Bahagyang nagulat si Joshua nang bigla na lang dumating sa bahay niya ang kanyang ina at may kasama pang babaeng hindi pamilyar sakaniya. Napansin marahil nito ang klase ng tingin niya kaya naman agad itong nagpakilala. "Good morning, Mr. Rivera. I am Chloe's doctor. I came here because I am very worried about her situation right now." "Hindi niya raw kasi ma-contact si Chloe kaya personal niya na itong pinuntahan sa bahay nila. Mabuti na nga lang at nakita ko siya," paliwanag din ng ina. "She's ignoring my calls and text. I am certain that she is really stressed and hopeless right now because she's experiencing side effects of her heart transplant," malungkot na sabi ng doktor "Kung ganoon, hindi talaga isang daang porsyento ang pag-galing niya kahit na napalitan na ang puso niya?" ta

