Episode 8

1824 Words
Riley's  P. O. V             "Angel kung hirap ka diyan sa kurso na iyan magshift ka nalang. Hindi dahil binigyan kita ng camera ay iyon agad ang naisip mong course pwede naman kahit iba tapos iyong passion mo sa photography magagawa mo parin iyan kahit hindi kapa degree holder. " Mahabang sermon ko kay Ehra. Nasa sala kami ng condo ko,  kapag weekend dito siya sa akin. "Gusto ko rin ito Kuya, kaya lang hirap ako sa sitwasyon ko minsan may group presentation kami hindi ako makasali. Nauubusan na nga ako nang palusot kung bakit hindi ako makasama sa kanila Gusto ko rin mag group study sa bahay nang mga classmates ko." She pouted her lips. Ganyan siya kapag may gusto pang idugtong sa sasabihin ngunit nag aalangan.  "And.." "Iyon lang." "Anong iyon lang?  Alam ko may gusto ka pang idugtong." Sulsol ko sa kanya.  "Muntikan ko nasuntok ang professor ko".  Halos ayaw niya maangat ang ulo niya.         "What the f*ck! Bakit?" "Watch your mouth Kuya".  "Sorry. Ano ba kasi nangyari?" "Pinuri niya kasi ako nagandahan siya sa short video clip na ginawa ko. Alam mo naman outcast ako sa klase. I'm always sitting  alone sa likod lagi ako nakayuko naiinis kasi ako sa mga kaklase ko laging nakatingin sa akin. Paglapit nang Prof ko tinapik niya ako sa balikat sabi niya 'good job Bautista' sobrang gulat ko Kuya! Buti nalang nakita ko ang black shoes niya sa harap I suddenly recognize him pilit ko nalang kinalma sarili ko. Nagtago ako sa hoodie ko kasi nasa akin lahat ng atensiyon nila." Disappointed niyang paliwanag.  Natawa ako sa kwento niya.  "Meaning to say kung nasuntok mo siya ipapatawag ang guardian mo? Ipapatawag ako? Naku po itakwil nalang kaya kita ngayon palang." Biro ko. "Hindi naman siguro aabot sa ganun, saka kung hindi mo'ko tinuruan ng mga "killer moves" mo na iyan hindi rin ako matutong manakit nang tao. Ikaw talaga ang salarin Kuya I swear ikaw talaga, halos patayin mo nga ako sa training eh." "Hindi ah, mahina ka lang kasi noon,  training  lang iyon patay agad? Duhhh" saka ko pinaikot ang mata ko. Natawa na siya.  "Wala talaga tayong matinong usapan". Sabay alis papuntang kuwarto.  "O Saan punta mo? Walk out agad" Habol ko.  "Isalang ko muna mga damit mo sa washing machine baka bukas o makalawa nakahubo kana kasi lahat ng damit mo marumi na." Alam ko niinis siya sa sitwasyon niya. Pagbalik ko galing America inuwi ko siya sa kanila to give a proper send off para sa parents niya. Kumuha kami ng mga kakailanganin niyang papers para makapag-aral siya. Nakakuha din siya ng full scholarship.  Nagbigay din kami ni Ate ng dalawang bangkang de motor para makapagsimula ulit ang iba pang natitira niyang kaibigan sa isla. At nangako din siya na dagdagan niya iyon kung makapagtrabaho na siya.  She has a beautiful heart. Hindi ko siya kayang tingnan nang mga oras na nagpaalam siya sa mga magulang niya. Lumusong siya sa dagat dala ang kumpol ng bulaklak.  Her world was literally shattered. She was totally broken. That even I, I don't know how to comfort her. All  I can do is give her a hug and assurance that eventually everything will be alright.  Nagising ako sa pagbabalik tanaw pag upo niya ulit sa tabi ko.  "Mukhang ang lalim niyan Kuya ah, ano ba iyan babae no?" Ngumiti siya. Her beauty is one of a kind,  ang mata na kapag tumingin mapapakalma ka. Kapag ngumiti naman litaw ang dimple sa kaliwang pisngi.  Umiling lang ako sa tanong niya.  "Pagod lang ako." Sabay bukas ng vodka   "Gusto mo ng espresso martini Kuya?"  Tiningnan ko siya nakakunot ang noo ko.  "Saan ka natuto niyan?"  " Nakita ko lang sa Youtube then I tried it's amazingly awesome! Aahhh!" pinalo ko nang unan ang ulo niya.  "May pa amazingly amazingly awesome ka pang nalalaman diyan! Kabata bata mo pa marunong ka na pagdating sa alak". I shot her a deadly stare.  "Pisikalan?  Pisikalan?" Gumanti din siya binato din sa akin ang unan ng sofa.   "And besides I just wanted to learn dahil mga lasinggero kayong lahat. Ikaw si Doc Nathan saka si Kuya Greg. Kung ayaw mo di huwag! Gawa nalang ako nang para sa akin".  "Bawal kapa uminom!" "Eighteen na po ako".     "Kahit na twenty kapa".  Saka tumunog ang timer nang washing machine tumayo siya ulit.  "Gawan mo ako pagkatapos mo diyan para matikaman ko okay?". Pahabol ko.         "Whatever!" I sighed before I smiled. Almost half of my life  I was alone. Ngayon ko lang naranasan ito hindi pala biro magkaroon nang babaeng kapatid…     Habang lumilipas ang araw unti unti rin ang paggaling ni Ehra kaya na niyang makipag-usap sa ibang lalaki basta huwag lang siyang hawakan.       Hindi ko pa rin maiasa sa trainor  sa Gym at nagkakaroon pa rin ito ng panic attacks kapag nahawakan siya ng ibang lalaki. Kaya madalas kaming dalawa magkasama.  Taga aliw siya ni Ate,  lagi niya  inuutusan kantahan siya. At napakaganda niya naman kasi talagang kumanta. Therapist  rin siya ni Ate. Tagatulak ng wheelchair kung wala ang asawa nito. Tagatikim nang niluluto ni Manang at tagalait ko. Para kaming aso't pusa maya-maya nag aasaran. But at the end of the day kami parin magkakampi. Ganun pala ang pakiramdam nang may kapatid. Lalo na pagpauwi na ako kita ko sa mga mata niya malungkot siya. Ang routine lang niya bahay, school, gym, simbahan. Minsan sa mall kung kasama ako…         Pero alam ko hindi niya parin natanggap ang nangyari sa kanya at sa magulang niya. She always had  some nightmares. Na kapag tanungin siya ang sagot lang niya wala po iyon nananaginip lang po ako. Sabi ni Nathan baka abutin pa nang taon bago tuluyan siyang gumaling…      "Ako na diyan Kuya mamaya sisihin mo naman ako kapag nagalusan iyang pinakaiingatan mong according to you ay 'kaguwapuhan'. " napangiti ako sa pang aasar ni Ehra. Nasa labas kami nang bahay nila Ate Leia  mag pipicnic daw kami sa labas.       "Bakit hindi ba totoo marami kaya ang naghahabol sa akin"! Depensa ko.         "O talaga?  Bakit hindi ako nainform? Baka fake news lang".. Binato ko siya ng paper cup.        "Hoy Emerald simula ngayon hindi na kita isasama sa gym grounded ka dito sa bahay. Ikaw nga dapat ang number one fan ko tapos wala ka palang bilib sa akin".         "Hahaha napikon agad?  Ito naman biro lang eh. Ang gwapo gwapo mo kaya Kuya sa iyo nga ako nagmana eh. Apir nga diyan". Ang bilis ko din nauto.   Nagsimula na kaming mag ihaw may hotdog may pork barbeque, may chicken, at may pusit din.     " Ate tawagan mo si Kuya para makababa na dito. Let's get the party started". Utos ko kay Ate.       "Manang pakilabas ng beer!"          "Talaga Kuya may beer?"          "Yup! Pero huwag kang umasa di ka kasali". Simula na naman nang asaran namin.       Suddenly I saw Ate Leia's face namumutla siya.  "Ate are you Okay? Nilapitan ko siya.  "I smell the smoke of the grilled food, gusto ko magsuka sobrang baho nang amoy, nahihilo ako.       "Ehra pwede mo ba ako samahan sa loob?"        "Sure Ate".. Lumapit siya at tinulak si Ate  paloob.        "Hon bakit pumasok kayo akala ko ba sa labas tayo tatambay." Nakasalubong nila si Kuya Greg.        "Hon samahan mo muna ako sa loob. Ehra balikan mo ang Kuya mo sa labas."          "Opo Ate pero ayos ka lang po ba?"       "Oo okay lang ako. Huwag kang mag alala".  Ang ending kaming tatlo lang ni Manang Rosing ang nag enjoy dahil nagpunta sa Doctor sila Kuya Greg at Ate Leia.   Pagpasok ko nang office kinabukasan, nadatnan ko si Cassey nakaupo naghihintay sa akin.  "Kaya pala hindi ka pwede kung Sundays may pinagkakaabalahan ka palang iba." Kumunot ang noo ko.  "What do you mean?" "Huh playing innocent are we?" "Please Cassey make it clear hindi ko alam ang ibig mong sabihin."    Pinakita niya sa akin ang isang I. G upload ni Ehra nakatalikod siya na kumakanta ako naman at si Manang magkahawak kamay na sumasayaw at ang caption "being a part of your family is the best gift I ever had". And nagcomment pa si Ate "likewise" pati si Nathan nagcomment din ng emoji na heart shape ang mata.   "Who is she?" Galit ang mukha niyang tanong.  "She is a sister to me." Walang gana kong sagot.  Umalis siya kumalabog ang pinto sa lakas ng pagsara niya. This is the best way to ruin my day..  Hinampas ko sa lamesa ang mga papel na nakapatong dito.  Alam ko na ang gagawin para  makipaghiwalay  sa akin si Cassey..   "Talaga Ate! Magiging Mommy kana Ate! Congrats! Ako mag aalaga diyan promise" Kausap ko si Ehra sa phone pero wala sa akin ang attention niya.  "Ehra"! Inis kong tawag..  "Oops sorry Kuya, I'm just carried away. Ang saya ko para sa kanilaaaa! Imagine another member of the family. Iiyak na ba ako Kuya" maladrama niyang sabi.     Natawa tuloy ako sa sinabi niya.   "Pupunta ako diyan mamaya para batiin sila. But listen to me first, kotse na ang gamitin mo pagpasok sa school hindi kana pwede magmotor. Nakakaalarma na ang mga balita ang daming naaaksidente araw araw na nakamotor lalo na along Commonwealth." "Ayaw ko Kuya mas sanay ako magmotor kaysa kotse. Saka sobrang traffic lagi. Mas convenient mag motor  Kuya please mag-iingat ako. Ang pagmomotor walong taon ko na ginagawa ikumpara mo sa anim na buwan kong experience sa pagdrive ng kotse?" Tutol niya. And she has a point.  "Pag isipan ko. I have to go". Bakit ko ba kasi naisip iyon?  Nakaramdam kasi ako nang takot nang may nadaanan ako kaninang aksidente.  Pagdating ko sa bahay ni Ate nasa sala siya. Inabot ko ang cake at basket ng bulaklak sa kanya.  "Congratulations Ate!" Nagbeso ako sa kanya. Saka ko binalingan si Kuya Greg.  "Congrats Kuya, Finally the long wait is over."  "Thank you Bro"   Kita ko sa kanilang dalawa ang saya. Sana balang araw magkaroon din ako ng masaya at buong pamilya.  "Puntahan ko lang si Ehra." paalam ko sa mag asawa.  Pag-akyat ko sa kwarto ni Ehra naririnig ko ang tugtog dahil hindi nakalapat ang ang pinto. Tinulak ko ng bahagya, nakatalikod siya sa pinto. May kinabit siya sa t. v.  Di nagtagal nagsimula siyang kumanta.  "I walkin' to a crowded room,  Everybody starin' what did I  What did I do wrong?  What did I what did I do Wrong."  I take a picture while she's singing. Nakita niya ang flash.   "Stalker" sambit niya paglingon niya.    Nag peace sign muna ako. "Continue Angel".  Tuluyan akong pumasok sa room niya. Nilapag ko ang mga safety gear na binili ko. Umupo ako sa tabi niya.    "You dont know a thing at all You dont know about the way I am when  I am all alone You dont even know me ohohohohoh".    Ang bigat sa loob nang kanta. Umiiyak siya.   Niyakap ko siya. Hinayaan ko muna siyang umiyak.  "Kailan pa kaya ako gagaling Kuya? Pagod na ako. Naawa na rin ako sa iyo. Alam ko dagdag pa ako sa mga alalahanin mo."  "No Angel hindi ka pabigat sa akin. Simula dumating ka sa amin mas nagkaroon nang kabuluhan ang buhay ko. Mas nagkaroon ako nang dahilan para kumayod kasi meron na akong kapatid na kailangan suportahan." Hinahagod ko ang mahaba niyang buhok.   "May nadaanan kasi akong aksidente kanina ikaw agad ang naisip ko." "Kung wala lang akong sakit Kuya pwede ako mag commute, hindi ka mag-aala kasi hindi ako nakamotor."  "It's okay hindi na kita babawalan magmotor, ayan pa nga binilhan kita ng bagong helmet knee pads at elbow pads." Inangat niya ang ulo niya kumawala sa akin.  "Talaga Kuya?" Nakangiti na siya.    Tumango lang ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD