Charlie's P. O. V.
"Huwag mong ipilit ang gusto mo. Ganyan ang suot mo magcocomute ka!".. Hindi ko alam bakit ako nagagalit. Kung pwede lang balutin nang kumot ang babaeng 'to ginawa ko na.
"I don't need your opinion about my outfit!"..
"Hindi kita tatay!"
"Ayaw ko lang na mabastos ka!" She smirked.
"Ayaw daw ako mabastos, ano kaya tawag doon sa ginawa niya sa akin?" Bulong niya sa sarili.
Hindi na ako umimik, narinig ko may tumatawag sa kanya. Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang screen nang phone niya.
"Hello?"Lumingon muna siya sa akin. She hesitantly turned on the loudspeaker.
"Wazzup man?" Masiglang sabi nang nasa kabilang linya.
"Sino to? You got a wrong number. Bye!"
"Wait, wait, Emerald si Aaron to." Pahabol nang lalaki.
"Aron." Walang gana niyang sabi.
"Aaron not Aron! Pwede ba tayo magkita mamaya sa covered court? May pinabibigay si Mommy sa iyo Tomboy!"
Nang aasar ang boses at itong katabi ko ang ganda nang ngiti, sa inis ko lalo kong binilisan ang pagpapatakbo nang sasakyan.
Is this what they called jealousy? Well yeah I'm not loving it!
"Aron, I'm warning you call me tomboy once again I'm going to kiss you." Hindi mapalis ang ngiti niya. Hinampas ko ang manibela. Napalingon siya na nakataas ang kilay.
And her eyes, one of her features I love the most. Para akong hinihigop kapag tumingin siya. Ang natural na makapal at pilantik nang pilikmata niya na ayaw mong makita na mabasa nang luha.
"It's Aaron, young lady." Natawa siya nang malakas.
"Ayaw mo mahalikan?" Tawa lang din ang sagot nang lalaki.
"Ano ba iyan? Tanong niya.
"According to Dianne's description, she wanted you to have this baduy bangle."
"Hindi ko pa na meet ang Mommy mo I already like her. Sigurado sa kanya nagmana si Dianne!"
"Ang baduy talaga pramis. As in bangles?" Sabi nang lalaki.
"Actually hindi ko ito hilig, kaya lang ako lagi may ganyan dahil kailangan." Nakita kong hinawakan niya ang pulso niya.
"Anong oras ka free?"
"At five pm".
"Ok, bye young lady!"
"Bye Aron". Sabay tawa ng nakakaloka.
Nagdial ulit siya. Video call ang ginawa niya. Ang dami namang katawagan nito!
"How's it Kuya?" At pinakita ang kabuuan sa kausap niya.
"Maganda, mukha kang professional". Thanked God si Rile ang kausap niya.
After the call hindi na rin siya nagsalita pa. Naglagay siya nang earbuds.
Wala pa rin akong lakas nang loob na kausapin siya. Hanggang makarating kami nang university na walang kibuan.
"Susunduin kita mamaya!" Pahabol ko.
"No, thanks. Don't bother." Sagot niya habang papalayo.
Babalik nalang ako mamaya. Puntahan ko muna si Riley. Sabihin ko na naghahanap ako nang assistant.
Pagdating ko sa condo niya, paalis na rin ito.
"Napadaan ka Kuya?” tanong niya.
"Papasok ka na?"
"Oo, may kailangan ka ba?"
"Bro sa akin mo ibigay ang curriculum vitae ni Ehra. I need an assistant.".. Ngumiti siya.
"Siguradong may gyera araw araw sa office mo Kuya. Knowing you and her.." Malakas na tawa ang pinakawalan niya. Pati ako nahawa na rin.
Kinabukasan sabado alam ko nasa condo siya ni Rile kaya dumiritso na ako doon.
Pagdating ko mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. At umiiyak si Ehra.
Nang makita ni ako tumayo siya at pumasok sa kwarto niya. Sinundan siya ni Rile.
"Angel please." He's banging the door but she didn't bother to come out. Nagbukas siya nang amplifier.
"Rile what's the matter ha? Why is she crying?" Marahas niyang sinuklay ang buhok gamit ang daliri niya.
"I told her I'm leaving."
"Why?" Kahit ako nag-aalala na rin.
"I don't know Kuya. I want to be in a place that no one knows me. I want to find myself. It feels like I'm lost. I need to take some time off." Paliwanag niya.
"Nakausap mo na si Dad?"
"Hindi pa, pero wala nang makakapigil sa akin."
"Si Ehra na lang ang inaalala ko".
"I'll take care of her".
Siya ring paglabas ni Ehra, basang basa pa ang buhok. Naka cropped top na itim at tattered jeans na itim.
F*ck bakit hinahayaan ni Riley na lumabas ito nang nakaganito.
"Sa Gym lang ako Kuya". Sabay dampot nang susi deritso sa pinto.
"You're not leaving like this Angel!" Huminto siya.
Nilapitan siya ni Rile.
"Dry your hair at least". Hinila siya ni Rile pinaupo sa sofa, may kinuha sa drawer.
"I'll miss drying your hair, dahil sa iyo nag aral ako paano ifrench braid ang buhok mo. I'll miss nagging at you wearing this cropped top. I'll miss you big time Angel! " Umiiyak na naman siya.
Kung ibang tao lang siguro si Rile kanina pa ito bumulagta. Hindi ko kayang tingnan ang mata niyang basa nang luha.
How I wish na ako ang nagsasabi nang mga katagang iyon kay Ehra.
"Kuya, naiintindihan kita. Hayaan mo muna akong magdrama ngayon. Alam mo iyan, ikaw na lang natira sa akin. Ikaw naging magulang ko, Kuya ko at Ate ko.
Ikaw iyong aasarin ako at papatawanin pagkatapos. Tapos bigla kang magpapaalam sa akin. Malapit na akong magtapos Kuya. Wala ring kabuluhan ang tatanggpin kong parangal kung wala ka." Walang ampat ang luha niya. Panay din ang halik ni Rile sa ulo niya.
"Pahatid kana kay Kuya, hindi ka pwedeng magdrive na ganyan ang itsura mo."
Tumayo si Riley pumasok sa kwarto ni Ehra paglabas niya may dala na siyang shades at jacket.
"May mga damit ako doon sa locker ko."
Pero tinanggap niya parin ang binigay ni Riley.
"Let's talk some other time.".
Wala siyang imik habang nasa byahe kami. Tumutulo pa rin ang luha niya. Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip niya. Gusto ko siyang patahanin pero natatakot ako isang maling kilos ko lang baka magwala ito. Kung may karapatan lang sana ako. I want to kiss her pain away.
Panay ang lingon ko sa kanya. Inabutan ko nang tissue tahimik niya lang na tinanggap.
Napalingon lang siya sa akin nang may tumawag sa cellphone ko.
"Hello Bro."
"Bro saan ka ngayon? Si Jonas ang tumatawag.
"Papunta ako sa gym nang kapatid ko. Bakit?"
"Wala kasing magawa dito sa bahay wala ang asawa ko yayain sana kitang mambabae eh". Tumawa siya.
"Hayop ka talaga pagdating sa babae." Nakangiti kong sabi.
"Gusto mo punta ka sa gym. Magbuhat ka para mailabas mo ang init nang katawan mo."
"Sige, sige kita tayo doon." Sabi niya.
"Okay send ko nalang ang location sa'yo". Paglingon ko nakatingin si Ehra sa akin.
"Something wrong?" Tanong ko.
Umiling siya.
"His voice seems familiar to me".
"Ganun ba? Maybe you met him already." Hindi malayong mameet niya ang mga kaibigan ko dahil mga kilala din sila ni Riley.
Pagdating namin sa Gym dumiretso siya kay Cath, kung saan naroon din ang dalawang trainor. Nakatalikod sila sa akin.
"Hi Ate!" Bati niya saka binalingan ang ang dalawang kasama.
"Kamusta?" Tinapik niya sila sa balikat.
Tinanggal niya ang kanyang jacket at shades. Lumitaw ang magandang hubog nang katawan niya na pinalamutian pa nang malaki niyang dibdib.
Buti nalang disiplinado ang mga tao ni Riley at hindi siya binabastos. Wala siyang ibang bitbit maliban sa cellphone.
Inabot niya ang mga gamit sa kasamang lalaki.
"May nagboboxing Paul?" Tanong niya.
"Wala". Sagot nang Paul sabay hagis sa kanya nang gloves.
Hinagis niya rin pabalik dito. Sabay alis.
"Kung ayaw mo mag gloves mag hand wrap ka man lang. Walang manghihilot dito!" Pahabol nang isa nilang kasama.
"Mukhang hindi maganda ang timpla ah. Kakagaling lang sa pag iyak." Sabi ni Paul.
"Sigurado nag away ang magkapatid na iyan. Kasi walang may makakapagpaiyak diyan maliban sa mga taong mahalaga sa kanya. Saka wala isa man inyo inaya makipag sparring sa kanya." Sagot ni Catherine.
Saka nila ako napansin. Kilala na rin nila ako dahil ilang beses na ako nakapunta dito.
"Sir nandiyan ka pala, upo muna kayo doon sa office wala pa si Sir Riley." Sabi ni Cathy.
"No I'm with Ehra".
"Ganoon ba? Baka gusto niyo magbuhat, magpapawis alam mo na." Alok ni Paul.
"Mamaya na lang darating din kasi ang kaibigan ko sabay na lang kami." Sagot ko.
After ten minutes pumasok ako sa pinasukan ni Ehra. Hindi ako mapakali. Kumuha ako nang dalawang bote Gatorade sa ref.
Pagdating ko doon, nakita ko siyang pinanggigigilan ang double end striking bag at wala nga siyang suot na proteksiyon sa kamay niya.
Lumapit ako sa kanya patuloy pa rin siya sa ginagawa. Basang basa na siya nang pawis.
"Have a break first". Saka ko inabot ang Gatorade sa kanya.
Huminto siya, saka inabot ang bote. She is f*ucking hot, she's f*cking perfect.
Sumandal siya saka uminom. Napalunok ako. Nakita ko ang pagtaas baba nang dibdib niya dahil sa hingal. Napansin ko rin ang mga kamay niya na namumula. Tumalikod ako baka hindi ko mapigilan sarili ko at kung ano pa magawa ko sa kanya.
Hinarap ko ulit siya.
"Ehra, aahmm tungkol sa nangyari dati".. Hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko.
"Anong nangyari dati?" May halong pait ang tono nang salita niya.
"Ah alam ko na. You're sorry about what you've done in the past?" Lumapit siya sa akin.
As in sobrang lapit, amoy ko ang mabangong hininga niya na nahaluan nang ininom niyang energy drink.
"What do you expect? Ha? That when you say sorry, I'm going to say don't worry baby, I fully understand I know that you didn't mean it". Saka siya lumabas.
Sinundan ko siya .
"Please I'm really sorry. Okay? Tell me what to do to make it up to you."
Paglabas namin napaatras siya at naapakan ang paa ko muntik na siya matumba buti nalang nahawakan ko siya sa baywang. Nakatitig siya sa papalapit sa amin na si Jonas.
Nakita ko ang pagkuyom niya nang kanyang kamao. Halos wala nang kulay ang likod nang palad niya.
Tinanggal niya ang kamay ko sa baywang niya at lumayo nang bahagya. Nang makalapit si Jonas, pati ito nagulat din.
Bro hindi mo sinabi na may kasama ka, sana nagdala rin ako. Saka lumapit kay Ehra.
"Ehra? Ikaw na ba iyan? Lalo kang gumanda". Akma niyang hahawakan nag mukha ni Ehra pero pinigilan ko siya.
"Don't touch her!" Sabay tulak ko sa kanya.
Tumawa ito nang malakas. Nakamasid lang din ang mga tauhan ni Riley.
"Pare masyado kang possessive hindi mo ba alam pinagsawaan ko na ang babaeng iyan? Tapos sabihin mo sa akin don't touch her?" Tumawa ulit siya.
"I knew that b***h! Five years ago naging maid namin siya ni Celine,nagkarelasyon kami, lagi siyang nanghihingi nang pera sa akin. Huling hingi niya hindi ko na siya pinagbigyan. Kaya tumakas siya at pinagnakawan pa niya kami. Aahhh!"
I punched him! Bumulagta siya dumugo ang nguso niya.
Nakita ko si Ehra na walang expression ang mukha. Pero nanginginig ang kamay niya.
I was furious, hindi iyan ang alam kong kwento ni Leia sa akin. Seeing her like this makes me angry beyond words.
"Charlie are you crazy? You choose her over me? Matagal na tayong magkaibigan." Dumura muna siya. Bago hinarap si Ehra.
"At ikaw na brain wash mo ang kaibigan ko. Magaling, magaling.."
Tumayo si Ehra, pinalo sa dingding ang hawak na bote nahati ito. Hinawakan sa kwelyo si Jonas inangat para makatayo sinandal sa dingding at tinutok sa leeg nito ang basag na bote.
"I was seventeen back then, innocent, vulnerable." Madiin ang pagkakasabi niya habang napapadiin din ang basag na bote sa leeg ni Jonas.
"Ehra" lalapitan ko sana pero pinigilan ako ni Jeremy.
"Sir huwag kang lumapit baka atakihin si Ehra, o kaya ay lalong magwala. Parating na po si sir Riley."
Nakita kung tumutulo ang dugo sa braso ni Ehra, galing iyon sa palad niya doon nakabaon ang basag na bote.
"Ngayon mo sa akin gawin ang kademonyuhan mo dati, hindi ako magdadalawang isip tumira sa kulungan. Sinungaling ka. Hindi mo alam ang nangyari sa akin matapos kong makatakas sa iyo! Hayop ka, demonyo ka!" Saka niya sinuntok ang dingding habang hawak ang bote!
Padausdos na umupo si Jonas. Nakikita ko ang takot sa kanya.
Blood is oozing out of her palm. Umupo siya habang tinatanggal ang mga bubog sa palad niya. Pero wala pa ring expression ang mukha niya. Awang awa ako sa kanya. Gusto ko siyang hawakan, gusto ko siyang yakapin.
Buti na lang dumating si Riley.
"Angel?" Humahangos siyang lumapit dito. Sinalat ang kamay ni Ehra saka tinalian nang panyo.
"God!". Sinapo niya ang mukha ni Ehra.
Saka tumayo sinipa si Jonas na halos himatayin sa lakas. Inangat niya ito sinandal sa dingding. Sinuntok niya ito hanggang mawalan nang malay.
Pinagsisipa ang lahat nang bagay na makita niya.
"Boss Rile tama na iyan sarili mo na ang sinasaktan mo." Saway nang mga tauhan niya. Pero hindi siya nagpaawat.
"Kuya" Ang tawag ni Ehra ang tanging nakapagpahinto sa kanya.
Nilapitan niya ito.
"Kuya I feel numb." Katulad nang laging ginagawa ni Riley sa kanya hinalik halikan nito ang ulo niya.
"Let it out Angel. Kuya is here." How I wish I'm on his position right now. Then I saw tears streaming down.
"Let me do this for the last time Kuya. Dahil kapag umalis ka I have to endure this alone." Sinubsob niya ang mukha sa dibdib ng kapatid ko.
Hinahagod ni Rile ang likod ni Ehra.
"No Angel, You will never be alone, look around you, do you see them? They're going to be there for you."
Dinukot niya ang kanyang cellphone at may tinawagan.
"Attorney Romero, gusto ko ituloy ang kaso na nilapit ko sa'yo five years ago. Attempted r**e and physical injury."
"Kita na lang tayo sa lunes."
"Thanks"
"Angel ayusin mo ang sarili mo, ipagamot niyo ni Kuya ang kamay mo."
"Kuya ikaw na muna ang bahala sa kanya." Tumango ako.
"Jeremy call the police ibigay nyo lahat nang kailangan nila kapag hiningi, may pupuntahan lang ako." Saka dali daling umalis.
Pumasok si Ehra sa shower room.
"Cath pakikuhanan nang damit si Ehra, doon sa locker niya."