*Randy’s Pov*
____
Malamig akong nakatingin sa mga tauhan kong galing airport. Ipinagkatiwala ko sa kanila yung anak ni Rojas, pero ang mga tarantado naging pabaya! Kung alam ko lang na mangyayari ito ay hindi na ako umalis kahapon.
“Boss, may babae kasing umiksina kaya hindi namin nabaril ang anak ni Rojas.”
Lalong dumilim ang paningin ko dahil lang sa isang babae pumalpak na sila. Mga wala talaga silang kwenta, fvck!
“Hanapin at patayin niyo ang anak ni Rojas, lahat ng hindi tumutupad sa usapan ay dapat pinapatahimik na!”
Malamig kong utos sa kanila, dahil sampung milyon ang nawala sa’kin ano’ng akala niya hahayaan kong basta na lang kung ayaw bayaran buhay ang kapalit.
“Okay boss, kami na po ang bahala. Sisingilin din namin yung sampung milyon.” Agad niyang sagot, tinignan ko naman siya ng masama.
“Dapat lang, dahil kung hindi lahat kayo malilintikan sa akin! Para kayong mga baguhan, planado na lahat anong pakialam ko sa babaeng umiksina!” Galit na galit kong sigaw sa kanya, wala na silang ginawang matinong trabaho!
“Lumabas ka na sabihan mo sa iyong mga kasama na ayusin ang trabaho nila!” Utos ko sa kanya, agad naman siyang lumabas huminga naman ako ng malalim dahil puro problema na ang dumadating.
I glanced at my phone when it rang, and it was Mr. Quevedo calling. I picked up the call promptly.
"Have you located the girl I've been searching for?" He inquired coldly.
Hindi ko alam kung saan magsisimula ang aking paghahanap, halos lahat na ng babaeng may palatandaang sinabi niya naiharao ko na sa kanya. Maraming taon na ang nakalipas mula noong huling nakita ang batang babae. Hindi ko matandaan ang kanyang mukha, narinig kong tawag sa kanya noon ay Fae.
"I have no updates for you yet, Mr. Quevedo. The individuals I enlisted for this task have not reported back," I responded in a detached manner.
"Figure out a way to locate her. I am not concerned with the legality of your methods. Just follow my instructions!" He demanded, ano pa bang aasahan ko.
“Okay sir, makakaasa ka ngayong Linggo na ito.” Sagot ko sa kanya, binabaan na niya ako ng tawag.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan, kailangan ko pa palang mag-grocery ng aking pagkain. Hindi kasi ako madalas umuwi sa mansyon ni Holland.
Paglabas ko ng hide out namin agad akong sumakay sa aking kotse.
Habang nasa byahe tinatawag ko ang isa kong tauhan. May iba-iba silang trabaho kada grupo para madali ang buhay.
Agad niya namang sinagot ito
“Hello boss, nasa transaksyon pa kami. Mamayang gabi pa darating yung mga baril.” Seryoso niyang sabi sa akin, napatango naman ako.
“Okay, that's good pupunta ako dyan mamaya. Siguraduhin mong kumpleto lahat ng kailangan nating baril.” Seryoso kong bilin sa kanya, dahil kailangan na yun sa susunod na Linggo.
“Walang problema boss, maayos naman kausap ang contract natin ngayon.” Agad niyang sagot.
“Sige, tawagan niyo agad ako kapag nagkaroon ng problema. Kung hindi makuha sa matinong usapan, alam niyo na ang dapat gawin.” Malamig kong sabi sa kanya bago binaba ang tawag.
Pagkarating ko ng groceries store, nag hanap ako ng mapaparkingan. May nakita na ako pero biglang may pumaradang motor.
Inalis na niya yung helmet at smingkit ang aking mata, nang makita if sino yung babaeng nakabangga ko kahapon sa airport at sinabihan akong tangà.
Naghanap na lang ako ng iba kong mapaparkingan. Nang makaharap na, agad akong bumaba ng sasakyan at nagtungo papasok sa groceries store.
Hihilahin ko na sana yung push cart, pero may ibang humihila rin kaya tinignan ko if sino.
Parehong nag salubong ang kilay naming dalawa.
“Ikaw!” Sabay namin sigaw.
“Akin na ‘to,” Agad niyang sabi bago hilain sa akin yung push cart.
“At bakit? Ako yung nauna, ikaw ang nakikipag-agawan!” Malamig kong sagot sa kanya bago hinila pabalik sa akin.
“Anong ikaw, may kinuha lang ako tingnan mo may laman na!” Singhal niya sabay turo sa mga can beer at junk foods.
“Kaya 'wag mong sabihing ikaw ang nauna!” Mataray niyang sabi bago tuluyang hinila sa akin yung push cart.
Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa galit, tumingin siya sa akin at saka ngumisi para bang nang-aasar pa.
Sisiguraduhin kong kapag nag-krus ulit ang landas nating dalawa papatulan na kitang babae ka!
Kumuha ako ng blue basket at nagsimula na kumuha ng aking mga kailangan sa condo.
Mabuti na lang hindi na kami nagkita ng babaeng ‘yon. Laging nasisira ang araw ko kapag nagku-krus yung landas naming dalawa.
Nang matapos na akong mag-grocery para sa isang Linggo. Nagtungo na ako sa cashier para magbayad. Matapos kong magbayad lumabas na rin ako dala ang aking pinamili. Wala na ang motorsiklo nga babaeng malas.
Pagdating sa unit ko, dali dali kong nilagay ang password. Pagbukas ko ng pinto, may nararamdaman akong pamilyar na presensya.
Thana, my childhood vampire, bakit nandito ang babaeng ito?!
“Anong ginagawa mo dito, Thana?!”
Seryosong tanong ko sa kanya na ngumiti lang ito saka lumapit sa akin para halikan ako. Agad ko siyang tinulak palayo.
“You’re disgusting!”
Matigas at malamig na sabi ko sa kanya. Mahina naman siyang tumawa.
“Ano bang kailangan mo at nandito ka na naman?” Malamig kong tanong bago lumakad papunta sa kusina.
“Nandito ako para sabihin sa iyong kailangan mong dumalaw sa bahay niyo.” Seryoso niyang sagot sa akin.
“At bakit ako pupunta doon? Para ano? Ipapakasal ako sayo, huwag ka na umasa Thana!” Naiinis kong sagot, narinig ko naman siyang tumawa.
“Kung wala kang ipapakilala na girlfriend mo, aasahan mong tayo ang ikakasal.” Nakangiti niyang sagot, malamig ko naman siyang tinignan.
“Bakit hindi na lang si tanda ang pakasalan mo. Wala akong interes sa inyong mga babae.”
“Duh, mas gugustuhin ko pang maging matandang dalaga. Pero seryoso? Bakit ba ayaw mong humanap ng bagong girlfriend, matagal na nung iniwan ka ng ex mong kupal. Siguro naman naka-move on ka na Randy!”
Pag-papaalala na naman niya padabog kong sinara ang pinto ng refrigerator.
“Kung wala kang matinong sasabihin, mas mabuting umalis ka na Thana. Baka sumugod na naman dito yang boyfriend mong hambog.” Malamig kong sabi sa kanya.
"Seryoso yung sinabi kong una, pinapapunta ka sa bahay niyo. May importante na sasabihin ang iyong lolo. Tungkol ata ito sa babaeng ipapakasal sayo, i'm not sure hah hula-hula ko lang iyon."
Seryosoniyang paliwanag sa akin, umigting ang aking panga dahil hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap ng taong mapapangasawa ko.
"Pag-iisipan ko if kailan ako pupunta, puno ang aking schedule ngayon. Hindi ko naman siguro ikakamatay kapag hindi ako nag-asawa."
Malamig kong sagot sa kanya, napailing naman siya.
"Mahina na ang lolo mo, malamang gusto muna niyang makitang nasa tamang babae ka na. Maglaan ka rin ng oras para sa kanya."
Pagkasabi niya iyon ay nawala na siya sa harapan ko. Napangisi na lamang ako, kada dadalaw ako sa bahay lagi kaming nagtatalo. Kaya mas pinili kong hindi na lang umuwi, dahil lalo lang siyang nagkakasakit.
Kinuha ko sa bulsa ang aking cellphone dahil tumunog ito. Si Mr. Quevedo, ano na namang problema niya.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Nasaan ka? Samahan mo ako sa bar." Aya niya sa akin, bar na naman kagagaling lang namin kahapon doon.
"Naalala mo na naman ang iyong asawa, tapos may pinapahanap ka pang babae. Sino ba talaga sa dalawa?" Sarkastiko na tanong ko sa kanya.
"Kung magrereklamo ka rin lang, mas mabuti pang tapusin ko na yang buhay mong lintik ka! Ano sasama ka ba o hindi?" Malamig niyang tanong sa akin, napabuntong-hininga hininga na lamang ako.
"Susunod ako, hirap mo namang maging broken!" Walang pagpipiliang sagot ko sa kanya bago babaan ng tawag.
Lumakad na ako palabas sa aking unit, malapit lang naman yung bar dito.
Magkaibigan ang magulang namin ni Holland, para pagtakpan yung tunay kong pagkatao nagtatrabaho ako sa kanya bilang isang butler niya.
Hinayaan lang niya ako, basta 'wag siyang madamay sa gawain ko. Nang makarating na ako sa club, nakita ko ang sasakyan niya. Mukhang nakaloob na nga ang gagó.
Iba ang tama niya sa panganay na anak ni Mr. Vedad, akala ko nga silang dalawa na habang buhay. At tuluyan na niyang kakalimutan ang babaeng nasa prophecy.
Nag-message ako sa kanya na pupuntahan ko si Kevin, ang pinagpapanggap kong may-ari ng club. Isa siya sa kaibigan namin ni Holland, ako talaga ang may-ari nito. Dito kami madalas gumagawa ng illegal transactions.
May underground ito doon ginaganap kung maramihan ang binili nito. Pero kung dalawa o isa lang vip room lang nag-uusap.
Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan kong may kahalikan siyang babae. Hindi na ako magugulat, kahit may asawa na ito babaero pa rin talaga.
Agad naman niyang pinaalis yung babae at ngumiti sa akin na tila wala akong nadatnan.
"Kamusta dito?" Malamig kong tanong sa kanya.
"May bago ulit tayong waitress, mukhang sariwa pa galing probinsya gusto mong makita?" Pabalik niyang tanong sa akin.
"Saka na, hindi ako iinom ngayon. Pununtahan kita dito para sabihin kailangan ng tauhan ko ng isang vip room bukas." Seryoso kong sabi, sunod-sunod naman siyang tumango.
"Kapag may kakaiba kang napapansin dito sabihan mo agad ako, dahil baka mag-simula na naman ang mga kalaban ko." Bilin ko sa kanya bago talikuran.
"Hindi na babalik yung pulis dito, dahil pinatahimik ko na." Dagdag kong sabi bago tuluyang lumabas ng opisina niya. Inutusan iyon ni Mr. Tejones na mag-manman dito. Malas lang niya at nalaman agad ni Kevin.
Lumabas na ako ng club at sa sasakyan na lang hintayin si Holland, siguradong mamaya pa matatapos uminom yon.
TO BE CONTINUED.