Emerald's P. O. V. Nasa room ako ngayon parang lutang na habang nagbabaliktanaw nang mga pangyayari. Ang bonding namin ni Kuya, ang pagkakulong ni Jonas. Ang panliligaw ni Charlie sa akin. Pinilig ko ang ulo ko. Kinikilig ako. Lalo nang nagpaalam siya sa mga kaibigan namin ni Kuya na pormal niya akong liligawan. Patuloy pa rin ang ang patagong pagkikita namin nang Daddy nila. Gusto pa nga niya Daddy na rin ang itawag ko sa kanya. "Daddy pwede ka ba dumalo sa graduation ko?" Habang nakaupo kami sa ilalim nang puno kung saan nakaparada ang mga sasakyan namin. "Pasensiya ka na Hija pero hindi pa yata ako handa na harapin ang Kuya mo." "Ayos lang po naiintindihan ko. Masaya po sana kung kompleto tayo." Hinawakan niya ang kamay ko. "Susubukan ko. Alam mo ba isa sa mga katangi

