Episode 2

2157 Words
Emerald's P. O. V      "Pambihira ka talaga Riley! Kahit kelan di ka talaga nakikinig sa akin!" Galit na boses ng babae ang narinig ko. "Ate please that's enough, natuto na ako, ito na po oh natauhan na" boses ng lalaki. Di ko sila nakikita kasi nakatalikod ako sa kanila. Masakit ang buo kung katawan. Lalo na ang kanan kong braso di ko maigalaw. "Buti nalang may nagligtas pa sayo dahil kung naaksidente ka humanda ka talaga sa akin hindi ako pupunta sa burol mo"! Mahabang litanya ng babae.. "As if I give a damn kung nandun ka o wala sa burol ko.. Hahaha".. Sabi ng lalaki kasunod ng mahabang katahimikan.. "Hey Ate are you crying?.. I'm sorry Ate akala ko talaga ako na ang may pinakamabigat na dinadalang problema.. Pero walang wala pala ito sa dinadala ng ibang tao… Kaya Ate huwag kana umiyak lagot ako kay kuya Greg, baka mabugbog pa ako kasi naapiyak na naman kita"… Papalayo ang boses ng lalaki hanggang narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Anong lugar ito? Medyo nalito ako hanggang unti-unting nanumbalik sa alaala ko ang nangyari kagabi…       Patakbo akong lumapit sa tumutunog na telepono. "Hello po magandang gabi." Bungad ko. "Erah huwag ka muna matulog ha? May pinamili kasi ako, malapit na ako.. " si sir Jonas ang nasa kabilang linya. Amo ko. Namasukan ako sa kanila,  limang buwan na ang inilagi ko sa kanila. Mabait naman ang mag asawa at wala silang anak. Laging wala ang asawa niya si mam Celine model kasi kaya lagi nasa ibang bansa siya. Namasukan ako sa kanila para makaipon ng pangkolehiyo ko. Kahit ayaw ng mga magulang ko na lumayo ako sa kanila sa bandang huli napapayag ko rin sila. Gusto ko talaga makapagtapos para mabigyan ko rin ng magandang buhay ang tumatanda ko nang magulang.  "Ok po sir.." Sagot ko sa amo ko at pinutol na niya ang tawag.  Maya maya pa may bumusina na. Dali dali kong binuksan ang gate. "Good evening po sir" bati ko. "Good evening pakikuha sa likod ang mga dala ko. Pakiayos narin pagkatapos pwede kana magpahinga." Sabi niya.             Mabilis akong kumilos para sundin siya. Nang malapit na ako matapos…  "ay kabayo!." Nagulat ako nasa likuran ko si sir Jonas medyo nakayuko ako kasi nagsasalansan ako ng mga prutas sa loob ng fridge. Sobrang lapit niya..  "M-may kailangan pa po kayo sir?.. Lumayo ako ng bahagya sa kanya sinara ko narin ang ref.. "Uhm, pwede makapagpagawa sayo ng kape?" Sabi niya na parang may iba sa kanya halos hindi kumukurap habang nakatingin sa akin. "P-pwede po..  Pautal kong sagot. "Salamat,  pakihatid nalang sa office ko. My library/office siya na tinatambayan kapag nasa bahay siya. Nagtakal ako ng kape at pinagana na ang coffee maker.. Nang maisalin ko na sa tasa nagdadalawang isip ako kung ihatid o hindi ang kape, humakbang ako papunta sa library pero  bumalik ako  dahil sa takot, iba ang tumatakbo sa utak ko. Pero naisip ko baka mapagalitan pa ako kung matagal bago maihatid ang kape niya.  Kumatok muna ako bago pinihit ang doorknob. "Nandito na po ang kape sir." Pero may hawak na siyang baso ng alak. "Halika dito mo ilapag." Sabay turo sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanya. Alanganin pa akong lumapit. "Ang tagal mo kasi kaya nagsalin na ako ng alak masyadong malakas ang aircon dito kailangan ko ng pampainit.." Makahulugan niyang sabi. Parang tambol ang tunog ng dibdib ko. Halos mabingi pa ako sa lakas nito at halos di ko na marinig ang sinasabi niya. Di ko pa nailapag ang tasa ng himasin niya ang braso ko nabitawan ko ang kape natapon sa mesa.. "Pasensya na po" sabi ko sabay dampot ng tissue at kinakabahang tinuyo ang ibabaw ng mesa pero tumayo siya umikot sa likuran ko at niyakap ako..    Kung iyong Korean actor na si Hyun Bin siguro ang gumawa nito baka kiligin ako pero iba ang sitwasyon ko ngayon, para akong nandidiri sa kanya. Bitawan niyo po ako Sir!  Malakas na sabi ko sa kanya. "Huwag kang mag- alala kay Celine hindi ito makakarating sa kanya. Pagbigyan mo na ako. Huwag mo na pahirapan ang sarili mo. Hhmm" inaamoy niya ang leeg ko hawak na niya ang dalawa kong braso nakatalikod parin ako sa kanya tumutulo na ang luha ko.. Panginoon ko ito ba ang parusa ko sa pagsuway ko sa kanila Mama at Papa? Pumalag ako ng bigla niyang hawakan ang dibdib ko,  humigpit lalo ang hawak niya sa isang braso ko sigurado ako marami akong pasa bukas. Ang tanong may bukas pa ba? Baka hanggang dito nalang ako baka wala nang bukas. Kapag nagtagumpay ang kademonyohan niya magpapakamatay ako.. Gumapang ang isa niyang kamay pababa sa tiyan ko at pinasok niya sa damit ko. "Maawa po kayo Sir" pagsusumamo ko ngunit parang wala siyang may narinig. Bumaba ang kamay niya sa butones ng pantalon ko.Bigla akong umikot paharap sa kanya nakangisi siya "bibigay ka rin pala"sabi niya habang nilalapit ang bibig niya sa bibig ko ubod lakas ko siyang tinulak nabitawan niya ako. Tumakbo ako palabas ngunit bago pa man ako nakalabas hinablot niya ang buhok ko. Binuhat ako at binalibag sa sofa napatili ako sa sakit tumama ang kanang braso ko sa sa armrest nang upuan namamanhid na ang katawan ko nangangapa ako nang pwede makapitan para makatayo nang may nakapa akong bote nang alak nang makalapit siya sa akin may hawak na siyang cutter "Gusto ko ito may thrill,..simulan natin dito" sabay punit nang manggas nang damit ko kasama pati balat ko. Napatili ako sa sakit. Hinaplos niya ang braso ko pababa hanggang sa likod ko habang dinidilaan ang dumudugo kung braso.  Humantong sa pang upo ko ang palad niya sabay pisil dito! "Tulong"! Sigaw ko.  "Kahit anong sigaw gawin mo walang makakarinig sa atin. At huwag ka magkamaling magsumbong sa asawa ko sasahihin ko sa kanya inakit mo ako." Hinalik halikan niya ang braso ko.  dinilaan pa niya ang sugat naramdaman ko ang hapdi bawat galaw ng palad niya ramdam ko, nakapagkit sa utak ko. Pilit kong kinakalas ang kamay niya.  Nandidiri ako. Hanggang pinasok niya sa damit ko ang kamay niya at pisil-himas ang ginagawa niya sa dibdib ko. Nanlalamig ako sa hiya unang beses na may gumawa sa akin ng ganito. Laking probinsya ako at mabait akong anak sa magulang ko hinding hindi ako gagawa ng ikakapahiya nila. Ni hindi ko sinubukang magboyfriend tapos ganito lang ang mangyayari sa akin?         Desperada na talaga ako. Hinding-hindi ako papayag na magtagumpay siya. Mas pipiliin ko pang mamatay nalang kesa magahasa. Hanggang puwersahan niya akong halikan sa labi "uuhhmmm"!  Humihiyaw ako kahit nakasara ang bibig, iniiwas ko ang bibig ko..  Huminga ako nga malalim "hayop kaaaa"!, saka hinampas ko sa bunbunan niya ang bote na nakapa ko kanina "Ahhhhh" sigaw niya.. tumakbo ako palabas ng bahay.  "Hoy bumalik ka dito!" Panginoon ko tulungan mo po ako.. Huwag mo po akong pabayaan.. Gabayan mo po ako. Malapit lang ang bahay ng amo ko sa main gate ng village at saktong nakayuko ang bantay na nakaupo sa guardhouse siguro ay tulog dahan-dahan akong lumabas ng gate, para akong maubusan nang hangin halos ayaw kong huminga dahil baka marinig ako nang guwardiya  lakad-takbo ang ginawa ko hanggang tuluyan na akong makalabas sa main road walang gaanong sasakyan dahil madaling araw na.. Nagpalinga-linga ako di ko alam aling direksiyon ang tahakin ko.. Bahala na,  tinahak ko ang daan pakanan.. Tuloy-tuloy parin ang takbo ko habang yakap ang sarili masakit ang braso pati talampakan  dahil wala akong sapin sa paa. "Mama,  Papa patawarin nyo po ako mukhang malabo nang maabot ang mga pangarap ko. Tama pala kayo dahil sa pagkaambisyosa  ito napapala ko".  Tuloy ang agos nang luha ko nanghihina na rin malayo na ang tinakbo ko. Di ko alam saan na ako banda. Hanggang may tumamang ilaw ng sasakyan sa akin. May paparating! Nanlalabo ang paningin ko. Hihingi ba ako ng tulong?  Pero baka katulad din sila ni sir Jonas. Nilampasan ako ng sasakyan nawalan ako ng pag asa, ngunit huminto din ito sa di kalayuan umaatras huminto na rin ako may bumaba na lalaki, gusto ko ulit tumakbo sa kung saan dahil baka si sir Jonas iyon at nasundan ako. Pero hindi ko na kakayanin pang humakbang. "Miss ayos ka lang?" Narinig kong tanong niya nanlalabo na ang mata ko kinakapos na ako ng hininga.. Naaninag ko pa siyang papalapit sa akin. "Are you ok? "     Pinasadahan ko ng tingin ang paligid gusto ko tumihaya pero halos hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nasa ospital ako,  teka ano ginagawa ko dito? Maya-maya pa may pumasok na isang nurse na babae at may nakabuntot sa kanya,  lalaking Doctor. Bumilis ang t***k ng puso ko pagkakita ko sa lalaki. Tiningnan ng nurse ang swero ko may sinulat sa hawak na parang index card. Lumapit sa akin ang lalaki doon na parang hindi ko macontrol ang kaba ko pakiramdam ko may masama siyang gagawin sa akin naninikip ang dibdib ko. I freaked out. Umupo ako. "Huwag po please maawa kayo sa akin tulong!   huwag kang lalapit!  Nurse! Nurse please tulungan mo ako. "  Hinawakan ng nurse ang kamay ko. Tinaas din ng Doctor ang kamay niya. "No miss relax please, I'm a Doctor as you can see I have to examine you.." Paliwanag nya.  Akma siyang lalapit ulit sa akin sumigaw na ako habang nakayuko, "Huwag"!.. Umaagos ang luha ko di ko alam bakit ako nakaramdam ng ganitong takot. Tinanggal ko ang swerong nakakakabit sa akin, balak kong umalis sa loob ng kwarto ng bumukas ito at pumasok ang nakawheelchair na babae tulak tulak siya ng lalaking matangkad, sa akin ang atensiyon nilang lahat.. Bakas ang pag alala sa mukha nila.. "Doc what happend?"sabi ng babae, "Maybe she's suffering some trauma.. I need to examine her to determine what she's going through.. Uhm nurse Jess sedate her".. Utos nito sa nurse na sinagot lang siya ng tango.. Saka naglagay ng gamot sa syringe hinawakan ang braso ko hinanap ang ugat kung saan niya pwede ipasok ang karayom. Ilang saglit pa huminahon na ako para akong nanghina.kinabit ulit ng nurse ang suwero sa kabilang pulso ko.  Kinakausap ako ng Doctor pero hindi ako sumasagot lumapit ang babaeng naka wheelchair,  ngumiti siya sa akin umiwas ako ng tingin.. "Doc can we talk for a while? lumabas ang doctor at nurse naiwan kaming tatlo. "Hi, I'm Leia, you can call me Ate Leia, and this is my cousin Riley siya ang nakakita sayo at nagdala dito sa ospital.. Tumango ang lalaki, gwapo siya matangkad, lalaking lalaki ang kulay at ang built ng katawan ay pwede idisplay. "What's your name? What happened? taga saan ka?" Sunod sunod na tanong ng lalaki, napatitig ako sa kanya, maganda ang boses niya, bakit hindi ako apektado sa presenya niya bakit ako nagpanic kanina nang papalapit sa akin ang doctor bakit sa kanya hindi? Baka epekto lang ng tinurok sa akin na gamot. Kaya kumalma ako. "Gusto mo tawagan natin mga magulang mo o kaya'y sino man sa mga kamag-anak mo baka nag aalala na sila sayo at hinahanap kana..  Hindi parin ako sumagot sa mga tanong nila. Tumulo na naman ang luha ko, naiisip ko sila Mama at Papa paano kung malaman nila ang nangyari sa akin,  lalo lang silang mag-alala. Ayoko kong mamroblema sila pinasok ko ang problemang ito ako dapat ang maglutas nito.            Iniwan ako ng magpinsan dahil wala pa rin akong balak magsalita. Baka kasi kakilala nila ang amo ko. At ibalik nila ako. Hindi ako mapakali tuwing ipikit ko ang mga mata ko, bumabalik ang pangyayari kagabi, walang hiya siya bakit kaya may mga taong ganoon? Sana panaginip lang lahat ng ito. Hanggang makatulog ako ay mukha pa rin nang hayop na lalaking iyon ang nakikita ko.       Naalimpungatan ako nang may marinig mga boses lalaki, bumangon agad ako napansin ko sa side table may pagkain na nakalagay sa styro box nakapatong sa ibabaw ang plastic na kutsara't tinidor umusod ako palapit sa pagkain uminom muna ako nang tubig dahil sobrang tuyo nang lalamunan ko. Nasa loob ng room ang lalaking Doctor kagabi at babaeng nurse pero my kasama pa silang isa pang nurse na lalaki. "Good morning!"bati ng Doctor, I just want to ask some questions from You if you don't mind?" Nahihilo ako di ko maintindihan nararamdaman ko. Iyong takot ko kahapon mas doble ngayon, sumisikip na naman ang dibdib ko. Sorry po sorry po huwag kayong lumapit. Halos pabulong kong sabi dahil sa kakulangan ng lakas. "Pero paano natin matukoy ang problema kung ayaw mo magpasuri sa akin? Papalapit na naman siya sa akin. Dinampot ko ang tinidor at tinutok sa leeg ko. Sige lumapit pa kayo magpapakamatay ako! Hilam nang luha ang mata ko pero naaninag kong huminto sila, tinaas ng doctor ang kamay niya.. "Okay okay hindi na kami lalapit kaya ibaba mo na iyang tinidor na iyan. Jess just clean up  her wounds.. I'll be in my office. Lets go". Niyaya niya palabas ang kasamang lalaki. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD