Episode 4

2508 Words
Emerald's P. O. V      Kahit labag sa kalooban ko na pauwiin si Kuya Riley itinaboy ko na para naman makapagpahinga nakakahiya sobrang laki ng abala ang nagawa ko sa kanya. Buti na lang napunta ako sa taong mabait, darating ang araw makakabawi din ako sa kanila. Tumayo ako para hawiin ang kurtinang nakatabing sa bintana. Hindi maganda ang panahon. Umuulan. Inabutan kaya si Kuya ng ulan? Sana malapit lang siya dito. Kawawa naman dahil sa akin sigurado may mga mahahalagang bagay siyang isinantabi. Sa nakikita ko sa kanila mayaman sila kasi maganda ang sasakyan. Pati ang pananamit niya ay sikat ang brand. Itong pinsan niya rin maganda ang bahay at kay  raming sasakyan ang nakapark sa garahe.       May t. v. na nakasabit sa dingding. Hinanap ko ang remote, pagbukas ko ay isang teleserye ang kasalukuyang palabas. Hinayaan ko nalang nakabukas baka mamaya lang balita na nag kasunod, mag-aalas onse na rin ng gabi. Sinara ko ulit ang kurtina, at humiga na. Hanggang akayin ako nang antok.       Nagising ako sa tunog ng t. v. "Live tayo ngayon sa Tacloban kung saan tinatayang dito maglalandfall ang signal number four na bagyong Yolanda bandang alas kwatro ng umaga ngayon November 8,2013. Antabayanan ang karagdagang detalye."  Tacloban?   Nasa Samar ang bagyo?   Signal number four?  Napaupo ako,  maliit lang na isla ang lugar namin. Tuwing may bagyo hirap kami sa paglipat sa evacuation center nang aming barangay.  God iligtas mo po ang magulang ko.. Hindi na ako natulog ulit ngunit wala nang balita dahil ang sabi ay wala nang kuryente. Isolated na ang lugar at pati reporter nila hindi na makontak. Hindi mawaglit sa isipan ko ang magulang ko. Ma, Pa ayos lang ba kayo diyan?  Hintayin niyo ako uuwi ako diyan. Diyan nalang ako kahit hindi na ako makapag aral kahit magtinda nalang tayo nang isda sa talipapa basta magkasama lang tayo.       Nagpalipat-lipat ako nang channel para makasagap ng balita pero wala silang field report dahil total black out na ang probinsiya. Hindi ko rin matawagan ang kaibigan ko hindi ko kabisado ang numero ng telepono nila. Naiwan ang lahat kong gamit sa bahay nila Mam Celine, nandoon ang notebook kung saan ko inilista ang numero nila. Sana ligtas lang silang lahat mga kababata ko, mga kaklase ko. Panginoon iligtas mo po silang lahat kahit iyon na lang po ang pamaskong matatanggap ko. Tuluyan ko nang nakalimutan ang nangyari sa akin.      Bandang alas sais ng umaga ay lumabas ako nang kwarto, bumaba ako papuntang kusina, buti na lang nandoon si nanay Rosing. Nakabukas din ang t. v. sa kusina.  "Magandang umaga po Nanay Rosing. Painom po ako nang tubig ha".  "Magandang umaga anak, naku kuha ka lang diyan huwag kang mag-alangan dito sa bahay.. Magkakape ako baka gusto mo? May gatas din, ano isabay na kita sa paggawa?" "Gatas nalang po,  salamat"!  "Iha kamusta ang pakiramdam mo? Naikwento na sa akin ni Riley ang nangyari sa iyo. Ayos ka na ba? Basta anak magdasal ka lang palagi para kahit anong pagsubok pa yan sa kalaunan malalagpasan mo rin. Napakabuting tao ang nakasagip sa iyo. Parang anak ko na rin ang mga iyan." "Maayos naman po ako, medyo makirot lang po ang aking sugat." Inabot niya sa akin ang gatas. Marami pa siyang sinasabi pero wala sa kanya ang atensiyon ko kundi sa t. v. nagbabakasakali may magbalita na tungkol sa isla namin. Nakahawak ang kamay ko sa tainga ko. Ugali ko na kapag hindi ako mapakali pinaglalaruan ko ang hikaw ko. Kung walang hikaw ung mismong taingaJ ang pinaglalaruan ko.  "Iha may gusto ka pa ba baka nahihiya ka lang sabihin. Gusto mo ba kumain?  Igagawa kita. Pansin ni Nanay Rosing.  "Ahhm.. Iyong bagyo po kasi, sa lugar po namin, balita ko po ay napakalakas daw noon. Nag-aalala po ako para sa magulang at mga kaibigan ko doon". Gumaralgal ang boses ko. May luha na namang handang pumatak. Bakit kaya sunod-sunod ang mga pagsubok na ito?  "Naku Iha, magpakatatag ka ha huwag ka mag-isip nang masama. Sa ngayon daw kasi walang signal pa doon at walang kuryente. Hayaan mo maraming kaibigan si Leia na may mga bakasyunan doon hingi tayo ng tulong kapag humupa na ang bagyo para makausap mo ang magulang mo at nang mapanatag ang loob mo. Siya sige na inumin mo na iyan malamig na. Maghahanda lang ako nang almusal natin."    Nakaupo parin ako nakatingin sa t. v. panay himas sa tainga ko.. Tumayo ako para hugasan ang tasang ginamit.  "Nanay, tulungan na po kita." "Sige anak, buti pa nga para makalimutan mo ang kung anumang bumabagabag sa isip mo. Ilang taon mo na?" "Seventeen na po ako".  "Bata ka pa. Paano ka napadpad sa Maynila?" "May kakilala po ako na nagrekomenda sa akin sa naging amo ko." "Ganoon ba? Ilan ang kapatid mo?" "Mag-isa lang po ako. Medyo may edad na po ang magulang ko bago sila nagpakasal. Ngayon po matanda na sila kaya ako nagbakasali na magtrabaho sa malayo kasi po gusto ko mag-aral ng kolehiyo. Hindi na po nila kakayanin pa ang pag-aaral ko. Mangingisda po si Papa si Mama naman po ang nagtitinda nang mga huli ni Papa." Naiiyak na naman ako.  "Hayaan mo anak magkakasama ulit kayo huwag ka lang mawalan nang pag asa. Mangarap ka lang at samahan mo ng dasal, sipag at tiyaga"        Habang naghahain kami sa dining room, ay siya ring pagpasok ni Ate Leia at nang asawa niya.  "Good morning everyone! Sabayang  bati nilang mag-asawa.  "Kamusta ang tulog mo Ehra? Hindi ka ba namahay? Tanong ni Kuya Greg.  "Ako kasi kapag nasa ibang bahay ako mahirap ako makatulog. Lalo na hindi kita katabi babe. " sabay kindat sa asawa.  Tinampal ni Ate Leia ang kamay ng asawa. Halata ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Sana balang araw makatagpo din ako nang lalaking katulad ni Kuya Greg na sa akin lang ang atensiyon iyong tipong hindi kayang lumingon sa iba dahil ako ay sapat na.  "Naku mukhang hindi iyan nakatulog. Agaw ni Nanay Rosing.  "Bakit manang? May pag alalang tanong ni Kuya Greg.  "Iyon palang bagyo ngayon iyong Yolanda ay doon sa probinsiya nila ang land fall.. Nag-aalala sa Mama at Papa niya kasi may mga edad na daw. Wala din naman siyang kapatid."  "Pakibuksan nga ang t. v. manang. Utos ni Ate Leia..  Patalastas pa, maya-maya lang "Alas kwatro palang ng madaling araw nagsimula na ang pananalasa ng bagyo balak sana mag ikot ng news team ngunit hindi na nakayanan dahil sa kabi-kabila ang nagtutumbahang puno. Nagdecide ang news team na magkubli sa tatlong palapag na opisina ng DepEd at doon namin naabutan ang ibang pamilya na doon din lumikas. May mga nagsipagdatingan pang mga pamilya galing sa ibang evacuation center dahil nasira na raw ang una nilang nilipatan." At doon na naputol ang balita.  "Ipagpaumanhin niyo po sa paputol-putol na balita dahil sa kawalan nang kuryente sa lugar".  Napahigpit na ang kapit ko sa upuan.  Inabot ni Ate Leia ang kamay ko.  "Saan ang mismong lugar niyo?"  "San Jose Guiuan Eastern Samar po". Nanginginig ang boses ko.  "Don't worry,  may kaibigan ako na may bahay-bakasyunan doon, gagawa ako nang paraan to keep in touch with their caretaker there para makiusap tayo papuntahan natin ang lugar ninyo".  "Salamat po". Tanging usal ko nalang.  "Let's eat for now, para may lakas ka. Maupo na kayo ni Manang."      Patapos na kaming kumain nang tumunog ang cellphone ni Ate Leia, "Good morning losser!" nakangiting sabi ni Ate.  "We're having our breakfast now". She's fine. Okay I have something  to tell you later. Bye! Hindi daw siya ngayon makakapunta dito may aasikasuhin daw doon sa Gym niya."  Nalungkot ako, kay Kuya Rile ko lang kayang maglabas ng saloobin hindi pa pala siya makakapunta.     Bumalik ako sa kwarto pagkaligpit namin ng hapag-kainan. Tulala na naman ako di mapakali. Sa video kanina napakalakas ng hangin at ulan at ang storm surge kayang kaya nang wasakin ang bahay namin. May kumatok,  "Ehra papasok ako ha?" boses iyon ni ate Leia.  "Tinawagan ko ang friend ko hindi niya rin makontak ang katiwala niya doon sa Leyte pero she's trying to call naman the mayor of Tacloban kamag-anak niya iyon,  kasi gusto niya rin malaman kung ligtas mga tauhan niya doon. So don't you ever give up kasi may source of information na tayo. Relax ka muna ngayon okay. Baka mamayang gabi may balita na tayo."       Lumipas ang maghapon lahat patungkol pa rin sa bagyo ang balita pero wala pa ring balita sa lugar namin. Hindi na maganda ang iniisip ko, iyak na ako ng iyak, hindi na ako makakain.  Hanggang lumipas ang isa pang araw, pinuntahan ako ni nanay Rosing buksan ko daw ang t. v. at meron nang balita sa lugar namin. Kasalukuyang nasa video si Mayor Romualdez ang mayor ng Tacloban at panaka-nakang piniplay ang video mga dumi galing dagat,  mga sasakyan, mga barko at mga patay na nakakalat. Sobrang dami.. Kinikilabutan ako. Hinahagod ni Nanay Rosing ang likod ko nagpapaalalang lakasan ko lang ang loob ko.  At nalipat sa isang reporter ang pamagat San Jose one of the most severely hit areas in Guiuan Eastern Samar!  Para akong nag ice bucket challenge namanhid ang buo kung katawan. Pinakita ang mga nakalatag na patay na katawan sa kalsada ang dami.. "Ahhh! Sigaw ko sinasabunutan ko ang sarili ko. Hindi totoo ito, Mama Papa uuwi ako hintayin nyo ako diyan…  "tanungin po natin ang iilang survivors, magandang hapon anong pangalan ninyo?" Tinig nang reporter.  "Mellisa" lumapit ako sa t. v. hinaplos ko ang mukha ng iniinterview puro galos at pasa ang mukha niya.. "Kaibigan ko." Bulong ko.  Kaawa-awa ang itsura niya.  "Mellisa ano ang hindi mo makalimutan na karanasan sa pangyayaring ito?" "Ang lahat po na nangyari, ang mga hiyawan ang mga pagtangis ang mga paghingi ng saklolo, ang mga mahal sa buhay na unti-unting tinatangay ng tubig na gusto mo mang tumulong hindi mo magawa" umiiyak ang kaibigan ko.  "Parang bangungungot na gugustuhin mo na lang huwag magising. Mas nauna maglandfall ang bagyo sa lugar namin gabi palang ng November seven hinagupit na kami"..  Halos hindi na siya makapagsalita.  "Ikinalukungkot ko ang nangyari Mellisa ahhm may gusto ka bang ipanawagan, baka may mga kamag anak ka sa malayong lugar?" "Ehra" hindi ko na lubos makita ang mukha ng kaibigan ko hilam sa luha ang mata ko.  "Ehra, saan ka man ngayon diyan sa Maynila sana nanonood ka buhay ako,  kasama ko ang mga magulang mo bago pa man magsimula ang bagyo, pero nasira rin ang evacuation center, bago kami nagkahiwalay bilin nila na-na huhuhu bilin nila sabihin ko daw sa iyo na mahal na mahal ka nila at huwag mo na daw sila hanapin isipin mo na lang daw na nag bakasyon sila sa iba't-ibang panig ng mundo. Ituloy mo daw ang pangarap mo Ehra. Huhuhu hanggang ngayon kasama sila sa mga missing". Inalalayan nila ang kaibigan ko para makaupo.  "Okay maraming salamat Mellisa at pinaunlakan mo kami. Ngayon dumako naman tayo sa Palu Leyte".. Tinig ng reporter.       Sumalampak ako sa sahig "hindi totoo ito. Ma,  Pa kaya ako nangarap para sa inyo para masuklian ko ang sakripisyo niyo sa akin, bumalik kayo pakiusap! Kayo ang lakas ko huwag niyo ako iwaaaannnn. Diyos ko bakit mo ako pinarurusahan?" Palahaw ko. Sobrang sakit parang tinarakan ng patalim ang puso ko. Halos hindi ako makahinga. Sumugod sa kwarto ko sila Ate Leia, inabutan ako ni Nanay Rosing ng tubig. Inalalayan makaupo sa kama.. Minamasahe ang namamanhid kong braso, ramdam ko ang simpatya nila Ate nakita ko lumuluha rin sila pero hindi sapat iyon para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Dala na rin siguro nang puyat, pagod at kulang sa pagkain, kaya hinimatay ako.       "Rile kailangan niya nang pahinga, she had enough,  kawawang bata" kilala ko ang boses na yan boses ni Doc Ibañez.      "Maraming salamat Bro, at nakapunta ka agad,  pasensiya na sa abala alam ko marami ka rin obligasyon". Si Kuya Riley, nandito rin siya. Akala ko ba may mahalaga siyang aasikasuhin?         "No worries Bro ikaw pa! I have to go." Paalam ni Doc Nathan.         Unti-unti naalala ko ang nangyari, parang hindi ako makapaniwala. Umupo ako.. Napansin ako ni Kuya Rile mabilis siyang lumapit sa akin.  "Thank God you're awake." Nagsalin siya ng tubig sa baso at inabot sa akin.  Umiling ako para saan pa ang buhay ko?  Wala na, wala akong karapatang sumaya, wala akong karapatang huminga, kaparusahan sa akin ito sa pagsuway ko sa magulang ko. Pati mata ko tuyo na ang luha wala na akong mailuha pa.           "Gusto mo bang pag-usapan natin ang nangyari?" umiling ulit ako.              "Okay, take your time, basta pagready kana handa akong makinig ha?" Kita ko sa kanya ang pag-alala. Atleast may isang magandang nangyari sa akin ang mapunta sa mga taong may malasakit sa akin kahit hindi ko kaano ano.         Humiga ulit ako, gusto ko nalang matulog nang matulog mas gusto ko pa nga na huwag nang magising. Narinig ko bumuntong hininga si Kuya,  maya maya pa narinig ko nalang lumabas siya ng kwarto..            Dalawang araw ang lumipas, wala na sa normal ang kain ko wala rin naman akong malasahan. Lagi ko nakikita ang mga magulang ko sa panaginip kaya mas pinili ko na lang ang matulog Kaysa kumain.  Bumalik ulit si Kuya Riley, binuksan niya ang kurtina, nasilaw ako.       "Pakisara po Kuya ayaw ko nang liwanag."       "No, maganda nga yan nang masinagan ka naman nang araw, ano ka bampira ayaw sa liwanag?" Tumayo ako para isara ang kurtina. Muntik pa ako matumba buti na lang malapit siya sa akin naalalayan agad ako.      "See? Kulang na kulang ang resistensiya mo kahit tumayo di mo na kaya. Maupo ka kainin mo ang nakahain diyan sa lamesa. " "Kung patuloy kang ganito mapipilitan akong i-confine ka sa ospital." " Di mo pa pala ako masyadong kilala, I can't tolerate brats, at maiksi ang pasensiya ko. Kaya kung ako sa iyo kumain kana at magpalakas." Inis niyang sabi.       "Pasensiya kana Kuya kung naging pasanin pa ako sa iyo. Promise hindi rin magtatagal itong kadramahan ko. Hayaan mo muna akong namnamin ang sakit, hanggang magsawa ako." Inakay niya ako palapit sa side table.        "Kaya nga kumain kana hindi kasi ako mahilig sa drama, baka gusto mo subuan pa kita aba ano ka sinisuwerte?" Napangiti ako sa sinabi niya. Napatitig siya sa akin. "Uy  hindi ka pala pangit kapag nakangiti." Nakangiti niya na ring sabi.       "Maraming salamat Kuya, sa kaunting panahon na naibahagi mo sa akin. Bahala na ang panginoon gumanti sa iyo. Napakaswerte nang kapatid mo na ikaw ang naging Kuya niya".. Hindi ko na tapos ang sasabihin ko pinutol niya..        "Unang-una gwapo, pangalawa galante, pangatlo, macho.  Total package diba?  Sabay kindat niya. Ngumiti lang ulit ako. "And wala akong kapatid na babae.  "Uhhmm ikaw na lang kaya? Kaya magpalakas ka kasi mag ba-blood compact pa tayo para maging ganap na tayong magkapatid".  Sabay tawa, nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya. Tama, napakagwapo nga niya. Ang mata, kilay, pilik-mata..              "Huwag mo akong tingnan nang ganyan, totoo ang sinabi ko kailangan ng blood compact bago mo ako maging ganap na Kuya". Umiling nalang ako sa kalukohan niya. Narinig ko ang cellphone niya may tumatawag.        "Uhhm, okay, okay, I'll be there, bye".. Mukhang may importante siyang lakad. "Punta lang ako sa gym pero balik ako dito mamaya." Paalam niya.  Bago pa siya nakalabas sumunod ako niyakap ko siya "maraming salamat Kuya babaunin ko ang kabutihan mo sa akin..  Mag-iingat ka lagi. Kahit hindi tayo makapag-blood compact, ikaw lang ang Kuya ko".  Natigilan siya sa sinabi ko. Tinulak ko na siya palabas ng pinto.  "Sige na Kuya may lakad ka pa".. Ginulo niya muna ang buhok ko bago siya umalis.  "Susubukan kong makabalik mamaya". He waved goodbye..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD