Episode 12

2145 Words
Charlie's P. O. V      Walang karapatan si Rile na  magalit sa ginawa ko. At anong kadramahan ang ginawa nang babaeng iyon? Para lang hindi siya mahuli ni Rile? The best actress award of the day goes to that b***h!  "Bro niloloko ka nila huwag kang bulag! Kitang kita ko kung paano ngumiti ang asawa ni Leia."  "Kuya ayaw kong mag away tayo. Kakalimutan ko ang ginawa mo ngayon pero hindi ko alam sa susunod kung mapagbigyan pa kita." Malumanay ang pagkakasabi niya. "Sa totoo lang kung ibang tao lang ang gumawa noon kay Ehra baka ngayon nasa kulungan na ako"..  "Patutunayan ko sa'yo Bro".  Sabi ko sa kanya.  "Please lang Kuya, huwag si Ehra, hindi mo siya kilala!  Huwag mo siya basta basta nalang husgahan.!  Naiirita niyang sabi.  May tinawagan siya.  "Pare hindi ako makakapunta mamaya may usapan kami ni Cassey. Pakitingnan na lang si Angel. Alam ko pupunta pa rin siya diyan kahit pinagbawalan ko. Yes please pare, salamat!. Bye!" "Umuwi kana muna Kuya may trabaho pa ako. Mamaya mahuli na naman ako ni Dad sabihin pa niya tamad tamad ko".  Naaawa ako sa kapatid ko. Bakit ba kasi ang tanga tanga mo pagdating sa pag-ibig?  "Sige kita nalang tayo mamaya". Umalis na ako. Pero pursigido talaga ako gusto kong patunayan sa kanya na tama ako.  Narinig ko kanina sinabihan siya ni Riley na hindi siya pwedeng  pumasok sa Mixnetic. Pero may tinawagan siya na kahit daw binawalan niya ang babaeng iyon alam niya hindi siya susundin. Doon ako magsisimula, hahanapin ko ang lugar na iyon.  Fifteen minutes before eight, nasa loob na ako nang Mixnetic. Hindi naman mahirap hanapin ang lugar na iyon.  Palinga-linga ako,  kaunti palang ang nandoon kaya mabilis ko siyang mahahanap. Sa sulok ako pumwesto para hindi niya agad ako makilala.It's already ten o'clock pero wala pa rin siya rito. Baka nga hindi siya pumunta. I decided to take some whiskey, paglapit ko sa counter mayroon tatlong bar tender dalawang lalaki at may isang babae..        I smiled hindi nasayang ang oras ko. Doon ako sa pinakadulo pumswesto opposite to her. Binabantayan ko lang ang kilos niya. Kaya pala hindi ko siya nakita pumasok hindi pala siya sa entrance dumaan.  Ano ba ang mayroon ka at hulog na hulog sa iyo ang kapatid ko. Panaka-nakang lumalapit si Norman sa kanya. Sinunod niya ang bilin ni Riley. Kahit ang lalaking bouncer hindi rin siya nilalayuan. They're protecting her.  I was furious, galit ako sa babaing ito, binibilog niya ang ulo ng kapatid ko.  Maya-maya may lumapit sa kanya lalaki. She smiled. That man is saying something to her. Bago niya binaksak ang baso sa counter. Akmang lalapit si Norman at ang  lalaking sa tingin ko ay  kaedad lang din ni devilish angel.  Nagsasalita siya tapos unti-unting lumapit sa lalaki, akmang hahalikan niya, then lumapit sa tainga nang lalaki ang bibig niya, suddenly the man passed out! Nakasubsob na siya sa leeg nang devilish angel na iyan.  I didn't see it coming! Magaling siya alam niya kung saan ang pressure point para mahimatay ang isang tao. Maybe because of my brother.       Lumapit ang bouncer at binuhat ang lalaki. May sinasabi si Norman sa kanya habang nakangiti silang pareho. Ngayon ko lang siya napansin ang ganda niya, may dimple. Hindi ko masyadong maaninag medyo malayo siya sa akin.        Kaya pala nahihibang sa iyo ang kapatid ko.. Sa kama kaya gaano ka kagaling?  You're a devil na nagtatago sa mala anghel na mukha. Impostor ka. Mapanlinlang!       Nagpunta muna ako nang rest room para umihi. Pagbalik ko wala na siya sa pwesto niya. Baka umuwi na. Nagdecide narin akong umalis, nang nagsalita na ang isang performer.       Maganda ang katawan katamtaman ang tangkad pero ang boobs at puwet halatang malulusog, may tabing ang mata. Pero siguradong maganda siya, maliit ang mukha niya. Natawa ako noong nagpakilala siya.       Kung magliwaliw lang ang pakay ko dito hindi ako papayag na hindi kita maikama ngayong gabi. Naisip ko patungkol sa babae. Pero may next time pa. Saka siya nagsimulang kumanta,  maganda ang boses, gifted.. Naisip ko. Nawala sa isip ko ang totoong pakay kung bakit ako nandito.       After the song halos lahat affected, malungkot ang kanta, napapadalas ang order nang alak.. Nabalik sa counter ang attention ko at nakita ko si Norman ang tumao sa pwesto nang devilish angel na iyon. Maya-maya lang andun ulit siya! Bumalik.       Bandang alas dos ng umaga nasa labas ako nang tinitirhang condo ni Riley. Nagdadalawang isip kung makipagkita ba ako sa kanya o ipagpabukas na lang.      May huminto na motor. Paghubad ng helmet nang angkas tumambad sa akin ang mukha ni devilish angel! Narinig ko pa nagpaalam siya at babe ang tawag niya sa driver na hindi ko kita ang mukha dahil sa suot na helmet. Uminit ang tainga ko.. Anak ka nang P*ta dapat magising sa katotohanan si Riley.      Pagpasok nang babae, tinawagan ko si Riley hindi niya sisasagot, baka tulog na. I texted him. 'Bro pwede ba ako diyan sa condo mo kahit ngayong gabi lang' halos kalahating oras pa ang hinintay ko bago siya nagreply. Floor number, room number at pass code ang binigay niya.        Pagpasok ko nadatnan ko siyang tinutuyo ang buhok nang babae habang tulog ito sa sofa.       "Are you insane?!  Did you know that she's with someone else a couple of minutes  ago whom she called  him babe!" Galit na galit ako.       "Tone down Kuya, somebody is sleeping". Pabulong niyang sabi.      Sinuklay ko nang marahas ang buhok ko gamit ang mga daliri.      "Oh my God Riley?"  Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kung sabihin sa kanya para mapaniwala siya.   Binuksan niya ang backpack na dala ni devilish angel may kinakapa siya. Nilabas niya ang cellphone nito. Dahan-dahan kinuha ang hintuturo nang babae to unlock the phone. Maya-maya pa narinig ko ang kanta nang babae kanina sa bar. Napangiti si Riley. What the f*ck! Siya iyong babae kanina, kaya pala nawala siya doon sa pwesto niya kanina.       Binuhat siya nang kapatid ko at pinasok sa isang kwarto,  sumunod ako. Pagbukas niya nang ilaw tumambad sa akin ang dingding na puro mukha nang rock band at ang pinakagitna ay mukha nang lalaki na parang Chinese my nakasulat pa na 'I am dying inside to hold you oppa'..       Inayos siya ni Riley saka kinumutan. Paglabas namin. Inoobserbahan ko siya ano ba ang problema nang kapatid ko? Naisip ko. Hinahayaan niya ang sarili na mahalin ang babaeng iba ang pinapantasya?       "Bro…" hindi niya ako pinatapos.       "Kuya pagod na ako. Bukas nalang tayo mag-usap. Kung tungkol kay Ehra ang sasabihin mo nagsasayang ka lang nang oras. Kung bigyan mo lang siya nang pagkakataon makilala siya sigurado ako magugustuhan mo rin siya."       "I don't think so." Walang gana kong sagot.       "Ayon ang guest room kompleto na rin nang gamit iyon." sabay talikod at pumasok sa isa pang kwarto.  What?Hindi sila natutulog sa iisang kwarto? Kelan pa naging santo ang kapatid ko?         Kinabukasan paggising ko pumunta ako nang kusina, I'm starving. I saw a plate, spoon and fork, a glass of water at may nakatakip na dalawang malalaking mangkok. Sakto gutom na talaga ako.  Pagbukas ko nang mga natakpan tumambad sa akin ang umuusok pa na kanin at iyong isa hindi ko alam basta naamoy ko mukhang masarap.  Uupo na sana ako, siya ring pagpasok ni Rile.      "Don't you dare Kuya that all was intended solely for me. Go and get your own plate if you want doon sa cabinet na iyon". Tinuro niya ang cabinet sa gilid nang ref, saka siya umupo sa harap nang nakahandang plato.  "Ang damot!" Pagmamaktol ko.  Paglapit ko nang cabinet napansin kong may nakadikit na note dito. Natawa ako sa nakasulat. Nang makuha ko ang pakay kinuha ko din ang sticky note at dinikit sa noo ni Riley.  Matamis na ngiti ang nakita ko sa kanya pagkabasa niya nang note na iyon.  "Ang babaw nang kaligayahan mo". Sabi ko saka nagsandok nang pagkain.  "Uhhmmn masarap ah, anong tawag dito Bunso?" Tanong ko kahit may laman ang bibig.     "Korean beef stew".  Sagot niya.       "Nakakamis talaga ang lutong bahay, I'm sure mapapadalas ako dito masarap magluto ang kusinera mo".. kumindat ako. He smirked.        After namin kumain niligpit niya at hinugasan ang pinagkainan namin. Which is very unusual.      "Saan ka natuto niyan, hindi ko alam marunong ka pala maghugas nang plato." Biro ko.       "Sa tagaluto ko". Sabay tawa niya.      "Sino ba iyon ipakilala mo ako sa kanya"..       "Si Ehra"..  Kumindat siya.       Hindi na ako umimik. Iba kasi ang dating ng babae na iyon sa akin. Kumukulo ang dugo ko kapag naririnig ko ang pangalan niya.       "Kelan ka magrereport sa office Kuya?" He asked while making some call.     "Right after the turnover ceremony." Sagot ko.      "Hi Cath, si Ehra?" Tanong niya sa kausap sa phone.      "What? Why? Papunta na ako diyan. Kuya maiwan ka muna dito punta muna ako sa Gym." sabay pasok sa kwarto. Paglabas niya nakabihis na siya.       "May problema ba? Hintayin mo ako sasama ako." Mabilis din akong nagbihis.  Buti nalang kompleto sa gamit ang kwartong ito parang pinasadya talaga ni Rile na palagyan ng mga damit.     "Bilisan mo Kuya!"      "Tara na, saan tayo? Ako na mag drive".       "Hindi,  ako na, para mabilis hindi mo naman alam kung saan iyon. Sa Gym tayo pupunta. Nandoon daw ngayon si Cassandra kinakausap si Ehra." Balisa niyang sabi.  Napangiti ako nang lihim. Buti nga sa kanya iyan.      "Dahan-dahan lang baka hindi tayo makarating doon." Biro ko.     Pagdating namin sa Gym ni Riley patakbong siyang pumasok kasunod ako.      "Saan na siya?" Tanong niya sa receptionist.       "Nakaalis na parang hindi maipinta ang mukha." Sagot ng babae. Habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.      "Kuya siya si Catherine receptionist dito, Cath, Kuya ko nga pala si Charlie." Tumango ako sa kanya  "Saan si Ehra?". "Andun sa loob, niyaya sila Paul mag sparring daw umayaw, walang may gusto, alam mo basta may iniisip ang batang iyan nawawala sa sarili di niya alam nabugbog na niya ang kasparring niya." Sabay tawa sa sinabi.      "Pupuntahan ko".  Pailing iling ang receptionist habang nakangiti.  "Sir upo muna kayo. Baka po gusto nyo nang soda or juice meron diyan o sa cabinet  na iyan pag bukas mo may ref yan sa loob." "Salamat!  Matagal ka na nagtatrabaho dito?" Usisa ko.       "Matagal na po" sagot niya habang may ginagawa sa laptop.      "Anong alam mo tungkol kay Ehra at kay Riley?" Tinaas muna niya ang salamin bago sumagot.       "Iyan sila hot and cold iyan. Si Sir Riley mainitin ang ulo maigsi ang pasensiya hindi katulad ni Ehra." Sabi niya saka bumalik na sa ginagawa.  Maya-maya bumukas ang pinto iniluwa si Rile kasunod ang devilish angel niya.  I was stunned by her looks. Basang basa siya nang pawis ang hot niya tingnan sa suot na sports bra at sweat pants. Ang ganda niya! Nakatali ang mahaba niyang buhok,  may konting takas na tumatakip sa mukha niya.  Nagbukas si Rile nang ref kumuha nang bottled water at marahas na ipinansa kay Ehra, at tumalon pa ito para masalo ang tubig. Binuksan niya at lumagok habang natatapon ang tubig papuntang leeg niya. Oh s**t my manhood is determined to take his way out! She is damn sexy. And this is bullshit! Not to this wicked woman.!  Pagkainom niya saka niya ako napansin, napaatras siya.  "Stay! Hindi pa tayo tapos". Seryosong sabi ng kapatid ko. Saka binato ang puting tuwalya sa kanya.       "Pwedeng next time na lang?" Sagot niya. Habang nagpupunas nang pawis.       "Iyong iba next time pwede pero ito hindi ko na mahihintay ang next time. Saka niya pinagana ang projector, tumambad sa amin ang eksena kagabi sa bar. Habang kumakanta si devilish angel.       "Explain!"      "Pakiexplain daw Ate Cathy, ano masasabi mo?" Baling niya sa babae.      "Ang ganda!  Saka mahusay! Teka sino ba yan?" Ayon nito.     "Di ko rin kilala Ate pero magaling" in fairness. Patango-tango niyang sabi.     Rile paused the video. Nakatutok sa mukha nang babae. Then he played again, and paused it for a while.      "Dimple sa kaliwang pisngi at peklat sa kanang braso,  who would that be? Ha Angel?" Saka niya tinaas ang dalawang kamay. Ngumiti sa kapatid ko na animoy nagpapacute.       Sabay atras pabalik sa loob. "Ahhhm balik muna ako sa loob, nakalimutan ko tutulungan ko pala si Jeremy sa tinuturuan niya." Saka siya tuluyan nang nawala sa paningin namin.   Napailing si Rile pero nakangiti.  "Alam mo Sir kapag passion ang pinag-uusapan kahit anong bawal mo hahanap at hahanap nang malulusutan iyan." Nakangiting sabi ng receptionist.    "Ayaw ko lang kasi baka mabastos lang siya doon. Lalo na kapag wala ako."       "Ay suuusss… Wala ka palang tiwala kay Ehra, para saan pala ang tinuro mo sa kanya kung hindi niya rin mapakinabangan?" Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa.  "Kahit na,  mabuti na ang nag-iingat kaysa magsisi pa ako sa huli." Sa nakikita ko kay Riley hibang na hibang siya sa babae na iyon. Kaya hanggang maaga pa kailangan niyang matauhan. One of this days bibisitahin ko si Leia. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD