*Selene’s Pov*
—
Papunta ako ngayon sa agency, hindi kami nakapag-usap kahapon ni Mr. Tejones dahil may importante itong lakad. Paano naman akong nag-effort na pumunta tapos hindi kakausapin?
Hirap na hirap akong takbuhan ang mga reporter, nag-reklamo na ako kay Butler Billy at sinabi naman nitong aaksyunan niya agad ito. Ewan kong ano bahala na sila dyan!
Kumatok muna ako sa pinto bago pinihit yung doorknob. Tahimik lang akong pumasok, hindi ko siya binati seryoso naman ‘tong nakatingin sa akin.
“May ibibigay akong bagong mission.” Seryoso niyang sabi. “Here, sila ang target mo ngayon week. Dapat mapatahinik mo ang mga yan at ayokong palpak na trabaho.” Dagdag niyang sabi bago inilapag sa mesa yung mga larawan ng papatayin ko.
Puro matatanda na at ang lalaki ng tiyan, mga walang matinong magawa kaya puro ilegal na lang pinapairal nila.
“Mag-apply ka sa club kung saan madalas silang mag-punta. Ang kasama mo sa mission nag-apply na siya kahapon. Ang tatlong iyan, bigay ng pulis na kakilala ko matagal na silang binabantayan. At mamaya may transaction sila sa club, ngayon pumunta ka doon para mag-apply.” Muli niyang paliwanag sa akin, tanging tango lang ang akin sagot. Ayokong magsalita dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapang ‘to.
“Ito ang mga pekeng biodata mo, lahat yan ay pinagawa ko lang basahin mong mabuti para hindi ka magkamali sa mga isasagot mo. Kailangan mo rin baguhin ang iyong panlabas na anyo, hindi yung malamig kang makitungo sa iba dahil sa club na iyon isa kang pangkaraniwang tao lang. Isang mahirap na walang ibang mapapasukang trabaho kundi yun lang.” Muling paliwanag niya sa akin, ano yun makikipag plastikan ako sa kanilang lahat?! Paano, hirap na hirap pa naman akong makibagay!
“Pwede ka ng umalis kung if wala kang katanungan.” Aniya sa malamig na boses, bago ako tingnan ng masama.
“Nga pala, pagkatapos ng mission mo hindi ka na pwedeng umalis sa club. Dahil nandyan ang huli mong mission, para hindi mang hinala yung ibang kalaban kailangan may iba kang trabaho. Nagkakaintindihan naman siguro tayo, Selene!” Mariin niyang sabi, ngumisi ako bago siya sagutin. Parang gagawin pa niya akong pokpók.
“Hindi naman ako tangâ para walang maintindihan sa mga pinagsasabi mo. Wala na rin akong tanong, dahil noong nagtanong ako hindi mo rin namang sinagot.” Malamig kong sagot bago kinuha ang brown envelope at mga litrato ng mission ko.
Tinignan ko muna siya bago tinalikuran, ni minsan hindi niya akong itinuturing na anak. Ngayon isa lamang akong tauhan niya, walang pakialam kung anong mangyari sa akin. Hindi ko alam kung ano ba’ng aking naging kasalanan para ganito ang naging kapalaran ko?
Makuha ko lang ang hustisya ng aking ina, aalis ako dito isang tahimik na pamumuhay ang aking gusto.
Habang naglalakad ako palabas ng agency, nakasalubong ko ang hindi dapat makita.
“Kamusta ka na, Miss?” Nakangiting tanong ni Adler, ano namang ginagawa niya dito.
“I’m busy, excuse me.” Malamig kong sagot, magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang hawakan niya yung braso ko.
Malamig ko siyang tinignan at inalis ang kamay na nakahawak sa aking braso.
“Don’t touch me, hindi tayo close!” Mariin kong sabi habang nakatitig sa mga mata niya.
“Oh, easy hindi naman kita sasaktan.” Nakataas ang dalawang kamay niyang sabi.
“Mr. Rojas, nandito ka pala. May problema ba?” Tanong ni Mr. Tejones mula sa aking likuran.
Pagkakataon ko ng umalis, nakakairita pa naman ang taong ‘to. Sumenyas sa akin si Mr. Tejones na umalis na, kaya dali-dali akong lumakad palabas ng agency.
Dahil kailangan ko pang pag-aralan ‘to at maayos dapat ang aking damit. Umuwi muna ako ng apartment para magpalit.
Binuksan ko ang brown envelope para tingnan yung biodata.
Selene Larosa, yan ang ibinigay niyang apelyido. Gemma at Jun Larosa ang pangalan ng magulang ko. Saan naman kaya niya kinuha ang mga ‘to.
Nang ma-review ko na, nag-ayos na rin ako pulang lipstick ang aking inilagay sa labi ko. Medyo pinakapal ko ang aking kilay para kahit papaano ay may pagkakaiba pa rin. Naglagay din ako ng nunal na maliit sa baba ko.
Matapos kong nag-ayos, hindi ko na ginamit ang aking motor. Nag-abang ako ng taxi, nang may paparating ay agad ko itong pinara.
Sinabi ko ang address ng club kung saan ako mag-a-apply ng trabaho. Medyo may kalayuan din mula dito sa aking apartment.
Nang makarating ako sa club, binayaran ko na yung taxi. May nakita akong nakadikit sa pinto hiring pa rin sila kaya pumasok ako.
Naglilinis ang ibang waitress, medyo maaga pa naman siguro pa-out na sila.
“Excuse me, pwede bang magtanong?” Nakangiti kong tanong sa isang lalaki, napatingin naman siya sa akin at saka tumango.
“Nakita ko kasi sa pinto Hiring kayo, mag-a-apply sana ako.” Dagdag kong sabi at saka nanatiling nakangiti nangangalay na ako, nakshuta.
“Ahh doon kay Sir Kevin, ihahatid kita may nag-a-apply din na dalawa.” Agad niyang sagot, napatango naman ako s**t! Mukhang alanganin pa yata, sana hindi matanggap ang isa sa kanila o di kaya silang dalawa.
Sinundan ko ang lalaking naglalakad papunta sa opisina ng sinabi niyang Kevin.
“Pumila ka na lang dito, at hintayin ikaw ang susunod. Akin na yang resume mo, ibibigay ko sa loob.” Sabi ng lalaki tumango lang ako bilang sagot. Binigay ko agad yung hinihingi niya, kumatok ito sa pinto bago pumasok.
Tumingin ako sa babaeng nakaupo, tiningnan niya ‘ko mula ulo hanggang paa. Ginaya ko lang din ang ginawa niya sa akin, ulo palang mukhang Paa na.
Umupo ako sa gilid, ramdam kong nakatingin pa rin siya sa’kin problema ng isang to. Akala naman niya sobrang ganda, feeling yarn!
Matapos ma-interview nang nauna sumunod na siya, masaya ang mukha niya mukhang pasado. Walanghiya dapat itong haliparot na ‘to ang hindi matanggap.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin lumalabas yung babae. Ano na kayang nangyari doon, huwag sana siyang matanggap! Dapat ako na lang, kailangan ko ang trabahong ‘to.
Napatingin ako sa pinto dahil bumukas ito, nakabusangot ang kanyang mukha. Ayos hindi ata siya tanggap, tinignan niya ako ng masama bago tuluyang umalis.
Hindi pa kasi natatanggap sa trabaho akala muna kung sino. Karma is a bîtch!
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok na nakangiti.
“Tell me about yourself.” Agad niyang sabi, excited ba siya wala man lang hi, hello.
“I'm Selene Larosa, twenty-four years old. Panganay sa tatlong magkakapatid, mahilig akong sumayaw at kumanta. Naniniwala ako sa kasabihang, kapag may itinanim meron kang aanihin.” Masiglang at nakangiti kong pagpapakilala, gusto ko ng magpalamon sa aking kinatatayuan dahil kinilabutan ako sa mga sinasabi ko.
“Why do you want this job?” Muli niyang tanong. Bakit ang daming tanong, nakakairita naman.
“Kailangan ko ng pera para sa aking pamilya, pang pagamot ng nanay ko at gastusin para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Wala na akong ibang mapapasukan trabaho kundi ito lang.” Hindi ko alam kung tama ba ang aking pinagsasabi. Dami kasing tanong dapat isa lang eh!
Napatango siya habang nakatingin sa aking resume. Pinagpapawisan ang kamay ko, kapag hindi ako natanggap dito patay na! Mapapagalitan na naman ako ni Mr. Tejones.
“Okay, training mo mamayang alas-sais ng gabi hanggang ala-una ng madaling araw. Meron kang three months training, kapag maganda ang trabaho mo may contract akong ipapapirma sayo. At madadagdagan na ang iyong sahod.”
Seryoso niyang sabi, loading naman ako ibig sabihin ba tanggap na ‘ko? Ito kasi ang unang beses na papasok ako sa trabaho.
“Tanggap ka na Miss Selene. Mamayang alas-sais ng gabi magkita ulit tayo.” Muli niyang sabi, halos mapatalon naman ako sa tuwa dahil magagawa ko ng walang problema ang aking mission. Iyon ang dahilan kaya ako masaya.
“Sige po, maraming salamat po.” Masayang-masaya kong sagot sa kanya, lumabas ako ng opisina niyang nakangiti.
Kailangang maging mabait ako dito para makuha ang loob nilang nandito.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan makipag-usap at kaibigan sa kanila.
Saktong paghakbang ko sa aking paa palabas ay may nakabangga ako. Sino ba to hindi ba siya tumitingin sa kanyang dinadaanan.
Tinignan ko if sino, lumaki ang aking mata dahil. Pinagsisisihan kong tumingin!
“Ikaw na naman!” Halos pasigaw naming sabi, yung lalaking tangâ sa airport at mang aagaw ng push cart sa groceries store. Tapos ito na naman siya!! Mabuti na lang tapos na ang interview ko, kundi malas na naman!
Baka yung babaeng bîtch ang natanggap hindi ako! Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo siya pa?! Bakit? Lagi na lang, nanggigigil na ako sa lalaking 'to ang sarap niyang suntukin!
“Ah so dito ka nagtatrabaho?” Malamig niyang tanong habang nakatingin sa akin ng seryoso.
“So? Anong pakialam mo!” Mataray kong sagot, ngumisi naman siya sa akin.
“Pwede kong kausapin ang kaibigan ko na alisin ka sa trabaho.” Malamig niyang, nanlaki naman ang aking mata dahil baka nga sasabihin niya.
“Huwag please, kailangan ko ang trabahong ito." Pagmamakaawa kong sabi sa kanya, syempre arte lang gusto ko na nga siyang suntukin.
"Pag-iisipan ko." Maikli niyang sagot bago ako daanan, naikuyom ko ang akin palad.
Relax Selene, kailangan mo ang trabahong 'to huwag kang magiging dragon.
Pero, nakshuta! Nanggigil ako sa lalaking yun lagi na lang niyang sinisira ang araw ko!
Kapag ako tinanggal dito, lilibutin ko ang buong maynila mahanap lang siya. Talagang bibigyan ko yan ng isa! I swear!
Sana hindi masarap ang ulam mo mamaya! Lalaking antipatiko!
TO BE CONTINUED.