Episode 13

2034 Words
Emerald's P. O. V     After namin magsimba kumain muna kami sa labas bago umuwi. Busy kasi si Kuya Riley kaya sumabay na ako sa kanila Ate Leia.      "Sigurado ako puyat ang Kuya mo kakagawa nang presentation niya may upcoming turn over ceremony daw kasi sa Saturday yata nang gabi." Kwento ni Ate Leia. Habang minamasahe ko ang paa niya.      "Dadalo ka ba Ate? Diba Shareholder ka rin?"    "Hindi na siguro si Greg nalang. Mapupuyat lang ako doon. Saka hindi ko rin mairampa ang beauty ko doon".       "Alam mo ba Ate, napakanega mo. Kahit hindi ka makalakad kaya mo parin irampa ang beauty mo 'no? Sa ganda mong iyan insecure ka pa? Sige ka marami ang lalandi kay Kuya Greg doon!"       "Loka-loka, ang galing mong mang engganyo ah. Pag iisipan ko". Sabay kaming natawa. Pero natahimik din agad dahil umingit si Shane, buti na lang nakatulog ulit.       "Gusto mo Ate ako magtulak sa iyo tapos grand entrance, tapos lahat sila laglag panga nakatingin sa atin kasi dalawa lang tayo ang maganda doon?"..  Humagikhik ulit kami..      "Hoy hoy hoy, ano iyang pinag-uusapan ninyo? Mukhang may kalokohan na naman kayong binabalak?" Tanong agad ni Kuya Greg pagpasok.      "Hon usapang babae 'to, huwag kang ano." Sagot ni Ate.       "Maiba pala ako Ehra, iyong tungkol kay Charlie"..        "Hayaan mo siya sa paniniwala niya Kuya. Nainis lang ako ang bilis niya tayong husgahan ha. Imagine pinakita ko lang sayo ang video ni Shane, pati ang tanghalian na hinanda ni Ate para sa iyo ngumiti ka lang iba na pala ang dating noon sa kanya." Inis kong sabi.      "Ibang-iba siya sa kinukwento ni Kuya Riley matalino daw ang Kuya niya, malawak ang pang-unawa  pero sa pinakita niya I am very much disappointed in Him! Kaloka Ate pramis!" Inikot ko ang eyeballs ko. Natatawa si Ate sa ginawa ko.       "Ganyan talaga si Charlie noon pa kaya lagi kami nag-aaway noon kasi kinakampihan ko si Riley. Saka Hon hindi talaga lingid sa atin na ayaw niya sa iyo diba dati pa? Pero kung mali siya, hindi iyon titigil kakahingi nang sorry hanggat hindi ka nagpromise na natanggap mo na ang sorry niya".       "Kung teenager pa lang siya Ate oo maiintindihan ko pero malapit na siya lumampas sa kalendaryo oh.. Ambabaw"..     "Ikaw Hon anong masasabi mo." Baling ni Ate kay Kuya Greg.       "Hon alam na alam mo iyan na matalino ako kaya wala akong masabi." Natawa kaming tatlo.      "Playing safe pa itong si Kuya, pero good choice, itikom na lang ang bibig para walang masaktan".  "So paano this humble servant will take her beauty rest to remain beautiful forever and ever! Good night everyone"..  Tawang- tawa si Ate pati si Kuya natatawa sa kabaliwan ko.  "Loka-loka ka talaga sige na magpahinga kana!" Taboy ni Ate. Yumukod muna ako bago lumabas.        Makita ko lang na masaya ang mga taong nagpapahalaga sa akin. Masaya na rin ako. Sila ang sandalan ko sila ang umalalay para makabangon ulit. Kaya gagawin ko ang lahat para magiging proud sila sa akin. Hindi ko sila bibiguin.       Bukas , bago pumasok daanan ko muna si Kuya Riley sa office niya.       " Hello tita Dors si Kuya po?!" Masayang bati ko sa assistant ni Kuya.       "Nako bad timing sweetie pie nasa loob si Daddy niya." Nakanguso niyang sabi.       "Ganun po ba  sige po hindi na rin ako magtatagal pakisabi na lang po dumaan ako".        "Ingat ka sweetie pie!" Simula palang unang kita namin sweetie pie na ang tawag niya sa akin kasi sweet daw ako.      Doon ako sasakay sa kabilang elevator daanan ko muna ang office ni Kuya sisilipin ko lang baka umalis na rin ang Daddy niya.       Sakto pagdating ko nakaawang ang pinto. Pagsilip ko nakita ko isang may edad na lalaki kasi puti na ang buhok nakatalikod sa pinto.  "Fix this You moron!".  Sabay bagsak sa harap ni Kuya nang hawak na envelope. Sumikdo ang dibdib ko. Paano niya nasasabi sa anak ang ganoong salita.      "Dad ikaw palang ang nakakita niyan aayawan mo na agad?  Why don't you let the other members of the board to decide? Ilang gabi kong pinagpuyatan ang concept na iyan"..      "Para ano pa?  Para mapahiya ako na may anak ako na katulad mo? You are disgrace to this family!"  Sa narinig ko hindi ko mapigilang lumuha. Tumakbo ako papasok sa elevator, hindi ko pala kayang makarinig nang ganoong klase nang salita, salitang patungkol sa kaisa isang taong itinuring kong kadugo.      Ano kaya ngayon ang nararamdaman ni Kuya Riley. Do I need to come back and cheer him up?  Pero baka mas lalo siyang madown kapag nalaman niya na narinig ko sang usapan nila nang Daddy niya.?        Pagbukas nang elevator, mabilis kong tinungo ang motor ko at may nakita akong taong nakasandal dito. Nakashades ito napaisip ako saan ko nga nakita ang taong ito?  Charlie Bravo!  Natawa ako sa naisip bagay sa kanya iyong cartoon character na si Johnny Bravo. Napahilamos ako nang mukha sa inis. Ang malas nga naman, when it rains it pours.        "Kanino ka nakipagkita sa kapatid ko o sa asawa nang pinsan ko.?  Tanong niya habang nakapamulsa.       Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan. Matangkad,  matipuno ang katawan, gwapo, at mayaman sigurado marami nang napaiyak ito. Sa sarap!  Wahaha silly woman. Kastigo ko sa sarili ko.    "Both" ayon ko.  "Tabi diyan sa motor ko may pasok pa ako"..  "Wow wow wow" sabi niya habang papalapit sa akin. "Ang yabang mo ah anong gayuma ang ginamit mo kanila baka pwede rin sa akin,  tatlo na kami o, bigtime ka na kapag nagkataon. Hindi mo na kailangan magtrabaho sa bar." Kinilabutan ako sa sinasabi niya. Paano niya nalaman nagtatrabaho ako sa bar?       Paglapit niya hinawakan niya ang aking panga. Nilapat ang noo sa noo ko, what is he doing?  Hindi ako makakilos.  "Stop this, gold digger! Huwag mong sirain ang pamilya nang pinsan ko".  Habang nagsasalita siya.  He is brushing his lips against mine. Hindi ko siya inawat na kung tutuusin kayang-kaya ko naman. Tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa akusasyon niya o dahil sa tuwa na finally may humalik sa akin at hindi ako nagkaroon ng panic attack? Is he kissing me?  No, he is threatening me.      Binitawan niya ang panga ko nang mapansin na umiiyak ako.. Meron pa siyang gustong sabihin pero sumakay na ako sa motor at dali-daling umalis. Siya ang umukupa nang isip ko hanggang makarating ako nang school.       May group project na naman kami as usual wala akong kasama, hindi sa ayaw nila akong isama. It's my choice talaga dahil wala akong sapat na oras para sa ganyan. Much better to be alone than being the cause of delay.       Nasa apartment ako ni Jack, pinilit ko siyang ibigay sa akin ang address niya.       "Ano iyan?!" Nagtatakang tanong niya habang nilalapag ko ang mga dala ko.       "Babe pwede ba painumin mo muna ako kahit tubig lang please." Bago pa siya sumagot ako na ang tumungo sa pantry.       "Bahay mo? At home na at home ka ah"..       "Biro ba iyan babe magiging bahay na natin 'to!.  Sagot ko.       "Ulol!" Tawa ako nang tawa.        "Alam mo kung bakit gustong gusto kita asarin namumula ka kasi agad"..       "Diritsahin mo na ako kung anong pakay mo dito may pasok pa ako." Full time kasi siya sa Mixnetic.      "Di ba nagpipinta ka? Gagawa kasi ako nang video clip parang patalastas. Wala akong time para mag out of town pa at maghanap nang location."     "Mahal ang talent fee ko." Natawa ako.      "Hindi naman kita kukuning model eh.  Ang mga tela na iyan pintahan mo, iyong isa. Mukhang race track, iyong isa white sand beach basta bahala kana pwedeng tirik iyong araw or sunset iyong isa parang mataas na lugar may malaking puno na may nakakalat na d**o at mga ligaw na bulaklak. Basta ikaw na bahala dumiskarte." Utos ko.      "Nakikiusap ka ba o nag uutos?  Pakipot niya.       "Sige na babe promise tutulungan kita kay ganda. Hahanapin ko siya sa school para magkaayos kayo." Ngumisi siya.      "Ang lalaki niyan, hindi ko kaya." Pagmamatigas nito.       "Kaya iyan ikaw pa, isabit mo sa dingding isa isa saka mo simulan ang pagpinta." Pilit ko..       "O eh marunong ka pala ikaw na gumawa." Nakangiti na siya 'gotcha'.      "Kailan mo kakailanganin iyan?" "By Wednesday dapat nakashoot na ako kasi edit ko pa. Dapat Thursday nang hapon maipasa ko na."      "Balik ka dito bukas nang hapon" sabi niya.     " Yes" akmang yayakapin ko siya tinulak niya nang daliri ang noo ko..       "Umuwi kana".. Ngumuso ako.      "Makikikain pa sana ako, sama nang ugali mo"..       "Huwag na huwag mo akong ngusuan hahalikan kita".. Banta niya.      "Ito na nga o pauwi na" natawa siya.      Alam niya rin kasi ang dinaranas ko.      "Bye babe!" Sumaludo ako sa kanya.     Umiiling siyang nakangiti.       Dumaan ako sa condo ni Kuya Riley.  Nadatnan kung subsub siya sa trabaho.      "Did you miss this Angelic face Kuya?" Umaarte siya na nasusuka..      "Come on Kuya you're hurting me". Kunyari malungkot ako.       "Angel I'm hungry, care to do some dinner for me?" Nakikita ko ang lungkot sa mukha niya na pilit itinatago sa akin.      "Order na lang tayo para makakain ka agad".       "No ayoko, gusto ko iyong luto mo".  With matching puppy face.          "Fine,  fine,  fine." Saka tinungo ko ang kusina.      Nagsaing muna ako bago pumili sa mga na marinate ko kahapon nang umaga. Lagi kasi ako advance mag-isip para katulad nang sitwasyon ngayon mababalis ang paghahanda ko kasi nakababad na,  iluluto na lang.       After thirty minutes naaamoy na namin ang grilled pork.       "Smells good Angel you are the best, gorgeous, talented sister I ever had." Madrama niyang sabi.  Binato ko sa kanya ang hawak na pot holder..      "Ang drama mo. May problema ka ano?" Patay malisya kong tanong.       "Wala namang bago, si Dad parin". Mahina niya sabi. Habang hinahango ko ang ulam sa oven.       "Alam ko pumunta ako doon kanina".      "Narinig mo?"  "Uhhhm". Tango ko.  "Pwede mo na akong itakwil Angel" pabiro niya.  "I, Ehra Bautista, disown you Riley de Guzman as my brother." Sabi kong nakataas ang kamay.  Hinila niya ang tali nang buhok ko at ginulo niya.  "Ano ka ba Kuya, mamaya may buhok na dito sa pagkain". Saway ko.      "Huwag kang mag alala biro palang iyon." Natatawa ako sa itsura niya.  "Kuya ang disown na word binura ko iyan sa vocabulary natin. Mananatili akong kapatid mo kahit magka alzhiemer's disease ka pa. Ako ang magpapaalala sa iyo kapag nakalimot ka which is hindi malayong mangyari kasi ang tanda mo na".. Lalo niyang ginulo ang buhok ko.       "Since malungkot ka today,  pork bulgogi para sa Kuya kung Pogi!" Sabay lapit nang chopsticks na may pagkain sa bibig niya..       "How's it?".      "Uuuummnnn ang sarap! Teka sino ka pala?".. Tawanan, seryoso, tawanan ulit habang kumakain.  Maya-maya may umepal, dumating ang kapatid niya.  "Wala bang bahay iyan Kuya?" Bulong ko.  "Meron mansyon pa nga".  "Pakihatid baka hindi alam ang daan pabalik." Napalakas ang tawa niya kaya lumingon sa pwesto namin.  "Uwi na ako Kuya baka hindi lang yakap ang matanggap ko dito may pasobra pang halik galing sa kapatid mong gwapo.".. Tawa kasi nang tawa si Kuya kaya panay tingin din ng kapatid niya sa amin. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako nakahandusay dito.      "Akin na ayusin ko buhok mo." Ganyan siya basta ginulo niya siya rin mag aayos nang buhok ko. French braid ang ginawa niyang  hairstyle.       "Ingat Angel!" Pahabol niya kumaway lang ako nang nakatalikod.      Kinabukasan dumiritso na ako kay Jack. Dala ko ang mga damit na gagamitin. Mga damit na bigay ni Kuya pero hindi ko nasusuot. Nanghiram na rin ako nang make up kay Ate. Pagdating ko nakabihis na siya papasok sa work.      "Babe make upan mo'ko"utos ko.    "Tingin mo sa akin bakla?"tutol niya.  "Marunong kang magpinta diba?  Pintahan mo rin mukha ko make up nga lang gagamitin mo. Wala kasi akong talent sa ganyan." "Akin na nang matapos na 'to." Ngumiti ako. Galing galing ko talaga.   Nang makontento na ako sa itsura ko, "pwede na to babe. Now I need your electric fan, and then umalis kana kasi hindi ko kaya magsuot nang bikini na nandiyan ka. Saka may pasok ka pa." Tinulak ko siya palabas.  "Teka bahay ko 'to!" Nilock ko ang pinto.  Now I'm done! Kailangan ma edit ko kaagad ito. Hindi ko na kailangan hintayin pa ang deadline. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD