“Maraming salamat po! Balik po kayo ulit.” Sabi ko sa costumer at pumunta sa aking table upang magbilang ng pera. “Aislinn!” Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa dalawang babae na papalapit sa aking shop. “Louisa! Cassandra! Kayo pala.” Umupo sila sa isang table at bumili ng tinapay. Umupo na din ako sa tabi nila, wala pa namang costumer. “Ang lakas ng bagong bukas na bakeshop ni Titus, ah! Ibang klase talaga kapag parang dyosa ang nag babantay.” Sabi ni Cassandra at kinindatan ako. Napatawa ako. “Hindi naman ata. Gusto lang siguro nilang bumili ng tinapay.” Sagot ko. “Asus! Ang humble talaga nitong Aislinn namin.” Nakangising sabi ni Louisa at humagikhik. Sa paulit-ulit nilang pag punta sa aming bahay at makipag kwentuhan sa aking ng kahit a

