Riley's P. O. V
Inuwi ko muna si Ate Leia para makapagpahinga na, malaking abala ang nagawa ko sa kanya. Lalo na sa kondisyon niya ngayon na patuloy parin ang therapy dahil sa hip injury ng maaksidente sa Italy. Ginanap sa Milan ang huling fashion show na sinalihan niya gumuho ang platform na nilalakaran nila, pito silang naroon at si Ate ang may pinakamalalang pinsala na natamo.
I'm heading to my condo unit to freshen up. Pahinga lang ako ng kaunti balikan ko sa ospital ang batang iyon I know she want to say something but she's scared, I will let her spill the beans, there's this feeling that she's my responsibility right now. That innocent look. "Arrggg" sabay suklay ng mga daliri sa magulo kong buhok. There are lot of things happened today.
First thing first I need to meet Ibañez. I need to know what were his diagnosis.. In my observation that girl is experiencing some threatening event because she was anxious.. Alam ko magaling na Doctor si Nathaniel, kaklase ko siya noong time na balak ako ni Dad kumuha ng medicine sa Ateneo. When we were in our third year I transfered to Fashion Institute of the Philippines. Mas gusto ko mag model kesa mag doctor kaya isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit galit sa akin si Daddy. Kulang kasi ako sa atensiyon kaya siguro ganun na lang ang pagkagusto ko humarap sa camera. I love it being in the spotlight.
Pagpasok ko sa office ni Ibañez, naghintay muna ako ng ilang minuto mayroon pa siyang inasikasong pasyente. After ten minutes magkaharap na kami, I sighed I don't know where to start and I know he knew what I'm thinking. "Yes Bro, may trauma siya takot siya sa akin, nagsama din ako ng nurse na lalaki, ayon nagwala na naman siya and worst is iyong tinidor na binigay sa kanya para gamitin sa almusal itinutok sa leeg at sabi magpapakamatay daw siya kung lalapit kami sa kanya.. Maybe she's a r**e victim." Nakikinig lang ako kay Nathan. "What I do is I send nurse Jessica to check her from time to time and maybe in the long run she will open up. By then we can gather some information about her. Anyways you can bring her home if you want. Wala naman siyang malalang sugat maliban doon sa braso niya. Pero pwede pa naman siya magstay dito for further observations. Lets just pray na temporary lang ang pinagdadaanan niya ngayon".
Halos hindi pa nag sink in sa sistema ko ang kwento ni Ibañez. Tumayo na ako, "ang tanong paano ko siya maiuwi kung ayaw nga niya may lumapit na lalaki sa kanya. At kung papayag siya mukhang tagilid ako diyan Bro baka k********g ang kakaharapin ko dahil kahit pangalan nga niya hindi natin alam. Susubukan kong kausapin. Baka natakot lang sa pagmumukha mo",..Biro ko sabay tapik sa balikat niya. Natawa nalang kaming dalawa.
Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Dumungaw lang ako, nakita ko siyang nakahiga, tumingin siya sa akin." Ahhhmm puwede ba akong pumasok?" Kailangan ko munang magpaalam dahil sabi nga ni Nathan takot siya sa mga lalaki. Tumalikod siya. Tumuloy na ako. "Kilala mo na ako diba? Ako iyong nagdala sayo dito kaninang madaling araw. Tawagin mo nalang akong Kuya Rile,"Hindi pa rin siya kumikibo. "Anong pangalan mo? Ilang taon kana? May mga kapatid ka ba, magulang, kamag anak, taga saan ka? … wait andami kong tanong ano?" Napangiti pa ako para tuloy akong tsismosong kapitbahay sa mga local movies. "Anong pangalan mo? Kelangan ko malaman para sa record mo dito sa ospital." Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin. "Ayos lang ba saiyo na nandito ako? Baka naaasiwa ka at magwala ka na naman. Sabi nang Doctor na tumingin sa iyo balak mo pa daw mag suicide kanina. Sabihin mo kung anong problema ang mayroon ka para matulungan ka namin." Lumapit ako sa kanya, medyo paubos na rin ang baon kong pasensiya. "Alam mo please lang, nagmamalasakit lang naman ako kasi gusto kita matulungan pero parang ayaw mo yata.. Ganito na lang kasi puwede ka naman nang umuwi, mamili ka sasagutin mo ang mga tanong ko at nang makapag- isip ako kung ano dapat gawin sa sitwasyon mo ngaun o dalhin kita sa police station para sila na bahala magbalik sa iyo sa mga magulang mo? Doon maraming lalaki mas lalo ka aatakihin ng takot doon.".. Hindi pa rin siya sumagot. Kailangan ko pa ba siyang takutin para lang magsalita siya? Wa epek ang drama ko. Pero napansin ko gumagalaw ang balikat niya.. Umiiyak siya.. "You leave me no choice.." Akmang patalikod na ako nang hawakan niya ang kamay ko pero wala pa ring salita galing sa kanya, humakbang ako palayo 'konting arte pa ulit… iyon na.. Gotcha! Lihim akong napangiti. Dalawang kamay na niya ang nakahawak sa braso ko.. pwede na pala akong artista nito.. Pumihit ako paharap sa kanya. Bumitaw siya, umupo sa kama. "Emerald Bautista. Ako si Emerald Bautista. Huwag mo'ko ihatid sa police station Kuya, baka ibalik nila ako sa pinanggalingan ko."Umaagos ang luha niya, habang himas himas ang tuhod niya. "Huwag mo rin ipaalam sa mga magulang ko ayaw kong mag-alala sila sa akin. Pareho na silang matanda, ayaw kong mamroblema pa sila." Umupo ako sa gilid nang kama. Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya. "Okay calm down, relax ka muna hindi na kita dadalhin sa police station.. Pero ang tungkol sa parents mo, sa ngayon oo pagbibigyan kita pero depende kung gaano katagal iyon kasi karapatan nilang malaman ang kalagayan ng anak nila. Taga saan ka? At bakit ka tumatakbo nang makita kita?" "T-taga Guiuan Eastern S-samar". Kwento niya habang umiiyak. "D-da-hil gusto ko mag aral ng kolehiyo, n-nagtrabaho ako dito sa Maynila. Mahirap kami walang sapat na kakayahan para matustusan ang pag-aaral ko. Kaya luma-lumayo ako s-sa magulang ko. Pero i-yong a-mo kong lalaki.. Iyong amo kong lalaki.." Hirap na siyang magsalita. Humahagulgol na siya Awang-awa ako sa kanya.. Nakayakap siya sa mga tuhod niya na parang doon humugot ng lakas. I knew it, mayroon siyang hindi magandang karanasan. At nagagalit ako sa taong gumawa nito sa kanya.. Kung totoong kapatid ko lang ito baka makapatay ako ng tao. Hindi malayong pagnasaan siya nang iba maganda siya morena pero makinis, pagtinitigan ang mata niya banaag ang kainosentihan. Malakas talaga ang kutob ko ang Diyos ang gumawa ng paraan at pinagtagpo kami.. Kaming dalawa na nangangailangan nang taong masandalan… "Nagtagumpay ba siya?" Tanong ko. Umiling lang siya.. Nakahinga ako nang maluwag..
Hindi pa rin nakalapit si Nathan nagtago siya sa likod ko na parang doon siya ligtas. "Do we have to give her Valium? I heard the nurse asked Ibañez. Pero sa akin siya nakatingin. "No need, she feels safe in Rile's presence. Kunan mo nalang ng vitals." Turan nito sa nurse. "Let's talk outside Bro". Baling niya sa akin. "As you can see she is not comfortable with me, but she's holding your arms, so that means pakiramdam niya ligtas siya sa iyo pakiramdam niya lahat ng lalaki lalapit sa kanya ay may gagawing masama. Kaya I suggest tulungan mo siyang gumaling. Tulungan mo siyang maging kalmado ulit sa harap ng maraming tao, lalo na sa mga lalaki. Tulungan mo siyang maging normal ulit Rile. Hindi makakabuti sa kanya na kapag may anxiety attack siya ay tuturukan agad natin ng valium, at nang kung ano anong antidepressants. Paminsan-minsan dalhin mo sa lugar na maraming tao, either simbahan, malls, grocery stores. Medyo matagalan ito Bro, just like what you've said that you are willing to help her, then pangatawanan mo yan. Bibisitahin ko rin kayo paminsan-minsan o kaya'y dumalaw kayo dito sa akin." Inayos ko lang mga papel ni Emerald para makalabas na siya.
Dito ka muna sa kanila Ate Leia para may kasama ka at makausap makakatulong sa paggaling mo ang makisalamuha sa ibang tao. Lalo na sa mga lalaki. Papakilala din kita kay Kuya Greg, asawa ni Ate. Huwag kang mag-alala harmless iyon si Kuya. Lagi kitang dadalawin dito. Para maireport ko rin kay Nathan ang progress tungkol sa iyo, isasama ko rin siya minsan dito." Mahabang bilin ko sa kanya pero tango lang ang ibinalik niya sa akin. Wala kaming dalang gamit niya marami naman dito kay Ate. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalangan. Halos ayaw niya humakbang papasok nang bahay. "Para maaliw ka lagi mong samahan si Ate kasi madaldal iyon hindi ka maiinip." Nakatungo lang siya. Pagbukas ko nga pinto, "Ate we're home!" "Welcome home!" Sabay sabay na sabi nila Ate at Kuya Greg kasama si manang Rosing, hawak ni Ate ang cake, si manang naman may hawak na lobo habang si Kuya nakahawak sa wheelchair ni Ate Leia. My very supportive cousin, napag-usapan na namin na dito muna si Ehra sa kanya. Excited pa nga siya para daw may kausap naman siya kapag may pasok si Kuya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo Ehra? Ayos ka na ba? Tumango lang siya sa tanong ni Kuya Greg pero nakita ko na hindi siya mapakali. "Ehra, you are safe here huwag ka matakot kay Kuya, we are not like your former employer. You trust me right?" Tumango lang ulit siya. Dahil hindi niya ginalaw ang pagkain, inutusan muna ni Ate si manang Rosing na dalhin sa kwarto niya si Emerald para makapagpahinga.
"I have to go Ate may pasok pa bukas baka masabon na naman ako ni Daddy kapag nalate ako". Paalam ko sa pinsan ko.. "Ok, take care! Don't forget to say goodbye to Ehra." Tugon ni Ate Leia. Kinatok ko ang pinto nang kwarto ni Ehra pero walang may sumasagot.. Pumasok ako, nakaligo na siya nakapagpalit na rin nang damit. Kasalukuyan niyang nilalagyan nang gamot ang braso niya. Simula pagdating namin dito hindi siya nagsasalita. "Uwi muna ako, balik din ako bukas pagkatapos ng trabaho. May kailangan ka ba para bukas madala ko." Nakaharap siya sa salamin. Tumungin siya sa akin, "Kuya, ano ba ang sakit ko? Bakit sobra ang takot ko sa ibang tao, pati sa asawa nang pinsan mo sobrang kaba ang naramdaman ko noong kinausap niya ako. Tuwing pipikit ako malinaw sa isip ko ang itsura nang dati kong amo." I saw her desperation, shining pearls trickled down her face. Ang maganda niyang mata, na ngayon basa nang luha.. "No no no walang mali sa iyo normal lang ang nararamdaman mo. Kahit sinuman ang nasa kalagayan mo ngayon iyon din ang mararamdaman. Look para hindi ka maasiwa, isipin mo bakit sa akin hindi ka takot? Kasi alam mo ligtas ka sa akin, ganoon din si Kuya, I assure you".. Pero parang hindi parin siya kumbinsido.. "Unti-unti lang gagaling ka rin tutulungan kita, like what you've done to me. Darating ang araw babalik ka sa dati. Magiging masaya ka ulit". Umupo na siya sa kama. "Sige na Kuya umuwi kana malaking abala na ako sa iyo." Lumapit ako sa kanya pinunasan ko ang luha niya. "Kahit kailan hindi ka naging abala sa akin okay?" Ang lahat ng ito may dahilan ang Panginoon, kaya magpagaling ka hhhmm?.. Tumango lang siya. "I have to go." Bago ko pa naisara ang pinto narinig ko siyang nagsalita.. "Maraming salamat Kuya Riley" nakadapa na siya sa kama.. Hindi na lang ako umimik.