Nakahanap na kami ng bagong matutuluyan namin ni Callum at ng kambal. Tinutungan kami ni Titus sa mga pangangailangan namin dito sa bahay namin, sa paghahanap ng trabaho at mapagkikitaan namin ni Callum. Akala ko bwesit sa buhay itong si Titus pero ang laki pala ng tulong niya sa amin ni Callum. May trabaho na din si Callum sa bar ni Titus bilang waiter. Hindi ko akalain na tatanggapin iyon ni Callum kasi hindi naman pang waiter ‘yung look niya. Pero sabi pa ni Titus ay kapag si Callum na ang maging waiter sa bar niya ay madaming magdadagsaan na mga babae. Hindi ko nalang ito pinansin kasi hindi naman ako selosang babae. Alam ko naman kasi na ako lang ang mahal ni Callum at hindi na siya maghahanap ng ibang babae. Binigyan din ako ng trabaho ni Titus bilang tindira ng bagong op

