"Kuya, okay ka lang ba? Mag-dadalawang linggo ka ng lutang sa tuwing umuuwi ka," nag-aalalang sambit ng kapatid na si Clouie nang lapitan siya nito habang nagpapahangin sa may balkonahe. "Oo naman. Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako." Isang pilit na ngiti ang sumilay sa labi ng binata at saka marahang ginulo ang buhok ng kapatid. Ang totoo niyan ay hindi talaga siya mapanatag dahil hanggang ngayon nga ay hindi niya pa rin muling nakaka-usap si Miyanna. May mga ilang bagay lang naman siyang gustong linawin tulad na lang ng nabanggit ni Kevin noong nakaraan. At gusto niyang kumpirmahin kung totoo bang wala itong nararamdaman para sakaniya. Pero mukhang iniiwasan naman siya ng dalaga dahil sa ilang beses siyang napadaan sa bahay nito sa tuwing uuwi siya ay nakapatay ang ilaw sa bahay nito

