Episode 14

2017 Words
Charlie's P. O. V    Sinamantala ko muna habang wala pa akong pasok. Nakipagkita ako sa mga malalapit kong kaibigan noon.     Inuman, balitaan..     "Kelan ka ba mag-aasawa Charles ikaw nalang ang hindi nagsettle down sa atin. Si Richmond may dalawang anak na." Tanong ni Jonas.       "Wala pa sa plano Bro, hindi ko pa naenjoy ang buhay ko"..     "Bakit? Kahit may asawa ka na mag-eenjoy ka pa rin. Tingnan mo ako. Lalo na laging wala iyong asawa ko".    Ngumiti lang ako. Kilala ko si Jonas noon pa kung gaano ako ka playboy mas doble ang pagkaplayer niya.     Habang panay ang asaran namin sumisingit pa rin sa utak ko ang itsura ni devilish angel. Ano ba ito nakokonsensya ba ako? I can't explain how I feel right now, iyong mukha niya na may luha kapag naalala ko parang kumikirot din ang dibdib ko.     Hindi ako dapat makonsensiya, siya dapat ang makaramdam noon. Pamilya ang sinisira niya.         "Bro di ba nag wowork out kayo minsan punta tayo sa Gym ni Riley."   "Sure why not? My chickababes ba doon?" Tanong ni Jonas.    "Meron bata pa at ang katawan",  pheeew!  Sumipol pa ako. "Alagang alaga."       Sa abilidad ni Jonas sigurado mahohook niya ang devilish angel na iyon. At doon siya masisira kay Riley! Hanggang magkahiwalay sila.  Pagkatapos namin, nagpasya akong dumaan Kay Rile.      Makikibalita ako kung ano napag-usapan nila Daddy. Pagdating ko nandoon ang babaeng nagpapakulo nang dugo ko. Pero kapag tinitigan niya ako, nawawala ako sa sarili ang mga mata niya na parang ayaw kong mabasa nang luha..     Pull yourself  Charlie lasing ka lang. panay ang lingon ko sa kanilang dalawa. Panay ang tawanan nila. Ngayon ko lang nakita  si Riley tumawa nang ganito. Simula noong namatay si Mama. O baka masyado lang akong busy sa buhay ko kaya hindi ko napagtuunan nang pansin ang kapatid ko.     Hindi nagtagal umalis si devilish angel, nakaramdam ata na panay tingin ko sa kanya nang masama. Hindi ko lubos maisip bakit sa dinami dami nang babae siya pa ang napili nang kapatid ko.     Nilapitan ko ang kapatid ko na bumalik sa pagkain.     "Kain ka Kuya, try this". Alok niya sabay abot ng platong hindi nagamit ni devilish angel.     "Ano naman 'to?" Patay malisya kong tanong.     "Korean bulgogi" sagot niya.     "Hanep last time Korean beef stew ngayon Korean ulit.?  May lahi bang Korean iyon?" Natawa siya sa tanong ko.     "Wala naman, addict lang sa Korean. Hindi mo ba napansin sa kwarto niya may malaking tarpaulin?  Korean actor iyon na kinababaliwan niya." Umiiling niyang sabi.     "Gaano na kalaki nagastos mo sa kanya?" napalakas ang boses ko. Hindi ko matanggap na nauuto nang babaeng iyon ang kapatid ko.     "Wala Kuya wala akong gastos sa kanya. Dahil lahat nang binibigay ko tinutumbasan niya nang magandang serbisyo. If you only know her hindi mo kayang sabihin ito sa kanya. What else do you think of her?  A f*cking w***e?  A gold digger?" Depensa niya.     "Dahil sa kanya makikipag-away ka sa akin? Kung wala ka nang respeto sa sarili mo,  isipin mo nalang ang pinsan natin." Hinampas ko ang lamesa.     "Hindi mo ako naiintindihan dahil wala kang alam tungkol sa amin! Nakasarado ang utak mo. Kung hindi lang sa pakiusap ni Ehra na huwag kitang komprontahin noong araw na iyon mismo nag away na tayo. Walang magandang patutunguhan ang usapan na 'to Kuya. You better leave me alone." Hindi maikaila nasasaktan ang kapatid ko.     "Kakausapin ko si Leia.". Banta ko.     "Go ahead".. Hamon niya.      Ngayon lang kami nagkaroon nang away na ganito. Ano ba ang ipinaglalaban mo bunso? Kahit mahirap pa ang mamahalin mo kahit pulubi pa hindi ako tututol. But that unfaithful woman?  She doesn't deserve You!  "Charlie!" Nakataas ang dalawang braso ng pinsan ko parang bata na naghihintay mayakap.          Nasa library siya nagkakape mag-isa. Maaga akong nagpunta dahil may lakad ako mamaya.  "How are you, ha?" Tanong ko habang inaabot sa kanya nag bulaklak na dala ko.     "Ito nakakulong lagi sa bahay, sana magiging successful ang nakatakda kong operation nang makalakad na ulit.". Masaya niyang sabi.     "Saan si Greg?". Usisa ko     "Tulog pa, puyat kasi tambak ngayon ang trabaho dahil sa darating na turn over ng pwesto mo.. Ayyyeee congratulations my dearest, handsomest cousin!"..     "Leia,  kamusta naman kayo ni Greg? May problema ba kayo?  Simula ba nang nagkaganyan ka nag bago ba ang pakikitungo niya sa iyo? Hindi mo ba nabalitaan na nambabae siya?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.     "What do you mean?". Nakangiti siya.    "Hindi iyan kayang gawin sa akin ni Greg alam mo iyan. Kahit nga buong pamilya natin ang ayaw sa kanya pinaglaban ko pa rin siya. Being with him I feel secured.".. Walang kamuwang-muwang niyang sabi.     Tumunog ang  intercom na malapit sa kanya pinindot niya ang loudspeaker.  "Ate, open the monitor tingnan mo ang kalukohan ni Shane". Narinig kong sabi sa kabilang linya.     Inangat ni Leia ang remote tinutok sa malaking t. v.  sa harap namin. Tumambad sa akin ang mukha nang babae na ayaw na ayaw kong makita. Nakaupo siya pasandal sa sofa may hawak na libro at ang batang kasama niya, pilit kinukuha ang attention niya. Pati salamin sa mata tinatanggal nang bata.        "Napakaseloso talaga nang alaga mo na iyan." Natutuwang sabi ni Leia.     Pati ang telepono kinuha sa kanya. Natatawa siyang humarap sa camera na tinuturo ang bata.    Nang wala nang pinagkakaabalahan ang babae, sumampa ang bata at dumapa sa dibdib niya. Saka niya inabutan ng bote nang gatas.     "Bakit nandito ang babaeng iyan?" I was taken aback.     "Siya ang tinutukoy mo kanina."     "Alam mo?"    "Walang sekreto sa amin pagdating sa kanya".     "Then why at first you didn't corrected me? You Greg and Riley?" I don't know what I'm feeling right now. That's why this past few days calling her names has been eating away at my conscience.     "That's what she wants". Leia utter casually.       "Third attempted suicide ni Riley nang makita niya si Ehra hindi iyon natuloy kaya Angel ang tawag ng kapatid mo sa kanya."    "Third attempt? Bakit wala akong alam?"    "Marami kang walang alam Charles ako lahat nakasaksi nang pinagdadaanan nang kaaptid mo. First noong umalis ka, pangalawa nang iwan siya ni Faye. Last iyong utos ni tito na kailangan niya makipagrelasyon kay Cassey.". Salaysay ni Leia.     "Tumakas si Ehra noon sa Employer niya dahil pinagtangkaan siyang gahasain. Kaya hindi natuloy ang balak ni Rile na tumalon sa dagat kasama ang kotse niya".     "Nagkaroon ng trauma si Ehra walang lalaki makakalapit sa kanya maliban sa kapatid mo. After one month namatay ang magulang niya dahil sa bagyong Yolanda."       "Until now they're missing. Naglaslas si Ehra, nakita nalang siya ni Rile duguan sa kwarto walang malay. Riley doesn't hesitate to give her his blood na nagkataon na pareho sila nang blood type."      "Naging kanlungan nila ang isa't isa, buhay na buhay ang bahay namin kapag nandito sila. Para sa kanila hindi man sila pareho nang magulang pero iisang dugo ang nananalaytay sa kanila. They are inseparable."      "Sobrang higpit ni Riley noon, hanggang unti-unti ang paggaling ni Ehra. Kapag may shows siya abroad lahat nang lalaki na posibleng lumapit kay Ehra binigyan niya nang paborito niyang pabango kasi kapag nagkaroon ng panic attack ang isa nagiging kalmado siya kapag naamoy niya si Riley."    "Hindi naging madali ang lahat pero awa nang Diyos, kahit may kanya kanya silang kinakaharap na problema araw-araw, kahit down na down ang isa papatawanin nang isa".  Until last week na nagkita kayo.  Ugali pa ni Ehra kapag may masamang ginawa ang ibang tao sa kanya sinisisi niya ang sarili niya. Ang akala niya sa kanya ang mali. At doon lagi lumalabas ang pagiging pari nang kapatid mo dahil katakut takot na sermon ang inaabot ni Ehra."          Habang nakikinig ako sa kwento nang pinsan ko lalong lumalaki ang paghanga ko sa babaeng pinag-isipan ko nang masama. Marahas kong sinuklay ang buhok ko sa mamamagitan nang mga daliri..      "I don't know how to fix this mess. God what have I done? This is unforgivable".. Tumaas ang kilay ni Leia.      Siya ring pagpasok ni Greg. May kausap sa phone..     "No, right now I can't decide I have to talk to her." Kumaway siya sa akin habang nakikipag-usap. Maya-maya dumating si Riley.     "Nandito ka pala Kuya?" Tumango lang ako.     Napatingin siya sa monitor. Inabot ang telepono.     "Angel ibigay muna kay Manang Rosing si Shane".      "Papuntahin mo siya dito Rile". Utos ni Greg.     "Dumiretso ka dito sa library." Seryoso ang mukha nilang dalawa.      Pagdating niya, balak pa sana niyang bumalik nang makita ako.     "Come her, let's  talk about the commercial you presented yesterday." Sabi ni Greg.        "Ganoon din ang pakay ko sa kanya Kuya". Ayon ni Rile.      "Ganun ba kapangit iyon? Para gambalain pa nila kayo?" Tanong niya.       Lumapit siya kay Leia, parang naghahanap nang kakampi. Nakahawak sa tainga niya ang isang kamay habang himas himas ito.      "Stop that!" Asik ni Riley, sabay tanggal nang kamay sa tainga nito.     "You're scaring me Kuya! Ate oh binubully na naman ako".  Pangiti-ngiti lang ang pinsan ko.     "Kausap ko si Winston Chua,  naalala mo one time nameet mo siya sa office." panimula ni Greg.     Kumunot ang noo niya. Umiling.     "Nameet mo na siya biniro ka pa nga na  ikaw ang ipapakasal niya sa anak niya."     " Ow yeah naalala ko siya, what about him Kuya."     "Isa siya sa mga panel hindi mo lang yata napansin, pero nakilala ka niya. Kaya siya tumawag, aalukin ka niya nang trabaho."  "No" tutol ni Riley "Decline mo Kuya". Sabi ni Ehra.  "Lalayo pa ba tayo? Kung gusto kong magtrabaho doon nalang ako sa office ni Kuya Riley marami pang gwapo... Aray!" Pinalo siya ni Riley nag ruler sa ulo.     "Huwag naman sa ulo Kuya, pag ako nabobo".. Nakanguso niyang sabi.     Ang cute niya. Ang sarap siguro halikan nang bibig na iyan. Nagawa ko na minsan pero hindi iyon totoong halik.     "O ikaw na anong tungkol doon sa ginawa ko?" Utos niya kay Rile.     "Tumawag ang school mo, syempre sa akin since ako ang guardian mo.. Wala namang ibang nasabi kundi pinuri lang naman ako bilang napakahusay, napakagwapo at napakakisig na guardian sa buong mundo.. Aray!" Gumanti din iyong isa pinalo niya rin nang ruler si Riley.     "Tama na iyan baka magiging boxing ring na itong library ko mamaya" saway ni Leia sa Kanila.     "Show us the video Ehra." Utos ni Greg.     Lumapit siya sa laptop matapos ang ilang clicks, nagplay ang commercial sa monitor ng t.v.     first ten seconds isang babae na naka tracksuit nasa oval ready to run,  nakayuko, emphasizing the brand of the outfit. Gawa namin iyan!      Next ten seconds, ang babae nakatalikod nakacasual dress na nililipad nang hangin ang laylayan, nakapaa sa madamo at may iilang ligaw na bulaklak, habang nakatingala sa punong kahoy. Ganun pa din ang pakay maipakilala ang brand nang damit namin.     Last ten seconds nasa beach ang babae, naka swimwear ito nakatagilid, habang naglalakad bitbit ang surfboard. At produkto pa rin namin ang suot niya.     "Mahusay, manang-mana ka talaga sa akin Angel," pumalakpak si Riley.     Yumukod naman si Ehra na animoy prinsesa sa fairytale.     Pero ako hindi niya kayang tapunan ng tingin. Galit siya sa akin. Alam ko.     "Kelan mo ginawa iyan Ehra?  At saan? Parang hindi ka naman umalis ah." Tanong ni Greg.     "Doon iyan sa bahay nang kasama ko sa Mixnetic Kuya. Siya nagpaint nang background" sagot niya.     "Sino si Jack? Kawawang bata nauto na naman." Agaw ni Rile.     Tumango si Ehra. "Siya pa nga nag make up sa akin Kuya ha ha noong una ayaw niya pero napapayag ko rin. Eventually he was evicted from his apartment. Hindi ko kayang mag two piece na lalaki ang cameraman ko no? Tapos kami lang dalawa sa loob." Natatawa niyang sabi.     "Heartless woman! How dare you call him babe? Pinaglalaruan mo ang tao." Sermon ni Rile.     "Kuya pang asar ko lang iyon sa kanya, friends kaya kami,  hindi niya ako tutulungan kung naging masama ako sa kanya. Saka may mahal na siya. Nagkalayo lang."    Hindi na ako nagtagal sa bahay ni Leia kapag tumatama ang mata namin ni Ehra lalo akong nakokonsensiya. Kapag nagkakatawan sila nagsiselos ako..    Kailangan ko maghanap nang paraan para makahingi nang tawad sa kanya.  Pero paano ko sisimulan? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD