Chapter 2

1706 Words
"Hoy, Bruha! Spacing out again? Nakikinig ka pa ba?" kunot-noong tanong ni Crizel. "Masakit kasi ang ulo ko, eh. Sinumpong bigla ang migrane ko, Sis. Sa init siguro ng byahe. Punta nalang kayo sa bahay ko bukas. Promise, ipagluluto ko kayo," pagdadahilan naman ni Yanna. Nasira na kasi talaga ang araw nya. "Sabagay, may date rin kami ni Lee ngayon kaya kailangan ko ring umalis ng maaga," sambit naman ni Cheryl. "Kami din ni Harry" segunda naman ni Roxanne. "Kami din ni John. Alam n'yo naman kapag holiday. Dapat bebe time," maharot na sabi naman ni Grace. Sabay namang nagpakawala ng napakalalim na buntong hininga sina Yanna at Crizel. "Sana all," sabay ring turan ng dalawa. Tumawa lang naman ang tatlong bruha. Maya-maya lang din ay nauna na s'yang magpaalam. Susunduin naman daw kasi sila ng mga boyfriend nila. S'ya naman ay kailangan pang maglinis at magayos ng gamit. She bought a house in Aguso, Tarlac. Wala naman s'yang kakilala roon kaya sigurado s'yang magiging tahimik ang buhay n'ya. Lalo na at malayo sa mga mata ng mapanghusga n'yang kamag-anak na parang palagi nalang s'yang hinihintay na magkamali para mayroon silang mapagusapan. Mula pa ng bata s'ya ay malayo ba talaga ang loob n'ya sa mga kamag-anak nila. Mismong pinsan n'ya nga ay gumagawa pa ng kwento para lang masiraan s'ya. Nang makarating naman s'ya sa bahay ay nauna n'yang napagdiskitahang usisain ang garden. Abala sya sa pakikipagbuno sa mga mumunting d**o roon nang maramdaman n'yang parang may nakatingin sakaniya. She looked around. Nang dumako ang pa paningin n'ya sa may gate ay talaga namamg napasinghap s'ya ng malakas! She is very shocked! There is a man in uniform standing so firm and proud sa labas ng gate ng bahay n'ya. Sinundan ba ako ng ungas na 'to? Nang makabawi sya sa pagkabigla ay mabilis s'yang naglakad palapit sa may gate habang may malawak ba ngiti sa mga labi. "Yes? Do you need anything, Sir?" she asked in a very formal tone pagkalabas niya sa gate. "I live there." Itinuro nito ang bahay na katabi lang naman ng bahay n'ya. "Wow! Small world lang talaga 'no, Sir? Kanina hinahabol mo lang ako, ngayon kapit bahay mo pa pala ako." biro nya pa ngunit nanatili pa rin ang pagkakakunot ng noo nito. He changed. Kahit hindi ito madaldal dati ay hindi rin naman ito mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Pakiramdam tuloy ng dalaga ay ang layo na nito mula sa pagkakakilala n'ya dito noon. Bakit? Nakilala mo nga ba talaga s'ya noon? O lahat ng ipinakita niya sa'yo ay parte lang ng pagpapanggap niya? Napangiwi na lang siya nang dahil sa naisip. "Anyway! I am Miyanna Candela. Your friendly neighborhood," biro niya pa ulit ngunit nanatili itong walang imik. Nakaramdam tuloy sya ng hiya, "sorry sa kadaldalan ko---" Natigilan s'ya. O mas tamang sabihin na literal na tila tumigil ang mundo ng dalaga when he suddenly pulled her closer and put his arms around her waist. Nauntog pa sya sa matipuno at matigas nitong dibdib dahil sa lakas ng pagkakahatak nito sakanya. Ano ba namang katawan ito! Bakit ba naaapektuhan pa sa dyablo! "What are you wearing?" malamig na tanong nito. Napairap nalang tuloy ang dalaga. "And what do you think you're doing, Sir? This is too close. Pwede kitang kasuhan ng s****l harassment right?"   Matapang na sinalubong n'ya ang tingin nito. Hindi naman nagpatinag ang binata. Sa halip ay mas lalo pa sya nitong hinapit kaya naman mas lalong nagdikit ang kanilang mga katawan. Nang maramdaman nya ang init ng balat nito sakanya at tuluyan ng nagwawala ang mga hormones nya. Muli ay napatingin sya sa mapad nitong dibdib. At tila ba may sariling buhay ang kamay n'ya dahil bigla nalang iyong umangat at marahang dinama ang dibdib ng binata. "That's s****l harassment too." "No. Self-defense ang tawag dito. You can also touch mine if you want?" panunukso pa ni Yanna dito. "Ano naman ang mahahawakan ko dyan?" nakataas ang kilay na tugon naman nito. Napairap na lang tuloy siya. "Baka pwede mo na akong bitawan, Sir? Ganyan ka ba sa lahat ng babaeng nakikita mo? Sunggab ka ng sunggab? Aso ka ba?" "Stop pretending that you don't know me. Dahil impossibleng makalimutan mo ako." Yanna wanted to smack his face right now. Ang kapal naman yata ng mukha nito na sabihin iyon? Malamang! Sinong babae ang makakalimot sa isa sa mga pinaka masakit na pangyayare sa buhay nila? "I tend to forget people who's not worth remembering," she said seductively as she put her arms around his neck. "anyway, are you one of those guy na nakilala ko sa bar?" She leaned closer. "Gusto mo ba na maulit ang kung ano mang nangyare sa atin noon kaya mo ako nilalapitan ngayon?" She is caught off guard ng hawakan nito ang baba nya at bahagyang iangat. Dumukwang pa ito kaya naman isang dangkal na lang yata ang pagitan ng mga labi nila. Nasa gilid sila ng hi-way for goodness sake! It's not as if they are filming a movie. "Hindi na mauulit ang kung ano mang nangyare sa atin noon, Miyanna. I am not that stupid to commit the same mistake ever again," anito tsaka sya tuluyang pinakawalan at iwan. "You are so impossible, Ian Joshua!" gigil na sambit pa ng dalaga habang nakatingin sa saradong gate ng bahay na pinasulan nito. Kasasara n'ya palang ng gate ng bigla nalang may isang magarang sasakyan na huminto sa harapan ng bahay nya. "Benj!" muli s'yang lumabas at agad na sinalubong ang binata, "wow! Sedan car! 2020 Toyota Camry. This cool!" manghang sambit ng dalaga tsaka hinaplos ang kotse "So rude. Mukhang mas masaya ka pang makita ang kotse kaysa sa akin ah. Buti pa ang sasakyan pinuri mo," kunwari ay nagtatampong turan ng binata. "Pinupuri naman kita almost everyday kapag ka-chat kita. Dika pa ba nauumay?" biro naman ng dalaga na ikinatawa ng huli. "Nakakatampo, eh. May pahaplos ka pa dyan sa kotse. How about me? Hindi mo ba ako na-miss? Where's my hug?" he asked sweetly. Ibinuka pa nito ang kamay. Inviting her so hug him, so she did. "I've missed you, Mimi," he murmured as he gave her a soft kiss on the forehead. "Me too," she replied. "I have a gift for you." "Your presence is already enough, Benj. Why bother spoiling me with gifts?" Bumitaw na ito mula sa pagkakayakap sakaniya tsaka inipit ang mukha n'ya gamit ang dalawang palad nito. "Wag mo akong utuhin, Mimi." He let go her face pero ang buhok niya naman ang sunod na pinag-tripan nitong gulohin. Sabay pa silang napalingon sa kotse ng bigla nalang may tumahol mula roon. "Seems like he's excited to meet you." Napayakap na lang sya ulit kay Benjamin dahil sa sobrang tuwa. "I know you really wanted to buy a Shi tzu, kaya inunahan na kita." Binuksan nito ang kotse tsaka kinuha ang napaka-cute na aso at ibinigay sakanya. "Tara na sa loob! I'll make you a dinner," anyaya nya naman dito. "Akala ko 'di mo na ako yayayain, eh," tumatawang biro naman nito sakanya. ------- "Si Yanna ba 'yung nakita ko sa labas? S'ya ang nakabili ng bahay sa kabila? Nakita mo ba 'yung kasama n'yang lalaki? Iyon yung Engineering student na nanliligaw sakaniya dati 'di ba? Sila na kaya?" sunod-sunod na tanong ni Zander. "Ask her yourself. Baka sakaling ikaw makilala niya." "Ha? Ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong nito. "Hindi n'ya na ako kilala." "Sigurado ka?" "The way she approached me a while ago, parang wala na talaga siyang naaalala. Dahil kung meron, sana galit sya, at malamang di n'ya ako lalapitan, nakalimutan mo na ba? Ni anino ng kahit na sinong Criminology noon ayaw nyang makita?" Ngayon ang baccalaureate mass ng mga graduating student sa TSU Gymnasium. At syempre as usual, Silang mga Criminology intern ang incharge sa pagbabantay at pag aassist sa mga kapwa nika studyante. "Ian! Sabay tayo mag lunch mamaya after mass okay?" anyaya ni chloe sakanya bago magpunta sa designated area ng College of Education. Ni hindi man lang nga nito hinantay ang sagot nya. Napailing nalang tuloy ang binata. Ganoon kasi palagi ito. Gusto nitong s'ya ang palaging nasusunod. "Hi, Yanny!" narinig niyang sabi ni Ariel kaya napatingin siya agad sa entrance. Napatingin din naman si Yanna sa lugar n'ya. "Let's go guys, ang daming asong ulol na nag kalat. Kailangan nating mag ingat," she said sarcastically. Nagtawanan naman ang mga kasama nito. Lahat ng classmate ni Joshua na nakarinig sa sinabi ni Yanna ay nakatingin sa kaniya. "Hindi ko masisisi si Yanna. Ikaw ba naman lokohin eh. Kinunsinti pa ng mga tropa niya," sambit ng isa sa mga classmate niya. "Akala ko pa naman napaka tino n'ya. Kilala ko si Yanna dahil kaibihan s'ya ni Karl. Mukha lang s'yang mataray pero mabait s'ya. Hindi nya deserve ng asong ulol," inis na sabi din ni Karen, Ang Vice Governor ng Criminology Department. Classmate n'ya rin ito at pinsan ni Karl. "Bakit ba kasi hindi ka man lang nagpaliwanag noon?" "Anong sasabihin ko? Sorry? 'Di ko sinasadya? Diko sinasadyang maging sweet sayo kahit may nililigawan ako? Hindi ko sinasadyang noong unang chinat n'ya ako ay kasama ko si Kevin at s'ya yung pinakanta ko para ma impress s'ya? Sorry kung hinayaan ko muna si Kevin na mag panggap na ako at mag usap muna sila dahil dumating si Chloe?" "So 'yan pala ang nangyare. Pare, paano n'yo nagawa 'yon? Yanna is a good person. Kahit na noong hindi nya pa ako na-meet personally noon, nag-chat lang sakanya para humingi ng pabor ay tinulungan n'ya ako agad ng walang pagaalinlangan. Hindi ko talaga maintindihan kung paanong nangyare ang lahat. Bakit ka nagpa-impluwensya kay Kevin?" Hindi nakasagot si Joshua because he's guilty as f*ck. At nang walang makuhang sagot mula sakaniya si Zander ay inis na umalis ito. Si Zander at Vince ang napalapit kay Miyanna noon kaya naman 'di niya masisisi ang kaibigan kung magagalit man ito sakaniya. He deserves all the hate dahil napakagago niya naman talaga sa part na hindi na s'ya nag-isip kung may masasaktan man dahil lang nag-focus lang s'ya sa part na masaya s'yang kasama si Yanna. He didn't even consider the possible consequence of his reckless decisions.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD