Chapter 1

3898 Words
"Yanna! Nasaan ka na?! Nandito na kami sa room kanina pa!" singhal sakanya ng kaibigang si grace sa kabilang linya. Nailayo pa nga ng dalaga sa tenga ang cellphone dahil halos mabingi siya sa lakas ng boses nito. Mukhang wala na naman sa mood ang kaibigan niyang maldita. "O eto na, pababa na ng jeep. Kalma lang, Sis," tumatawang sagot niya. "Nakuha mo pa talagang tumawa? Sige, kapag ikaw na-late na naman at hindi pinapasok, ewan ko na lang talaga." Hindi na siya nakasagot pa dahil busy tone na ang sunod niyang narinig sa kabilang linya. Napabusangot pa si Yanna nang makita ang haba ng pila sa may gate. Nagche-check kasi ng bag ang mga Criminology intern. Kaya minsan isa din iyon sa reason ng mga nala-late, eh. Cause of delay nga naman kasi. It's not as if magdadala sila ng bomba sa school. She is, Miyanna Candela, 20 years old from Tarlac, taking up Bachelor of Science in Business Administration, major in Financial Management at Tarlac State University. She is currently in her senior year kaya naman ibang level of pressure na ang nararamdaman nya. Hello, real world na talaga siya after a few months. She wonder kung magkaka- lovelife pa ba siya no'n kung busy na siya sa career niya. But, whatever! Naniniwala naman siya na kung para sakaniya, para kaniya talaga. So antay-antay lang siguro ng kaunti. In God's perfect time, makikilala niya din si The One. Simple lang ang pamumuhay nilang pamilya. Her mother manages a small canteen, habang ang ama naman ay construction worker. Siya ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid. Kaya naman ipina-panalangin niyang makahanap siya agad ng trabaho pagka-graduate upang makatulong na sa kaniyang mga magulang. Nag simula na ring masira ang mood niya dahil nabilad na siya sa init ng araw. Long sleeve pa naman ang suot niyang uniform. Nang sawakas ay makapasok na, huminto muna siya sandali sa pathway para ayusin ang gamit na pinag-tutusok ni kuyang criminology. Abala siya sa pag-aayos ng gamit nang bigla na lamang may mahagip ang kaniyang paningin. There's a man in uniform who's standing so firm and proud sa may gilid, malapit sa gate. Fitted ang suot nitong pang itaas na uniform kaya naman bakat mula roon ang malapad at matipuno nitong dibdib. He is holding a stick, wearing a cap and eyeglases. Super attracted pa naman siya sa mga lalaking naka salamin. Hindi niya tuloy napigilan ang sariling titigan ito. Kung hindi pa siguro tumunog ang cellphone niya ay hindi niya na namalayang natameme na pala siya. "Eto na, naglalakad na sa pathway," malumanay na sambit niya pa bago binabaan ang caller na syempre! Walang iba kung hindi ang napaka bait nyang frenny na si Grace. "Hoy! Gaano na ba kalayo ang pathway at ngayon ka lang nakarating?" Tumaas pa ang kilay ng kaibigang si Crizel. "Siguro may nakita ka na namang kaaya-ayang tanawin sa labas ano?" "Hindi lang kaaya-aya, kaakit-akit pa," sambit ng dalaga, bakas sa mukha nito ang kilig at hindi rin mapuknat ang malawak na ngiti nito sa labi. "I need to know his name, gals." Sabay-sabay na napatingin sakanya ang apat na kaibigan with their eyes and mouth widely open dahil sa kanyang tinuran. "At paano naman?" Roxanne asked. Yanna smirked. "I have lots of sources, Girl." Kumindat pa siya sa mga ito. "Sabagay, knowing you. Kapag gusto mo nagagawan mo agad ng paraan," medyo sarcastic na sabi naman ni Cheryl. Hindi na nagsayang pa ng oras si Miyanna. Agad siyang nag-chat sa kakilala nyang Criminilogy student at wala pa ngang limang minuto ay nakuha niya na agad ang sagot. "I got it!" tuwang-tuwa na sambit nito, "Come closer mga beshy. Stalk natin ang f******k niya to check kung may girlfriend ba. The name is---" "Excuse me miss, nakikinig ka ba?" He snapped his finger at iyon ang nagpabalik sa diwa niyang naglakbay na pala sa nakaraan. Nakaraan na hindi na dapat pang balikan. "I'm sorry. I suddenly had a headache." Pumikit pa ang dalaga at kunwaring hinimas ang sentido. "So you were saying?" aniya ng muling mag-angat ng tingin. Napansin ni Yanna ang bahagyang pag-ngiwi nito na tila ba naiirita sakaniya kaya naman dali-dali siyang bumaba para harapin ito. Bakit nga ba siya maiilang? Sino ba ito? "Ma'am uulitin ko po. Nakatanggap po kasi kami ng tawag kanina at inireport po ang plate number ng sasakyan niyo---" "What?! I did nothing wrong!" "Ayon sa---" Natigilan itong muli nang may isa pang mobil ang huminto sa tapat nila. Muntik pa ngang mapamura si Yanna nang bumaba mula roon si Jerwin  Kung minamalas ka nga naman. Maging si Jerwin ay bahagya ring natigilan nang dumako ang tingin kay Yanna. Ilang beses pang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa bago tuluyang lumapit. "Ma'am, first of all, I wanted to apologize for the inconvenience dahil mali po ang plate number na nai-report sa amin," sabi nito. Napapikit pa si Yanna upang pigilan ang sarili ng pumalatak. Sa dinami-dami ba naman kasi ng sasakyang dumadaan doon ay talagang ang plate number niya pa ang nai-report? She really wanted to cuss right now. "And second, It's nice seeing you again, Yanna." He smiled. "Ya. I didn't expect na mag-kikita tayo sa ganitong sitwasyon at pagkakataon, Jerwin," nginitian niya rin ito. Nang tumingin siya kay Joshua ay napairap siya. Nanatili kasing blangko ang ekspresyon sa mukha nito na animo'y hindi talaga siya kilala. "Anyway, may lakad pa kasi ako. Kung okay na tayo at mukhang wala ng problema baka pwede na akong umalis?" "Naku, Ma'am, pasensya na po talaga sa abala," kakamot-kamot pa sa ulong sabi ni Jerwin. "Pasensya na po, Ma'am," segunda namin ni Joshua "It's fine," pormal na lang namang sagot ni Yanna bago sumakay sa kotse at umalis. -------- "SPO3 Ian Joshua Rivera, what was that?" Kunot-noong tanong ni SPO4 Jerwin Ortega sakaniya. Classmate niya ito noong college at dating manliligaw naman ni Miyanna. "Sorry, Sir. Sisiguraduhin ko pong hindi na mauulit." "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." He put his two arms inside his pocket at saka tumingin sa direksyong pinuntahan ng sasakyan ni Yanna. "You don't seem to know each other a while ago. Don't tell me, hindi mo nakilala ang babaeng nasa harap mo kanina?" "Rivera," tawag kay Joshua ng ojt partner niyang si Ariel Soria. "O, Buddy, Bakit?" "Iyong kaibigan ko kase. Itinanong ang pangalan mo. Sa tingin ko ia-add ka niya sa sss. Miyanna Candela, Business Ad. student, Graduating." Tiningnan niya ng masama ang mga kaibigan ng bigla na lang nag-ingay ang mga ito dahil sa narinig. "Miyana Candela? 'Yong medyo chubby ba 'yon na blonde hair? Iyong Ojt sa City Hall?" tanong ni Kevin. Nabaling tuloy rito ang atensyon ng lahat. "Oo. Paano mo nalaman?" nag-tatakang tanong naman ni Soria. "Ah, kase nakikita ko silang nag-uusap at nag-babatian ni Karl pag nag-kakasalubong sila." Doon ay natigilan si Joshua. Karl Galicia? The elusive college governor of the Criminology Department? May pagka mailap ito sa babae dahil ayaw na ayaw nitong nai-issue. Paano ito magiging close sa isang Business Administration student? Nang umalis si Soria ay siya naman ang pinutakte ng mga kaibigan. "Bro, akin na cellphone mo." "Ano na namang binabalak mo, Vince Arania?" tanong ni Joshua na may halong pagbabanta sa tinig. "Gusto ko din kasing makilala iyong Miyanna. Gusto kong malaman kung bakit siya kinakausap ni Gov." "Nililigawan kasi siya ni Ortega," sagot naman ni Kevin. Si Jerwin Ortega ay kasama din sa Student council at bestfriend naman ni Karl. "Talaga ba? Bakit? Maganda ba siya?" sunod-sunod namang tanong ni Zander. Ngunit sa halip na sumagot ay basta na lamang kinuha ni Kevin ang cellphone niya. Ngumisi ito. "Nag Friend Request nga siya sayo, Rivera." Agad namang lumapit si Zander at Vince kay Kevin para makiusyoso. "Kilala ko 'to ah! I mean, Nakita ko na siya. Nakita ko siyang kausap ni Sir Carlos no'ng enrollment," sabi naman ni Zander 'Kanina si Karl. And now Sir Carlos? Who is that girl?' anang binata sa isipan. Maging si Joshua ay curious na rin. Kung si Karl kasi ay ilag sa mga babae. Kabaliktaran naman nito ang Prof. na tinutukoy ni Zander. Kilala itong babaero. Tumayo si Joshua at saka hinablot ang cellphone mula kay Kevin. "Mauna na ako. May aasikasuhin pa kasi ako, eh." Sa kanilang apat na mag-kakaibigan, Silang dalawa ni Zander ang magkasama sa isang post. Si Vince naman at Kevin ay magkasama rin. Nahati Sa Apat na grupo ang lahat ng Criminology intern: Ang isang grupo ay nasa BJMP (Bureau of Jail Management and Penology), ang isa ay nasa BFP (Bureau of fire protection) ang isa ay nasa PNP (Philippine National Police), at ang isa ay sa TSU. Every month ang rotation ng apat ng post. He look at his phone to check the time at bahagya pa syang natigilan nang sa halip na orasan ay mukha ng isang babae ang bumungad sakanya. "Miyana Candela," he whispered unconsciously. - "What now?" usisa pa ni Jerwin "Miyana Candela. Who would forget her?" matigas namang sagot ni Joshua. *** "Finally! Akala namin bukas ka pa makakarating," tudyo ni Crizel. "Akala ko rin eh," sarkastikong tugon naman niya bago umupo. Nang dumating na ang kanilang orders ay agad nilang nilantakan iyon. Ngunit mas madami pa yata ang kuda ng mga ito kaysa sa nguya. Samantala, hindi siya makapag-concentrate na makinig sa kwento ng mga ito dahil hindi niya makalimutan ang itsura ni Joshua kanina. So cold. Just like the last time they talked to each other. "Tatlong linggo pa lang kayong mag-kakilala 'di ba? Isn't it too sudden? Masyado ka na yatang attached. Baka mamaya problema lang ibigay n'ya sa'yo, ha," said Jeric. She frowned. "Jeric naman, eh. Tamang duda ka pa r'yan. Ano ka ba! Lagi ko siyang kasama. Kilala na nga rin ako ng mga friend niya. He's very sweet. Lagi niya akong nire-remind na mag ingat, chat me good-mornings and good-nights, at saka pag on duty s'ya iniiwan niya sakin yung phone niya. So I think wala siyang tinatago sa akin." Nagkibit-balikat nalang naman ito. Nag-lalakad na sila pabalik sa TSU para sa night class n'ya nang mahagip ng paningin ang dalawang taong nakatayo 'di kalayuan habang nag-aabang ng masasakyan "J-Joshua," wala sa sariling bulong ng dalaga. The view is actually tearing her heart pero hindi niya maalis ang tingin sa binata at sa kasama nito. The girl is holding a flower habang may kinukuha sa loob ng bag ni Joshua. Sinadya pa ni Yanna na dumaan sa harap ng mga ito. Halos manginig pa ang buong katawan niya sa galit at gulat nang mag-iwas ng tingin ang binata noong nagtama ang mga mata nila pagkatapos ay mabilis na inakay palayo ang babae. Pero ano nga ba ang karapatan niyang magalit?  "Yanny, are you okay? You look pale." "Sumama bigla ang pakiramdam ko, Je. Uuwi nalang ako." "Hatid na kita," Nag-aalalang sambit pa ng kaibigan. "Hindi na, Kaya ko pa naman. Pakisabi nalang kanila Cheryl na nauna na ako," bilin niya. While on her way home, naisipan n'ya muling kalkalim ang sss posts and photos ni Joshua. Last time kasi ay tinignan niya lang ang relationship status nito. Hindi naman siya nabigo. Meron ngang pictures ang mga ito na magkasama. Mukhang matagal ng magkakilala ang dalawa dahil ang ibang larawan nila ay kuha pa noong high school sila. She clicked the name of the girl in the tag photos at talaga namang nabigla si Yanna ng makita na nag Friend-request pala ito sakaniya. Wala naman siyang nakitang post na makakapag-sabing in a relationship ang dalawa pero nakaramdam siya ng kaba at lungkot ng makitang tungkol sa side-chic o mga kabit ang nasa shared post ng babae. Nang makarating sya sa bahay ay agad na syang dumiretso sa kwarto at doon nagmukmuk. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat maramdaman. Hindi niya alam kung pwede niya ba itong sumbatan. Dahil hindi niya rin naman alam kung ano nga ba siya sa buhay ni Joshua. "Bakit kailangan niya pa akong replyan at i-chat kung meron na palang iba? Bakit kailangan niya pang maging sweet?" may hinanakit na sambit pa niya habang nakatitig sa kisame. Oo, s'ya ang unang gumawa ng paraan para mapansin nito. Pero sana man lang ay umiwas na lamang ito kung mayroon na palang babae sa buhay nito. Masyado lang ba s'yang naging assuming? Ang daming tanong ang gumugulo sa utak n'ya sa ngayon ngunit nakatulugan n'ya na lamang dahil sa sobrang sama ng loob. Sinadya ni Yanna na pumasok ng maaga para hindi sila magkita ni Joshua. Sa treasury kasi ang OJT niya which is nasa 3rd floor ng City Hall, habang si Joshua naman ay naka-assign ngayon sa PNP na nasa 1st floor naman.  "Bebs, ang tahimik mo buong araw, ah," puna sakanya ni Cheryl habang nag aayos sila ng gamit dahil pauwi na sila. "Masakit puson ko bebs," palusot niya naman. Mabilis ang mga hakbang ni Yanna upang maiwasan si Joshua. Kulang na nga lang ay tumakbo na siya palabas ng building pagkarating niya sa first floor. "Yanna," maya-maya ay malakas na tawag nito sa pangalan niya. Sinasabi na nga ba niya at mahihirapan siyang umiwas dito ng ganoong oras. Nagbingi-bingihan na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi rin inasahan ni Yanna na tatawagan siyang muli nito. At sa pagkakataong iyon ay mas malakas pa ang pagtawag sakanya ni Joshua. Napalingon siya sa paligid at nakita niyang nakatingin na sakaniya ang ilan sa mga kasamahan nitong intern pati narin ang mga pulis na naroon. Nakaramdam siya bigla ng hiya kaya naman napilitan nalang siyang harapan ito. "Ow, Hi!" she said as she gave him a fake smile. Agad namang lumapit ito sakaniya. "Iniiwasan mo ba ako?" tila may hinanakit na sambit nito, "hindi ka din nag-reply sa chat ko kagabi, hindi ka rin bumaba kaninang lunch. May problema ba tayo?" "Tayo? Baliw ka ba? Wala namang tayo." She laughed mockingly. "Ah, excuse me lang. Iwan na muna namin kayo," maya-maya ay paalam ni Cheryl. Tinanguan niya naman ito. "Miyanna---" "I have to go. Baka magalit pa ang girlfriend mo," she said bitterly. Gusto na tuloy niyang sapakin ang sarili dahil hindi niya talaga maiwasang hindi maging sarcastic. "Wala nga akong girlfriend." "Sino iyong kahapon?" She raised an eyebrow "Wala lang 'yon. Kaibigan ko lang. Sumabay lang naman syang umuwi kahapon," malumanay na paliwanag naman ni Joshua "Bakit hindi mo ako pinansin?" pagtataray pa niya. Ayaw nya namang bumigay kaagad no! "May kasama kang lalaki, eh. Malay ko ba kung boyfriend mo 'yon." The moment Joshua pouted his lips ay hindi na napigilan ni Yanna ang sarili. Napangiti na lang siya sa cuteness nito. Marupok na kung marupok. Inlove siya, eh. "So ano? Bati na tayo?" She shrugged. "Anyway, In-add pala ako sa sss nang babaeng kasama mo kahapon," napansin ni Yanna na bahagyang natigilan ito. "Huwag na natin siyang pag usapan. Baka mamaya uminit na naman ulo mo. Halika na, ihahatid na kita sa sakayan," pagiiba nito sa usapan. - After that day, Joshua became sweeter. Videocall almost everynight, sinusundo pa sya nito sa office para sabay silang kumain ng lunch. Pero napansin din ng dalaga na hindi na nito pinapahawak ang cellphone sakaniya. Lately, marami syang nakikitang hint na nagbibigay sakanya ng idea na may something talaga kay Joshua at sa babaeng iyon na ayon dito ay kaibigan niya lang. Kanina kasing umaga ay nakita niyang may nag-comment sa picture ng Chloe na 'yon at kaparehas ng apelido ni Joshua. Hindi n'ya pa nakikilala ang parents nito kaya hindi sya sigurado kung kaano-ano nito ang nag comment. "Hoy, Beshy! Ang tahimik mo na naman ah. Bakit mukhang wala ka sa mood today?" puna sakaniya ng kaibigang si Roxanne. Kasalukuyan silang naglu-lunch ngayon sa may canteen at napansin nitong hindi pa niya nagagalaw ang pagkain. "Busog pa kasi ako." Maya-maya lang din naman ay bigla nalang nabulunan ang kaibigan. Mabilis namang tumayo si Joshua upang kumuha ng tubig. She heaved a sigh. What if na-misinterpret niya lang ang pagiging sweet at caring ni Joshua? Baka mamaya ay tulad nang sa Chloe na iyon ay kaibigan lang pala ang tingin nito sakaniya. Sa dalawang buwan nilang ganoon, hindi pa rin malinaw sakanya kung ano ba talaga ang real score between them. Business Administration student sya pero hindi nya in-apply sa sitwasyon nya ang basic rule sa accounting na 'Never assume unless otherwise stated' Next week ay sa BFP na ang duty nito. Malayo iyon mula sa school kaya malamang ay hindi niya na ito madalas na makakasama. "Huwag mo sabihing nagselos ka? Gusto mo kuhaan din kita ng tubig?" biro pa nito ng mapansin ang pananahimik niya. Inirapan niya lang naman ito. "Naku, may LQ! Yari ka Rivera. Mainit ulo ni madam!" panunukso naman ng isa sa mga kasama nitong intern na naroon din. "Anong LQ? Hindi naman ako ang girlfriend niya. Educ. ang jowa niya 'di ba?" Napansin nyang natigilan ang mga ito. Nagtinginan pa nga ang iba. Siguro nga ay may itinatago talaga sakanya si Joshua. Kung sabagay, siya lang naman itong tanga na madaling bumigay kapag sinuyo. Mabilis siyang tumayo para sana umalis na ngunit mabilis ding nahawakan ni Joshua ang kamay niya para pigilan siya. "Magaling ako mag masahe ng kamay," nakagiting sabi nito tsaka sinimulang pisil pisilin kanyang palad. She doesn't want to make a scene there dahil madaming studyante ang naroon kaya naman mabilis na hinigit nya nalang ang kamay mula rito. Baka kasi kapag nagtagal pa aya roon ay kung ano pang masabi nya. Nang tumingala ito para salubungin ang tingin nya ay kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito kaya mabilis siyang nag iwas ng tingin. "I am not in the mood right now. Doon ka na sa girlfriend mo. I don't really care," she said coldly without looking at him. "Yanna." "O bakit? Girlfriend mo naman 'yon 'di ba?" sambit niya. Matapang na sinalubong pa ng dalaga ang tingin ni Joshua. "Hindi ko nga siya girlfriend," mahinahong sagot naman nito. "Hindi mo rin naman ako girlfriend," her voice cracked as she said that. Mabilis niyang tinalikuran ito at walang lingon-likod na lumabas sa canteen. Ni hindi na nga nya naalalang kasama niya pala si Roxanne. *** It's been almost a month na din after the incident sa canteen. Nalipat na nga siya sa BFP at wala na nga kaming time na magkita dahil parehas na busy at malayo talaga. She must admit na namimiss niya ito dahil nasanay na din siyang parati itong kasama. Nagkaka-chat pa din naman silang dalawa, kaya lang ay hindi na kasing dalas noong una. Mahigpit daw kasi sila doon sa BFP at 3:00 a.m ang call time nila doon kaya maaga itong nakakatulog dahil na din sa pagod at puyat. - Intramurals ngayon kaya naman walang duty ang mga Criminology Intern. Naghahanda na si Joshua paalis sa bahay nila ng bigla nalang dumating si Chloe. "Ba-bakit ka nandito?" nauutal na tanong ni Joshua. Nagulat kasi ito sa biglang pag sulpot ng dalaga "Nagpa-schedule na kasi ako kahapon sa Admin for Graduation pictorial. Syempre, gusto ko na kasama ka sa ilang shots ko." "You don't like me, posting our pictures together 'di ba?" kunot-noong sambit naman ng binata. Ayaw daw kasi ng dalaga na ma-issue sila kaya ayaw nitong mag post siya ni picture nilang magkasama. Ano kaya ang trip nito ngayon at bakit bigla nalang siyang isasama sa photoshoot? Nagkibit balikat pa si Chloe bago sumagot. "It's about time na rin naman for us to make it official." "Ha?" "Yes, Ian. Sinasagot na kita." Samantala, si Yanna naman ay kanina pa paikot-ikot sa campus. Dead-battery na kasi ang phone niya. Hindi niya pa naman natatanong kung nasaang lupalop ba ang mga kaibigan. Biglang nanghina ang mga tuhod ni Yanna nang sa halip na ang mga kaibigan ay si Joshua ang nahanap niya. Kasama nito ang babaeng paulit-ulit nitong sinasabing kaibigan lang. Napalingon sa gawi niya ang babae. Kumapit pa ito sa braso ni Joshua tsaka siya nginisian. She composed herself at taas noong tumalikod at naglakad palayo. Ayaw nyang makita ng babaeng ito ang ka-miserablehan niya. Malapit na siya sa may likod ng gymnasium kung saan walang gaanong taong dumadaan, when she suddenly bump into someone. "Yanna," malungkot na sambit nito. Bahagya pa itong nagulat nang bigla nya nalang itong yakapin. At doon ay hindi nya na nga napigilan ang mga luhang kanina pa gustong kumala. "Jerwin, I saw Josh with a girl. At ang sakit-sakit," she said sobbing. "Sorry, Yanna. I'm sorry kung hindi kita naipagtanggol dahil nilamon ako ng galit ng siya ang piliin mo." Natigilan ang dalaga at unti-unting humiwalay mula sa pagkakayakap dito. "A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya. "Si J-joshua. Matagal n'ya ng girlfriend si Chloe. Noon pa lang parati na namin silang nakikita na magkasama. Kaya nagulat nalang kami nang mabalitaan namin ang tungkol sainyo," Umiling-iling siya. Hindi matanggap ng sistema niya ang sinasabi nito. "Nabalitaan din namin na no'ng mga panahon na tinatawagan ka niya at kinakantahan ay hindi pala siya iyon. Si kevin 'yon." Doon ay tila gumuho ang mundo ng dalaga. Mas lalo syang naghina. Kung hindi pa nga siya naalalayan nito ay malamang bumagsak na siya sa semento. Halos hindi na sya makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman nya. So all this time pala ay pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan nito. Nanginginig ang kalamnan niya dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. "Iwan mo na muna ako dito, Jerwin. Umalis ka na." Sinubukan itong itulak ni Yanna ngunit hindi padin siya binitawan nito. Ramdam marahil ng binata ang panginginig ng katawan niya. Kung bibitawan siya nito ngayon ay sigurado din siyang babagsak siya. "I'm really sorry, Yanna." Sa sobrang sama nga ng loob ng dalaga, at dala narin marahil ng stress, puyat at pagod ay bigla nalang itong nawalan ng malay. Hindi inaasahan ni Yanna na sa pagmulat ng mga mata nya ay si Joshua ang bubungad sakaniya. Nakatayo ito at nakasandal sa may pinto ng clinic. His aura is very different from before. Napaka seryoso ng itsura nito. "You're here." Her voice cracked. Naalala niya kasing muli ang nga sinabi ni Jerwin. "Nandito ako para humingi ng sorry. Jerwin already told you everything right?" he said in a very cold voice. "Alam mo namang sa'yo lang ako makikinig 'di ba? Alam mong kahit anong sabihin mo paniniwalaan ko. Kaya please, Joshua. Sabihin mong hindi totoo ang sinabi ni Je" she pleaded. Wala na siyang pakealam kahit mag mukha na siyang tanga sa harap nito. "Walang dahilan para magsinungaling saiyo si Ortega." "Pero b-bakit? Anong kasalanan ko? Anong ginawa kong masama sainyo at kailangan niyo akong paglaruan ng ganito?" halos pabulong na lamang na sambit ng dalaga. "I have to go now." "Hindi ka man lang ba lalapit?" she wanted to hug him for the last time. "Bakit pa? Go back to your senses, Miyanna. You already know the truth! Bakit pa ako lalapit sayo?" he said then left. And the moment the door closed, tila kalahati na din ng mundo niya ang nawala. Then she suddenly remember what he once said -Wag na 'wag mong gagawing mundo mo yung dapat tao lang- From that day, she promised to herself na hinding-hindi na sya magmamahal ulit ng sobra. At kung magmamahal man syang muli, sisiguraduhin nyang sa tamang tao na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD