"Saan ka pupunta?" Nagulat si Joshua nang marinig ang tinig ng ina. He was about to go out and go to Miyanna's house dahil hindi siya makampante sa pag-iwas nito sakanya ng magtama ang paingin nila ngunit mukhang pipigilan siya ng ina. "Umakyat ka na at kausapin mo si Chloe. Narinig mo naman ang sinabi ng Doktor kanina 'di ba? Kailangan niya ng magpapalakas ng loob niya," dugtong pa nito nang hindi siya makasagot. Walang imik na tumalima na lang ang binata. Nakakailang katok na si Joshua sa kwarto ni Chloe at nang walang makuhang tugon mula dito ay nagpasya na siyang pasukin ito. Hindi katulad kanina, Maayos na ang pagkakahiga nito patalikod sa may pinto at nakatalakbong ng kumot. "Chloe," tawag niya pa rito habang nakatayo sa may paanan nito. "Iwan mo muna ako, Ian. Gusto kong mapag-

