Chapter 3

2218 Words
Tinodo na ng dalaga ang mag linis at mag ayos ng bahay kaninang umaga dahil inaasahan niya  na nga ang pagdating ng mga bruha niyang kaibigan, and around six in the afternoon ay nandoon na nga sila at nanggugulo. May dala na rin silang alak at pulutan. "Girl, mukhang bigatin yung kapitbahay mo, ah. Ang gaganda ng mga sasakyan. Lalo na yung big bike niya. Mukhang masarap sakyan," malawak ang ngiting sabi ni Crizel. Napalunok tuloy ng sunod-sunod ang dalaga at saka inisang lagit ang laman ng baso. San Miguel Light lang naman kasi iyon kaya hindi naman ganoon katapang. And besides malakas ang alcohol tolerance niya.  "O, dahan-dahan lang, Sis. Mahaba pa ang oras, 'wag kang sala-ula. kababaeng tao, eh," tumatawa at iiling-iling na saway naman sa kaniya ni Roxanne. Natawa na lang din naman sina Cheryl, Crizel at Grace. "So balik tayo sa kapitbahay mo, Sis. Na-check mo na ba? Wala bang pwedeng target d'yan? Galaw-galaw rin, Sis. Hindi tayo bumabata, tignan mo 'tong tatlo, masayang masaya. Napag iwanan na tayo," biro pa ni Crizel. "Si Rivera ang nakatira sa bahay na 'yan." "Ano?!" Sabay sabay na sambit ng mga ito. Narinig pa nga ni Miyanna na napamura si Crizel at muntik pang naibuga ang ininom. "Bayad na ba itong bahay na ito? Hindi naman ganon kaganda, Sis. Tutulungan kitang maghanap ng iba," biglang sabi ni Cheryl. "It's okay, kalma lang, mga sis, okay na ako. It's been eight years. Wala na lang sa akin ang nangyare." "Are you sure?" tila hindi kombinsidong tanong ni Crizel. "Oo naman, at saka, sa style ko ba namang ito sinong magtatagal 'di ba? Halos lahat ang tingin, eh malandi ako because of the way I talk and the way I dress. High school pa lang kung ano-ano na ang chismiss na kumakalat tungkol sa akin dahil paiba-iba ang lalaking kausap ko. at saka, remember? Bago ako ma-involve kay Rivera, eh may issue na kami ni Ortega dahil lumalabas labas din kami. Sa mata ng lahat, I'm a b***h, I'm a flirt. Ako lang din naman may kagagawan ng kahihiyan ko kaya hindi na big deal sa akin ang nangyare before," pagsisinungaling pa ng dalaga dahil alam niyang maapektuhan din sila pag nalaman nilang hanggang ngayon sariwa pa rin sa ala-ala niya ang lahat. "Sinungaling. Dati wala ka namang paki alam kahit anong sabihin ng iba dahil sabi mo nga, alam mo naman sa sarili mong wala kang ginagawang masama," malungkot na sabi ni Roxanne, napangiti na lang naman siya ng mapait dahil tama naman ito. Masyado na talaga nila siyang kilala kaya wala na siyang maitago sa mga ito. "Napansin ko rin na lumala ka after nang issue sa inyo, sinasadya mong gumawa ng ikaka-issue mo, yung mga pictures mo kasama nila Jeric at ng iba pang mga friends mo na lalaki na naka akbay sayo, pinopost mo pa sa sss. Syempre yung iba. mamimis-interpret 'yon. Lalo na paiba ibang lalaki ang makikita nila sa post mo. I know that some part of you is nagrerebelde dahil iniisip mong 'yon ka sa paningin n'ya. Sa panangin ng lalaking minahal mo ng sobra. Pero you don't need to ruin yourself. At saka wag ka ng mag panggap na ibang tao, kilala ka namin. Hindi ka naman talaga ganyan," sabi naman ni grace. "Sinarili mo yung sakit noon, ni ayaw mong pag usapan. Hindi na rin kami nagtanong dahil ayaw naming magalit ka. Pero alam namin kung gaano kalaki ang naging epekto niya sa'yo," puni ng hinanakit na sambit ni Crizel. Sa kanilang lahat kasi ay ito ang pinaka tutol kay Joshua una pa lang kaya naman naiintindihan niya kung nanggagalaiti sya marinig palang ang pangalan ng binata. "Sa totoo lang, sobrang inis ako sa sarili ko noon, hindi ko matanggap na niloko ako, hindi ko matanggap na nagpaloko ako, na na-inlove at nagtiwala ako sa taong hindi ko lubos na kilala, pero alam nyo kung ano yung mas hindi ko matanggap noon? Hindi ko matanggap na mas better naman talaga sa akin si Chloe, habang ako, balasubas, pasmado ang bunganga at astang lalake, Sya naman, dalagang pilipina, maganda, mabait. Kaya sinong pipili saakin diba? Sinong tatagal sa akin?" "Si Benj paulit-ulit ka nyang pinipili. At nag stay sya kahit hindi mo sya pinipili," maya-maya ay sambit ni Cheryl. "Agree." Nag thumbs up pa si Roxanne. "I second the motion." Pumalakpak pa si Grace. Napatingin na lang naman si Miyanna kay Crizel para abangan ang entry nito. "Kung may authority lang ako, ikinasal ko na kayo," natawa na lang naman ang apat sa naging tugon nito. "Ano ba kayo. Alam nyo namang magkaibigan lang kami 'di ba?" "Magkaibigan kayo dahil pinatigil mo siyang manligaw," madiin na sambit ni Roxanne. "Dahil ayaw kong masira ang friendship namin kapag nakita niyang hindi naman ako worthy sa pagmamahal n'ya." "Ang nega mo, hindi ka naman negra." Umirap pa si Crizel. Pasado alas dyes ng nagdesisyon na umuwi ang mga kaibigan dahil may pasok pa bukas. Mabuti na lang talaga mabait ang mga boss niya at pinayagan siyang mag indefinite leave na lang para makapag isip isip. Originally kasi is nagpasa siya ng resignation pero sabi nila, subukan na lang daw muna mag pahinga. Kaya dapat niya syempreng I-enjoy ang bakasyon para hindi naman masayang. Pagkatapos ligpitin ang kalat ay hinatid na sila ni Miyanna palabas kung saan naghihintay na nga ang mga boyfriends nila. "Hey! What about me? Sinong mag uuwi sa akin? Ayaw ko ng mag third wheel!" kunwari ay reklamo ni Crizel. "Isang baranggay lang ang pagitan niyo ni Yanna. Pwede mong lakarin kaya wag kang maarte. at saka nandito ako, o. Bulag ka ba?" Natawa nalang  sila ng biglang lumitaw galing kung saan ang kuya ni Crizel. "Hindi rin kita napansin, Kuya," singit ni Miyanna kaya inirapan tuloy siya nito. Nagsilapit na rin naman Si John, Si Lee at si Harry "Bakit hindi kayo pumasok, o kumatok man lang? Kanina pa ba kayo rito?" Miyanna asked. "Halos kadarating lang, chineck lang namin mga kalapit bahay mo kung safe," sagot ni Lee, boyfriend ni Cheryl. "Aw. Ang sweet, nakaka touch," Miyanna said with sarcasm. "Chineck namin kung safe sila. Okay naman dahil matataas ang bakod nila. At saka binalaan na rin naming mag-ingat dahil nangangagat ka kapag naingayan," sambit naman ni John. "Ano, Harry? May idadagdag ka pa ba?" Nakataas ang kilay na binalingan niya ito. "Wala naman. Binigay ko lang sakanila number ko, para makapag report agad sila sakali mang nagpasabog ka na ng isang bahay dito." Nagkibit balikat pa ito. Si Harry ay boyfriend ni Roxanne na isa ring pulis kaya parang ito ang una nyang gustong pasabugin. "Alam niyo mga beshy, siguro dapat i-uwi n'yo ng mga jowa niyo. Baka sila ang una kong maging biktima, eh. Baka sila ang ipakain ko sa alaga kong buwaya." "May alaga kang buwaya?" kunot-noong tanong ng kuya ni Crizel "Bibili pa lang." "Sira ulo," iiling-iling na sagot nito. Natawa na lang naman silang lahat. "O s'ya, sige na. Lumarga na kayo. Feel free to visit me kapag my time kayo. Basta dala kayo ng foods, ha. Bye!" "Bye!" Sabay-sabay rin nilang sagot at saka sumakay sa kanya-kanyang sasakyan. Isasara na sana ng dalaga ang gate nang may biglang tumawag sakanya. Bahagya pa nga siyang natigilan ng makita ko kung sino iyon. Isa sa mga kaibigan ni Joshua. "Oh hi, Zander!" bati niya. "Kilala mo pa pala ako." "Of course! Paano kita makakalimutan, Isa ka sa mga K-drama buddy ko before," nginitian niya pa ito. Hindi niya naman gustong idamay ito sa galit niya dahil si Joshua at Kevin lang naman ang may atraso sa kaniya. "Kamusta na? Tinuloy mo din bang mag sundalo?" "Wow. Ang talas ng memory, ah. Naaalala mo pa pala iyon" "Syempre naman 'no, Anyway, Pauwi ka na ba?" "Oo. May hinatid lang ako kay... Ah, sa kaibigan ko," bigla itong nag-iwas ng tingin. "Ganon ba? Ah, yayain sana kita mag coffee muna sa loob ka-" "Nagmamadali siya. Wala s'yang time" nagulat ang dalaga ng bigla nalang sumulpot si Joshua. Ang talim na naman ng mga tingin nito at tulad kahapon ay blangko at malamig pa rin ang ekspresyon sa mukha nito. "Bakit lumabas ka pa? Hindi ka muna dapat masyadong kumikilos." "Hindi bala ang papatay sa akin, Zan. Sige na, umuwi ka na," nginitian pa nito si Zander kaya naman napairap na lang ang dalaga. Marunong naman palang ngumiti ang hudyo pero kapag kaharap ako akala mo pinaglihi sa sama ng loob. Parang ako pa ang may kasalanan sakanya, ah. Ang kapal din talaga ng mukha. "Sige, Mauna na ako, Yanna," nakangiting paalam nito. "Sige, mag ingat ka. Ikamusta mo na lang din ako kay Vince." Tumango ito bilang tugon at saka sumakay sa motor at umalis. Agad siyang tumalikod kaya lang ay hinatak siya paharap muli ng binata. "Amoy alak ka." "So?" "At balak mong magpapasok ng lalaki sa bahay mo kahit nakainom ka?. I heard you a while ago. Yayain mo syang mag coffee di ba?" Miyanna laughed sacasticly saka iwinaglit ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. "Pwede ba, Mister. Mind your own business," nakita kong nag igting ang mga panga nya, at napalunok nalang din ako ng bigla nya akong itinulak paatras kaya tumama yung likod ko sa pader sa tabi ng gate ng bahay ko. Hindi naman ako nasaktan pero napangiwi ako dahil napaka lapit nanaman nya sa akin. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?" "Hindi nga! Sa dinami dami ng nakilala ko sa bar how-" i was dumbfounded ng bigla ko nalang maramdaman ang mga labi nya sa labi ko. Pero ng makabawi ako ay agad kong tinugon ang halik nya. He's kissing me hard and rough, pero wala kong paki alam. Let this game begin! Babawi ako. Babawi ako sa panggagago nya. I kissed him back with the same fervor. And we are both panthing as the kiss ended "wow. You are Good. How come did i forget you? Wanna continue this inside?" I asked seductively as i bit my lower lip. Mas lalo namang nanlisik ang mga mata nya "Sure, let's get inside. You did this so you take care of me" "W-what?" Naguguluhang tanong ko, at imbes na sumagot ay tumingin lang sya sa balikat nyang napisil ko during that mind blowing kiss "you- you're bleeding!" "Hindi pa ba tayo papasok? Baka maubusan ako ng dugo dito" "Wa-wala akong 1st aid kit" Napangiwi si Joshua tsaka ako hinila papasok sa bahay nya "Hi-hindi rin naman ako marunong gumamot ng sugat bakit kailangan mo pa akong isama?" Pilit akong kumakawala pero ayaw nya akong bitawan at wala akong laban sa lakas nya. "Wag ka ng masyadong malikot. Lalong dudugo ang sugat ko" sa sinabi nyang iyon ay natigilan ako at nagpahatak nalang sakanya papasok sa bahay nya. Sa kwarto nya kami dumiretso, at Pagkalabas nya ng 1st aid kit nya ay agad nyang tinanggal ang damit nya kaya naman napaiwas ako ng tingin. Hindi nya ako ininform na may strip show palang magaganap eh "Yanna. Saan ka nakatingin? Don't tell me ngayon ka lang makakakita ng katawan ng lalaki?" "Of course not! I've been in-" "Oo na, oo na. Masyado ka nanamang defensive. Come closer. Help me disinfect it first" Pagharap ko sa kanya ay tumambad agad saakin ang matipong dibdib nya, napakagat nalang din ako ulit ng labi ng bumaba sa abs nya ang paningin ko "eyes up miss. Nasa balikat ang sugat ko" saway nya sa akin pero ayaw ko syang pakinggan. I'm enjoying the view eh bakit ba. "This is deep" Naramdaman kong nanigas ang katawan nya ng dumampi ang kamay ko sa pilat sa may puson nya kaya naman lihim akong napangisi, "Where did you get this?" Tanong ko tsaka hinaplos haplos iyon. Agad naman nyang tinapik ang kamay ko "Stop teasing me Yanna" "Stop calling me Yanna, hindi tayo close" "Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Biglang nag init ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay gusto nya talagang maalala ko sya at ang ginawa nya habang buhay. "Who would forget you Ian Joshua? Ano okay na? Pwede na ba akong umuwi?" Padabog akong tumayo, aalis na sana ako ng may bigla akong maalala "anyways. You're a Good Kisser. My house is just an inch away, Just knock if you wanna have s*x with me. But if it is not about s*x, better not show up in front of me" blangko nanaman ang expression sa mukha nya. Kaya ibang tao na ang tingin ko sakanya ngayon, dahil hindi naman sya ganan noong una ko syang nakilala, he used to be the most gentle and the sweetest man i've ever met. Yun ang pinakilala nya saakin na pagkatao nya noon. Hindi man lang ako nag duda, too good to be true nga naman kasi. Hindi naman na sya sumagot kaya nginisian ko nalang sya bago ako umalis. Pag pasok ko sa bahay ay hindi na ako umabot sa kwarto ko, my knees are trembling kaya naman napaupo agad ako pagsara ko palang ng pinto. I held my breath for so long dahil ayokong ipakitang mahina ako para hindi nya na ako biktimahin. "But i am so dead once he show up and ask me for a s*x" inis na nasabunutan ko nalang ng sarili ko. Madalas talaga kasi akong gumawa ng bagay ng hindi nag iisip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD