Kanina pa paikot-ikot si Miyanna sa kama pero hindi pa rin siya makatulog. Kung sabagay, maaga pa naman. Alas syete palang ng gabi, Pinaiwan kasi ng Mama nya si Oreo nang puntahan nya ang mga ito kasama si Benjamin kaninang umaga kaya wala tuloy siyang libangan. Tulad nya kasi ay Pet lover din ang ina. At dahil hindi siya dinadalaw ng antok, nag pasya siyang lumabas na lang para magpalipas ng oras. Binuksan niya muna ang gate bago magtungo sa garahe at malawak ang ngiting lumapit sa kaniyang Honda CB Trigger Big Bike "It's been a while," she murmured as she caressed the fuel tank. Matagal-tagal din na hindi niya nagamit ito dahil lagi siyang naka corporate attire sa trabaho at hindi naman din siya gumagala sa sobrang busy niya before so wala talaga siyang panahon upang maka bonding ang p

