Riley's P. O. V. "Nakaalis na Bro kasama Kuya mo." Hinanap ko si Angel kay Norman. Pinili ko na dumistansiya sa kanya para ihanda ang sarili ko sa paglayo ko sa kanila. Kahit nahihirapan ako. Kahit nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang kapatid ko na mag-isang hinaharap ang lahat. Lihim ko lang siyang sinusundan para masiguro kong hindi na siya ulit magtangkang magpakamatay katulad dati. Kung minsan abala ako sa trabaho, si Kuya ang pinapakiusapan ko. Alam nang Diyos mahal ko si Ehra bilang kapatid. At ganun din siya sa akin. Marami kaming katangian na magkatulad. Mas gusto namin isakripisyo ang sarili para mapasaya ang mahal namin sa buhay. Kahit siya mismo inilalayo na rin ang sarili sa akin. Ang mga hiniling ko sa Panginoon natupad na. Ang gumaling ito, ang isa sa mga ka

