Episode 9

1713 Words
Emerald's P. O. V    "Hello baby! Welcome to the outside world!" Naiiyak ako habang karga karga ang baby nina Ate Leia at Kuya Greg.  "Hi Baby boy!" Ang OA nang may karga sa iyo ano? Halika dito tito mo ako.".. Iniwas ko kay Kuya ang bata.  "Bakit marunong ka ba?" "Naku hindi mo naitanong expert ako sa pag-aalaga ng bata. Tingnan mo napalaki nga kita".. Natatawa niyang sabi.  "Malaki na ako  hindi na ako bata bago mo ako inampon. Kaloka 'to!" "Tama hindi kana bata pero isip bata ka parin".  Hahampasin ko na sana nang umiyak ang baby.  "Did you see that?  May kakampi na kaagad ako?Akin na I want to carry him also"...  "Tse!" Marami na ang nagbago sa buhay ko. Unti-unti ko na rin nakalimutan ang mga pagsubok noon. Siguro dahil abala ako araw araw. Nirekomenda ako ni Doc Nathan sa kapatid niya si Kuya Norman.  Nagbarista ako sa Mixnetic. At hindi naman conflict sa class schedule ko.  Monday to Wednesday  straight ang pasok sa school, thursday naman sa umaga lang kaya sa gabi may pasok ako sa Mixnetic, at Friday naman sa hapon ang pasok ko. Bago ako pumuntang university hinahatid ko muna ang tanghalian ni Kuya Greg. Tapos silipin ko lang si Kuya Riley sa office niya. Friday after classes deritso na ako nang Mixnetic. Tapos sa gabi sa condo ni Kuya Rile ako uuwi dahil Saturday at Sunday sa Gym naman kami.  Marahil sa sobrang busy ng beauty ko, halos hindi ko na namalayan ang pag-usad nang araw. I didn't take sleeping pills anymore. At ang phobia ko sa mga lalaki wala na rin, kaya ko nang makipag interact with them at sa tulong na rin nang mga taong hindi ako itinuring na iba.       Iniipon ko ang sinasahod nila sa akin. Dahil nangako ako kay Mellisa na dagdagan ko ang dalawang bangka na binigay nila Kuya sa mga kanayon ko.  Malaking tulong iyon sa hanapbuhay nila doon.       Pero may mga pagkakataon na kapag nabigla ako at may humawak sa akin dalawang bagay lang ang mangyayari hindi ako makahinga o kaya ay sila ang hindi makahinga.. Hehe joking aside,  there are times na nagiging bayolente ako kapag nagulat. Kaya sa mga nakakilala sa akin much better tawagin nila ako to get my attention kaysa masaktan ko sila.     Akala ko sinagad na ang pagsubok sa akin hindi pa pala. Saturday night, hindi ako nakapunta sa condo ni Kuya Riley I stayed with Ate Leia and Baby Shane kasi may business trip si Kuya Greg.  "Ehra!" Boses ni Ate.  "Po".  "Halika ka muna dali!" Umiiyak siya.  Paglapit ko nakita ko siya kabado.  "Ehra si Shane sobrang taas ng lagnat." Dinama ko agad ang noo nang bata.  "Dalhin natin siya sa ospital Ate".  "Nanay Rosing halika dali, pakihanda si Ate ihatid mo siya sa kotse ako na kay Shane. Pakibilisan lang po".  I was also nervous but I can't show it. Nakita ko kung gaano katakot si Ate.  "God ngayon po ulit ako lalapit sa Iyo hindi po para sa akin para po sa walang kamuwang muwang na anghel na ito." Tahimik kong dasal.  "Ate calm down okay? Gagaling si Shane"..  "Nanay ikaw na maghawak kay  Shane doon kayo umupo sa tabi ni Ate."..  Habang nagmamaneho ako tinawagan ko si Kuya Riley pero hindi siya sumasagot. I just leave a voice message.  "Kuya we're on our way to the hospital"..  Pagkababa namin nang sasakyan inasikaso nila agad ang bata. Hindi ako mapakali, si Ate walang tigil ang iyak. Kakatawag lang ni Kuya Greg sa akin at ibinilin ang kanyang mag-ina. Hindi ko siya pwedeng biguin.  Paglabas ng Doctor lumapit agad ako.  "Doc kamusta?" Tiningnan muna niya si Ate.  "May dengue si baby at kailangan niya ng donor ng blood platelets." Sabi niya na kay Ate nakatingin.  "I'm under medication Doc for my upcoming operation".. Dismayadong sabi ni Ate.  "Can I give him mine? I'm type O-" Panigurado ko.  "Any blood type can do. But you must be prepared because maybe he will be needing it in the next few weeks." "I'm very much willing Doc." "We have to hurry, or else things might not get better." Sabi ng Doctor  "Ate iwan ko muna kayo ha?".. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpasalamat. Tumango lang ako.  Sumunod na ako sa Doctor. Tumagal ang procedure nang halos tatlong oras. Paglabas ko kasama na nila Ate si Kuya Riley.  "Are you okay?" Sinalubong niya agad ako.  " I'm fine Kuya, si Ate ang alalahanin mo". Umupo muna ako sa bench pinikit ko ang mga mata ko. God please I'm begging You don't make all my effort go into waste. Hindi ko namalayan tumutulo na ang luha ko. Hindi ako ito. Matagal na akong hindi umiiyak. Binawalan ko na ang sarili kong lumuha. But now tears  are flooding down my cheeks.  "Ate kami na muna dito ni Manang kailangan mo magpahinga, hindi makakabuti sayo ang mapuyat." Kinausap ni Kuya Riley si Ate Leia.  "Ehra bring her home".. Utos niya sa akin.  Nilingon ko siya..  "Sa tingin mo Kuya mapapanatag kami kung nasa bahay na kami at hindi namin nakikita ang kalagayan ni Shane!?" Singhal ko sa kanya sabay punas ng mukha ko gamit ang likod ng palad.  Pinagsisihan ko rin bandang huli ang sinabi ko..   Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pinunasan ang natitirang luha na hindi pa rin maampat.  "Binilin sila sa akin ni Kuya Greg pero ito ang nangyari,  I am very much disappointed in me". Galit ako sa sarili ko.  "No Angel, hindi mo kasalanan. Tulad nang sabi ko saiyo ang lahat nang pangyayari may dahilan. Huwag mo sisihin ang sarili mo.".. Buti na lang nandiyan si Kuya laging nagpapaliwanag when things seems unclear..  Dinala na sa private room si Shane but still under observation. After few hours kailangan ulit niya ng platelets. I offered again but the doctor said I can only donate platelets once a week. Hindi rin pwede si Nanay Rosing dahil may high blood siya.    "Take mine".  Sabi ni Kuya Riley.  Kinaumagahan stable na ang kalagayan nang bata dumating na rin si Kuya Greg. Umuwi muna kami ni Nanay Rosing para makatulog saglit at saka namin papalitan ang mag-asawa. Hinatid kami ni Kuya Riley sa bahay.  "Manang kami nalang ni Ehra ang magbabantay mamaya. Walang mag asikaso sa kanila Ate dito sa bahay.". Bilin niya sa matanda.  "Mas maigi nga iyon anak at nag-alala rin ako sa bp ko baka lalong tumaas kapag napuyat ako." Tumuloy na ang matanda para makapagpahinga.  "Angel daanan kita mamaya around four, sisimba muna tayo bago pumuntang ospital." Tango lang ang sagot ko.    Pagdating ng hapon nakaready na ang mga dadalhin ko. Nagdala na ako pamalit para diretso na ako pasok sa school.  "Bakit ang dami mong dala?" Puna agad ni Kuya Riley.  "May pasok ako sa school bukas." Hinagis ko ang bag sa likod at pumuwesto na sa front set.  Tahimik lang kami sa byahe hanggang simbahan hanggang ospital.  Pagkapark nang sasakyan,  lalabas na sana ako pero pinigilan niya ang kamay ko.  "Angel I'm sorry about yesterday. Hindi ako nag-iisip, hindi lang kasi maganda ang araw kahapon. Saka kaya hindi ko nasagot ang tawag mo kasama ko si Cassey. Alam mo na mainit ang dugo noon sa iyo." "Ako nga dapat magsorry sa iyo Kuya, sobrang stressed out lang ako. Saka ang tungkol diyan sa girlfriend mo naiintindihan ko siya, sino ba naman ang hindi magselos sa closeness natin lalo na lagi mo sinasabi kapatid mo ako at alam niya naman na hindi totoo." "At saka Kuya ang pang-unawa ko kasing lawak ng pacific ocean kaya kahit murahin niya pa ako kahit ano pang masasakit na salita ang ibato niya sa akin hindi ko siya papatulan pero huwag na huwag ka lang niyang rerendahan. dahil lalabas talaga ang sungay ko".  Kuya ang pagmamahal hindi madamot kung sa tingin mo nagpapasaya sa mahal mo ang isang bagay na iyan, hindi ka magdadalawang isip na ibigay sa kanya. Pero kung one sided love iyan. Ay tigilan na, kahibangan na iyan eh." Titig na titig siya sa akin.  "At saan ka natuto nang ganyan ha? May boyfriend kana ano?"  Pinisil niya ang ilong ko.  "Aray" sigaw ko. "Hindi ko kailangan magkaboyfriend para matutuhan ang mga iyan!" Hinimas ko ang ilong ko.  "Ang sakit noon ah".. Bumaba na ako nang kotse.   "Saka may boyfriend na sana ako kung hindi mo lang tinakot si Ram,  crush ko nga iyon eh." Sambit ko habang kinukuha ang bag ko sa likod nang kotse.  "Nakita ko nga siya nakipag halikan doon sa loob ng fast food malapit sa school niyo." Kinuha niya ang dala ko.  "Blahh blahh blahh".. Tinakpan ko nang ear pod ang tainga ko.     Tumagal nang isang linggo si Shane sa ospital, nagleave muna ako sa Mixnetic para makatulong sa bahay. Lalong mas naging clingy si Shane, gusto niya lagi akong kasama sa playroom niya naging study room ko na rin ito.  Pagbalik ko nang Mixnetic, nagulat pa ako nang sabay sabay nagchant ang mga kasama ko.." Ehra, Ehra, Ehra.." Welcome back Ehra!" Nakakatuwa naman. "Ang baduy guys" sabay kami nagtawanan.  "Miss ano ba ang pinakamatapang na cocktail?"tanong nang lalaki pagkalapit niya sa counter. Lasing na rin ito.  "Aunt Roberta, want some?" Tunog malanding sagot ko.  "Yes please I want some Aunt Roberta and you." Sabay ngiti. Gwapo sana kaso ayaw ko sa lalaking hindi kaya dalhin ang sarili kapag lasing.   Hinawakan ko ang kamay niya at binigay ang alak. "You can have me if you still manage to stand after five shots." Saka ko siya kinindatan.  Mabilis niyang ininom ang binigay ko. Pinasundan ko ulit pagdating sa pangatlo tinawag ko na si Kuya Norman.  "Kuya baka lumayas iyan ha nakatatlong shot iyan nang goodbye Philippines ". Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa natutulog na Hunk.  "Ikaw talaga lagot ka sa Kuya mo kapag nalaman nag-intertain ka nang lasing."..  "Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin". Napatawa siya nang malakas.  "Babe pakilipat nga ito sa sofa".. Tawag ko sa isa naming bouncer si Jack sabay turo sa lalaki. Napakamot na lang ito sa batok.  "Ikaw tigil-tigilan mo nga si Jack. Alam mo nang lakas tama niyan sa iyo." saway ni Kuya Norman.  "Ang cute niya kasi kapag tinatawag ko siyang babe nagba-blush siya Kuya dinaig pa ako." Napailing na lang siya sa kalokohan ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD