Riley's P. O. V.
Niyaya ako ni Kuya sa bago niyang condo parang house warming party daw. Pagdating ko doon, wala naman ibang bisita, at mukhang lasing na siya.
"Kuya saan ang mga bisita mo?"
"Rile I'm sorry! Sa lahat nang pagkukulang ko sa iyo. Hindi ako naging mabuting kapatid sa iyo." Umiiyak siya.
"Lasing kana agad Kuya? Mahina ka pala eh" Biro ko sabay tagay nang whiskey at tinungga.
"Nahihiya ako sa sarili ko, nagpapakasaya ako sa U. S. samantalang ikaw dito, nahihirapan."
"Wala iyon, tapos na iyon, may maganda namang nangyari sa akin." Sinabi ko lang iyon sa kanya para mapanatag siya.
"Tama ka maganda nga siya". Marahas niyang hinilamos ang palad sa mukha niya.
"Ha?"
"I mean maganda ang nangyari sa iyo".
"Gusto mo siya?" Tanong ko.
"Hindi ko alam".
"Dahil kung gusto mo siya, itigil mo na, ayaw ko siyang makitang nasasaktan na ikaw ang dahilan."
"I know".
"Nagsisi ka?"
"Saan?" Tanong niya.
"Sa ginawa mo sa kanya".
"Mahigit pa sa pagsisisi, at panghihinayang."..
"Kapag wala ba ako kaya mo siyang alagaan? Kaya mo siyang ipagtanggol?". Panigurado ko.
"Kailangan niya muna akong patawarin bago ko magawa iyan sa kanya."
"Diskarte mo na iyan Kuya pinasok mo iyan gawan mo nang solusyon."
"Pwede mo ba akong tulungan?. I reached out but she's so stubborn. Hindi niya ako hinahayaang magpaliwanag."
"No. May sarili nang desisyon si Ehra nasa kanya na kung papatawarin ka niya."
"Nasaktan mo siya Kuya, alam mo ba hindi siya kumakanta maliban na lang kung masama ang loob niya. Unang kita niyo noon nang kumanta siya sa Mixnetic."
"Pwede mo ba siyang yayain dito?"
"Maybe next time."
He was hopeless nakokonsensiya. Nilunod niya ang sarili sa alak.
"Kuya, Kuya". Niyugyog ko siya pero ungol lang ang sagot niya.
"I'm leaving". Paalam ko. Umungol siya ulit.
…………………………………………
Naging successful naman ang turn over party ni Kuya. At himala na wala akong may narinig na salita sa Daddy namin.
Tumawag si Kuya, inutusan niya ako na tawagan si Ehra na huwag umalis pagkahatid niya nang kotse, kasi ihahatid daw siya ni Kuya sa university.
"Angel, saan ka?"
"On the way Kuya, ihahatid ko lang ang kotse nang kapatid mo. Magcocomute ako pabalik. Badtrip nga Kuya eh nasa bahay nila Ate ang motor mo nakamini skirt kaya ako ngayon. Mag-aaply kasi ako nang part time job mamaya." Sabi niya.
"Doon ka na lang sa office ko hin-" pinutol niya ang sasabihin ko.
"I'm here na Kuya, tawagan kita ulit mamaya. Bye!". Bakit ba lagi nalang akong pinapatayan nang telepono nang mga kausap ko?
Ilang minuto ang lumipas tumawag siya ulit.
"How's it Kuya?". Tanong niya. While showing me her OOTD.
"Maganda, mukha kang professional". Nakaponytail ang buhok niya. Napangiti siya sa sinabi ko.
"Okay lang ba Kuya kapag natanggap ako dito hindi na ako makakapunta sa Gym"..
"Kung sabihin kong hindi okay, alam kong hindi ka tutuloy. Kilala kita. Doon ka na lang sa akin magpart time". Alok ko.
"Pwede rin, pero gusto ko dadaan pa rin ako sa proseso, ayaw ko iyong appointed ako. Mag aapply pa rin ako and then meron pa ring interview."
"As you wish. Pero pwede ba pag-aralan mo rin mag make-up ang dami mong alam mag make up na lang hindi".. Tinaasan lang ako nang kilay.
"Kuya kapag ako natuto mag make-up ma- estress ka talaga dahil dadagsa ang aakyat nang ligaw sa akin." Tumawa siya na nang -aasar.
"So okay na hindi kana tutuloy sa pupuntahan mo?" Panigurado ko.
Tumango lang siya.
"Punta ka sa Monday sa Office, magtatanong ako kung saan department may hiring."
"Bye Angel!"
"Wait lang Kuya may ibibigay ako sa iyo."
"Ano iyon?" Nakita ko siyang may dinukot sa kaliwang bulsa nang blazer niya. Saka pinorma ang daliri niya nang imaginary heart katulad sa mga napapanood niya sa mga Korean Series.
Natawa ako. She always made my day!
Ang kinatatakutan ko paano ko masabi sa kanya ang desisyon kong lumayo muna.
Sa limang taon na ako na lang ang tinuring niyang kapamilya. Seventeen lang siya noong una kaming nagkita. Ngayon bente dos na siya and she's in her last year sa kolehiyo.
Matalino, masipag, maganda. Alam kong marami ang nagkakagusto sa kanya, pero alam ko rin na naroon ang takot. Takot siyang iwanan takot siyang masaktan.
Family means a lot to her. At ganun din ako. Malas ko lang dahil I always feel unwanted by my Dad.
Siguro kung hindi pinadala sa akin si Ehra, ngayon baka wala na rin ako dito sa mundong ibabaw.
Mas naging makabuluhan ang buhay ko dahil nandito siya na kailangan kong protektahan.
Pero ngayon hindi ko na kontrolado ang sitwasyon. Darating ang araw na makatagpo siya nang taong mamahalin niya. At bubuo siya nang sarili niyang pamilya.
Kakausapin ko muna si Daddy at si Cassey. Bago ako magpaalam kay Angel.
Nagbook ako nang private dinner sa isang hotel buti nalang pumayag si Daddy nang tinawagan ko siya.
Si Cassey hindi ko alam kung darating. Naalala ko ang last na away namin.
Pauwi na ako noon nang tumawag siya.
"Hello". Matamlay kung sagot.
"Where are you? Kanina pa ako naghihintay sa iyo dito!"
"Oh s**t I forgot!". Nasapo ko ang noo ko. Napasarap kasi ang usapan namin ni Kuya.
"You keep on forgetting things when it comes to me, I wasn't your priority after all!"
"From the start you already knew that this wasn't f*cking working out!" Sigaw ko. Uminit na rin ang ulo ko.
"How can we work it out if you have someone else in your mind".. Balik niya.
"Saan ka ngayon pupuntahan kita?".
"Huwag na!" She ended the call
Bumalik ako sa kasalukyan pagdating ni Daddy, hindi na siya nag abalang umupo.
"Ano na namang kalokohan ito Rile?" Bungad niya.
"Dad hintayin muna natin si Cassey. Have a seat first."
Makalipas ang ilang. Minuto dumating di si Cassey at kasama niya ang Daddy niya.
I was shocked, hindi ko inaasahan ito.
"Manolo hindi ko akalain na darating ka rin!". Nagkamay silang dalawa.
"Carlos, kahit ako hindi ko rin inaasahan na nandito ka"..
Tiningnan ko si Cassey pero blangko ang mukha niya.
Pagkaserve nang wine gusto kong simulan ang usapan pero hindi ko alam kung paano.
Tumikhim si Cassey.
"Ahhmm Tito Carlos, Dad kaya namin kayo pinapunta dito kasi may mahalaga kaming sasabihin sa inyo."
Tumingin sila sa akin ngayon lang ako nakaramdam nang ganito sobrang kabog nang dibdib ko.
Paano kung gusto na ni Cassey magpakasal?
"Labas po ang negosyo at pagkakaibigan niyo dito. Since sa aming dalawa ni Riley ay ako lang naman po talaga ang pumilit sa kanya para pasukin ang relasyong ito."
"Simula pa lang po ayaw niya pero sabi ko susubukan namin. But in the end things between us didn't turned out well kaya nagdecide kami to stop this"
I was speechless. Kahit sila Daddy hindi rin nakapagsalita.
"Kung ganoon ang desisyon niyo sino ba naman kami para mamagitan? Pero masaya sana kung ang ibabalita niyo ay magkakaapo na kami." Natawa ang lahat sa biro ni Tito Manolo.
"Tulad po nang sabi ko, labas ang negosyo dito. I hope na wala pong apektado. So cheer up guys let's enjoy the food!" Nakangiting sabi ni Cassey.
Para akong nabunutan nang tinik sa dibdib sa sinabi ni Cassey. Hindi na rin ako nahirapang magpaliwanag sa dalawang matanda.
Pagkatapos nang dinner naunang umalis ang dalawang matanda.
Nanghingi pa ulit nang alak si Cassey.
"Cheers ex-boyfriend!" Tinaas ko ang baso ko.
"Can we still be friends?" Tanong ko.
"No. Not until I moved on." Mapait niyang sabi.
"I understand".
"Alam mo ba kung bakit ko ginawa ito?" Tanong niya na sinagot ko nang iling.
"Ang huling sinabi ni Ehra nang magkita kami. Iyon ang dahilan." Umiiyak na siya.
Epekto nang alak.
"Cassey I'm sorry." Inabot ko ang kamay niya pero iniwas niya rin.
"Ang sabi ni Ehra, Alam mong may ibang mahal si Kuya, pakiusap palayain mo siya kaysa pareho kayong nahihirapan."
"Matagal din bago ako nakapagdecide Rile dahil hindi ko na kaya dahil ang sakit sakit na." Pinapalo niya nag dibdib niya.
Awang-awa ako sa kanya. Bakit ba kasi hindi na lang siya ang laman ng puso ko?
"Cassey you deserve better than me". Tumayo na siya.
"Goodbye Rile!" Tumalikod siya na alam kong mabigat ang nararamdaman.
Tinanghali ako nang gising, nagmamadali ako pagdating ko nang kusina naghahanda si Ehra nang almusal.
Pagkatapos ko maligo at magbihis
"Saan lakad mo Kuya?" Nakakunot noong tanong niya.
"Office". Sinalat niya ang noo ko.
"Wala ka namang sakit. Upo ka muna Kuya pag-usapan natin ang dapat pag-usapan." Sabi niya nakangiti.
"I'm in a rush, sorry". Dumampot ako nang isang mansanas.
"O. M. G. Kuya praning ka ba? Sabado ngayon!" Natatawa siya. Nasapo ko ang noo ko.
I totally forgot! Hindi agad ako nakatulog kagabi kakaisip kung paano ako magpaalam kay Angel. I feel like I'm walking in a thin ice surface.
Bahala na, pwede kong ipagkatiwala si Ehra sa mga kaibigan ko nandiyan naman si Ate Leia, at si Kuya Charlie.
"Angel, will you be okay by yourself let's say ahhm just for a while?" Tanong ko sa kanya.
"Saan ka Kuya?" Malungkot ang mga mata niya.
"I want to find myself, I want to fix things. These past few days were so stressful." Paliwanag ko sa kanya.
"Do you think leaving is the only way? Is there something I can do to help you?". Gumaralgal ang boses niya
at tumulo ang luha na alam kong ayaw niyang pakawalan ngunit hindi niya kayang pigilan.
Ito ang ayaw ko gawin sa kanya, iyong makita siyang umiiyak.
"I wanna go with you". Still tears are visible and keep on falling.
"No, stay here alagaan mo ang condo, alagaan mo ang Gym. Dito kita iiwan, dito rin kita babalikan". Pinunasan ko ang luha niya.
"You're always there when I need you, let me do my part also Kuya." Pagpupumilit niya.
"Angel, I know this will be hard for the both of us. Pero ayaw ko na madamay ka pa sa problema ko." Sinubsob niya nag ulo sa hapag kainan.
"Nakapagpaalam kana sa sa Daddy mo?"
"Hindi pa" matipid kong sagot.
"Paano kung ayaw niya pumayag?"
"Wala nang may makakapigil sa akin". Buo na ang desisyon.
"I hate you Kuya, I really hate you!"
"I'm sorry Angel."
Sa ganoon kaming sitwasyon nadatnan ni Kuya Charlie.
"What's wrong?" Pag-alala niya.
Tumayo si Ehra, pumasok sa kwarto niya.