Episode 10

1708 Words
Charlie's P. O. V.        Nag aalala ako sa kapatid ko, sa tuwing tatawag siya hindi niya binabanggit ang tungkol sa pinapagawa ni Daddy.           Time flies so fast, parang kailan lang na ang kapatid ko ay umiiyak nagmamakaawa kay Daddy na huwag akong paalisin.  Ngayon I can't believe na seryosong bagay na ang topic namin kapag nag-uusap.       I checked Rile's I. G. Sabi niya kapag model ka dapat meron kang social media account para hindi ka malaos.     I saw the latest updates. Meron naka-tag lang sa kanya. At meron din siya ang nag-tag. Nakita ko sa mga post masaya ang kapatid ko. Meron siyang post na inaayos niya ang elbow pads nang babae na nakatalikod sa camera at nakangiting mukha lang ni Riley ang makikita. May caption na  'one of the boys'.   Marami ang nag-comment.  'ang mga madaya' comment ni Leia.   'sama kami next time,'  galing naman kay Nathan na kaibigan ni Rile.  Meron ding nasa bubong sila ng kotse at nanonood nang sunset. Meron pang nakaside view ang babae at habang hawak ang shot glass. At may caption na  'Take a sip and You'll get punished'.  At marami pang iba. And it caught my attention, walang close up photo ng babae.  The name is primEHRA.  Ano kaya itong pinasok nang kapatid ko. Cassey is his current girlfriend but he is with somebody else. Kaya siguro wala nang oras para sa akin busy sa love life niya.  Pero masaya ako para sa kanya, noon pa man hanga na ako sa tapang niya. Basta hindi niya gusto hindi mo siya mapipilit. Kahit si Dad kaya lagi siya napapagalitan.    Tawagan ko si Daddy,  gusto ko nang bumalik sa Pilipinas. It's been three years na tinapon niya ako dito and I've  already served my purpose here…          I checked my important things for the last time, baka may nakalimutan pa ako.. Sobrang kalat ng bahay "Ughh" i groaned.. Masakit ang ulo ko, sa sobrang dami ng nainom kagabi di ko na maalala kung anong oras kami natapos,  pagkagising ko nasa tabi ko si Eunice at nakahubad.       Nag-iwan ako ng note.  'I hope that this will be the last. Let's end it here .. Thank you for everything. I had a good time.    Hindi ang katulad ni Eunice ang pinapangarap ko. Hindi ko pa nakasalubong ang the one na sinasabi nila. Pinikit ko ang mata ko at iginuhit sa diwa ang babaeng mamahalin ko. Nakaupo sa ilalim ng puno habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok. Pilipina ang kulay,  yeah that's right ayaw ko sa mga mapuputi. Sakto lang ang tangkad and wearing a simple dress.. Possessive ako ayaw ko sa mga babae na halos kapiraso lang ang suot. Gusto ko ako lang magnanasa sa kanya wala nang iba. Hanggang unti-unting lumingon ang babae sa imahinasyon ko…         Beep! Beep! Napaigtad ako,  nasa labas na ang maghahatid sa akin sa airport.. I got up take my things and say goodbye to my bedroom, my bathroom,  and my kitchen. for the past 5 years na inilagi ko dito sa bahay na ito parang ang bigat sa dibdib na iwan. Pero kailangan ko umusad, ngayon nagawa ko na ang Gusto ni Daddy, baka pwede ang gusto ko naman ang gawin ko.    Naiinggit talaga ako kay bunso. Buti pa siya malakas ang loob niya suyawin si Dad. Pero ako, ako kasi ang panganay kaya dapat maging role model daw ako sa kapatid ko. Nilagay ko sa likod ang dalawang maleta at umakyat na rin nang sasakyan. Alam na ng driver kung saan ako pupunta I just nod my head and here we go on the way to the airport. ……………………………………………………………      "Anak bakit hindi ka nagpasabi na darating ka? Sana nakapaghanda kami ng paborito mo." Excited na sabi ni Yaya Madel habang yakap ako. Siya ang nag-alaga sa amin ni Rile simula sanggol pa lang kami. At siya lang ang nakakakilala sa aming dalawa inside out.  "Surprise nga po Yaya. Kamusta kana?" "Ito malakas pa kaya pa  mag-alaga nang magiging anak mo". Biro niya Natawa ako. "Darating din tayo diyan Yaya." "O siya magpahinga ka muna at maghahanda kami nang hapunan. Anak minsan imbitahan mo naman ang kapatid mo dito. Simula nang bumukod siya hindi na siya ulit tumigil nang matagal sa bahay. Na miss ko na rin ang batang iyon." "Susubukan ko Yaya alam mo na malalim talaga ang samaan ng loob nila Daddy. Pero gagawa po ako ng paraan para magbati sila." Kinabukasan nagpunta ako nang office, balak mo munang magmasid-masid kung paano ang kalakaran doon. Pagbaba ko nang kotse ay siya rin paghinto nang isang black Ducati Scrambler. Sumandal muna ako sa kotse ko.    Nakita kong inayos muna nang taong nakamotor ang dalang lunch bag sinabit sa manibela saka tinanggal ang helmet. Nakatalikod siya sa akin. Tinanggal niya rin ang suot na leather jacket na itim then I realize that she's a woman.   Sinundan ko siya. Pagdating sa guard sumaludo pa siya.  Mukhang hindi mahigpit ang mga bantay. That woman is wearing a shirt, jeans and rubber shoes which is not allowed here unless you are related to those higher up. Doon ako dumaan sa VIP lane.  Magkasunod kaming pumasok sa elevator. Pumuswesto ako sa gilid niya. Pinindot niya ang 5 saka nilapag ang dala bago tinali ang jacket sa baywang.  Pag-angat niya nang mukha napaisip ako saan ko nga siya nakita? She looks familiar.  Bakit  ko ba kasi ginagawa ito. Kelan pa ako naging stalker? Then the elevator stopped. Pinulot niya ang bag at patakbong nilapitan ang lalaking halatang siya ang hinihintay. Kahit malayo ako kita ko pa rin ang itsura nang lalaki.  What the F*ck!  Si Gregory asawa ni Leia!  I was furious, uminit ang mukha ko sa eksenang nakikita, binuksan ni Greg ang dalang pagkain at ngumiti. May sinasabi siya pero dahil sa layo ko sa kanila hindi ko naririnig. Kinuha nang babae ang cellphone sa bulsa niya may pinakita kay Greg. Tumawa ito. Kinuyom ko ang aking mga kamay. Ang lakas nang loob nang lalaking ito. Dito pa talaga sa office nambababae! Sabi ko na dati pa kay Leia wala akong tiwala sa pagmumukha nang taong iyan.  Akmang paalis ang babae akala ko babalik siya sa elavator but she went straight to Rile's office. Bakit siya nandito sa office ni Rile?  Kumatok muna siya bago pumasok, she left the door ajar, sumilip ako. Nakatagilid siya and I already remembered her. Siya ang laging kasama ng kapatid ko sa mga I. G. posts niya. At ano iyong nakita ko kanina? Sila ni Riley at the same time sila din ni Greg! This b***h is a two timer. You gonna pay for this!  At si Leia pa ang pinsan ko pa ang kawawang biktima!    May tinitingnan siya sa mga librong nakasalansan sa book shelves. Pumasok na ako.  "What did you have for lunch?" Salita niya nang hindi lumilingon.  Nilapitan ko siya…  "I love this book, can you lend me this?  Balik ko nalang pag"…  hindi niya natapos ang gustong sabihin. Kinulong ko siya sa pagitan ng cabinet at nang katawan ko. Hinarang ko rin ang mga braso ko. This is the game you wanna play b***h?!. Pagbibigyan kita      Inamoy ko ang buhok niya. She stiffened, she is gasping for air. Hinihimas niya ang dibdib niya.  "Of all people kapatid ko pa talaga at bayaw ang kinana mo ha gold digger b***h!" Napansin kong pumikit siya.  Then suddenly Rile came.  "Angel"…  "What the f*ck!. Binalya niya ako. He was surprised when he recognized me.  "Kuya what are you doing? Galit niyang sabi.  "Wala iyon. Tinuturuan ko lang lumugar ang babaeng iyan." Casual kong sagot.  Kinuwelyuhan niya ako. "You are caging here. Tapos wala lang iyon?" He was enraged. Dumausdos ang babae sa sinasandalan nito. At sumalampak sa sahig.  Nilapitan siya ni Rile.  "Angel, it's okay, calm down please." Hinahagod niya ang likod nito. Inangat ang mukha nang babae and her eyes still closed . Hinugot ni Riley ang cellphone niya may tinawagan.  "Kuya, help me please." He was so desperate. Tiningnan ako nang masama. Galit siya sa akin pero kapag nalaman niya ang ginagawa ng babaeng iyan sigurado ako magpapasalamat pa siya sa akin.  Pumasok bigla si Greg nagulat din siya nang makita ako.  "What happened? Ehra? Ehra?" Dinaluhan niya agad ang dalawa. I just smirked, magaling palang artista itong babae na 'to.  "Kuya pakibuksan ang pinakaibabang drawer ng mesa ko.  She needs a shot of valium." Mabilis na sumunod si Greg. Si Riley ang nag inject sa pulso nang babae. Hanggang unti-unting kumalma ang babae.  Niyakap siya ni Riley napansin kong nakakuyom ang palad ni Greg tiningnan ako nang masama. Nagseselos yata.       Umiiyak ang babae habang nakayapos sa baywang ni Riley, she is murmuring some words that only Rile can hear. May tinawagan ulit ito.   "Bro saan ka ngayon?" "Thank God, pakidaanan muna si Ehra dito sa office." Saka binalingan ako.  "Hindi pa tayo tapos Kuya." Saka pinatayo ang babae. Nagbukas ng isang drawer at humugot ng isang itim na T-shirt. Nilagyan niya ng paborito niyang perfume.  "Angel magpalit ka muna,  Nathan is coming." Tumayo ang babae pumasok sa isang kwarto. Dumating din ang kaibigan ni Riley na Doctor si Nathaniel Ibañez. Tulad nang reaction ng dalawa. Nagulat din siya nang makita ako.   Paglabas ng kwarto nang  babae dumiretso na ito sa pinto pero napatigil nang magsalita si Rile.  "Angel si Nathan ang maghahatid sa iyo." "Huwag na nakakahiya, kaya ko na."tutol nito.  "No" sabay pa si Riley at Greg.    "Give me the key" utos ni Rile.  "Kailangan ko 'to. Pupunta pa akong Mixnetic."  "Hindi ka papasok sa Mixnetic." Sabay kuha nang susi nang motor sa kamay nang babae.  Pagkaalis nila binalingan ko si Riley.  "Iyon ba ang pinagkakaabalahan mo? Hindi ko alam bro kung bulag ka o nagbubulag-bulagan lang. You are wasting your time. At ikaw Greg nakuha mo pang lokohin ang pinsan ko at kapatid ko? Alam mo nang syota ni Riley iyon sumingit kapa"!.. Galit kong sabi.  "What do you mean?". "Nakita ko kung gaano katamis nang ngiti mo nang mabuksan mo ang pagkain na inabot nang babaeng iyon sa iyo.!" Natawa silang dalawa.  "Makakarating ito ky Leia,  mark my word".. Sabay alis.   "Siguraduhin mo lang na panay katotohanan ang ikukwento mo sa kanya". Pahabol nito. Kumalabog ang pinto sa lakas ng pagsara ko.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD