Episode 5

2053 Words
Riley's P. O. V      Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Emerald. Nakapagtataka bakit bigla ganoon ang ikinikilos niya? Tapusin ko muna ang problema ko sa gym babalikan ko siya mamaya.       "Sir nandito na po ang mga nag apply na pinatawag mo, pinaghintay ko sila doon sa office mo". Salubong ni Cathy ang receptionist/secretary sa gym. Naghahanap kasi ako ng mga gym instructor. Mabilis dumami ang mga clients ko.      "Okay pakihatid na rin doon ang contract".             "Nandoon na rin sa table mo sir nakaready na."      "Good, thank  you".      After I wrapped things up… "Cath ikaw na muna bahala mag orient sa kanila may importante lang akong asikasuhin".  Hindi ko na hinintay ang sagot niya. I have to go back to Ate Leia's house immediately. Kinakabahan ako hindi mapalagay sa sinabi kanina ni Ehra.          Hindi pa ako nakapagpark nang maayos patakbo akong pumasok sa kusina. "Manang Rosing, nacheck mo ba si Ehra?"      "Susmaryusep kang bata ka! Bakit?  Ano bang nangyari sa iyo? Kanina  naghatid ako nang tanghalian, hindi pa ako nakabalik para kunin ang pinag-kainan niya."            Takbo ako paakyat. Sumunod si Manang sa akin.     "Ehra!" Lock ang pinto niya.       "Ehra,  open the door" nilakasan ko pa ang pagkatok.       "Please do you hear me?"Ang lakas ng kabog nang dibdib ko. "Manang kunin mo ang duplicate."      "Anak kumalma ka muna ha?  Baka natutulog lang o kaya ay nasa banyo."       "Hindi Manang kakaiba kasi ang kilos niya kanina bago ko siya iwanan".       "Emerald! Huwag mo na hintayin magalit pa ako!" Kinakalabog ko na ang pinto. "Dali manang kunin mo na ang susi"! Mabilis umalis si Manang. Nagambala na rin sila Ate at Kuya.       "What happened Rile?" Tanong ni Kuya Greg.             Kuya,  Ate sorry,  I'm just worried. Kanina nang paalis ako maraming sinabi si Ehra,  di ba hindi naman siya palakibo? Hindi siya masyadong nagsasalita?  Pero kanina marami siyang habilin, panay ang pasalamat.. Ate baka…  God huwag naman sana"…            "Calm down  Rile, baka paranoid ka lang. Manang faster please.. " hinawakan ni Ate ang kamay ko. Di ko napansin halos mawalan na nang kulay dahil nakakuyom.             Inabot ni manang sa akin nag susi, pagkabukas ko walang ilaw pero hindi naman ganoon  kadilim nakita ko agad si Ehra sa paanan nang kama nakasandal at tulog. Tulog?  No hindi siya tulog! Iyong kamay niya nasa kandungan niya at puro dugo! "Ehra?" lumapit ako sa kanya. "You hear me right?" Kinapa ko ang leeg niya mahina ang heartbeat niya! Blood is flowing on the floor! Binuhat ko siya..            "Diyos na mahabagin!  Anak bakit mo nagawa ito?" Usal ni Manang.  "Manang pakibukas nang kotse ko".            "Go ahead Rile susunod kami" saad ni Kuya Greg.       Halos paliparin ko ang kotse ko, even beating the red light I don't care makarating lang ako sa pinakamalapit na ospital!       God please save her. Ngayon ulit ako hihiling sa Iyo. Kung dati kay Mama hindi Mo ako pinagbigyan baka naman ngayon pwede na.       Halos ayaw ko tingnan si Ehra na nakahiga sa likod. Ganito siguro ang nararamdaman nang mga kaibigan ko nang dalawang beses  ako magtangkang magpakamatay.     Pagdating ko sa ospital binuhat ko papasok si Ehra may sumalubong sa akin na may dalang stretcher. Diniritso namin sa emergency room si Ehra pero hinarang din ako sa pinto. Hindi nagtagal dumating sila Ate.       "How is she?" May pag alalang tanong ni Ate Leia.       "I don't know Ate wala pang may lumabas diyan sa pinto na iyan" I am f*cking worried. This is the second time na naramdaman ko ito. Una kay Mama and now sa batang kailan ko lang nakilala na itinuring kong hulog nang langit pinadala sa akin para matauhan ako. Para maliwanagan ako na maling-mali ang pagtatangkang kitilin ang sariling buhay.       May lumabas na rin sa wakas isang doctor na babae. "I suppose you are the family of the patient". Si Ate ang hinarap niya.       "Yes we are, how is she Doctora?"       "Well for now she's safe but she needs blood right away. Who among you here have the same blood type. She is O negative.."              "Ako Doc" hindi pa  siya tapos magsalita sumagot na ako, good thing pareho kami ng blood type.       "Ok come  with me for some procedure to ensure that you are fit to donate your blood. But I recommend direct blood transfusion."       "Just do what's necessary Doc. It's okay.  You can take my blood even till the last drop! Let's go".             "I'll be back Ate, Kuya." Tumango lang silang dalawa.         Pinahinga muna ako saglit ng Doctor pagkatapos ko kunan ng dugo nasa pareho kaming kwarto ni Ehra,  tumagilid ako para makita siya, medyo nagkakulay na ang pisngi niya. How could you do this? I know how hard it is to be alone. I've been in your situation and that was damn difficult.  You can share your burdens with  me if you want. Just open up, just talk to me. Hindi dapat umabot sa ganito.       Don't worry just get well and I promise no matter how busy I am kahit nasaan ka pa pupuntahan kita. You'll be my priority for now. I will always be there if you need me pangako ko iyan. I am now officially your Kuya and you are now officially my little Sis. Hindi na natin kailangan ng blood compact sinagad mo na,  halos ubusin mo pa ang dugo ko. Pero ayos lang iyan, sisiguraduhin ko sa iyo na ang lahat nang sakit at problema  na haharapin mo makikihati ako..        Almost two days have  passed but she's still sleeping.  I also can't stay longer dahil busy din sa office dagdag pa sa gym. Buti na lang may mga tao ako doon na napag iiwanan. Pero hanggang kaya isingit sa schedule ko dumadaan din ako doon.       Kapag wala ako sa ospital si Manang muna ang nagbabantay kay Ehra. Dumaan din daw si Nathan kahapon pero hindi kami nagpang-abot.       I'm staring at her. I can't believe I'm doing this. I mean hindi namin siya kaano-ano.. Bigla ko tuloy naalala si Kuya. I'll call him later.  Siya lang at si Ate Leia ang naging takbuhan ko noon. Maybe its already time para maging seryoso ako sa buhay. Now that I have a sister to take care of.         Take your time 'angel,  have a good rest pero huwag mo lang tagalan alam mo kasi mainipin ako.       "Hey bunso buti naman at naalala mo pa ako".  May tampo sa tono niya. Unang ring palang sinagot na niya agad ang tawag ko.  "Kuya anong balita?"Ganoon pa rin Bro, gwapo pa rin".  Napangiti ako sa sinabi niya.  "I'm sorry Kuya kung ngayon lang ulit ako nakatawag. Alam mo na kapag gwapo mabenta kaya kaliwa kanan ang raket." "Don't worry Rile hindi naman ako nagtatampo. Kelan ka ulit makakabalik dito? Na miss kita Bro"..       Alam ko malungkot si Kuya doon. Pero mas pinili niyang sundin si Daddy.  "Maybe a month or two Kuya, basta inform kita bago ako punta diyan. Baka kasi tulad dati imbes i-surprise kita ako pala ang nasorpresa." Tumawa lang siya.  "Ikaw diyan kamusta did you finally found someone?" Iyong pwede mong maging inspirasyon ulit?" Usisa niya.  "Uhhhmm… inspirasyon?  Yeah,  but it's not what you think. She is not the one. Ipakilala ko sa iyo next time." "Okay sinabi mo eh". Pumalatak pa siya.  "Got to go Kuya, I was loaded since last week baka pag-initan na naman ako nang Daddy mo".. Tumawa siya.  "Daddy ko na Daddy mo rin" ngumiti lang ako..  "Sige na Kuya ingat ka lagi diyan"..          "Sir Rile your father is inside. Parang masama ang timpla". Nakangiting salubong nang assistant kong si Doris. Sanay na siya sa Daddy ko. Dati rin kasi siyang assistant ni Mama kinuha ko siya nang mawala si Mama sa amin.        "Doris, Doris,  Doris, naninibago ka pa ba kay Dad?" I smiled at her.       "Kidding aside, go,  just call me kung need mo nang back up. Fighting!" Umiling na lang ako.  Pero sinunod ko rin siya. Para ko na ring ina si Doris alam niya rin at nakikita niya kung paano ako itrato ni Daddy.       "Saan ka galing? Oras ng trabaho wala ka dito! " bungad ni Dad.       "Good morning to you too Dad." Sarkastikong sagot ko. "May importante lang akong inasikaso".          "Gaano ka importante at pati trabaho mo napapabayaan mo na ha? Baka gusto mong sisantihin kita ngayon din!" Namumula sa galit ang mukha niya.       "Okay."      "Anong okay ha? Napakawalang kwenta mo Rile hindi ka maasahan sa negosyo. Kung ganyan ka darating ang araw wala kang maihain sa magiging pamilya mo!"      "Dad huwag mo naman ako masyadong maliitin, I have my ways naman siguro para matustusan ko ang magiging pamilya ko. At alam mo Dad, hindi lang sa materyal na bagay ko sila bubusugin,  pati sa pagkalinga at pagmamahal na hindi ko naranasan sa iyo."       "Walang patutunguhan ang usapang ito. This is your last chance, meet Manolo's daughter as soon as possible."      "Okay fine, where?  And when? Walang gana kong sagot.        Nakaharap ako sa laptop pero wala doon ang isip ko. Sa weekend kami magkikita ni Cassey.              Tumawag siya kanina at ako na ang pinapili niya nang lugar. Alam ko noon pa man may gusto na si Cassey sa akin, kababata ko siya lagi kami noon nagkikita sa mga party pero noong college na kami pareho ay dumalang na. Magkaiba kami nang university na pinasukan.         Sa Mixnetic ko napiling dalhin siya. At least doon hindi boring at may live band kapag weekend. At doon ko nga nakilala si Faye ang mahal ko. Minahal ko pero iniwan din ako.       Kapatid ni Ibañez ang may ari ng Mixnetic si Norman.  Magkakilala din sila ni Cassey.      Pagbigyan ko muna si Dad sa ngayon marami na akong pasanin, idagdag ko pa ba ito.. Just go with the flow.      Pabalik na ako nang ospital, tumawag si Ate, nagising na daw si Emerald. Thanks  God pinagbigyan mo ako.          Pagdating ko sa ospital,  paalis na rin sila Ate, may appointment pa siya sa therapist niya.       "Riley ikaw na muna bahala sa kanya ha? Pabalikin ko na lang bukas si Manang Rosing." Paalam ni Ate.       "Ehra, pasensiya ka na hindi kami makapagstay nang matagal. May pupuntahan pa kami ni Greg. Magpagaling ka kaagad. Doon kana titira sa amin kahit hanggang kailan mo gusto." Hinahaplos ni Ate ang buhok niya. Kita ko ang pagkislap ng luha sa gustong kumawala sa mata ni Ehra.        Matagal nang nakaalis sila Ate Leia pero wala ni isa sa amin ang naglakas loob na mgasalita. Nasa bintana ako at nakatingin sa labas. A few moments later tinawag niya ako.       "Kuya Riley, kamusta kana?"   "Ayos lang ako". Matigas kong sagot         "Nasabi ni Ate ikaw daw nagbigay nang dugo na sinalin sa akin?"      "Ginawa ko lang ang nararapat"      "Bakit Kuya, bakit hindi mo nalang ako hinayaan mamatay, sana ngayon kasama ko na sila Mama at Papa"? Umiiyak niyang sabi.       "Huwag na muna natin pag-usapan iyan kailangan mo pa magpahinga".        "Paglabas mo dito tutulungan kita makabangon ulit, tuturuan maging matatag at aalalayan sa anumang hamon na darating sa iyo. Ituring mo akong Kuya at mamahalin kita bilang kapatid ko. Wala ka nang pamilya na mauwian katulad ko kaya magiging sandalan natin ang isa't-isa." Pinunasan ko ang luha niya.       "At ipangako mo sa akin na kahit anong problema and darating sa iyo, ishare mo sa akin okay. At ipangako mo rin na hinding-hindi na mauulit ito." Tumango lang siya.       Friday night, gumayak ako para sa  date namin ni Cassandra. Magpapahatid nalang daw siya doon sa Mixnetic.             "Uy pare kamusta?  Matagal hindi ka nakapunta dito ah." Napansin ako ni Norman kaya lumapit siya sa akin.                   "Pasensiya na pare busy lang this past few months." Luminga-linga ako naghahanap ng mapwestuhan namin ni Cassey mamaya.       "Nandoon si Cassey sa taas mas tihimik daw kasi doon".       "Hindi rin kami magtatagal dito may importante lang kaming pag-uusapan."      "Iba kasi ang tama sayo, ikaw naman dedma. Move on ka na pare, matagal na kayong wala ni Faye".  Ngitian ko lang siya.      "Puntahan ko muna pare"..     "No problem, take your time man!"     Napansin ko agad siya nakaupo sa bandang sulok.      "Am I late?" Tanong ko.      "Not really, I just came early." Maganda siya lalo na kapag nakangiti. But something is missing, wala iyong spark na sinasabi nila maramdaman mo kapag may special feelings ka sa babae.       Wala naman kaming masyadong napag-usapan. Sinabe lang niya na pinasundan siya ng Dad niya para makasigurado na tumupad ako sa usapan. And we agreed to have  dinner next weekend.       "Hatid na kita" alok ko.        "No thanks, I have my car. Next week nalang sunduin mo ako sa office"       Hinatid ko na siya sa kotse niya.       " Bye Cassey!"      "Good night Rile!" Saka hinalikan ako sa labi. Smack lang naman. Bago sumakay nang sasakyan.      Kaya ko pa ba isingit sa schedule ko next week? Sabi sa ospital puwede nang umuwi si Emerald sa Linggo unahin ko muna siya, sasabihin ko ang nais kong mangyari para sa kanya. Saka na si Cassey. tawagan ko ulit si Kuya mamaya. I need some advice from the expert. Kailangan ko itaboy si Cassey but dapat hindi halata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD