Ngayon ang labas ni Benjamin kaya nagmamadali si Loren na makaalis sa pinapasukang hospital. Nakipag-palit pa nga siya ng schedule sa para lang maka-habol sa pag-labas nito. Kahit na wala pa siyang tulog ay hindi siya makaramdam ng antok basta para lang sa binata. For almost four weeks na naka confine ito ay hindi na ulit nagtagpo ang landas nilani Miyanna. Iniisip niyang baka sa wakas ay natauhan na ito at tinubuan ng hiya matapos niyang sampalin. Pero hindi pa rin makampante dahil nga kung tutuusin rin ay mas matagal ang oras na wala siya doon at naka-duty. Malay ba niya kung sing kapal pala ng balat ng kalabaw ang pagmumukha ng babaeng iyon at baka sumasalisi lang? Pasakay na sana siya sa sasakyan ng may bigla na lamang humawak sa braso niya at pinigilan siya. Kunot-noo at inis na hi

