“WHY are you staring at me like that?” Saway ni Aika nang mapansin niya ang pagkakatitig sa kanya ng binata. Si Mikael. Today will be their last tutorial session. Ilang exams na ang natapos nila. Malapit na rin ang announcement kung sino ang mangunguna sa pagiging top student. Medyo kabado si Aika pero may tiwala naman siya sa mga sagot niya sa exams dahil pinag-aralan naman niya iyon. Ang hindi siya sigurado ay dito sa kakaibang kaba ng dibdib niya sa tuwing kaharap niya si Mikael. “Wala lang. I’m proud of you,” sagot ni Mikael. Isang matamis na ngiti ang sagot ni Aika. “Talaga? Thank you naman! I never heard that kahit galing kay Mom.” “I am always proud of you. Simula nang makilala kita, nasabi ko sa sarili ko na kakaiba ‘tong babaeng ‘to, she’s desperate but her desperation has a

