"Pare, tignan mo. Nag message sayo si Miyanna." Kitang-kita sa mata ni Kevin ang excitement ng makita nitong nag-pop up ang chat head nang Miyanna na tinutukoy nito kaya bigla niyang inagaw ang cellphone mula rito. Magkasama sila sa boarding house kaya naman madalas talaga siyang bulabugin ng kaibigan.
"Ano naman ngayon?" bored na tugon ni Joshua.
"Hindi mo ba re-replyan?"
"Bakit naman ako mag-re-reply, eh hindi ko naman siya kilala."
"Hindi ka interesado sakanya?" pangungulit pa nito.
"Hindi nga. Bakit ba?"
"Curious lang kasi ako kung anong kinalaman niya kay Sir Carlos. Ganito, ha. Ako na lang ako mag-rereply sakaniya. Aalamin ko lang. Promise wala akong ibang gagawin," anito at saka inilahad ang kamay.
"Ako na. Anong sasabihin ko?" matigas na sambit niya naman. Baka kasi mamaya ay kung ano-ano pang kalokohan ang sabihin nito, He can't sacrifice his name para lang sa kalokohan nito.
"Ano ba dapat ang reply sa hi? Malamang hello! Pero syempre baka isipin niyang hindi ka interesado sakaniya kaya dapat banatan mo agad," tumatawang sambit naman nito.
"Sira ulo ka ba? Eh, kung ikaw kaya ang banatan ko?"
Napailing na lang si Kevin sa pagiging KJ niya."Sabihin mo ganito, 'Hello, Yanna right? Matagal na kitang napapansin sa campus. Friend mo si Soria 'di ba? "
"Hindi ko naman siya kilala at napapansin, eh, bakit ako mag sisinungaling?"
"Ako na nga lang!" he said in frustration. Sinubukan nitong agawin kay Joshua ang cellphone at sa kakaiwas naman ng huli ay aksidente nitong napindot ang call button.
"Hello?" Natigilan ang dalawa at sabay na napatingin sa aparato ng marinig ang malambing na boses ng dalaga mula sa kabilang linya. Isang masamang tingin ang ipinukol ni Joshua sa kaibigan ngunit nagkibit-balikat lang ito. "Hello? Are you there? O napindot lang ba?"
"Talk to her!" Kevin mouthed.
"Ah, hindi. Tamad lang kasi ako mag-type kaya tinawagan nalang kita. Ah, I saw your message kasi and I actually don't know what to reply." Kevin doesn't seem to like what he said dahil nalukot ang mukha nito. Bahagya ring nawalan ng imik si MIyanna kaya ang akala ni Joshua ay na-offend ito but she suddenly burst out laughing. Napaisip tuloy ang binata kung may nakakatawa ba sa sinabi niya.
"Nabalitaan ko nga na medyo aloof ka and you don't entertain girls. Nagbaka sakali lang naman ako kung mapapansin mo. Well, obviously I messaged you because I'm interested in you so--"
"I never met a girl as straightforward as you before," putol niya sa litanya nito. He doesn't mean to be so rude. It's just that he's truly amazed sa kung papaano nito nagawang sabihin iyon without even stuttering.
"Yeah. I'm a bit different sa mga girls na nakilala mo. I don't want to be hypocrite kaya naman sinabi ko na agad. Ano pa ba naman ang magiging ibang rason ko for doing this 'di ba? So doon lang tayo sa totoo. I don't filter my words."
"I am speechless."
"As expected. But since sinimulan ko na din naman ang kakapalan ng mukha ko, sasagarin ko na. Do you have a girlfriend?"
"Ah, wa-wala," nauutal na sagot niya. He doesn't even know why did he stutter.
"Ian, si Chloe nasa labas. May i-aabot lang daw sandali," maya maya ay dinig ni Joshua na sambit ng landlady mula sa labas ng kwarto. Hindi niya na tuloy masyadong naintindihan ang sinasabi ng dalaga sa kabilang linya.
Mabilis namang inagaw sakaniya ni Kevin ang cellphone. "Ako na ang bahala dito," He mouthed. Gustuhin man niyang magprotesta ay hindi na niya magawa dahil ayaw niya namang paghintayin ng matagal si Chloe sa labas. Madami rin kasing nagsasabi na magkaboses silang dalawa hindi lang sa phone kundi sa personal na din kaya nasisiguro niyang hindi naman magtataka si Miyanna. Ang iniisip niya ang talaga ay ang kalokohan ng kaibigan.
"Ang tagal naman, Nilamok tuloy ako." Chloe pouted.
"Sorry, nasa cr kasi ako kanina," pagsisinungaling niya. Ilang beses pa siyang napalunok matapos sabihin iyon dahil hindi naman talaga siya sanay magsinungaling. "Bakit ka nga pala nandito?"
"I brought you food. Dinalhan ako nila mama kanina, kaya dinalhan na din kita," she said tsaka inabot sakaniya ang hawak nitong lunch box. Magkatabi lang kasi ang boarding house na tinutuluyan nila kaya madali lang siyang napupuntahan nito, "pumasok kana. Make sure to sleep early, ha. 'Wag kung ano-ano ang pag-aksayahan ng oras," bilin pa nito bago tuluyang umalis. Tumango na lang naman siya bilang tugon.
Actually, They aren't really a couple kaya hindi naman siya nagsinungaling kanina ng sabihin niya kay Miyanna na wala siyang girlfriend, but he has been courting her for almost 5 years now. At ang alam ng lahat ng nakakakilala sa kanilang dawala ay mag kasintahan na sila. But everytime he would ask her kung ano ba talaga sila ay sinasabi lang nito na darating din ang panahon para sakanilang dalawa. Madalas silang sabay umuwi at madalas ding sabay kumain sa labas pero lately, madalang nalang dahil busy na since they are on their senior year in College.
Nang makabalik sa loob ay nadatnan niyang nagtatawanan sina Miyanna at Kevin. Napakunot noo tuloy ang binata. "I like your voice. Do you sing?" maya-maya ay tanong ni Miyanna. Kevin looked at him asking permission kaya naman tumango na lamang siya at hinayaan itong kumanta para sa dalaga.
"Balita ko, nagkakausap kayo ni Sir Carlos, ah. Close kayo? O isa ka sa mga pinuntirya niya?" Nagulat si Joshua sa klase ng tanong na binitawan ng kaibigan. Natahimik din bigla si Miyanna "It's okay kung ayaw mong pag usapan ma--" The call ended suddenly.
"Did I offended her? Offline s'ya bigla." Joshua shooked his head tsaka inagaw ang cellphone mula rito.
"Lumabas ka na nga. Magmumukha pa akong masama dahil sayo, eh." Pinagtulakan niya na ito palabas at hindi na nga nagreklamo pa ito. Na-guilty rin marahil sa nagawa.
Nang makasigurong wala na ang pang gulo niyang kaibigan ay agad siyang nag chat kay Miyanna to say sorry, at nagreply naman ito agad. She even sent a screenshot ng conversation nila ni Sir Carlos.
''Sa atin nalang sana yang mga 'yan. I don't want to ruin his image"
hindi ako makapaniwalang nagtiwala s'ya agad sa akin kahit hindi nya pa naman ako kilala. Napailing nalang ako ng maalalang mabulaklak nga pala ang dila ni Kevin. Kaya siguro mabilis nyang nakuha ang loob nito. Agad ko ng binura yung conversation namin dahil ayaw ko ng may iba pang makakita.
I replied ok sa chat nya at nag seen nalang sya. Wala na akong balak makipag usap pa sakanya dahil ayaw kong mainvolve sakanya, interesado sakanya si Sir Carlos, and Ortega is courting her. Ayokong madamay sa gulo. And first of all, I have Chloe.
"Pare, tinamaan ka rin ba sa ulo? O sa dila? Kanina ka pa walang imik dyan, ah." Hindi niya na lang pinansin si Kevin, hindi niya rin naman kasi naintindihan kung anong pinag uusapan nila kaya anong isasagot niya.
"What the--- si Yanna ba yon?" Napatayo pa bigla si Vince ng makita nyang lumabas si Miyanna sa kabilang bahay, nandito kami ngayon sa Veranda sa 2nd floor, up and down kasi parehas ang bahay ko at ang bahay na nabili ni Miyanna kaya madali lang talaga syang matanaw mula dito kung nasa may garden sya.
Sabay sabay silang napatingin sakanya pero hindi padin ako umiimik, i just don't feel like talking. "Sya ba talaga yan? Pumayat sya. Madaming attracted sakanya way back in college because she's hot kahit na chubby sya, but look at her now, she became hoter and prettier" I saw Zander and Vince Glared at kevin "Woah, easy lang mga bro. I didn't mean it in a wrong way. I am just stating facts. Si Rivera nga hindi nag react eh"
"I am not in the mood right now, Gusto kong magpahinga. Mas mabuti nadin siguro kung umuwi na muna kayo" tumayo na ako at nagsimula ng maglakad papasok pero natigilan ko ng marinig ko ang sinabi ni Vince
"Mukhang boyfriend nya na yung Engineering na nanliligaw sakanya dati."
"Sa tingin ko nga rin sila na nga," pag sang ayon naman ni Zander, ng tumingin ako sa tinitingnan nila ay nakita kong magkasamang pumasok si Yanna at Si Benjamin sa bahay habang nakaakbay ito sakanya. Naiiling na pumasok nalang ako sa loob. May boyfriend pala sya but she offered to have s*x with me, seems like she didn't changed at all. Still the same old Yanna who keep confusing me
"Pare, Nakakarami ka na ng inom, ah. Ano ba talagang problema?" Zander asked.
"Walang problema."
"Anong wala? Hindi ka naman umiinom tapos bigla kang nagyaya ngayon. Ang tagal na nating magkakaibigan. Ngayon pa ba tayo maglolokohan?" paninita rin ni Vince.
"Yanna. I'm starting to like her."
"Ano?!" Sabay sabay na sambit nila. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko.
"Sigurado ka ba dyan? Dalawang linggo mo palang syang kakilala, and pano si Chloe?"
"I love Chloe. Pero napapasaya ako ni Yanna."
"Mag ingat ka. Ganyan na ganyan din sya dati kay Ortega," pag babanta ni Kevin na ikinakunot ng noo ko.
"Kaya pala parang nag iba ang pakikitungo nilang magkakaibigan sa atin."
"Naramdaman mo rin pala, Pare. Mula nung nakarating sakanila ang balita na nagkaka usap si Ian at si Yanna hindi na nya tayo kimausap," pag sang ayon naman ni Vince kay Zander.
"Yanna is very sweet, may time pa nga na habang on duty kami noon, dahil nakabilad kami sa init dahil na assign kami sa pag traffic, nag hatid ng milktea si Yanna sakanya. Imagine? Nag effort pa sya na ibigay yun kay Ortega, she even wait for him patiently kahit mainit dahil hindi naman pwedeng kunin agad ni Ortega yun ng hindi break time. But suddenly, nagbago ang lahat nung nakilala ka nya. Parang last week nga lang sabay pa silang nag lunch pero bigla nalang daw syang hindi nag paramdam."
"Parang hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko sakanya. Yea she's sweet pero baka naman na misinterpret lang sya. Yung laptop na gamit ko nung isang araw, kanya yon. Hindi man lang sya nag dalawang isip na ipahiram sa akin yun kahit na hindi nya naman alam na kaibigan ko si Ian."
"Are you sure na hindi nya alam, Zan? For sure inalam nya na kung sino ang mga connected kay Ian, Forte nya ang makipag fling kaya wag kang masyado papabulag."
"Hindi mo rin naman sya masyadong kilala, Kev. Marami syang kaibigan sa Department natin, pati nga si Gov. nakasundo nya di ba? Parang masyado naman kasing masamang babae si Yanna base sa kwento mo. It's too much," saway naman ni Vince kay Kevin. Wala akong masabi dahil nalilito nadin ako. Tama naman sila na hindi ko pa sya kilala, but for some reason, pakiramdam ko napaka importante kong tao kapag kausap ko sya
"Look at this kung ayaw nyo maniwala." Lumapit sa akin si Kevin at lumapit naman yung dalawa. "I stalked her sss and ig account. Look at these tag photos, last 2 months may picture siya kasama ng isa sa Varsity Player ng basketball team, naka akbay pa nga sakanya. Picture nila after game, 3 months ago naman nung nag seminar ang mga Business Ad. Student sa Taguig. Eto may Picture sya Sa Venice kasama ng isang lalaki. look, sa bewang nya naka hawak yung lalaki at sa isang picture na pinost is nakatulog si Yanna sa balikat ng lalaki sa bus, so meaning, magkatabi sila, kayo nalang mag stalk para maintindihan nyo din yung side ko."
"Teka lang, may picture din naman itong lalaking ito kasama ng mga kaibigan ni Miyanna, ah. At saka yung varsity player, pati yung mga kaibigan din ni Yanna may picture sa ibang kasama sa basketball team. Baka naman kasi tropa nila yang mga yan. Business Ad student din naman kasi yang mga player na 'yan, eh"
"Tumigil na nga kayo, hindi kayo nakakatulong, eh." Tumayo na ako at iniwan sila. I am a little bit tipsy pero nagawa ko pa rin namang makapasok sa kwarto ko ng hindi natutumba. Kapag week end kasi, umuuwi ako sa bahay, kila Kevin kami uminom at ilang bahay lang naman l ang pagitan kaya hindi naman ako nahirapang makauwi.
Buong araw akong hindi nag chat o nag text man lang kay yanna, Pero wala din akong nakitang message nya nang i check ko ang phone ko and this is very unusual, sa two weeks na mag kausap kami, parati nyang tinatanong kung kamusta ng araw ko, mas madalas ko na nga syang kausap kaysa kay chloe. At namalayan ko nalang na nag oopen up na din ako sakanya, pag nasira ang araw ko, kapag nagka problema ako. Kay Yanna ko nasasabi. Marami na kasing problema si Chloe kaya ayoko ng dumagdag.
Alam ko naman sa sarili ko na mali ito. Kaya nga nung sabay kaming umuwi Kahapon ni Chloe at nag chat si Yanna, I told her na Wala ako sa mood. Na wag nya muna ako guluhin. Kaya siguro until now wala pa syang message. Napabuga nalang ako ng hangin, bigla kasi akong nakonsensya.
I am about to type a message nang mapansin ko ang story nya sa f*******:. She's with someone and the caption is 'Sundate with this Future Engineer' bigla ko tuloy naisip yung sinasabi ni Kevin kanina. Dapat pala talagang hindi ko na sya seryosohin. Baka sa huli ako pa ang maiwang talunan.
"Be cautious, Bro. She looks like a bomb ready to explode anytime, so you better not go near her. It's dangerous," pagbabanta ni Kevin.
"Wow. Coming from you, Pare 'no? Kung magsalita ka parang hindi nyo sya ginago, ah," pabalang na sagot ni Zander tsaka padabog na tumayo at umalis ng hindi man lang ako nilingon.
"Ako na kakausap sakanya." Tumayo na rin si Vince, tinapik nya pa ako sa balikat bago umalis.
"Ganyan sila dahil hindi nila alam ang buong kwento," maya maya ay sabi ni Kevin habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Zander at Vince.
"Sa totoo lang, hindi mo rin alam ang buong kwento. Naiintindihan kong concern ka sakin pero kaya ko na. Nagkamali din naman ako at Nasaktan ko din sya noon. At ayaw ko na ding maulit pa yung nangyare noon kaya wag kang mag alala, wala na din akong balak lumapit pa sakanya," sabi ko tapos ay diretso na akong pumasok sa loob.
Hindi ko din alam kung bakit sa tuwing nakakaharap ko si Yanna ay nagiging irrational ako and i always act up. But one thing is for sure. Wala magandang nangyayare sa tuwing nagkakalapit kami.