Episode 15

2799 Words
Emerald's P. O. V   Buti nalang nagustuhan nila ang ginawa ko. Hindi na ako magsasayang nang oras para ulitin. Kailangan ko pa magbayad nang utang na loob. I need to keep my promise to Jack. Kaso hindi ko alam ang pangalan nang babae na iyon.    Ang problema ko ngayon niyaya ako ni Kuya na dumalo sa party nang kapatid niya. Alam ko kailangan niya ako doon bilang moral support niya. Pero hindi ako sanay sa mga ganyan. Kahit magsuot nga nang sapatos na may takong hindi ako marunong.    Sa probinsiya namin lagi nga ako nakapaa kasi nasa dagat ako maghapon.  Bahala na nga si batman!  He he he, bakit si batman ba ang magsusuot nang takong? Hmmmm mga kasabihan nga naman oo..    Papasok ako sa convenience store kung saan ako lagi bumibili nang chocolate na Ti A mo na may inspiring messages ang bawat balat. Lagi ko pinamimigay sa mga tauhan sa office ni Kuya,  sa Gym at sa Mixnetic.  .    Sa hindi kalayuan, kung saan ko iniwan ang motor ko, may nakita akong isang teenager na umiiyak may kasama siyang lalaki nakatalikod habang may katawagan.    Kapag ganitong sitwasyon hindi ako mapakali sa tuwing may nakikita akong alam ko na nangangailangan nang tulong hindi ko pwedeng ipagwalang bahala.  Lagi pinapaalala ni Kuya 'basta mag-iingat ka lang dahil baka masamang tao ang matagpuan mo.'  "Do you need help?" Lumingon ang lalaki. Lalong pumapalahaw nang iyak ang dalagita nasa kinse ang edad at mayroon itong  special na kapansanan.   "Hey princess, what's wrong?" Malambing kong tanong. Dumukot ako nang tissue sa bag ko pinunasan ko ang mata niya. .   "Ahmm miss ano kasi may ano kasi ang kapatid ko. May ano ang palda niya.  Kaya siya may sumpong, hindi ko na alam ang gagawin,  si Mommy nasa meeting pa hindi rin makakapunta." Mahabang paliwanag nang lalaki na tantiya ko hindi kami magkakalayo nang edad.   Tinaas ko ang kamay ko.  "In short you need my help? Bakit ang dami mo pang sinasabi ". Napahawak siya sa batok niya. Hinubad ko ang jacket ko saka nilapitan ang dalagita.    "Princess,  here take my jacket. We can use this to hide something." Saka tinali ko sa baywang niya.    "Now let me take you inside the mall to get something for you to change." Ngumiti siya. Saka humawak sa kamay ko. Buti nalang may maliit na mall na nasa tabi lang nang convenience store na pupuntahan ko.    Naiwan ang lalaki kaya binalikan ko hinawakan sa kamay at hinila.    "Teka lang saan tayo pupunta?" Tanong niya.    "Tanga ka ba bibili tayo nang damit na pamalit nang kapatid mo, at ikaw ang magbabayad noon". Kastigo ko sa kanya.    "Pwede dito na lang ako sa labas?" Nahihiya niyang sabi.    "Ungas paano kung kidnapper ako eh di natangay ko ang kapatid mo nang walang kahirap hirap!" Tinulak ko siya papasok habang hawak ko sa kamay ang dalagita.     His sister giggled. "Having an idiot brother sometimes stressed  you out". Bulong ko.    "I can still hear you!".  Sigaw niya.       "Ate what's your name po?". I smiled before answering her.  "My name is Emerald but this is a  very big secret between us okay? And  you princess,  what's your name?" Nakarating na kami sa isang boutique na may damit pambabae.    "I'm Dianne and that is Kuya Aaron".  Sabay turo sa kapatid na malayo sa amin mukhang nahihiya siya.    "Ah, what a beautiful name princess Dianne". She giggles as always.    Nang makapamili na kami niyaya ko na sila sa restroom. Pagdating sa pinto naghanap muna ako nang sanitary napkin sa bag ko lagi naman akong may dala noon. Habang nagkakalkal nalaglag ang student I. D. ko.    "Dito ka rin nag-aaral?" Tanong ni Aaron.    "Oo,  pahawak muna" inabot ko ang napkin sa kanya.    "Ayoko nga". Tutol niya.    "Huwag kang ano para naman iyan sa kapatid mo eh. Arte arte mo!.  Inabot ko sa kapatid niya ang napkin.    "Go ahead princess we'll wait for you here." Bahagya ko siyang tinulak papasok. Hindi kona siya sinamahan dahil crowded sa loob.   "Hindi mo ba ako kilala? Pareho tayo nang school na pinapasukan".  Tanong ni Aaron.    "Hindi.  Bakit kailangan ba kilala ko ang lahat sa school na iyon? Alalahanin mo ang kapatid mo huwag ako,  kaya ba niya mag isa?"  "Sigurado ka itong mukhang ito hindi mo kilala?" Panigurado niya.    "Ang kulit nang lahi mo Aron! Hindi nga!" Panay ang tingin ko sa pinto nang restroom.     "Aaron hindi Aron". Pagtatama niya.    "Whatever Aron." Pang-aasar ko.  "Maganda ka sana" "O bakit may sana pa? May girlfriend ka 'no?" Nakangiti kong sabi. Napakamot na naman siya sa batok.    Maya-maya may lumabas sa restroom iyong babae na kausap ni Jack sa school. Thanks be to God!  Kung pinagpanagpala ka nga naman oo.   "Wait lang Aaron may kakausapin lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot niya.     Sinalubong ko ang babae. Maganda siya at mayaman basi sa mga suot niya.   "Miss wait lang!" Huminto siya nakita ko ang pagtataka niya.    "Miss I'm  Ehra, nagkita na tayo sa tapat nang university." Paalala ko sa kanya.    "Oh yeah I remember you! Kasama mo si Jack." May inis sa boses niya.    "Pwede ko ba malaman pangalan mo?" Tanong ko.    "Sophia" sabi niya.    "Nice to meet you Sophia, alam ko kalabisan na ito pero nagmamadali kasi kami. Pwede ko ba mahingi number mo. May pag-uusapan tayo tungkol kay Jack." Nakatingin siya sa mata ko. Pero hindi siya nagsasalita.  "Kaibigan ko si Jack huwag kang mag-alala" sabi ko.    "But  you call him babe". Mahina niyang sabi.    "Pang-asar ko sa kanya iyon. Kapag kasi iyon tawag ko sa kanya namumula siya".   Nakita kong ngumiti siya pero malungkot, saka niya binigay ang number niya.  "Lunch tayo minsan sa school." Pahabol ko habang naglalakad pabalik kay Aaron.    "Tomboy ka ano?" Salubong niya.    "Joke ba iyon?  Tatawa na ba ako?" Naasar ako sa tanong niya.    "Hindi pa ba sapat saiyo ang nakikita mo? Oo lagi akong naka leather jacket kasi marami ako noon! Pero kita mo naman sa loob o o o. " Pinakita ko pa sa kanya nakatank top ako ng bulaklakin na beige ang kulay. At  take note,  labas pusod.    Tawa-tawa siya nang tawa.    "Certified pikon!" Pinalo ko siya sa tiyan, matigas!  Inulit ko.    "What kind of sports are you in?" Tanong ko.    "Basketball"    "Kuya, Ate,  look I'm  done!"..  Masayang lumapit si Dianne sa amin.     "Ate thank you for this." Sabay abot nang jacket ko.    "So paano mission accomplished?  Iwan ko na kayo may lakad pa ako." Paalam ko sa kanila.    "Ate it's nice to meet you". Mahigpit na yakap ang natanggap ko.  "Picture muna tayo." Pumayag na ako baka magwala pa mahirap na.       "Kuya kunan mo kami".   "Kayo naman Kuya." Sabay kuha nang phone sa kamay nang kapatid. Nag aalangan pa itong lumapit sa akin. Hinila ko siya palapit.    "Dalian mo na baka magwala na naman iyang kapatid mo."    "Okay,  one, two,  Kuya holding hands kayo ni Ate! And  smile please ha?,  Seryoso kayo pareho". Sabi ni Dianne.    Hinila ko ang kamay niya paikot sa baywang ko, habang hawak ko ito.    "Huwag ka mag alala hindi kita type!" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mukha niya ganun din siya sa akin. Sabay kami natawa. And there the perfect photo was taken.!     "Ang ganda". Nakatakip ba sa bibig ang kamay ni Dianne habang namamamgha sa picture. Hindi ko na tiningnan kailangan ko na umuwi.    "Ate itag kita sa i********: ano name mo doon?" Tanong niya.    "@primEHRA, gandahan mo ang caption ha?.. Sige na gotta go!  Bye guys nice to meet you"!  Sigaw ko habang papalayo sa kanila.       Kilangan ko magmadali papagalitan ako ni Kuya may usapan kami. Pinapapunta niya ako sa bahay niya     "Where have you been Angel?" Iritado niyang salubong sa akin. Nandoon na naman ang Kuya niyang paepal.    "Sorry Kuya, may tinulungan kasi ako kaya ako natagalan." Paliwanag ko habang hawak hawak ang tainga ko.   "Di ba sabi ko sa iyo hindi lahat nang oras kapag may nangangailangan nang tulong mo tutulungan mo! You must know your priorities!" Angil niya, galit ba siya?    "I'm sorry Kuya. But I can't turn her down,  she's a person with down syndrome." Nakayuko kong sabi.    "Then what are you  sorry for?".. Pag-angat ko nang mukha nakangiti siya.    "I hate you Kuya!".  Sabay pasok sa kwarto ko nasa likuran ko siya.    "Kuya wanted  to talk to you".  Sabi niya.    Napalingon ako sa pwesto nang kapatid niya. Tama si Ate Leia ang sabi niya kapag nagkamali daw ito,  nagpapakumbaba.   "Tungkol saan?" Wala gana kong sagot.    "I don't know, kayo nalang mag-usap." Kibit balikat niya.    "Bihis lang ako, and Kuya pwede ba iyong party nalang pag-usapan natin huwag iyong kung anu-ano pa?"sigaw ko dahil papalayo ako sa kanya.    Paglabas ko nang silid magkatabing nakaupo ang magkapatid. Nahinto ang usapan nang papalapit na ako. Dumiritso ako sa kusina at gumawa nang kape.  Pagbalik ko may dala akong dalawang espresso martini at isang at isang cappuccino.     "Girl you're my Angel you're darling Angel! Iba talaga kapag may kapatid kang maalalahanin". Pakantang sabi sabi ni Kuya Riley.     "Still I hate you". Mahina kung sabi.    "I know.".. Sagot niya.    "Here, espresso martini, please get one and pass". Kinuha ko muna ang kape ko bago inabot sa kanya.    "I'm sorry Kuya I can't stay longer, pagod na ako".  Tumayo na ako at naglakad papapuntang kwarto ko.    Maghintay siya kung kailan ako handa na kausapin siya.     Wala daw ang Prof ko sa last subject. Buti may extra time ako.     Nagtipa ako nang mensahe para kay Sophia. "Hi Soph this is Ehra, are you free now? Can we talk, it won't take long." Saka ko senend sa binigay niyang number.     Okay nagreply agad!     "Saan”?     "Sa main gate nalang kailangan ko rin kasi umalis agad may pasok pa ako."   Thumbs up ang binalik niya sa akin.    Paglabas ko sa gate nakita ko si Charlie nakasandal mukhang may hinihintay. Iiwas pa sana ako pero huli na.    "Ehra" papalapit siya sa akin.    Tanaw ko na rin si Sophia kumaway ako sa kanya.    Halos sabay silang lumapit sa akin.    "Ehra." Sabay nilang tawag.    "Oops mukhang may importante ka ngang lakad." Nakangiti niyang sabi.    Badtrip bakit kasi nandito 'to?      "Hindi, wala iyan hayaan mo yan." Bumuntong hininga muna ako.     "Ehra please kausapin mo ako." Mukhang nakainom na siya sa ganitong oras?     "What do you want?" Sigaw ko.  Binalingan ko si Sophia saka nag sorry.    "Soph I'm sorry, naabala pa kita. Pwede ka ba mamayang gabi? Punta ka sa Mixnetic doon tayo mag-usap." Tumango siya.    "Pero hindi ako pwedeng tumagal doon." Sabi niya.    "It's okay two hours is enough."..  Kumaway na nalang ako sa kanya habang hila hila si Charlie.    "Ano ba ang kailangan mo ha?  Nagdrive ka pa na lasing".. Galit talaga ako. Sa mga reckless drivers.   Pero front ko lang talaga ang maggalit galitan. Kasi hindi ko siya kayang tingnan sa mata para akong hinihigop, pati dibdib ko na hindi marunong makisama parang tambol sa lakas nang kabog.    "Hindi ako lasing." Sagot niya.    Bumitaw ako sa kanya. Inabot ko sa kanya ang helmet ko.    "Give me your car key".   Inilahad ko ang palad sa kanya. Hinugot niya sa bulsa ang susi at inabot sa akin.    Pagdating sa kinalalagyan nang motor ko inutusan ko siyang isuot ang helmet.    Inistart ko na ang motor hindi pa siya kumikilos.     "O ano pa hinihintay mo pasko?  Sumakay kana, kailangan ko tuloy maghanap nang daan na walang huli nito!" Inis na ako pero slight lang, may parte nang utak ko na nagbubunyi sa sitwasyon ngayon.    "Ako magdadrive" sabi niya.    "Huwag na gusto ko pa mabuhay nang matagal 'no". Mataray kung sabi.  "Saka pwede ba ang dami mong pasakalye may trabaho pa ako, sasakay ka ba o hindi?".  Tiningnan niya muna akong mabuti bago umangkas.    "Saan ka umuuwi?" Tanong ko.    "Just drive". Utos niya.    "Pambihira ka pala eh, malaking abala na nga ang itong ginagawa mo mas lalo mo pa akong inaasar!".. Galit na ako.    "Ang ganda mo kapag nagagalit".. Mahina niyang sabi.    "Marami na kayong nagsabi niyan kaya huwag mo na akong bolahin." Pagsampa niya pinatakbo ko na agad ang motor.  At yumakap siya sa baywang ko.   s**t na malupet! Dati pinapantasya ko lang  kung ano ang feeling nang makulong sa matipunong braso nang isang lalaki. Hindi ba 'to marunong umangkas nang hindi hahawak sa akin?  Lalo ko binilisan para mapabilis ang dating namin sa bahay niya. Pero ang damuhong 'to lalong humigpit ang yakap. At nilagay pa sa balikat ko ang ulo niya.    "Hoy huwag kang matutulog diyan ha?" Hindi ko alam kong naririnig niya ako.  Pagdating namin sa lugar na sinabi niya  tinanggal ko ang kamay niya sa baywang ko.    "Can't we stay like this just for a while?" Marahas kong tinanggal ang helmet sa ulo niya..     "Ah!" Hinimas niya ang taengang nasaktan.    "Kulang pang kabayaran iyan sa ginawa mo sa akin." Bulong ko.    "Then, tell me what to do para makabawi sa'yo.".. Sabi niyang nakatingin sa mata ko pababa sa labi ko..    I bit my lower lip because of uneasiness.    "Don't do that again in front of me baby"..       "Aalis na ako, pumasok kana. Ihatid ko nalang dito bukas ang kotse mo." para akong sinisilaban kaya pinatakbo ko na ang motor.    Grabe ang kaba na nararamdaman ko.    Pagdating ko sa Mixnetic nandoon na rin si Jack.    "Hi babe! May maganda akong balita".. Curious siyang lumapit sa akin.  "Ano".     "Nagkita na kami ni Sophia!" Tinalikuran niya ako.    "Jack please, I'm sure may special parin siyang nararamdaman para sa iyo.  Alam mo ba na nalungkot siya dahil babe daw ang tawag ko sa iyo".  Hindi niya parin ako pinapansin.    "Kung mahal niya ako hindi niya ako tinalikuran, dahil ba mahirap lang ako?  Mababaw na dahilan iyan." Pinaharap ko siya sa akin.    "That's why you have to hear her out. Paano mo malalaman ang dahilan kung hindi mo siya hayaan magpaliwanag?" Nginitian ko siya.  Napangiti na rin siya.    "Quits na tayo ha? Wala na akong utang sa'yo! Sana magkaayos kayo." Umiling nalang siya.    Around ten o'clock dumating si Sophia, pinaderitso ko siya sa pwesto ko. Inabot ko sa kanya ang strawberry lemonade vodka.    "Ano 'to?"    "Pampalakas nang loob." Nakangiti kong sagot.    "Alam mo hanga ako sa iyo, kaya mo mag-aral habang nagtatrabaho." Sabi niya.    "Kailangan eh, wala na akong magulang kanino ako aasa kundi sa sarili ko lang"..    "Sorry".  Simpatya niya.    "Ayos lang matagal nang nangyari iyon.".  Sabi ko.    Habang umiikot si Kuya Norman napadaan siya sa amin.    "Ehra kailan kapa nagkaroon nang girlfriend? I mean babaeng kaibigan?" Nakangiti siya.    "Ang harsh mo Kuya huwag mo naman akong ibuking na wala akong kaibigan". Ngumuso ako.    "Si Sophia nga pala Kuya, girlfriend ni Jack." Napataas ang kilay ni Kuya Norman.       "May LQ yata ang dalawa". Bulong ko.    "Soph this is Kuya Norman ang mabait na boss namin"..  Pakilala ko.    "Hello po!" Kumaway si Sophia.    "Pwede ba magbeso?" Biro niya.    "Huwag mo nang tangkain Kuya seloso ang boyfriend niyan." Nagkatawan kami.    Lumapit si Jack na madilim ang mukha.    "Bakit ka nandito?" Tanong niya kay Sophia.    "Jack pwede ka mag-undertime ngayon. It's okay lumabas muna kayo para makapag-usap". Utos ni Kuya.  Hinila na palabas ni Jack si Sophia.    "Ako kaya kailan magkaka-boyfriend?”. Nangalumbaba ako na parang nangangarap.  Tumawa nang malakas si Kuya Norman.  "Kahit minsan hindi mo nasubukang magnobyo?”   "Maraming beses akong sumubok Kuya pero subok lang. Alam mo na mataas ang standardd ko pagdating sa lalaki." "Halimbawa kapag may manligaw sa'yo ano naman ang katangian niya para pumasa siya?"   "Iyong kaya akong asawahin".  Lalon siyang natawa sa sinabi ko.   "Ang simple pala eh". Sabi niya sa pagitan nang tawa.    "Anong simple Kuya?  Kaya ba niya pumasa sa inyo? Kaya ba niya ihandle ang kalokohan ko?" " Mahirap kaya iyon baka magpaalam pa lang sa inyo mabahag na ang buntot nila 'no? Nakakaintimidate kaya ang mga pormahan nyo."    "Alam mo kung mahal ka talaga, kahit gyera pa sasagupain niya para patunayan saiyo ang totoong nararamdaman niya." Inayos pa ni Kuya ang nagulong kwelyo nang damit ko bago umalis.       Okay lang na walang boyfriend marami naman ang nagmamahal sa akin.   Kinabukasan pagkahatid ko nang kotse tumawag si Kuya Riley. Alam niya kasi na magcocomute ako pabalik. Pababa na daw ang Kuya niya at ihahatid ako pabalik.    "Huwag ka na mag-abala pang ihatid ako kaya  ko magcomute." Inabot ko ang susi sa kanya.    "Get in my car now!” Lumabas ang pagkaboss, makautos wagas.  Lumakad ako papalayo.    Bigla niya akong binuhat,  dinala sa passenger seat. Pagkabukas binagsak niya ako sa upuan.  "Aaww". Tumama ang kaliwang kamay ko sa matigas na parte nang upuan.    "I can handle brats like you, now fasten your seatbelt." Matigas ang boses niya.    "You're lucky I am not an attention seeker, kung hindi naiskandalo ka na ngayon." Hinihimas ko ang kamay ko na nasaktan.    "Are you hurt?" Hinawakan niya ang braso ko.     Marahas kong hinila ang kamay ko.    "Making things worst is your forte."                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD