CHAPTER 1
Iminulat ni Mikael ang kanyang mga mata at nakita ang isang nakakasilaw na ilaw. Puro puti ang nakikita niya sa paligid. Napakurap-kurap pa siya ng ilang mga segundo bago tuluyang ma-realize na nasa hospital siya.
He looked around to see who's with him. Napangiti siya when he saw his mother. Waiting for him to wake up.
"Ma," tawag niya sa ina niya na nakaupo malapit sa hospital bed niya.
Napaluha ito nang makitang gising si Mikael. Tuwing natutulog kasi siya ay kinakabahan at nag-aalala ang ina niya at baka hindi na siya makamulat pa ng mga mata niya. Gano'n siya ka-paranoid.
"Salamat sa Diyos at gising ka, anak. Patuloy kang magigising. Ipinapanalangin ko iyan sa bawat pagtulog mo."
"Hindi pa ako mamamatay, Ma. Puwede na ba akong lumabas?" tanong ni Mikael.
Tumikhim ang ina niya.
"Hintayin muna natin ang nurse, anak. Relax ka lang muna riyan."
Mikael Chavez was diagnosed with heart arrythmia, where his heart beats less than 60 beats per minute wherein the normal heart beat should be atleast 60 to 100 beats per minute. But in Mikael's case, his heart can also beat faster than that of a normal heart beat. Kumbaga, ang pagtibok ng puso niya ay hindi normal tulad ng ibang tao.
Kanina lang ay sinugod si Mikael sa St. Therese' hospital because he fainted while he's cooking in their kitchen. Hindi ito ang unang beses. Hindi sila gano'n kayaman. He just lives a simple life with his loving mom who raised him alone together with his two younger twin sisters, Mikka and Mikki. As their kuya, and someone who stands as the padre de pamilya, Mikael took the responsibility of being the father and the bread winner. Mahina na rin ang ina niya para tustusan ang pangangailangan nila.
Sa nerbyos ng ina, isinugod niya agad si Mikael sa hospital.
"Good morning, Mrs. Chavez. I'm here to check on your son," wika ng nurse na kakapasok lang.
She's around 30's kung titingnan at mukhang mabait naman.
"Doctor Aga just told me to relay his message for you because he's out for an urgent matter this early hour. Ang sabi niya, normal lang naman daw ang pagkakahimatay ng isang taong may arrythmia."
"Delikado po ba 'yon, nurse?" tanong ng ina ni Mikael.
Ngumiti ito saka sumagot.
"Well, according to Doctor Aga, patients with arrythmia can live a normal life, although they can experience such symptoms. Maging aware lang daw po talaga sa cardiac arrest dahil sa sakit ni Mr. Mikael, puwedeng maging above the normal ang heart beat niya any moment."
Tumango-tango ang ina ni Mikael. Nakahinga ito ng maluwag sa kanyang narinig. Pero nangangamba pa rin sa mga posibleng mangyari. Pagkalabas ng nurse ay isang napakalapad na ngiti ang ibinigay ni Mikael sa ina niya.
"Sabi ko sa 'yo, Ma, e." Kumindat pa siya sa ina.
He's undeniably a Mama's boy. He treasure his Mom so much dahil hindi iyon nagawa ng mismong ama nila na inabandona sila para sa babae nito. Mikael grew up responsible pero hindi pa ito nagkaka-girlfriend. Tutok kasi ito sa pamilya. Isa pa ay puro babae ang inaalagaan at iniingatan niya sa bahay nila. Imagine how he carried all the responsibilities that his father gave up on. Mabigat ang bawat araw na kailangan niyang harapin, lalo pa't mayro'n siyang dinaramdam na sakit.
Tuwing sinusumpong, o makakaramdam si Mikael ng symptoms ng sakit niya, ang ina niyang si Aling Maricel ang aligaga. Iniisip kasi nito ang mangyayari sa kanila if ever na may mangyaring masama sa kaisa-isang anak na maaasahan niya. Maliit pa sina Mika at Mikki at hindi pa maaasahan sa bahay. Paranoid na si Aling Tere kung tutuusin.
Kinagabihan, habang naghahanda si Aling Tere ng kanilang hapunan.
"Labas lang ako saglit, 'Ma." Pagpapaalam ni Mikael. He went to the rooftop of the hospital. Dito siya madalas nagpupunta tuwing nao-ospital siya. Sanay na siya sa pagkakahimatay minsan. Isa lang naman ito sa mga symptoms na nararamdaman niya. Mabilis lang naman siyang naco-confine at nakakalabas na rin agad sa ospital but right now, he wanted to go outside and breathe some fresh air na hindi niya malanghap sa apat na sulok ng puting kuwartong 'yon. Malamig at mahamog sa labas kaya nagsuot siya ng jacket na may hood.
Nakatayo siya habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. He has a can of soda in his left hand. Nagulat na lamang siya nang may bumagsak na isang shooting star. Hindi na niya napigilan ang sumigaw sa sobrang pagkagulat at pagkamangha.
"Sana, humaba pa ang buhay ko!" sigaw niya.
Mikael is afraid to die. Iniisip niyang anytime, baka atakihin siya. Anytime puwede siyang bumulagta sa sahig dahil sa abnormal na pagtibok ng puso niya. And the main reason why he's afraid of death is his family. Pamilyang maiiwan niya.
Pero isang boses ang nakaaagaw ng kanyang pansin. A girl from a distant part of the rooftop also shouted and wished from that shooting star. Pero opposite iyon ng hiling ni Mikael.
"Gusto ko nang mamatay! Sana mamatay na lang ako!" sigaw ng babae.
Hindi maiwasang mapatingin ni Mikael sa kanya. Napansin rin ng babae na nagkasabay pa silang sumigaw kaya't napalingon rin ito sa binata.
Kuno't noo si Mikael na nakatingin lang sa kanya.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo?!" Pagsusuplada ng babae.
"Ang pangit naman ng wish mo," sagot ni Mikael saka tumingala sa langit.
"Sorry, I don't talk to strangers."
"You just did. Sinasayang mo ang shooting star." Pambabara ng binata.
The girl crossed her arms and rolled her eyes on him. She's murmuring something he can't actually hear.
Natawa si Mikael.
"Kung gusto mong mamatay, bakit hindi ka na lang tumalon mula dito sa fifteenth floor ng ospital?" Paghahamon niya.
Napalunok ng laway ang babae at hindi nakaimik agad. Tila umatras ang dila niya. Silipin pa nga lang niya kung gaano kataas ang ospital na 'yon ay halos masuka na siya sa lula.
"See? You don't want to die," malamig na sabi ni Mikael.
"You don't know me, bastard," ayaw patalong sagot ng babae.
"Then, introduce yourself? Ano ba ang pangalan mo?" tanong ng binata.
Bahagya siyang lumapit sa babae. Ngayon ay may tatlong metro na lang ang layo nila sa isa't isa.
"Don't come near me. Wala kang alam sa buhay ko kaya't wala kang karapatang makialam."
"I see. Pero alam mo, maraming taong gustong mabuhay. Maraming taong gustong humaba ang buhay sa mundo. You are blessed that you're still breathing until this very moment. Every breath is a blessing and I feel like it's offending to God to wish death for yourself." Mahabang pagpapaliwanag ni Mikael habang nilalapit ang sarili sa dalaga.
Ngayon ay wala nang isang metro ang lapit nila sa isa't isa. Nanlalamig ang babae habang tinitingnan ang binata ng mata sa kanya. It hit her big time. Tinamaan siya ng husto. Para siyang natauhan sa sinabi nito.
Binasa ni Mikael ang nakasabit na name tag ng babae sa kanyang uniform.
"You're Aika. Nice name, with a not so nice mouth," wika ni Mikael.
"Tsk." Inilayo ni Aika ang sarili sa binata at tinalikuran na lamang ito.