya.
"O ba't ako wala pa nga akong sinasabi.
Napaka-defensive!.. Katwiran ko.
"Saka Manang walang personalan, akala ko nakahanap na ako nang kakampi. Mga babae talaga oo". Sabay martsa paalis ng kusina. Sabay kaming natawa.
Masaya lang lagi ang eksena kapag kaharap ko sila pero kapag nag-iisa na ako sa gabi walang humpay ang iyak ko kapag pagod na ako saka ko iinumin ang pamapatulog na bigay ng kaibigan ni Kuya Riley na si Doc Nathan.
Kahit isa sa kanila hindi binabanggit ang tungkol sa muntik na ako magahasa at sa pagkawala nang magulang ko.
Sinisisi ko lagi ang sarili ko, baka ako ang may mali kaya ako muntik nagahasa? Baka may kilos ako na namis interpret ng tao. Hindi naman ako mahilig magsuot ng malaswang damit. Mas gusto ko pa nga ang malalaking damit at malaya akong nakakakilos.
O baka dapat hindi lahat nang tao kailangan kong ngitian. Nasanay talaga ako makipagbolahan sa mga tao dahil lagi akong kasama ni Papa sa paglalako ng isda at gulay sa isla namin. Marami ang nagsasabi maganda daw ako, may dimple sa kaliwang pisngi na kitang kita kapag nakangiti ako, makinis ang balat ko kahit hindi maputi, sakto lang. Sampung taon palang ako, tinuruan na ako ni Papa magdrive ng traysikel. Lagi nga ako kinukurot sa hita ni Mama kasi tinatakas namin ni Mellisa at iba pa naming kababata ang traysikel namin. Tapos kakampihan ako ni Papa at sabihin na basta mag-iingat lang ako.
Hindi matutumbasan ang pagmamahal at pag-aruga nila sa akin ng anumang materyal na bagay. Kaya ako nagtangkang magpakamatay dahil hindi ko alam saan ako magsisimula.
"Ma, Pa, miss na miss ko na po Kayo." Tulungan niyo po ako malampasan ang lahat ng ito".
"Ehra? Gising ka pa ba?" Boses ni Ate Leia pinunasan ko ang luha ko. Bago sumagot.
"Opo Ate!" Binuksan ko ang pinto.
"Halikayo dito Ate, Kuya."nakangiti kong sabi si Kuya Greg ang kasama niya.
"Hon iwan mo lang kami dito, girl's talk ito..
"Okay half hour I'll give you half hour." At saka si Kuya Greg lumabas.
"Ehra, alam ko kahit hindi mo sabihin sa akin nasasaktan ka parin sa nangyari sa magulang mo given na iyon. Ako rin noon ganyan din ang naramdaman nang maaksidente ang parents ko. Alam ko rin gabi-gabi ka umiiyak." Pinisil niya ang kamay ko. Ito ang unang pagkakataon may nagbukas ng usapin tungkol sa magulang ko.
"Ayos lang po ako Ate, sa katagalan malilimutan ko rin ang lahat ng ito." Nakangiti ako sa kanya.
"Huwag mong itago ang nararamdaman mo nandito kami handang makinig sa iyo. Huwag mo na hintayin na kung saan hindi mo na kaya ay isipin mo na ang tanging solusyon ay pagpapakamatay."
"Hindi na po iyon mauulit Ate nangako na ako kay Kuya Riley ngayon pa ba na nandiyan na kayo. May karamay na ako.".
"Good, pagbalik ni Rile galing U. S. Pupunta tayo sa lugar niyo para makapagpaalam ka nang maayos sa magulang mo. Para matahimik na rin ang kaluluwa nila. Alam ko ayaw nila nakikita kang ganyan."
Tama si Ate Leia, kailangan kong pakawalan na sila Mama at Papa. Ito ang dapat, kailangan kong umusad. Hindi ako pwedeng makulong sa nakaraan ko.
Habang wala si Kuya Riley sinama ako nila Ate Leia at Kuya Greg na magsimba. Pero hindi na naulit iyon. Dahil one time nasa papasok palang kami ng simbahan hindi na ako makahinga. Sa nakita kong dami ng tao para akong nasa gitna ng dagat hindi makagalaw at nalulunod. Sumandal ako sa pinto sapo ang aking dibdib kinakapos ako nang hangin. Habang si Kuya Greg pilit akong pinapakalma. Nataranta na si Ate, tinawagan niya si Doc Nathan.
Buti nalang nasa simbahan din siya ng oras na iyon kasama ang girlfriend niya. Nakapunta agad sila sa pwesto namin. Inutusan niya ito kumuha ng gamot sa sasakyan nila.
Simula noon nadala na si Ate, sabi niya sa online nalang ako manood ng misa bawi na lang daw ako pagbalik ni Kuya Riley.
Kahit anong pilit ko na samahan si Nanay Rosing sa palengke hindi sila pumapayag. Naiintindihan ko naman sila para rin sa kapakanan ko ang iniisip nila.
Paminsan minsan tumatawag din naman si Kuya, siguro sobrang busy lang niya doon sa pinuntahan niya.
May dalawang scholarship program na akong nakita at nakapag inquire na rin. Dapat makapagdecide muna ako ng kursong kukunin bago ako makapag exam sa kanila.
Pinapaikot ko sa lamesita ang cellphone na binigay ni Kuya Riley, nababagot ako sa loob nang bahay. Hanggang lumipat na naman sa tainga ko ang isa kong kamay at sinimulan kong laruin ang hikaw na nakasabit dito.
Wala ang kurso na gusto ko ang under sa dalawang scholarship program na iyon. Kailangan ko pa maghanap, ayaw ko ipaako kay Kuya Riley lahat ng gastusin ko sa school.
Tumunog ang phone ko. Speaking of the devil, napangiti ako. Noong nakaraang tawag niya saktong kinakalikot ko ang amplifier dahil gusto kong kumanta at pinilit pa ako magpakita sa camera pero hindi ko nagawa dahil may narinig akong boses may kasama siya iyon na yata ang Kuya niya.
"Kuya" walang ganang sagot ko.
"Ano gawa mo". Tanong niya.
"Wala". Tuloy ang laro ko sa tainga ko.
"Tigilan mo yan kawawa na ang tainga mo. Kung nakakapagsalita lang yan kanina pa yan nagreklamo." Napatingin ako sa screen ng cellphone ko saka ko na realize na video chat pala iyon.
"Mukhang ang lalim nang iniisip mo ah. May problema ba? May gusto ka bang bilhin? Ano?"..
Napangiti ako may naisip na naman akong pang-asar sa kanya.
"Ano? I'm warning you! Huwag ka ngumiti nang ganyan ha lalo na sa ibang tao masyado kang pacute!" Inis niyang sabi.
"Kuya hindi ko na kailangan magpacute dahil likas na sa akin iyon" sinabayan ko nang mala kontrabidang tawa.
Natawa rin siya.
"Pwede na ba ako mag boyfriend Kuya?" Nakita ko pinalo niya ang armrest ng sofa na inuupuan niya. Hahaha effective.
"At sino naman iyang napupusuan mo ha abir?"
"Naalala mo iyong suki natin nang kwek-kwek sa gilid ng sim-" hindi ko natapos ang sasabihin ko.
"No. Way!" Pulang-pula ang mukha niya.
"Sige na Kuya, tingnan mo oh tinatagihawat na nga ako kakaisip aa kanya eh".. Galing mo magdrama girl na isip ko habang pinapakita ang pimples ko sa noo.
"Listen to me young woman. If I said NO I mean it. Tigilan mo iyang kalokohan mo magtatapos ka nang pag-aaral saka ka mag boyfriend. Did I make myself clear? Saka ako bumunghalit ng tawa.
"Kuya naniniwala ka doon? Biro lang." Hindi ko parin mapigilan ang tawa ko. Pinatayan niya ako ng cellphone.
Ako na ang tumawag. Matagal bago niya sinagot. Napapangiti pa rin ako sa reaction niya.
"I miss you Kuya." Walang sagot
"Kelan uwi mo?" Hindi pa rin siya sumagot.
"Bilisan mo na diyan hindi na ako nakakagala, hindi na ako sinama nila Ate simula noong may nangyare sa simbahan." Umangat siya nang tingin. Naikwento na rin ni Doc Nathan sa kanya ang nangyari.
"Soon. I'll be back soon". Sabay buntong hininga.
Matiyaga akong naghintay sa pagbalik niya. Inaaliw ko nalang sarili ko sa pagtulong kay Nanay Rosing sa gawaing bahay.