`````
Nakasandal si Selene sa kanyang motorsiklo habang nakatingin sa pinto ng Airport. Kahit doon nakatingin ay pinakikiramdaman niya ang paligid, dahil baka mamaya ay may sumugod sa kanyang kalaban.
Alas-tres na ng hapon pero hindi pa rin dumadating ang taong kanina niya pang hinihintay. Inip na inip na siya at gusto na niyang umalis dito sa airport.
Napa tingin siya sa tatlong magagarang sasakyan na bagong dating. May lumabas doon na mga men in black kaya umayos siya sa pagkakatayo.
Pumasok sila sa airport, nakisabay na rin siya sa ibang taong pumapasok para alamin kung ang mission niya ba yung susundin nila.
Nilapitan nila ang isang lalaki, simple lang yung suot nito. Yung lalaking iyon ang mission ko. Aniya sa isipan, tumingin siya sa paligid may napansin itong mga lalaking kahina-hinala.
Agad na kumilos si Selene nilugay nito ang mahabang buhok, ngumiti at patakbo na lumapit sa lalaki. Nagulat ang mga tauhan ni Adler.
“Hello baby, I miss you!!” Masigla niyang sigaw, dahilan para napatingin ang ibang tao sa kanila.
Nagulat ang binata dahil biglang may yumakap sa kanyang babae. Napatingin siya sa mga tauhan nila, at mababakas sa mukha nilang wala silang alam.
“Huwag kang magkakamali na umangal, may mga kalaban sa paligid.” Mahina at malamig niyang bulong sa binata. Akmang yayakapin siya ng binata agad naman ulit nagsalita si Selene.
“Subukan mong yakapin ako, babasagin ko ‘tong itlog mo!” Pagbabanta niya, mahina namang natawa ang binata amoy nito yung matamis na pabango ng dalaga.
Nang mapansin ni Selene na umatras ang mga lalaking kalaban nila.
Kumalas na sa pagkakayakap ang dalaga at ngumiti. Nagtataka naman ang mga tauhan ng binata dahil biglang may sumulpot na babae. Walang nabanggit ang ama ni Adler, napansin naman ng dalaga yung pagtataka sa mga mukha nila.
“Girlfriend niya ako, wala akong masamang intensyon kay Adler.” Pagpapakilala ni Selene, gusto na niyang masuka dahil sa kanyang sinabi.
Napatango naman sila dahil alam ng dalaga ang pangalan ng ng binata. Nagtataka naman si Adler, pinagmasdan niya ang dalaga ngayon lang sila nagkita.
“Let's go na!” Aya niya kay Adler.
Hinila na niya ang binata palabas ng Airport. Nakasunod naman ang men in black sa kanila.
Binuksan ng isang men in black yung pinto ng sasakyan, tinulak niya papasok sa loob si Adler nagulat naman ang ibang tauhan ng binata.
Napangisi na lamang siya, dahil hindi niya alam kung sino ang babaeng kumaladkad sa kanya ngayon. Ito lang ang unang babaeng nag lakas loob na basta na lang siyang tinutulak.
“Akin na ang susi, ako ng bahala sa kanya!” Malamig na sabi ni Selene, walang nagawa yung lalaki kundi ibigay.
Agad na sumakay si Selene sa kotse, nagulat siya dahil may baril ng nakatutok sa kanyang ulo. Pero agad din naging seryoso ang kanyang mukha.
“Sige kalabitin mo, sisiguraduhin kong paglalamayan ka bukas.” Malamig niyang sabi bago buhayin ang makina.
“Anong kailangan mo sa akin?!” Mas malamig niyang tanong sa dalaga.
“Iniligtas lang kita, pagkatapos nito wala na akong pakialam sayo.” Agad na sagot ng dalaga bago pinaharurot ang sasakyan.
“I am a spy, and you are the mission assigned to me. So lay down your fvcking gun and hold on, because the enemy is following us!” Mariin na sigaw sa kanya ni Selene, bago tinaas baba yung stick shift at biglang nag-U turn.
Marunong siyang gumamit ng sasakyan dahil high school palang siya ay tinuturuan na ang dalaga.
Nakatitig lang si Adler sa dalaga habang seryoso itong nakatingin sa kalsada. Marami na siyang na-encounter na babaeng spy pero mas namamangha siya kay Selene. Dahil kahit hinabol na sila ay kalmado pa rin ito.
“Kapag hindi mo pa inalis ang iyong titig sa akin, dudukutin ko na yang mga mata mo!” Malamig na pagbanta ni Selene dahil kanina pa nakatitig sa kanya ang binata.
Agad namang napaiwas ng tingin si Adler, walang ibang ginawa ang dalaga kundi bumisina. Wala siyang ideya kung saan sila pupunta ngayon.
“May alam ka bang safe na lugar?” Malamig niyang tanong sa binata.
“Meron rest house namin.” Maikli niyang sagot.
“Akin na ang ways papunta doon, habang malayo pa sila sa atin!” Naiirita na sabi niya agad namang kumilos si Adler. Nilagay niya ang lugar at inabot yung cellphone sa dalaga.
Tahimik lang silang dalawa, pasimpleng tinitignan ni Adler ang dalaga.
Tumunog ang cellphone ni Selene, kaya agad niyang sinagot ang tawag. Si Mr. Tejones ang tumawag sa kanya.
“Anong kailangan mo Tejones?” Walang ganang tanong niya sa ama. Nagtaka naman si Adler dahil wala man lang itong galang kung makipag-usap kay Mr. Tejones.
“Kinaladkad mo raw ang anak ni Mr. Rojas?!” Malamig na tanong ng ginoo sa dalaga.
“Oo, hindi naman siya nagalusan. Papunta kami ngayon sa rest house nila. Kailangan ko ng sundo, tapos na ang aking mission!” Mas malamig na sagot niya sa kanyang ama. Hindi man lang siya kinamusta lalo tuloy uminit ang kanyang ulo dahil mas concern pa ito sa lalaking iniligtas niya.
“Susunduin ka ni Butler Billy.” Maikling sagot ng ginoo.
“Dapat lang, maayos kong nagawa ang mission ko. Kapag ba binalak akong patayin ng lalaking ‘to? Pwede ko ba siyang patayin?” Tanong niya sa ama bago tumingin kay Adler mula sa rate mirror.
“Mag-report ka dito bukas, dahil may ibibigay ulit ako sa'yong mission.” Malamig na sabi nito bago binaba ang tawag, hindi man lang sinagot yung tanong ng dalaga.
“Wala talagang kwenta.” Malamig niyang sabi bago i-bato sa kabilang upuan yung cellphone niya.
“Bago ka lang ba sa spy?” Tanong ni Adler, tanging tango lang ang i-sinagot ng dalaga.
“Bakit wala kang galang kay Mr. Tejones? Hindi ka ba natatakot sa kanya?” Muli niyang tanong, dahil lahat ng nagtatrabaho sa agency nila ay takot kay Mr. Tejones.
“Bakit naman ako matatakot sa kanya? Siya ‘tong may kailangan sa’kin. Karapatan kong sumagot at nag-demand.”
Agad niyang sagot sa binata, hindi na muling nagtanong si Adler. Nagkaroon tuloy siya ng interes sa dalaga. Utusan na lang niya ang butler nilang alamin kung anong pagkatao ng dalagang kasama niya ngayon.
``
Nakarating na sila sa rest house nila Adler, agad bumaba ang dalaga at tumingin sa paligid.
“Pumasok ka muna sa loob habang hinihintay mo ang iyong sundo.” Aniya sa dalaga bago naunang lumakad papasok ng bahay.
Muling tumingin sa paligid si Selene bago sumunod kay Adler.
Umupo siya sa sofa, kung may balak man ang lalaki sa kanya kaya niya naman itong patumbahin.
“Bakit nga pala spy ang napili mo mong trabaho, marami namang matinong ibang work?” Tanong niya sa dalaga bago umupo sa kabilang sofa.
Napasingkit naman ng mata si Selene dahil kanina pa tanong ng tanong ang binata sa kanya. Medyo naiirita na siya, talo pa reporter kung makapag-tanong.
“Mr. Rojas, kalalaki mong tao pero ang chismoso. Hindi lang naman ako ang spy na babae, big deal sayo? Kanina ko pa napapansin, interesado ka ba sa akin? At saka gusto ko ang trabahong ‘to.” Mataray na prangka sa kanya ni Selene, napangisi naman si Adler dahil straight to the point ang dalaga.
“Masama bang makilala ka? At saka sinabi mo kanina na girlfriend kita. At maraming nakarinig, siguradong ikaw ang usap-usapan bukas. Baka hanapin ka na rin ng mga media.” Nakangisi na sagot ni Adler sa dalaga. Wala siyang pakialam sa mga babae, pero iba ang dating ng nasa harapan niya ngayon.
Wala siyang makitang interesado sa kanya si Selene, at napaka misteryosa nito ni pangalan nito ay hindi pa sinasabi.
Bigla naman na tahimik ang dalaga, pero agad ding nakasagot ito.
“Anong pakialam ko, madaling sabihing break na tayo agad.” Inikutan niya pa ng mata ang binata. Pero sa loob-loob nito ay problemada na ito. Magiging magulo ang tahimik niyang buhay.
“Sa labas na ako maghihintay, ito na ang huli nating pagkikita.” Malamig niyang sabi sa binata bago tumayo at lumakad palabas ng rest house.
Mahina namang natawa si Adler bago kinuha ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa.
Dinayal niya ang number ng kanilang butler.
“Mr. Rojas, nasa maayos ka bang kalagayan?” Agad na tanong ng ginoo sa kanya.
“Yes, nandito ako ngayon sa rest house wala ka dapat ipag-alala.” Agad niyang sagot.
“Papunta na ngayon dyan ang ibang men in black, nandyan pa ba yung spy?” Muling tanong nito sa binata.
“Oo, hinihintay ang kanyang sundo. Kilala mo ba siya?” Pabalik niyang tanong.
“Hindi, ang pagkakaalam ko ay isa siyang baguhan at ikaw yung una niyang mission." Agad na sagot ng ginoo napatango naman ang binata.
"Gusto kong alamin mo ang tunay niyang pagkatao, asap! Magaling siya para sa isang baguhan lang." Malamig niyang utos bago ibaba ang tawag.
Malalaman ko rin kung sino ka talaga, hindi kita titigilan Miss sungit!
TO BE CONTINUED.